Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Distance Begins

CYRONE'S POV

Lumipas ang mga araw, at naging matalik na magkaibigan kami ni Sipunin. Lagi siyang umaakyat sa puno papunta sa kwarto ko, at madalas kaming maglaro. Minsan, dito na rin siya kumakain sa bahay, at minsan naman, ako ang pumupunta sa kanila para maglaro. Sabay pa kaming naliligo sa dagat kapag sobrang init ng panahon.

Isang hapon habang nasa likod kami ng bahay:

“Batang mayaman, wag mo akong kakalimutan ha. Kapag bumalik na kayo sa totoo ninyong bahay, alalahanin mo pa rin ako,” sabi niya, may kaunting lungkot sa boses.

“Makakalimutin ako, eh,” biro ko.

“Kainis ka! Will you marry me, batang mayaman?” bigla siyang lumuhod, hawak ang lollipop niya. Hindi ko napigilang tumawa—mga matatanda lang ang gumagawa niyan!

Tumayo siya agad, nagtatampo. “Ba’t ka tumatawa?”

“Bata pa tayo, eh,” sabi ko, sinisikap na hindi matawa ulit.

“Eh, gusto ko ako ang maging asawa mo,” seryoso niyang sabi, pero may halong kalokohan pa rin sa tono.

“Lagot ka sa Nanay mo! Bawal ‘yan, bad ‘yan para sa atin,” sagot ko, pero natatawa pa rin.

“Di naman tayo mag-aasawa ngayon, paglaki pa natin.”

“Eh ‘di, paglaki na lang tayo mag-wi-will you marry me,” sabi ko, halakhak ko pa rin ang nangingibabaw.

“Kasi, yung pinsan ko, nag-will you marry siya kay Ate Meme. Kaya nag-will you marry din ako sa’yo, para kahit umalis ka, di mo ako makakalimutan.”

“O sige, ako na lang mag-will you marry sa’yo. Dapat lalaki ang nagtatanong, ‘di ba? Yan kasi nakikita ko sa palabas sa TV” Kinuha ko ang lollipop niya at lumuhod. “Will you marry me sipunin?” tanong ko

Binuksan ko ang lollipop at iniabot sa kanya. “Sabihin mo ‘Yes,’” sabi ko, medyo kinakabahan din.

“Oh, eh di Yes!” masaya niyang sagot. Hinawakan ko ang kamay niya, at nagtatalon kaming dalawa, masayang-masaya, na parang walang katapusan ang aming kaligayahan.

---

Lumipas ang isang buwan. Maaga pa at kakatapos ko lang magising. Hinawi ko ang kurtina sa kwarto ko at tinignan ang mataas na puno sa labas. Madali lang daw akyatin sabi ni Sipunin, kaya naisipan kong subukan. Dahan-dahan kong binaba ang paa ko sa sanga, tapos sinunod ang isa.

“Wow, ang dali lang pala! Yes! Sabay na kaming aakyat dito ni Sipunin!” sigaw ko, excited at proud. Biglang may tumawag mula sa baba.

“Batang mayaman! Anong ginagawa mo d’yan?” si Sipunin, na halatang nagulat.

“Look, Sipunin! Nakaakyat na ako sa puno!” masaya kong sigaw, ipinagmamalaki ko na kaya ko na rin gawin ang lagi niyang ginagawa.

---

MYRTLE'S POV

Papunta ako sa bahay nina Batang Mayaman. Malayo pa lang, nakita ko na siyang nasa taas ng puno! Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita na umaakyat ng puno—astig!

---

YAYA NENA'S POV

Papunta ako sa likod ng bahay para magwalis nang makita ko si Señorito Cyrone na nasa taas ng puno, tumatalon-talon pa! Gusto ko na sana siyang tawagin, pero bigla na lang bumigay ang sanga at nahulog siya!

“SEÑORITO!! DYOS KO!!! PEDRO, SI SEÑORITO!” sigaw ko habang dali-daling lumapit kay Señorito Cyrone, pinupunasan ko ang dugo na tumutulo mula sa ulo niya. Agad namang dumating si Pedro at binuhat si Señorito palabas ng bahay.

“DYOS KO, SEÑORITO! ANONG NANGYARI SA’YO?!” Pumara si Pedro ng tricycle, at mabilis kaming sumakay.

“Señorito, kaya mo ‘yan. Malapit na tayo sa ospital. Kaya mo ‘yan!” Iyak ako nang iyak habang pinupunasan ang mukha ni Señorito. Tuloy-tuloy ang paglabas ng dugo, at kahit anong gawin ko, parang nawawala na siya sa akin.

Pagdating sa ospital, agad siyang dinala sa emergency room. Tinawagan ko si Madam Elizabeth. Ilang oras pa lang ang lumipas, dumating na si Madam gamit ang private helicopter nila. Nang makita ko siya, parang bumagsak ang mundo ko.

“Madam… si Señorito…” halos hindi ko masabi habang nilalapitan siya.

“ANONG GINAWA NINYO SA ANAK KO?!” Bigla akong sinampal ni Madam. Nabigla ako, tumulo agad ang mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin.

“KUNG ANO ANG MANGYAYARI KAY CYRONE… HINDI KO ALAM KUNG MABUBUHAY PA KAYO!”

“Madam…” Hinawakan ko ang pisnging sinampal niya, pero alam kong wala akong masasabi na makakapawi ng sakit niya.

“WHERE’S MY SON?!!!” sigaw niya, halos mabaliw sa takot at galit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro