CHAPTER 25: TIN & VIN ⚠️
CHAPTER 25
TIN & VIN ⚠️
Sobra ang higpit sa akin ni Nanay at Tatay dahil napagpasyahan ko na lumuwas ng Manila. Ang sabi sabi ni Nanay ay taga Manila saw ang taong inuutangan namin.
Sinubukan kong humingin ng tulong sa mga pulis pero isang linggo na ang nakalipas ay wala akong natatanggap na balita. Nagpaskil na rin ako ng larawan ng anak ko kung saan saan pero wala pa rin.
Hindi ko maggawang kumain o matulog sa isnag ataw nang hindi naiisip ang kalagayn ng anak ko. Kung maayos ba siya? Nakakainom ba siya ng gatas? May naglalaro ba sa akanya? Pinapalotan ba siya ng dipare?
Hindi ko alam. Para akong masisraan ng ulo kapag naghihintay lang ako ng tawag o impormasyon na magsasabi kung nasaan ang anak ko.
Buo na ang pasya ko. Makikipagsapalaran ako sa Manila kahit hindi ko alam ang lugar na iyon. Hahanapin ko ang anak ko saang lupalok man siya dinala.
"Magpapadala pa rin po ako sa inyo Nay, Tay ng pera. Kailangan ko lang talaga hanapin ang anak ko. Mamatay ako kung wala." sabi ko habang umiiyak.
Napatingin ako sa poster na hawak ko. Natuluan ng luha larawan ni Peter dahil s apagiyak ko. Miss na miss ko na ang anak ko.
"Aalis na po ako. Magingat kayo dito Nay, Tay." sabi ko.
"Magingat ka rin Patricia, anak." sabi ni Tatay at ngumiti ako.
Binigyan ko ng huling yakap sila Nanay at Tatay bago tuluyang umalis. Umiiyak ako sa loob ng bus habang iniisip ang lahat ng problema.
Yung anak ko nawawala. Sina Nanay at Tatay ay iniwan ko.
Pagdating ko sa Manila ay hindi ko alam ang gagawin at kung saan tutuloy. Bitbit ang malaking bag ko ay nagtanong tanong ako sa mga tao kung nakita nila ang anak ko.
Binibigyan ko sila ng kpya ng larawan ng anak ko. Ang iba ay tinatanggap ito at ang iba naman ay tinatapon rin pagkatapos. Sinubukan ko rin na pumunta sa mga presinto para humingi sa kanila ng tulong at tutulong naman daw sila.
Peter ko, nasaan ka na?
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng umambon kaya dali dali akong naghanap ng masisilungan. Agad akong tumakbo sa isang pilahan ng mga pasahero sa tricycle at doon muna nagpatila ng ulan.
Pagsilong ko ay napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko at mukhang nakikisilong rin. Hindi ko maiwasan ang mapalunok sa tuwing ngumunguya siya ng pagkain.
Nagulat naman ako ng tingnan niya ako kaya agad kong ibinaling ang tingin sa iba. Ilang sandali pa ay may kumalabit sa akin at paglingon ko ay iyong babae na katabi ko na kumakain.
"Oh." sabi nung babae sabay abot sa akin ng pagkain na kinakain niya kanina.
Kinuha ko ang malaking puto at hindi ko maiwasan na maalala si Adam nang dahil doon. "Salamat." sabi ko.
"Ako si Tin Imperial." pagpapakilala niya at ngumiti ako. Inabot niya sa akin ang isang inumin at tinanggap ko iyon.
"Ako si Patricia, Pat nanlang ang itawag mo." sabi ko at tumango tango siya habang pinapanood akong kumain.
"Bago ka dito sa Manila?" tanong niya at tumango ako. Hindi ako makapagsalita dahil kumakain ako.
"Naalala ko sa iyo yung kapatid kong si Christina. Miss na miss ko na yung Nanay at kapatid ko." kwento niya at nakinig lang ako.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang siya naman ay nagkwekwento at nagtatanong sa akin. "Anong ginagawa ko dito sa Manila?"
"Hinahanap ko yung anak ko." sambit ko at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. "May alam ka bang pwedeng pagtrabahuhan at pwedeng matirahan?" tanong ko sa kanya.
"Doon sana sa apartment ko pero bawal ang may kasama kasi mahigpit ang landlady. Puno na rin doon pero may alam pa akong iba." sabi niya.
Sinabi sa akin ni Tin kung saan iyong apartment na tinutukoy niya at ang sabi pa niya ay sasamahan niya ako. Nagkwentuhan lang kami habggang sa tumila ang ulan.
Naikwento niya sa akin na umalis siya sa dati kiyang trabaho at naghahanap ngayon ng ibang trabaho na kung saan ay kikita siya ng malaki. Malaki daw kasi ang pangangailangan niya dahil takot na takot siyang mawala ang Nanay niya kaya kahit ano daw ang trabaho ay papasukin niya.
Dumating kami sa apartment na tinutukoy niya. Hindi iyon kalakihan pero kinuha ko na lang rin. May konting pera pa akong natitira at hindi ko maiwasan magisip kung saan at paano ako kukuha ng pera sa paghahanap ng anak ko.
"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Babalik ako dito para bisitahin ka." sabi ni Tin matapos ilagay ang cellphone number niya sa cellphone ko.
"Aalis na ako." paalam niya at tumango ako.
Bago siya unalis ay huminga pa siya ng larawan ng anak ko para paguwi niya daw ay bibigyan niya ang mga taong makakasalamuha niya.
Nagpahinga ako ng isang oras at matapos nun ay napagpasyahan ko na lumabas para ipagpatuloy ang paghahanap ng anak ko.
Bitbit ang natitirang flyers ng anak ko ay nagsimula na ulit akong maghanap sa anak ko. Lahat ng nakakasalubong ko ay binibigyan ko.
Natigilan naman ako ng may sasakyan na huminto sa harap ko. Bumaba ang bibtana nito at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakatingin sa akin.
Agad kong inabot sa kanya ang flyers ng anak ko. "Baka makita niyo po yung anak ko" sabi ko.
Nabuhayan naman agad ako sa sinabi niya. "Nakita ko itong anak mo."
"Talaga po?" hindi ako makapaniwala at nakaramdam. agad ako ng galak.
Bumaba ang lalaki at lunapit sa akin. "Halika at sasamahan kita." sabi niya.
Hindi na ako kaagad nagdalawang isip at agad na tumango. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinasakay ako.
Habang nagbabyahe ay ang daming tumatakbo sa utak ko. Sa walas ay makikita at makakasama ko na agad ang anak ko.
Huminto ang sasakyan at naunang bumaba ang lalaki. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nagtaka ako kung bakit nasa liblib kaming lugar.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at nanlaki ang mata ko nang may nakatutok sa akin na kutsilyo. "Baba." utos niya at kahit kinakabahan ay ginawa ko ang sinabi niya.
Hinihila niya ako habang nakatutok sa tagiliran ko ang kutsilyo. Nagsimulang tumulo ang luha ko nang bigla niya akong itulak sa damuhan.
Sinubukan kong tumayo para tumakas pero napakabilis niya at agad akong napaibabawan para hawakan ang dalawang kamay ko.
"Wag ka nang magtangkang tumakas kundi papatayin kita." pagbabanta niya.
Dinaganan niya ang binti ko gamit ang tuhod niya para hindi ako makagalaw. Ang sunod niyang ginawa inalis ang suot niyang belt at ibinaba ang suot niyang pantalon.
"Maawa po kayo." umiiyak kong sabi at sinimulan niyang hawakan ang dibdib ko at halikan ang leeg ko.
"Maawa po kayo sa akin." paguulit ko pa pero mukhang wala siyang balak na itigil ang binabalak sa akin.
"TULONG!" sigaw ko at tinakpan niya ang bibig ko. Nakita ko naman na kinuha niya ang kutsilyo at itinutok sa akin.
"Subukan mo pang sumigaw at hindi ako magdadalawang isip na itusok ko ito sa iyo." sabi niya.
Ang sunod na nangyari ipinasok niya ang kanyang ari sa akin habang ako ay umiiyak na lamang. Hindi ko na sinubukan pang sumigaw dahil baka patayin niya ako. Ang tanging naisip ko na lamang ay mabuhay dahil kailangan ko pang makita ang anak ko.
Matapos akong halatin ng lalaking matanda ay hinagisan niya ako ng pera sa mukha na para bang isa akong babaeng bayaran.
"Salamat!" sambit niya at tuluyang unalis habang naiwan akong nakahiga sa damuhan at nakahubad ang pangibabang damit.
"Ang daya ng Diyos." umiiyak kong sambit. "Pagod na pagod na ako."
Ilang minuto akong tulala at tsaka tuluyan akong nabalik sa reyalidad na kailangan kong hanapin ang anak ko. Bumabgon ako sa damuhan at sinuot ang damit na hinubad sa akin nung lalaking matanda.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero naglakad lakad ako hanggang sa may nakita na akong mga sasakyan. Gulo gulo ang hitsura ko kaya napapatingin sa akin ang ilan.
Muli akong naiyak nang maalala ang nangyari kanina. Gusto ko lang naman mahanap ang ko pero ganito ang nangyari sa akin.
Napakapa ako sa pantalon kong suot at may nakapa ako g bente pesos doon. Naghanap ako ng tindahan at bumili ng blade.
Nagsimula ulit akong maglakad at sa bawat hakbang na ginagawa ko ay hinihiwaan ko ang aking palapulsuhan. Ilang sandali pa ay nagsimulang tumulo ang dugo at hinayaan ko lang iyon.
Nang may makita akong tulay ay agad akong tumayo doon para tumalon. "AYOKO NA!" sigaw ko at aamng tatalon ako nang may bumalot sa akin na isang jacket.
Hinila ako ng kung sino man at agad na tinapalan ang palapulsuhan ko na dumudugo. Nanghihina na ang katawan ko kaya natumba ako. Binuhat ako nung lalaki at isinakay sa loob ng sasakyan niya.
Re-rape-in naman ba ako? Bakit hindi ba hindi na lang ako hinayaan na mamatay kanina. Sambit ko sa isipan at tuluyan ng nanghihina.
Ang sunod na nangyari ay hindi ko na alam basta nagising na lang ako na nakahiga sa isang hospital bed at pagtingin ko sa gilid ay may isang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay siya iyong tao na tumulong sa akin kanina.
"May gusto ka bang kainin? May masakit ba sa iyo?" tanong niya at naiyak ako.
"Salamat sa pagtulong sa akin." sambit ko at agad niyang akong nilapitan at niyakap para patahanin. "Nakakapagod ang buhay pero kailangan mong magpatuloy. Laban lang." sambit pa niya habang pinapatahan ako sa pagiyak.
"Anong pangalan mo?" tanong ko.
"I'm Vincent Lopez." pagpapakilala niya.
"Ako si Patricia." pagpapakilala ko.
"May gusto ka bang kainin?" tanong niya at tumango ako. Sinabi ko sa kanya ang pagkain na gusto kong kainin at sinabihan niya ako na hintayin siya pero labaliktaran ang ginawa ko dahil tumakas ako sa hospital.
Ayoko nang maging pabigat pa sa ibang tao.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Ito ang may pinakamahabang chapter so far. Anong masasabi niyo?
WARNING: THIS IS NOT A TYPICAL STORY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro