CHAPTER 15: HALIK
CHAPTER 15
HALIK
Inabot sa akin ni Adam ang bag ko at hinila ako papalapit sa kanya sabay yakap. Hinalikan niya ako sa noo, sunod sa ilong at sa labi.
"Bye Ma'am." paalam niya sa akin. "I love you."
"I love you too." sagot ko naman.
Inayos niya ang bangs ko at matapos nun ay pinapapasok na niya ako sa loob ng bahay namin. Hinintay niya muna akong makapasom bago siya umalis.
Medyo basa pa ako ng pawis dahil nagCAT kami ngayon. Tulad ng dati ay ako na naman ang naiiba. Walang PE uniform at ako lang ang naka-uniform.
Sinabihan din ako kanina na bumili na ng bagong PE uniform pero hindi ko alam kung kailan ako makakabili. Eh itong uniform ko nga ay dahil lang kay Dave.
Walang tao at tahimik sa buong bahay kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Lalabas na sana ako nang marinig ko na nagtatalo sin Nanay at Tatay.
"Ang laki pa ng babayaran sa utang natin. Pa'no ito?" nahahagas ni Nanay na sabi.
Napakagat ako sa pangibaba kong labi dahil sa narinig. Kahit mahirap kami ay pilit ng mga magulang ko ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ko pero hindi ko inasahan na ganito na pala namomroblema sina Nanay at Tatay.
"Hindi rin sasapat ang perang inipon natin. Hindi rin natin iyon pwedeng galawin dahil para sa pangkolehiyo iyon ni Pat." rinig 7kong sabi ni Tatay at nanubig na ang mga mata ko.
Natahimik sila sandali at doon ako nagtyempo na lumabas na sa kwarto ko. Nagakto ako na walang narinig at nagmano sa kanila.
Ang pamomroblema kanina nila ay kabaliktaran ng nakikita ko. Nakangiti sila ngayon sa harapan ko at alam kong ayaw ipaalam sa akin ang problema.
"Kumain ka na ba anak? May turon akong binili kanina para sa'yo." sabi ni Tatay.
"Salamat po." sabi ko at kinuha ang turon na inabot sa akin.
Habang kumakain ako ng turon ay kinakamusta ng Nanay ang pagaaral ko at ganun din naman si Tatay. Kung minsan naman ay nasasama sa usapan namin si Adam.
"Nanay, Saan ka po pupunta?" tanong ko nang kakita kong naggagayak si Nanay.
"Maglalaba ako sa mansyon ng mga Delos Reyes." aniya.
"Samahan na po kita, tutulungan kita Nay." sabi ko. Alam ko kasi na hindi rin kakayanin ni Nanay dahil medyo mahina na siya kumpara dati.
Hindi pumayag si Nanay sa pagboluntaryo ko pero nakailang pilit pa ako sa kanya para lang pumayag na tulungan ko. At sa huli ay wala siyang naggawa kundi ang pasamahin ako.
Pagpasok namin ni Nanay sa loob ng mansyon ng mga Delos Reyes ay wala pa ring pinagbago ito. Ang nabago lang ata ay ang mga pwesto ng mga sofa at mga vase.
Bata pa ako noong makapasok dito at madalas kaming pumupunta dito para maglaba si Nanay. Sa tuwing sinasama ako ni Nanay ay tumutulong ako sa ibang mga kasambahay pero isang araw ay pinatigil ako ni Mrs. Delos Reyes at pinalaro na lang kasama ng anak niya at ang anak niyang yun ay si Dave.
Speaking of Dave ay sinalubong niya kami ni Nanay. Agad siyang nagmano habang ako naman ay nakayuko lang at nahihiya sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko binubuksan yung envelope na binigay niya.
"Hi Pat." bati niya at umangat ako ng tingin at mataman na ngumiti.
Pagtingin ko sa kanya ay basa pa ang buhok niya at mukhang kakaligo lang. NAkapambahay lang din siya ngayon. Tumango ako sa kanya noong pupunta na kami ni Nanay salikod ng bahay nila para maglaba na.
Mano mano ang ang paglaba sa damit ng mga Delos Reyes. May mga washing machine naman pero kadalasan ay ginagamit iyon sa mga kumot at punda. Nagsimula kaming maglaba ni Nanay at akmang tutulong ako sa pagkusot ng mga damit ay sinaway niya ako. Ako na lang daw ang magsampay.
Hindi sansa ako papayag kaso ang kulit ni niya kaya napakamot na lamang ako.
HAbang hinihintay ang mga damit na isasampay ay napagpasyahan kong pumuntang garden para magdilig na lamang. Ginagawa ko rin iyon noon dito noong bata pa ako.
Kinuha ko ang hose at binuksan ito. Nagsimula akong magdilig habang nagha-hum ng paboritong kanta namin ni Adam na
Natigilan naman ko at nanigas ang katawan ko ng may kamay na humarang sa mga maat ko. PAhawak ko para alisin iyon ay nagulat ako na si Dave pala.
"Nakalimutan mo na?" nagtatampo niyang sabi sa akin "Palagi kitang ginaganun kapag lalapitan ka. Agad mo ngang nahuhulaan na ako iyon kasi ako lang naman ang gumagawa nun sa'yo." kwento niya.
"Sorry, matagal na yun eh." sabi ko at napakamot ako sa buhok ko. Tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagdidilig sa mga halaman at bulaklak.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya na medyo iknailang ko. Sandali pa ay tinawag niya ako. Nagdadalawang isip sana ako na lingunin siya pero nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko siya at may hawak na isang pusa.
"Naalala mo pa? Si Tomtom?" aniya at tumango ako. Matapos nun ay tinalikuran ko na siya at pumunta na kay Nanay.
Inalis ko sa daliri ko ang singsing na bigay ni Adam dahil baka kalawangin at masira iyon. Made of stainless pa naman ito at madaling masira. Hindin man ito mamahalin pero sobra sobra ang halaga nito para sa akin.
...
Araw-araw ay hatid sundo ako ni Adam katulad na lang ngayon. Kung minsan pa nga ay tumatambay din siya sa bahay at kulang na lang ay doon na tumira. Hindi pa siya uuwi kung hindi ko pa sasabihan.
Napanguso ako at pinalobo ang magkabilang pisngi dahil inaalala ko ang singsing na bigay sa akin ni Adam. Kagabi ko pa kasi iyon hinahanap kaya naman todo tago ako ngayon ng kamay ko dahil baka magtampo siya kapag nalaman niyang hindi ko iyon suot.
Magkatabi kami ngayon ni Adam sa upuan dahil wala pa ang teacher namin. Ginawa kong unan ang braso ko habang siya naman ay sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. "Nagpunta ako kahapon sa bahay niyo pero sabi ni Tatay ay sumama ka daw kay Nanay para maglaba sa mga Delos Reyes."
"Maka-nanay at tatay ito, anak ka ba nila?" pangaasar ko sa kanya at pinitik niya ang noo ko.
"Papunta na rin tayo doon. Balang araw din naman ay tatawagin ko silang Nanay at Tatay kapag naging mag-asawa na tayo." nakangisi niyang sabi.
Nang dahil nabanggit ni Adam ang kasal ay naalala ko tuloy ang singsing ko. Noong umuwi kasi kami ni nanay galing sa mansyon ng mga Delos Reyes ay wala na iyon. Ang hinala ko ay naiwan ko yun doon sa mansyon.
Bigla akong nabalik sa reyalidad nang magsalita ulit si Adam.
"Ang ganda mo Ma'am Pat. Ang sarap mong mahalin araw-araw." kinikilig na sabi ni Adam at pinanggigilan ang pisngi ko. Hindi pa nakuntento ang shunga dahil pinisil niya iyon at hinalik halikan.
Napangiwi ako at hinampas siya sa braso dahil basang basa ng laway ang pisngi ko. " Ang landi mo talaga." sabi ko.
"Hindi iyon landi, sadyang mahal lang kita." pagdadahilan pa niya.
Naputol ang paghaharutan namin ni Adam nang may tumawag sa akin. Agad akong tumayo at lumabas. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Adam at dahil dun ay kinabahan ako.
"Bakit mo hinahanap ang girlfriend ko?" biglang sulpot nasabi ni Adam na nasa likuran ko lang pala.
Napakagat ako sa labi at napayuko na lang dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Aah kase naiwan ni Pat itong singsing niya sa bahay namin." sabi ni Dave.
Nakita ko ag paglahad ni Adam ng kamay sa kanya at ang sunod na nangyari ay ibinigay na ni Dave ang singsing sa kanya. Hinintay muna namin siyang makaalis at tsaka lang kami nagkibuan ni Adam.
Kinuha niya ang may ko at isinuot ang singsing sa akin. "Wag mo itong iwawala." sabi niya sa akin at ramdam ko na nagtatampo siya. Bumalik kami sa upuan at hindi na siya nagsalita. Sinubukan kong magsorry sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Nagsimula ang klase ay lumilipad ang isipan ko at halos maiiyak na sa kakaisp kay Adam. Sa kung paano ko siya makakausap at makakahingi ng sorry. Hindi ko naman kasi sinadya na maiiwa ko yung singsing sa mansyon.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay. Kalmahan natin, nagbababala lang ako para hindi kayo mabigla. Ang dami ko na rin nabigay na clue na mangyayari sa future hehehe. Check my latest video on tiktok.
Tandaan: Kilig now, Iyak later
Baka bukas makalawa ibinagsak ko na ang bomba hahaha. May theory na ba kayo?
May update pa mamayang 10PM.
THIS IS NOT A TYPICAL STORY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro