Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 Max of Five Books


Caden


"Anong ginagawa mo dito?" I repeated myself when I didn't receive an answer. Nakatuod lang siya habang tinititigan ako sa nanlalaking mga mata na para bang nakakita ng halimaw. Lumapit ako sa kanya, napansin ko ang paghakbang niya palayo. She's scared. "Hinahanap mo ba ako?"

"Hinahanap ka ng coach mo. Said you'll lose your position kapag hindi ka nagpakita doon." sa wakas ay sagot niya. Itatanong ko sana kung paano niya nalaman, naalala kong number niya pala ang binigay ko sa team ko para kontakin kapag may kailangang sabihin sa akin. Does this mean na nagskip siya ng klase para lang hanapin ako at sabihing kailangan ako sa game? Ha! Interesting.

Sa estado ng paa ko, hindi ako makakapaglaro. Ni hindi ko nga kayang maglakad ng straight lalo pa ang tumakbo at sumipa ng bola. Senenyasan ko ang grupo ko na mauna nang bumalik sa Spot, tumalikod na ako nang muling magsalita si Thea.

"Do you really have to do that?" she said firmly. Lumingon ako sa kanya. "Ang mambully ng walang kalaban-labang estudyante."

Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. So she saw what happened. "None of your business, princess. Huwag kang makialam kung ayaw mong samain ka sa akin."

"Pwede kitang isumbong sa guidance ngayon din and have you and all of your friends suspended--"

"You don't really wanna do that, princess." mabilis ang naging paglapit ko sa kanya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na humakbang pang palayo. I ran my knuckles on her small face and eyed her intently. "Sa tingin mo ba iyon ang gustong gawin ng lalaking iyon na gusto mong ipagtanggol? Ang magsumbong? Sa tingin ko hindi."

"Hindi lahat ng tao pwede mong saktan at takutin Caden Arguelles!"

"At sino ang pipigil sa akin na gawin ang gusto ko? Ikaw? May atraso ka pa nga sa akin. Ang gawin mo, magreply ka sa kanila na hindi ako makakarating dahil pilay ako. Pagkatapos no'n sabay na tayong umuwi, ipagdadrive kita." dahil lintik, wala akong kotse at ayokong magcommute sobrang hassle!

"Hindi ako sasabay sa'yo."

Natawa ako sa sagot niya. "At sino ang ineexpect mong magmamaneho sa'yo pauwi, aber?"

"Marunong akong magmaneho, takot lang ako kaya hindi ako nagda-drive. Isa pa, mamaya pa ako uuwi, nagpaalam na ako kay Mama."

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka na doon. Bakit mo ba tinatanong, close ba tayo? Alam mo bumalik nalang tayo sa dati, huwag mo nalang akong pansinin at hindi na rin kita papansinin. Ibabalik ko ang cellphone mo kapag nakuha ko na ang inorder ko."

Tumawa ako. "Alam mo 'yon nga ang problema eh. Wala akong cellphone at number mo ang binigay kong temporary number sa kanila. Kaya sa ayaw mo at sa gusto, magkikita tayo, mag-uusap tayo, magsasama tayo at wala kang magagawa doon." mas lalo akong natawa nang pumangit ang mukha niya sa narinig. Halatang hindi niya nagustuhan, nakapagtataka dahil kung iba-ibang babae malamang naglupasay na sa tuwa sa alok ko. Iba na talaga siya. Ang naaalala ko, madalas siyang nakatanga sa bawat galaw ko. Madalas niya akong sundan, pati supot ng candy na itinapon ko pinupulot niya't hinahalikan. Kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari bakit biglang iba na siya, ayaw na sa akin. Kunsabagay wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Convenient na may kotse akong gagamitin sa tuwing papasok at uuwi sa school. Convenient din na malapit siya sa bahay ko, naputulan kami ng kuryente sa bahay, wala akong pera pang check in sa hotel, kaya pwede akong makikwarto sa kanya. She won't dare tell her parents. Takot niya lang. From what I observed, siya ang klase ng babaeng masunurin sa magulang, siya ang tipong matatakot gumawa ng kalokohan. Dahil doon, she could easily be manipulated.

"May mga libro akong kailangang hiramin sa library. Kailangan ko ding magresearch para sa mga advance topic na binigay ng prof ko sa math. In short, Caden, matatagalan ako sa library. Kaya pabayaan mo na ako. Umuwi ka na."

"Okay. Madali lang naman akong kausap. Dadalhin ko ang kotse mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi pwede! Regalo sa akin ng Papa ko iyon, wala akong tiwala sa'yo baka dalhin mo lang 'yon kung saan-saan mapahamak pa ako madamay pa ang Papa ko."

"At saan ko naman dadalhin ang kotse mo na ikakapahamak mo at ng pamilya mo? Tingin mo sa akin masamang tao?"

"Hindi ba?"

Talaga seryoso ang mukha niya sa sagot niyang iyon ah. Nakita lang niyang may sinapak akong estudyante masamang tao na? Kailangan kong turuan ng leksyon ang isang iyon, isa pa, wala akong pera. Kailangan ko ng panggastos, hindi madaling mag-aral sa paaralang ito na kada kibot ay labas ng pera. Saan ko kukunin iyon, sa Dad ko na mas mahirap pa sa daga ngayon ultimo tubig at kuryente ng bahay hindi makapagbayad? Kailangan kong gumawa ng paraan para sa sarili ko.

"Fine. Hihintayin kita sa library hanggang sa matapos ka sa walang kwenta mong research. Let's go." kinuha ko ang kamay niya upang hilahin siya patungo sa lugar na gusto niyang puntahan. Napangisi ako nang bigla siyang pumiksi na para bang nakuryente ang kamay sa ginawa ko. Guess you're not so ice-cold as you I thought you to be after all.

Nagpatiuna siyang maglakad, binilisan niya pang maglakad para makalayo sa akin. Natawa ako, sa'n ba makakarating ang liit ng hakbang niyang 'yan palayo sa akin? Pasalamat siya iniinda ko ang paa ko, hindi ko kayang maglakad sa normal pace ko. Pinagmamasdan ko siya mula ulo hanggang paa mula mula sa likuran. She's wearing an old fashioned long skirt with matching pink tee. Sa buong school na ito, siya lang yata ang nagsusuot ng flat na doll shoes na uso a decade ago pa. Ang tingin ko sa kanya, wala siyang pakialam kung ano ang magiging itsura niya at kung ano ang magiging opinyon ng ibang tao sa kanya, she's dressing up according to her comfort. I don't know if it's a good thing or not, kasi agaw atensyon ang pagka-manang niya to the point na nililibak na siya ng ibang tao. Mas mabuti nga para sa kanya ang maging invisible nalang sa school, pero dahil sa binili ng Papa niya ang halos buong eskwelahang ito, imposible nang mangyari iyon. Makikilala at makikilala siya kahit na anong tago ang gawin niya.

Nang marating namin ang library, kaunti nalang ang natitirang tao. The librarian even warned na kailangan na naming bilisan dahil magsasara na. Naupo ako sa isa sa mahahabang mesang naroon, kinailangan kong iangat ang paa ko dahil masakit na iyon. Damn, I forgot to take the meds given to me at the school clinic, kaya pala bumabalik na naman ang sakit. Matagal pa ba siya? Kailangan ko nang makauwi. Nang tingnan ko siya, abala siya sa research niya. Maka-ilang beses siyang kumuha ng makapal na libro at ipinatong sa mesang nasa tabi ko.

"Aanhin mo ba ang mga 'yan?" kunot noo kong tanong. "Tara na kailangan na nating umalis kung ayaw mong mapagsarhan dito."

"Meron pa akong isang oras dito, Mr. Arguelles. Ngayon ka lang ba nakapasok ng library hindi mo alam ang oras?"

Umirap ako. "Fine." ang ginawa ko, humiga ako, inangat ko sa mesa ang masakit na paa, tinakpan ng braso ang kamay ko at pinikit ang mga mata. Bahala siya sa buhay niya, pagod ako, inaantok na ako, matutulog na ako.

Shit. Kumakalam ang sikmura ko. Hindi nga pala ako nag-lunch kanina.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nagdaan, nakalimot na mga mata ko kaya nakaidlip ako. Pagmulat ko, nahuli ko si Thea na nakatitig sa akin. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. I'm not sure kung nakatitig ba talaga siya o masyado lang siyang engrossed sa pinag-aaralang libro natutulala na siya. Nang tumingin ako sa relo it's 10 minutes before closing time. Tumayo ako at nilapitan ang mesa ni Thea.

"Let's go." ipinatong ko na sa balikat ko ang bag ko.

"Meron pa akong 10 minutes."

"Tara na sabi!" sapilitan kong isinara ang librong binabasa niya, kahit pa nalukot ang mukha niya at nagdabog ang mga paa sa ilalim ng mesa wala akong pakialam. Oras na ng pag-uwi. Irap niyang sinamsam ang mga libro sa mesa, halos umabot na ang mga iyon sa baba niya sa sobrang kakapal. Tinungo namin ang librarian upang iregister ang mga hihiramin niyang libro.

"You can only take home a max of five books, Ms. Villasanta."

Umikot ang mata ko. "Even if she's the effin' owner of the school--?" siniko niya ako. Napikon ako't napamura dahil bumaon sa tiyan ko iyon. "Fuck! What was that for??"

"Give me your access card." taas-kilay pa niyang utos. Sumusobra na 'tong babaeng ito.

"No." asar kong ganti.

"Gusto mong makauwi tayo di ba?"

"Kahit tumira pa tayo dito. Sinong nagbigay sayo ng karapatang saktan ako ha?" nanggagalaiti kong turan sa mga oras na 'to gusto kong gumanti. Bumukas-kuyom ang kamay ko't alam kong nagbabaga na ang tingin ko.

"Please, Caden." nagbago ang anyo ng mukha niya, biglang umamo. She should be sorry for hitting me like that. Damn! Kung hindi ko lang kailangan 'tong babaeng ito. Asar kong sinaksak sa kamay niya ang access card ko para gamitin niya sa paghiram ng iba pang libro. Alanganin siyang ngumiti sa akin na pinalitan ko ng irap. Hanggang kailan ba ako magtitimpi sa kanya?

Bwesit na buhay 'to. Kung bakit kasi wala nang laman ang bank account ko! Anong silbi ng pagiging Arguelles kung kahit pangkain ng tatlong beses sa isang araw ay wala ako?!

"Dalian mo na. Gutom ako. Kakain tayo bago umuwi."ubos na ang pasensya kahit sa tono ko.

"Hindi pwede--"

"Gusto mo talagang masaktan?!" singhal ko na pati ang librarian sa harapan namin at ilang estudyanteng nakapila sa paghiram ng libro ay napakislot. Hindi na siya umimik, tahimik nalang na tumango.

Mabuti naman dahil pagod na akong sumigaw, pagod na din akong manakit ng tao sa araw na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro