CHAPTER 13: MONTHSARY
CHAPTER 13
MONTHSARY
Kanina ko pa napapansin na nakatitig sa akin si Adam kaya medyo naiilang ako. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan niya ako.
"Nakaliptint ka?" tanong ni Adam at napakagat ako sa labi ko. Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil mukhang alam naman niya.
"Kung nagpapaganda ka sa akin, hindi na kailangan. Walang ibang pinakamaganda sa akin kundi ikaw lang at ang mama ko. Kahit mabulag pa ako ikaw pa rin ang pinakamaganda." wika niya at napakamot ako sa ulo.
Nagpagganda lang naman ako ngayon dahil 3rd Monthsary na namin. Kanina pa ngang unaga ako naghihibtay na batiin niya ako pero mukhang nakalimutan niya ata.
"Alisin mo yung liptint mo. Baka isipin ng ibang lalaki na sila ang pinagagandahan mo." masungit niyang sabi.
"Ang sungit mo ngayon! Bahala ka dyan." pagiinarte ko at tinalikuran siya para pumwesto na sa kinauupuan ko.
Nakakainis si Adam. Palagi naman kami nagcecelebrate ng monthsary pero mukhang nakalinutan talaga niya. Ang shunga shunga pa naman niya!
Buong klase ay hindi kami nagpansinan ni Adam na mas lalo kong ikinairita.
Wala ba siyang balak suyuin nang girlfriend niya?
Nang oras ng recess ay lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko para siya ang magbitbit. Tulad kanina ay hindi pa rin siya nagsasalita.
Nang maglakad kami sa hallway ay kita ko sa malayo na makakasalubong namin si Dave. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Ngingitian ko sana pabalik si Dave pero nagulat ako nang may humarang ng notebook sa mukha ko.
"Akin ka lang." sabi ni Adam habang nakaharang pa rin ang notebook sa mukha ko. "Bawal ng iba makita ang mukha mo, akin ka lang." sabi pa niya.
Napanguso ako ng wala sa oras pero ang shungang Adam ay hinalikan ako. Enebe yan! Baka may nakakita sa amin nakakahiya.
"Tara na Mahal." sabi niya at pinagsiklop niya ang kanay namin. Ang korni talaga nung Mahal!
Dumiretso kami sa palagi naming tinatambayan ni Adam. Doon sa may malaking puno na malapit sa field.
"Adam, wala ka bang naalala ngayon?" tanong ko. Third Monthsary namin ngayon at sisipain ko talaga ang alaga niya kapag hindi niya maalala.
"Ahm wala." sabi niya at sinipa ko ang bat na nasa paahan ko. Lumapit ako sa kanya at sinipa siya sa pagitan ng hita.
"Aray ko!" sigaw niya sabay hawak doon sa pagitan ng hita niya.
"Nagpromise ka sa akin na dapat hindi natin makalimutan ang monthsary natin tapos ikaw itong nakalimot. May pa 'Mahal Mahal' ka pa dyan. Nakakainis ka!" naiinis kong sabi.
Pero lalo akong nagtataka kay Adam dahil alam kong nasakita siya sa pagsipa ko pero ngayon ay tumatawa siya.
"Ang cute mo magtampo at ang sakit rin ng pagkakasipa mo." sabi niya at lumapit siya sa akin.
"January 20, 2007. Third Monthsary natin." sabi niya at hinila ako papalapit sa kanya sabay yakap.
"Happy 3rd Monthsary Patricia. Kung pwede lang na pakasalan kita ngayon gagawin ko eh. Pero sa ngayon ay sasakalin muna kita ng sobrang pagmamahal."
"Happy 3rd Monthsary din. Sorry kung sinipa ko yung ari mo. Ilaw kasi bakit ka nagkunwari na nakalimutan mo. Ang sarap mong sapakin." sabi ko sa kanya at tumawa siya.
"Ang sweet nang pagbati ko sa iyo tapos ang bayolente njng sa'yo. Grabe ka naman Ma'am."
Naupo kami ni Adam sa damuhan. Nakasandal ako sa puno habang siya naman ay nakahiga at nakaulo sa may binti ko.
Nakatingin ako sa gwapong kukha ni Adam habang nginguya ang puto na isinubo niya sa akin. Puto kasi ang bain niya at gawa iyon mismo ng mama niya.
"May sikreto ako." sabi ni Asam at kumunot ang noo ko.
"Kung sasabihin mo ay anak ka ng Mafia, ulol! Tigilan mo ako sa kalokohan mo." sabi ko at ngumisi siya.
Inabot niya ang tainga ko para ibulong sa akin ang sikreto niya. "Ang sarap mong mahalin Pat." sabi pa niya at kita ko ang pamumula ng kanyang tainga at pisngi.
"Kinikilig ka?" tanong ko at umiling siya. "Kinikilig ka eh." tukso ko pa kaya mas lalo siyang mamula.
"Oo na! Kinikilig na ako. Sino bang hindi kikiligin?"
Tumawa ako dahil sa pagsuko niya. Matapos nun ay hinalikan ko siya sa noo. Muli akong tumingin sa field at mula sa malayo ay nakita kong nakatanaw si Dave sa amin. Nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya at umalis na rin.
Hindi ko maintindihan pero iba lagi ang pakiramdam ko kay Dave. Kilala ko siya at alam kong mabait siya pero iba talaga ang nararamdaman ko kapag nandyan yung presensya niya.
Nang magtime na ay bumalik na kami ni Adam sa room at siya pa rin ang may bitbit ng bag ko. Napagusapan din namin na magde-date kami bukas sa mall na una naming beses na gagawin.
May kalayuan ang mall dito sa lugar namin at tsaka simple lang din naman kami magcelebrate ni Adam ng monthsary.
Pagdating namin sa room ay wala pa ang teacher namin. Si Adam naman ay nagpaalam sa akin na pupunta lang CR at napailing ako doon. Pati ba naman pag-CR niya ay magpapaalam siya sa akin, ano ako nanay niya.
"Baka mamiss mo ako eh." iyon ang oagdadahilan ni Adam kaya siya nagpaalam sa akin na pupunta siyang CR.
Habang hinihintay ang teacher namin ay kinuha ko ang notebook ko at binuksan iyon. Pinunta ko iyon sa last page at bumungad sa akin ang mga calligraphy ng pangalan namin ni Adam na ginawa ko noon pang unang arawa ng pasukan.
Hindi rin nakalagpas ang flames na ginawa ko sa aming dalawa. Alam kong medyo pang-Elementary iyon pero trip ko lang talaga. Naniniwala talaga ako na mangyayari ang magiging resulta ng flames.
Araw-araw kong nife-flames ang pangalan namin ni Adam at ang palaging resulta ay F na ang kahulugan ay forever.
May forever sa amin ni Adam.
Pero minsan sumasagi rin sa isip ko na forever ba talaga ang meaning nun kasi sabi ng iba ay friends lang kasi wala namang forever.
Ganun pa man ay paniniwalaan ko iyong f na forever. Totoo iyon eh! Tsaka nangako na sa akin si Adam na hindi niya ako sasaktan at alam kong tototohanin niya iyon.
"Patricia." tawag sa akin ng isa kong kaklase at pagangat ko ng tingin ay sinesenyasan niya ako na lumapit sa kanya.
Sinarado ko ang notebook at lumapit sa kaklase kong tumawag sa akin. Paglapit ko ay nakita ko si Dave.
"Hinahanap ka ni Dave." sabi niya.
Pagtingin ko kay Dave ay napayuko siya at nagkamot sa ulo. "Bakit?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita at may inabot sa akin na isang envelope. "Para saan ito?" tanong ko.
"Para sa iyo yan. Ginawa ko iyan at sana mabasa mo." nahihiya niyang sabi at tumango ako.
"Napadaan lang ako para ibigay yan sa iyo." sabi pa niya.
"Ahhh ganun ba, salamat." sabi ko.
Tumango siya sa akin at tsaka umalis. Saktong pagkaalis niya ay ang pagdating ni Adam at agad kong itinago ang hinigay ni Dave sa akin.
Hindi ako sigurado kung ano iyon pero seloso si Adam kaya tinago ko muna iyon. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag nalaman ko na ang laman nung envelope.
"Namiss mo ako noh?" sabi ni Adam at sinusundot ang tagiliran ko.
"Shunga! Hindi kita miss. Miss na miss kita." sagot ko sa kanya at napataklob siya sa palad sa mukha. Halatang kinilig ang shunga!
"Kinikilig ako." sabi niya at tumawa ako. Ang lakas ng loob pang umamin.
Nang makatiempo ako ay agad kong siningit ang envelope na bigay ni Dave sa akin sa notebook ko.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat pi sa pagbasa at paghintay ng update. Check my latest video on wattpad. Bukas ulit!
Happy 10k followers!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro