I wake up to the most beautiful sunrise in my entire life. My whole bedroom bathed in the orange light of the morning sun. Masaya ang katawan kong bumangon lalo't naaalala ko kung ano ang nangyari kagabi. It's a little progress, I guess. Noong nasa loob kami ng storage ayaw niyang dumikit man lang ang dulo ng daliri ko sa kanya, kagabi hinahayaan niyang damhin ko ang mga labi niya.
Ki-aga-aga ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko 17 years old ulit ako at ito ang unang beses na pinansin ako ng crush ko. Ito yung feeling na nahuli mo siyang nakatingin sayo. Yung feeling na nginitian ka niya unang beses. Yung feeling na napansin ng crush mo ang existence mo... ganun na ganun.
Ilang sandali pa ang lumipas narinig ko ang marahang katok mula sa pinto. Kinabahan ako bigla, si Caden ba yun? Napabangon ako at tumingin sa malapad na vanity mirror. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng buhok, hindi pa ako nakakapagtoothbrush at hilamos!
"S-Sino yan?"
"It's me, Ms Thea your assistant. I'd like to just check if you have slept well." she said behind the door.
Napabuga ako ng hangin, sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag. Tinungo ko ang pinto at hinarap si Catiana.
"Good morning!" masayang bati niya sa akin. Catiana's face is so refreshing in the morning, manipis lang talaga siya magmake up pero lutang na lutang ang napakasosyal niyang ganda. Para siyang bida sa mga pinapanood kong foreign films. I bet she's half-Irish. Her eyes are a slight shade of green, she has faint freckles on her nose, her skin in unbelievably fair and radiant, bagay sa kulay ng buhok niya na kung titingnang maigi ay hindi black kundi brown.
It's not just the face. Her body too is to die for. Not too skinny, not too curvy, she can easily be a Victoria Secret model with her looks and figure!
"Hi," maikli kong sagot sa pagbati niya. Abala ako sa pagpuna sa itsura niya nakalimutan kong tugunan ang good morning niya.
"Do you have specific morning routine you want to do? We have a yoga and fitness room, jogging trail outside and an English breakfast preparing in the kitchen."
Yoga? Jogging? English breakfast? I have been in Hollywood for almost a decade but I still live my life the way it used to be. No yoga. No jogging. No English breakfast. Just plain tosilog and ginger lemon tea in the morning.
"It's okay Cat,I'll just wash myself and be ready for breakfast."
Magiliw siyang tumango at tumalikod na.
Even her back is gorgeous. Si Caden kaya ang nag-hire sa kanya? I'm sure she was hired because she can do the job, but is that entirely the reason why? Baka nagandahan siya sa kanya or something...? Pinilig ko ang ulo ko, ano ba naman 'tong tinatakbo ng utak ko.
Gusto nila akong dalhin sa dining room para doon kumain. Pero dahil may nakita akong maliit na space kung saan may table at chair na available sa kitchen sinabi kong doon nalang ako kakain habang pinapanood silang maghanda ng pagkain ni Caden.
I requested for a ginger-lemon tea. Eggs, tomatoes and bacons are in front of me, naghahanap ako ng sinangag pero mukhang hindi naman sila magluluto nun, nahiya na din akong magrequest. I was in the middle of sipping my tea when Caden showed up in the kitchen., parang mga robot na naging alerto ang lahat ng tao sa kitchen sa kanya.
I can tell na galing siya sa jogging. Basang-basa ang suot niyang sando sa bandang leeg at at bandang abs. Hulmang-hulma sa damit na iyon ang perpekto niyang torso pati na ang magandang hugis ng kanyang balikat at mga braso. Nakapaikot sa leeg niya ang maliit na towel na basa na rin ng pawis. His jet black hair is a mess pero kahit hindi magsuklay ng isang libong taon ang taong ito ikakagwapo niya pa yun pihado. Binuksan niya ang malaking fridge at kumuha ng bote ng mineral water mula doon.
"Aww!!!" napasigaw ako. Lintik ang init ng tea! Nagtinginan sa akin lahat ng kitchen crew pati na din si Caden. Napahawak ako sa nasaktan kong labi, ramdam ko pa rin ang init ng likido sa dila ko. Ang sakit. Hiyang-hiya ako nang titigan ako ni Caden mula sa kinatatayuan niya. Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Kabado kong kinuha ang tinidor at sinaksak sa bunganga ko ang pritong itlog at bacon.
Napaiktad pa ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Caden at naupo sa silyang malapit sa akin. God, how can he smell so heavenly with all that sweat and all..
"Anong ginagawa mo dito? Ba't dito ka kumakain?" aniya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Ha? Gusto ko yung view dito. May mga bulaklak sa labas... ang gwapo, este ang gaganda." pesteng dila! Kaya napapaso eh.
"I went to your room earlier. I thought you'd wake up early for a jogging."
"Jogging? Hindi ako nagjo-jogging." tensed pa din ang boses ko.
Tumango-tango siya. Hindi nakaligtas sa mata ako ang mumunting pawis na naglalandas sa leeg niya, papunta sa adam's apple... shit. Mukha akong tanga. Ano 'ko 17 years old ulit???
"Are you enjoying your breakfast?" tanong pa niya.
"Hindi kasi gusto ko ng sinangag---" natigilan ako. Naitikom ko ang bibig ko bigla. Nasabi ko 'yun? "Ahh Oo, okay na 'to sakin." bigla kong bawi.
His sensual mouth escaped a chuckle. Nakita ko ang dimple niya na once in a bluemoon lang kung magpakita.
"I need to go to the other side of the island to see some things done. Si Catiana na ang bahala sayo dito." bago siya tumayo at umalis, kinuha niya sa harap ko ang baso ng tea at hinipan iyon bago uminom mula doon.
Napalunok ako. Did he just put his lips on my lipgloss stain in the cup?
"Sa susunod, kung hindi ka marunong uminom ng mainit na tea. Malamig nalang ang ipakuha mo." komento niya. Pagkaalis ni Caden, isang platter ng fried rice na ang nakaharap sa akin.
Paano ako kakain kung hindi ako makahinga???? Ang mga ugat sa puso ko parang nanguryente.
I spent the morning with Catiana touring me around some interesting rooms in this secluded mansion. There's a music room and a private theater inside the house. Sa labas naman malapit lang ang white sand beach at malakas ang hangin pwede akong maglakad-lakad sa dalampasigan. There's also a hammock nearby kung gusto kong magrelax. Isn't this my dream paradise? Lahat ng kailangan ko para magsulat ng kanta at gumawa ng musika ay nandito na.
Except that I don't have a phone. And I don't know if this place has a WI-FI connection. Even if it has, he's never going to allow me to contact the outside world, gaano man kaganda ang lugar, prisoner pa din ako dito.
Miss ko na sina Mama at Papa. Miss ko na si Aliyah. Ano na kayang nangyari kay Bernard at sa girlfriend niya? Bati na kaya sila? Sana naman, kasi nagi-guilty talaga ako.
Ano kayang gagawin ko? I don't feel like writing right now... Shall I go for a swim? Tama, yun nalang ang gagawin ko.
Tinanong ko si Catiana kung may swimsuit pa akong magagamit para magbeach. Dinala niya ako sa walk-in closet na sinabing para sa akin daw. Pinakita niya ang ilang mga luxury brands ng swimsuits na available doon.
Walang one piece?
Puro two piece swimsuits ang naroon. Masyadong revealing. I wore a swimsuit once in a pictorial and in a music video, pero conservative ang cut nun at legs ko lang at braso ang nareveal.
"Wala kang gusto sa mga ito? I can always ask someone to bring more pieces for you to choose from."
"Hindi na. Okay na sa'kin to." Pinili ko ang kulay puting two-piece dahil iyon ang pinakaconservative sa lahat kahit na medyo revealing pa din para sa akin. Besides, wala namang ibang tao sa beach kundi ako lang kaya hindi ko na inisip kung ano ang magiging itsura ko doon.
"Nakaalis na si Caden?" tanong ko kay Catiana.
"Kanina pa. Maaga ang dating ng mga investors galing Europe ngayon so he has to show them around the place personally."
Kumunot ang noo ko. "Di ba hindi naman sa kanya ang isla, bakit--- ah sorry, do you know anything about the project?"
"Yes. I know enough. Bago ako naging assistant mo, ako ang nag-aayos ng mga schedules ni Sir Caden simula nang dumating siya dito sa isla. Hindi sa kanya ang isla pero importante sa kanya na maging successful 'to. Hindi niya gustong ipagkatiwala sa iba ang supervision lalo't nakakabangon palang ang project. Simula nang dumating siya dito parang lahat ng hawakan niya nagiging ginto. Ngayon hindi na magaalala ang mga investors, parami na din sila ng parami."
Tumango-tango ako. Importante sa kanya ang isla? Bakit?
"Do you want to join me swimming?" biglang tanong ko sa assistant ko.
"Yes! If you please." malawak ang naging ngiti niya.
Ilang minuto pagkatapos niyang magpalit sa kanyang swimsuit, I instantly regretted the decision to ask her.
Catiana is a living goddess in flesh and blood. Ang ganda ng hubog ng katawan niya sa white and gold two piece na swimsuit, ang usual na nakapusod niyang buhok, nilugay niya at mas lalo siyang naging mukhang diyosa.
Napakamot ako sa gilid ng tainga ko. Hindi ko alam kung huhubarin ko pa nag cover up ko dahil magmumukha akong bata katabi siya.
And she was Caden's personal assistant for God's sake!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro