Cade
"Caden, bakit ngayon ka lang?" salubong ni Daddy. Akala ko walang tao at tulog na ang kaisa-isahan naming katulong sa bahay nang dumating ako. Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw sa sala maliban sa isang madilim na lampshade sa tabi ng mahabang sofa. Naabutan ko si Papa na gulo-gulo ang buhok, kalas ang necktie, nakabukas ang ilang butones ng polo at may hawak na isang bote ng alak. Napailing-iling ako at pakutyang tumawa ng maiksi. He fucked up again, I knew. Kaya wala dito si Mommy, malamang nilayasan na naman siya. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng ama kong kumpirmadong black sheep ng angkan ng mga Arguelles?
"What happened?"ingos kong tanong na may kasamang paniningkit ng mata.
"Anong klaseng tanong 'yan ha? At bakit ganyan ka kung makatingin? Akala mo ang galing-galing mo ah, pare-pareho kayong lahat. Ikaw, yung Lolo mo, pati na ang mga mapangutya mong mga Tito ang tingin niyo sa akin talunan at walang silbi. Magsama-sama kayong mga animal kayo. Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko. Sawang-sawa na ako sa mga pangmamata at pang huhusga niyo sa akin na para bang ang tanga-tanga ko. Na bobo ako at walang silbi!!"
Napairap ako. "Nagtanong lang ako kung ano ang nangyari ang dami mo nang sinabi."
"Wala na. Wala na tayong negosyo. Luging-lugi na, baon na baon na ako sa utang. Binabantaan na ako ng grupo nila Diaz na kung hindi ako makakapagbayad sa lalong madaling panahon, papatayin nila ako. Susunugin nila ang bahay na ito!"
"What?!" tumaas ang tono ko. "What the fuck are you talking about? Anong wala na tayong negosyo? Wala na ang perang pinahiram sa'yo ng Lolo para makabangon ka at nagka-utang ka pa ng malaki? Anong pinaggagawa mo, ano bang nangyari?"
"Anong ginawa ko? Wala! Pinatakbo ko ng maayos sa abot ng makakaya ko, pero wala eh, lugi pa rin. Umutang ako dahil hindi ko kayang harapin ang Lolo mo at sabihing palpak na naman ako, pero ang putang-inang kasosyo ko tinakbuhan ako. Ngayon naisanla ako ang lupa sa probinsya pati na rin ang mga kotse--"
"Kotse ko kasali?"
"Pati mga alahas ng Mama mo, wala nang naiwan Cade."
"Tch. You're in deepshit trouble old man. Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to?"
"Dahil ayokong pati ikaw bumaba ang tingin mo sa akin--"
"Matagal nang mababa ang pagtingin ko sayo Dad! Hindi lang dahil bobo ka sa pagpapatakbo ng negosyo kundi pati na rin pagdating kay Mommy. Ginagago ka ni Mommy ng harap-harapan hindi ka man lang umalma, ni hindi ka nagsalita nang makita mong may ibang lalaking kasama si Mommy sa condo niya!"
Napatingin ng mariin si Ricardo Arguelles. "Paano mo nalaman ang tungkol doon?"
"I'm not as dumb as you are, Dad. I can read signs. I knew that Mom was cheating on you and you know it! Wala kang ginagawa, hindi mo sila sugurin doon at balian ng leeg ang lalaking nang-aagaw sa pag-aari mo. I guess because you don't have the balls to do that--"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko lumipad na sa dibdib ko ang alak na hawak niya, nasapol ako at bahagyang tumigil ang pitik ng puso ko dahil doon. Tiniis ko ang sakit. Tiniis ko at hindi pinansin ang bogbog na tumalsik sa binti ko at bumaon.
"Mahal ko ang Mommy mo, ayaw ko siyang tuluyang mawala sa akin. Kapag nakabawi ako sa negosyo alam kong babalik siya sa akin. Kaya lang naman nakikisama si Leah sa gobernador na iyon ay dahil maimpluwensya ito at mapera, kapag bumalik na ang lakas ng negosyo..babalik siya sa akin--"
"Hinahayaan mong mantsyahan ng iba ang pag-aari mo? How pathetic is that, Dad? Eh panu yan, lugi ka na naman? Hindi ka na tutulungan ni Lolo, pati na ng mga kapatid mo. Sawang sawa na sila sa pagsasalo sa mga kapalpakan mo. You're on our own now, Dad. Ano, kailangan ko na din bang tumigil sa pag-aaral dahil wala ka nang pang-tuition sa akin? Sabihin mo lang.."
"Hindi ka titigil sa pag-aaral. Lumapit ka sa Lolo mo, hindi ka matitiis ng matandang Arguelles--"
"No fucking way, Dad. Hindi ako magmamakaawa sa matandang iyon na pag-aralin ako. Hihinto ako sa St. Martin, lilipat ako sa public kung kinakailangan, basta hindi ako lalapit kay Segundo. Ako na ang bahala sa sarili ko. Get yourself together Dad. Kailangan mong gawan ng paraan ang utang mo pati na ang negosyo mo. Kung gusto mong bumalik sayo si Mommy kagaya ng sinasabi mo, please grow some fucking spine --"
"Lumayas ka sa harapan ko!!" singhal niya. "Anak lang kita, wala kang karapatang pagsabihan ako!"
"Tama ka, anak mo lang ako. Pero alam mo kung ano ang iniisip ko sa mga oras na ito? Tama si Segundo Arguelles, nakakahiya kang anak, nakakahiya ka ring magulang."
Hindi ko na gustong makinig pa sa mga drama niya kaya sa unang pagkakataon na nagkaroon ako ay kaagad akong tumalikod at lumabas ng pinto. Umuusok sa galit ang batok ko. Nagagalit ako dahil sa laki ng problema niya nakuha pa niyang humilata at mag-inom. Anong magagawa ng pag-iinom? Mas lalo lang niyang dinadagdagan ang problema niya. Damn! Anong klaseng sagot 'yon nang ungkatin ko ang isyu tungkol sa malandi at mukhang pera kong ina? Mahal na mahal niya kaya hinahayaan niyang tapakan ang pagkalalaki niya? He gotta be shitting me. Kung sa akin ginawa 'yon I would have slapped the bitch to death. Hindi ko siya mapapatawad. Hindi dahilan ang kahirapan para magloko at maghanap ng ibang gagatasan. Unang-una sa lahat dapat magkatulong silang ayusin ang gulo sa pera at sa negosyo. Tsk. What an idiots I have for parents.
Naglakad ako sa pinakamalapit na convenience store sa village, I bought several gauze pads and tapes. Alam kong malalim ang sugat ko base sa tindi ng pananakit nito. I was just wearing my football shorts kaya baon na baon ang matalas na bobog sa binti ko. Nang hilahin ko iyon bumulwak pa ang dugo. Napamura ako at napangiwi sa sakit.
I don't have enough cash on hand to buy alcohol kaya tubig gripo nalang sa plaza na malapit sa store ang pinanghugas ko saka ko tinakpan ng gauze. Ilang beses pa akong napamura sa sakit kagat ko na ng mariin ang labi ko.
I'm not gonna be able to continue practice for quite sometime. Kung pipilitin ko baka magka injury pa ako. Pwede ko namang ipagpaliban muna, gagawa nalang ako ng alibi sa Coach. Hindi ako pwedeng mawala sa team because with how the things are going right now, ang pagiging lead ko nalang sa football team ang magsasalba sa akin sakaling tuluyan nang mawalan ng pera ang magaling kong ama. I have to hassle on my own now that my father fucked up again.
Kahit wala akong pera, pero isa akong Arguelles. In all fairness to my Dad, kahit gaano siya ka-inutil na magulang, mayaman at maimpluwensya ang angkan na kanyang pinagmulan. Dugong-bughaw kumbaga. Apo din ako ng isa sa pinakamayayamang tao sa bansa, si Segundo Arguelles.
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko. Nang makuha ko iyon doon ko naalalang sira nga pala ito. Sinubukan kong buksan pero hindi na iyon umilaw. Damn, the weirdo really did break my phone! I need to check my bank account. Plus I need someone to drive me back home dahil hindi ko na kayang maglakad pabalik. Inilibot ko ang paningin, ni isa wala akong kakilala. Damn! I need to call Jonas or Liam, pero fuck hindi ko alam kung ano ang phone number ng mga 'yon!
Where the heck is the Devil Lucifer when I fucking need him?!
Binenta ko ang ang kaluluwa ko sa kanya hindi ba? Saan na siya? Paalwahin niya dapat ang buhay ko ngayon na! Naisip kong baka tinanggihan niya ang kaluluwa ko dahil alam niyang pagdating ko sa impierno, papalayasin ko siya sa sarili niyang trono at gagawin kong apakan ng paa ko ang sungay niya. Damn! I want to fucking eat, gutom na gutom na ako.
Saktong paglingon ko sa pinto ng convenience store, nakita kong palabas si Thea. She was wearing a bright red sweater with hood, pink pajamas and yellow tweety shoes. Napangisi ako sa combination. Wala ba siyang ibang damit na pwedeng isuot kundi ang mga iyon at sabay-sabay pa? Imposible because this girl was freakin rich. Baka ganoon lahat ng damit niya sa labas ng school kapag hindi siya nakauniform? Weirdo.
And her glasses, do they have to be that big na buong mukha na niya ang natatakpan?I know she's not a beauty but she's not that hideous to cover her face to that extent too.
"Thea!!" tawag ko sa kanya. Nakaupo ako sa bench sa plaza na malapit sa convenience store. Buti hindi bingi, lumingon kaagad, nakasubo pa sa bibig niya ang manipis na straw ng yakult na iniinom niya. Sinong gumagamit ng straw sa yakult? Natawa na naman ako.
Itinuro niya ang sarili para kumpirmahin kung siya ang tinatawag ko.
"Walang ibang Thea akong kilala. Its just you and your old-fashioned name."
Sumama ang mukha niya sa tinuran ko. Napangisi na naman ako ng lihim. Nakakatuwa talaga ang babaeng ito. Bakit ba hindi ko ba siya pinansin noon pa ?
Salubong ang kilay na naglakad siya patungo sa inuupuan ko. Well, well, well, I guess I'm not that doomed yet after all. Thea's rich and very gullible. What a perfect combination...sent from hell by the fucking Lucifer himself to rescue me.
Second look on her innocent face made me wonder, kung si Lucifer nga ba, o ang Diyos ang nagpadala sa kanya para sagipin ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro