CHAPTER 1: I LOVE YOU ✅
CHAPTER 1
I LOVE YOU
Suot ang lumang uniform at sapatos na malapit nang masira ay hindi ko inalintana ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nabungaran ko pagpasok sa school.
Nakakahiya man na isipin na ako na lang ang naiibang suot o uniform dito sa school pero wala akong maggagawa dahil wala kaming pera pambili ng panibaging uniform.
Last year kasi ay naglabas ng bagong design ng uniform namin at dahil wala nga kaming pera ay hanggang ngayon ay lumang uniform pa rin ang suot ko.
"Psst!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit alam ko kung sinong asungot ang sumisitsit sa akin. Ilang sandali pay biglang may umakbay sa akin.
"Sungit!" bulong ni Adam sa tainga ko sabay kurot sa aking pisngi.
"Maganda naman." sabi ko.
"Nagsalita ang hindi." tumatawa niyang sabi at tinulak ko siya palayo sa akin dahil nainis ako.
"Joke lang Ma'am Pat, ito naman." aniya sabay taas ng dalawang kamay na para bang kriminal na sumuko sa mga pulis.
Napatingin ako sa uniform niya, sobrang linis at puti nito. Bagong design na uniform na iyon at hindi tulad nitong akin na sobrang dilaw na at may mga mantsa pa.
Minsan napapaisip ako na hindi ba nahihiya si Adam na may isa siyang kaibigan na madungis at mahirap tulad ko.
"Tara na Ma'am Pat." pagaaya niya sa akin ng makalapit.
Naglakad na kami papuntang classroom. Muli niya akong inakbayan at hinayaan ko na lamang iyon. Sanay na akong ganun na palagi niya akong inaakbayan.
Pagpasok namin sa classroom ay nakipagkamustahan si Adam sa mga kaibigan niyang kaklase habang ako naman ay dumiretso sa upuan ko.
Ang kinauupuan ko ay malapit sa may bintana. Tumayo ako at sumilip sa bintana para panoorin ang mga estudyanteng nasa court.
Nakita ko doon si Dave na isa sa mga kilala dito sa school. Kadalasan ay sa magulang ni Dave umuutang ang magulang ko para sa pang araw-araw namin.
Magkakilala kami ni Dave at magkaibigan noon pero hindi na ngayon.
Karamihan sa mga kaedad ko ay sinasabi nilang pinakamasakit daw iyong pinagpapalit o iniwan ka pero para sa akin, pinakamasakit makitang nahihirapan yung magulang ko.
Sandali akong natigilan nang lumingon si Dave sa kinatatayuan ko at bigla akong kinindatan. Nagulat naman ako ng biglang may nagsarado ng bintana.
"Nandyan na si Sir." imporma ni Adam na siya pa lang nagsara ng bintana.
"Bakit mo sinara yung bintana?" tanong ko.
"Bakit ka nagpapakindat kay Dave? Huh?"
Wala akong naisagot sa sinabi ni Adam at bumalik na lang sa kinauupuan ko. Tsaka ano naman kung kinindatan ako ni Dave. Eh siya naman ang crush ko. Si Adam ang crush ko.
Ay! Pasmado bibig ko, nadulas tuloy ako.
...
Napatingin ako kay Adam na kanina pa nakakunot ang noo at nagkakamot sa ulo habang nakatingin sa textbook namin.
Nandito kami ngayon sa library. Vacant kami sa isang subject kaya naisipan namin na gawin na ang mga assignments sa ilang subject.
"Ma'am Pat! Paano ito?" nahihiya niyang tanong sa akin.
Ma'am Pat, iyon palagi ang tawag niya sa akin dahil sa aming dalawa ay ako ang boss. Iyon rin ang naging tawag niya sa akin dahil kadalasan ay ako ang nagtuturo sa kanya sa mga subject na hindi niya masyadong maintindihan.
Tumayo ako sa kinauupuan at lumipat sa kanyang tabi.. Ibinigay niya sa akin ang libro at itinuro ni Adam ang hindi niya maintindihan. Binasa ko iyon at pinagaralan muna bago sa kanya ipaliwanag.
Bumuntong hiningaa ako at ibinigay sa kanya ang libro para mas madali niyang makita at mas maipaliwanag ko nang maayos.
Nagsimula akong magsalita at magpaliwanag pero ilang sandali pa ay nahuli kong hindi nakikinig si Adam. Sa halip na makinig sa akin ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Ang ganda mo." sambit niya sabay taas ng isang kilay at pinitik ko naman ang noo niya.
"Nagkukunwari ka lang ata na hindi mo ito alam eh. Nakakainis ka naman Adam." reklamo ko sa kanya at napakamot siya sa kanang tainga.
"Sorry na Ma'am Pat, gusto lang kitang matitigan ng malapitan." aniya at hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o ngumiti pero kinilig ako sa sinabi niya.
"Oh talaga? Dapat nagsabi ka na lang nahiya ka pa." sagot ko at tumawa siya.
Napahikab naman ako dahil inantok ako bigla. Tuwing gabi kasi ay tinutulungan ko si Tatay na magbenta ng balot kung hindi naman ay nagbebenta ako ng sampaguita.
"Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita mamaya." sabi ni Adam at hinawakan ang ulo para sumunod na ako sa kanya.
Napanguso na lamang ako at sinunod ang sinabi niya. Inilagay ko ang dalqang braso ko sa lamesa at ginawa iyong unan.
Pumikit na ako at ilang sandali pa ay may naramdaman akong dumampi sa pisngi ko. "Ang ganda mo, akin ka na lang." rinig ko at hindi ko alam kung totoo ba iyon o panaginip.
Basta ang alam ko lang ay boses iyon ni Adam.
...
"Ha! Awh!" sigaw ko nang mapaso ako nitong bagong lutong kwek-kwek. Pinaypayan ko ang bibig para mawala ang init.
"Dapat kasi hindi agad kinain." sabi sa akin ni Adam.
"Ano? Masakit pa ba ang dila mo? Dalhin na kaya kita sa clinic." nagaalala niyang sabi habang nakatingin para sa akin.
"Shunga! Napaso lang yung bibig ko hindi naman kailangan dalhin sa clinic. OA nito." sabi ko sa kanya at kumuha na ulit kwek-kwek at kikiam sa lagayan.
Nandito kami ngayon sa isang tulak tulak na bilihan ng street food na matatagpuan lang malapit sa gate ng school.
Sinabi ko kay Adam na ililibre ko siya dahil tinotoo niya yung sinabi niya kanina sa library na gigisingin niya ako kapag time na.
Nang magbabayad na ako ay napatingin ako sa plastic cup namin pareho ni Adam at nakita kong parehas kami ng dami na kinuha.
Paktay! 30 pesos lang ang meron ako.
"Kuya magkano?" kinakabahan kong tanong.
"50 pesos lang po." aniya.
Napakamot ako sa ulo at napaisip kung anong gagawin ko para mabayaran ko. Hay! Bahala na, sasabihin ko na lang utang muna yung 20.
Kukuha na sana ako ng pera ko sa bulsa nang biglang nagbayad si Adam. "Kuya oh!" sabi niya sabay abot ng 50 pesos.
Nagsimula kaming maglakad at pinagsabihan ko si Adam na dapat ako ang nagbayad at hindi siya pero ang sabi niya ay hayaan ko na daw. Isipin ko na lang daw na date namin ito kaya nilibre niya ako.
Date niya mukha niya.
Malapit lang bahay namin pareho ni Adam. Sa tueing uuwi kami ay mauunang madaanan ang bahay nila pero ang ginagawa niya ay lumalagpas siya para lang ihatid ako sa bahay namin.
"Salamat sa paghatid." sabi ko at inalis na ang pagkakaakbay ni Adam sa akin.
"Sige, uuwi na ako Pat." sabi niya at hinihintay akong makapasok sa bahay namin.
Papasok pa lang ako sa loob ng bigla akong tawagin ulit ni Adam. "Pat!" lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"I love you..." sabi niya at nanlaki ang mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niyang iyon pero agad napawi ang nararamdaman ko nang marinig ang kadugtong sa sinabi niya. "...as a friend." nakangiti niyang sabi sabay hawak sa batok.
Bwisit ka Adam! Paasa ka!
Nakakaiyak naman yung 'as a friend'
"I love you too..." sagot ko na lamang at umigting ang panga niya dahil sa sagot ko. "...as a friend." dugtong ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.
MISTERCAPTAIN
Professor
Baka araw-araw ang update dito. Ang plano ko ay matapos ito bago mag bagong taon. Sana kayanin hahaha. Depende sa pagupdate ko baka kasi magdalawa o tatlo ako kapag nasa kalagitnaan na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro