Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40 The Viral Scandal


Kahit na nanghihina, natuloy ang flight ko pabalik ng Manila, I was able to survive the long flight with disturbed stomach because I had an even more disturbed mind that goes with it. Ilang oras akong nakatitig lang sa smartphone ko bina-browse kung hanggang saan na nakarating ang interview ko na yun kung saan nagcomment ako sa ex ni Marie SinClaire. Over the years I have been very careful not to get in his way, not to even get his slightest attention. Magkaiba na kami ng mundong ginagalawan. Magkaiba na ang mga priority namin sa buhay, at higit sa lahat hindi na kami parte ng buhay ng isat-isa. Lumipas na ang maraming taon, marami nang nagbago sa buhay ko, pero sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Caden tuwing nagbabrowse ako sa business news naroon pa rin ang pamilyar na kirot sa puso ko na hindi kayang hilomin ng panahon at ng mga taon. They say that time heals all wounds, apparently not mine, not my deeply wounded heart.

We separated badly, pinakaworst na sitwasyon na yata na pwedeng pagdaanan ng bagong magkasintahan ang napasukan namin ni Caden bago kami magtapos ng senior high school. Nalugi ang kompanya ng Papa niya, tinalikuran siya ng mga magulang niya, dumating sa puntong hindi na siya pwedeng magpatuloy ng paglalaro at pagaaral niya. I was his girlfriend at the lowest time of his life, he made me very happy despite the fact that he was struggling to survive himself. But what can a girlfriend with extreme inferiority complex do for him at that time? I was immature, I was weak, and was clueless of almost everything. Ang iniisip ko lang ng mga panahon na iyon ay kung gaano ako ka-inferior kumpara sa kanya. Iniisip ko lang ang tungkol sa walang kwenta kong opinyon sa sarili ko na hindi ako sexy at hindi ako maganda. Habang binabalikan ko ang lahat ng iyon mas lalo kong gustong kastiguhin ang sarili ko. Napakababaw ng mga dahilan ko para iwasan siya, samantalang kahit na hirap na hirap na siya gusto niya pa ding kumapit sa akin at ipaglaban ako. Sana man lang naging sandalan niya ako, sana man lang natulungan ko siya kahit moral support man lang sana, palakasin ko lang ang loob niya sa gitna ng mga hamon na pinagdadaanan niya. Pero hindi, ang ginawa ko, iniwan ko siya sa ere. I was stupid. I was selfish. I was a big heartache for him. Kaya kahit na gaano ko kagustong bumalik sa kanya at magmakaawa na patawarin niya ako sa lahat ng sakit ng loob na binigay ko hindi ko magawa. Naduduwag ako at nahihiya, wala akong karapatang magpakita ng kahit na anino ko sa kanya.

It has been 11 long years since I left him with a stupid note saying 'it's over."

At hanggang ngayon hindi ako pinapatahimik ng puso ko. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya sa business news nagririgudon ang puso ko tila gustong kumawala. I can say from a distance that a lot has changed about him. Nawalan ng ningning ang kanyang mga mata, nawalan ng lalim ang kanyang mga ngiti. He became even more cold and aloof, he became heartless.

Sa pag-uwi kong ito, gusto kong ipanalangin na sana makita ko siya sa personal kahit na malayo. Gusto ko ring ipanalangin na sana... hindi niya ako makita. Ayokong ipaalala sa kanya ang sakit, ayokong maalala niya kung gaano ako kawalang kwentang girlfriend sa kanya noon. Sa lalim ng inabot ng isip ko sa nakaraan, hindi ko mapigilan ang humikbi ng tahimik. I miss him. I miss him so much. Now I can't even face him with a simple hello, not even a quick glance.



Mahigpit na yakap at mainit na halik ang sinalubong sa akin ng mga magulang ko sa pintuan palang ng bahay namin dito sa Pilipinas. Wala pa ring pinagbago ang lahat sa loob ng 11 years, parang kailan lang nang magdesisyon si Papa na dalhin sa ibang bansa ang kanyang negosyo. Parang kailan lang nang magdesisyon akong sundan ang mga pangarap ko sa America. Ngayon, pagkatapos ng maraming pangyayari sa buhay ko, ang bahay na ito nananatiling walang pinagbago. Nanatiling matatag at nakatayo sa hamon ng panahon. Sana katulad ng bahay na ito ang puso ko, matatag at matapang.

Kinabahan ako nang maalala ko ang bahay sa kabilang bakuran. Bumalik kaya siya sa dati niyang kwarto? Sa kabilang bahay na kaya siya ulit nakatira? Nanghina ang tuhod ko sa isiping iyon, wala tigil din ang pagpitik ng mabilis ng puso ko.

"Halika na anak, I prepared a light meal for you before you rest your jet lag. Sabayan mo kaming kumain ng Papa mo." yaya sa akin ni Mama habang tinatanggal ang balabal na nakapulupot sa leeg ko. I didn't announce this travel to my fans, ang alam nila nasa Vegas ako. Kaya hindi pwedeng may makakakita sa akin o makakakilala sa labas. Gusto ko muna ng tahimik na buhay kahit pansamantala lang. Isang buwan ang ilalagi ko dito, habang hihinitay ko ang resulta ng Grammys kailangang tahimik lang ako at walang lalabas na kahit na anong aberya, bad publicity or anything like that. I and Aliyah worked our ass off for this prestigious nomination at gagawin namin ang lahat matuloy lang ang panalo ko sa Grammys this year. Kung papalarin ito na ang rurok ng tagumpay na inaasam-asam ko.

"Sigurado ka bang wala kang naiwang trabaho? Baka naman biglang tatawag yang kaibigan mo at papabalikin ka doon ng ora-orada?"

"Wala Papa, sasamahan kita sa Island, gusto kong makita ang Pearl of the Orient Seas na project mo."

Biglang lumungkot ang mukha ng matanda, alalang tumingin kay Mama.

"Bakit po?" Tanong ko.

"It's up for sale na anak, hindi na sa akin ang islang iyon, may bago nang may-ari na magpapatuloy ng nasimulan namin."

"Ha? Pa, paano ang mga ginastos niyo doon? Ano parang ibibigay niyo nalang sa sasalo ng project?"

"It's better than we get nothing. Kung hindi ko ibebenta, baka lahat ng mga assets ko madamay at iliquidate ng bangko."

"Pero baka may paraan pa!"

"Hayaan mo na ako sa mga desisyon ko anak. I promise you that's the best that we can do about this, I still have the company, we can start all over again. Ganun talaga ang negosyo, minsan panalo, minsan talo."

Bumaba ang balikat ko sa narinig. I guess it's really a dead end now for that venture..

"Huwag kang mag-alala, pwede ka pa rin naman pumunta sa islang iyon kahit kelan mo gusto. I can make that arrangements with the new owner, wala tayong magiging problema doon."

Sumakit ang ulo ko sa narinig. Kahit naman nakatawa ang Papa ko, nakikita ko sa mga mata niya na devastated siya sa nangyari. I can remember his excitement when this project was presented to him. Ang sabi niya pa ireregalo niya kay Mama ang buong Paris at Eiffel Tower replica na gagawin doon. Ngayon hindi na mangyayari iyon.

"Pero paano ang Eiffel tower ni Mama?" hindi ko namalayang nasabi ko iyon.

"I bet Caden will still give it to me, kahit hiram lang. Mabait naman sa akin ang batang iyon kaya huwag ka nang mag-alala."

"Caden? Caden Arguelles?" nanlaki ang mga mata ko.

Tumango si Papa. "Di bale nang mapunta sa kanya kesa naman sa iba. Arguelles conglomerate ang magtutuloy ng project."

Now I really lost my chance of ever taking back that island for my Papa. Caden will never ever give me that favor kahit na lumuhod ako at lumuha ng dugo sa harapan niya. Of all the companies in the world na pwedeng mamanipulate ng Recording Agency ko, bakit Arguelles conglomerate pa where I don't even stand a tiny chance?



Nang makaakyat ako sa kwarto at finally ay makahiga na sa kama, bubuksan ko palang ang cellphone ko nang umilaw na kaagad iyon. Videocall mula kay Aliyah.

"Where are you??" bungad nito.

"Anong where are you, parang hindi mo alam??" ganting sagot ko sa kanya.

"Nasa Philippines ka na?? So edited ang video, hindi totoo??"

Napabangon ako. "Anong video?"

"Hindi ka nagcheck ng email mo? I sent you hundreds Thea! We have a situation here."

"Teka teka, hindi pa ako nagchecheck ng email ko kakarating ko lang ng bahay, kakatapos ko lang kumain at maligo heto matutulog ako dahil pagod ako sa biyahe, ano bang nangyayari na hindi ko alam?"

"Did you see Bernard yesterday? Nagkita ba kayo ng ala una ng madaling araw, pinuntahan ka niya sa apartment mo??"

"Ha?"

"Thea!! Kumakalat ang video na yun ngayon sa net like wildfire! Of course sa mga mata ko dahil alam ko ang score between you and Bernard simpleng visit lang yon, napayakap ka sa kanya that's it! Pero sa anggulo ng pagkakakuha ng video, para sa mga taong hindi kayo ganoon kakilala mukha kayong mga taksil na nagkikita ng palihim at naghahalikan sa pintuan palang ng apartment!! People think Bernard is cheating on his fiancee at ikaw ang kalaguyo niya!!!" halos sigaw ni Aliyah sa telepono. Pulang-pula ang mukha nito sa galit, hindi ko alam kung sa akin o doon sa mga taong sadyang nagkakalat ng video. "Thea! The Grammys, you can't fucking have this scandal when you're very close to winning that damn award! Shit, why is this happening? Anong ginagawa ni Bernard sa apartment mo ng ganoong oras???"

"Aliyah, calm down okay."

"How can I fucking calm down? How?? I can't even stop the rumor! The Bosses are fucking calling me all at the same time!"

"I was sick. Bernard took me to the hospital, kaya lang naman ako napayakap sa kanya dahil sinalo niya ako, nanghihina ako at hindi makatayo sa sarili kong paa. At hindi kami naghalikan for God's sake! Dumantay lang ang mukha ko sa balikat niya!"

"Hindi nakita sa video na naghahalikan kayo pero yun ang ini-imply ng post. Unknown ang source, hindi namin matukoy. Pero Thea, we need to fix this."

"Of course we need to fix this, hindi lang ang Grammy ko ang nakasalalay dito, pati na ang relationship ni Bernard. Ayoko kay Lorraine nandoon na tayo pero gusto siya ni Bernard, ayokong magkasira sila at ako ang dahilan. Should I call Lorraine?"

"And what's your alibi ha? Tingin mo maniniwala sayo 'yun?"

Napaisip ako. Saglit kong binuksan ang mga notifications na nagpapausok na sa cellphone ko. My God! What a disaster, hindi ko inaaasahan 'to. People calling me a slut, a wrecker, a freaking mistress!! Damn!

"You can go to the hospital where we went, pwede silang magbigay ng statement na nanggaling kami doon para magpagamot, that Bernard was only there to bring me to the hospital."

"Yes, we can definitely do that Thea, pero iisipin lang nilang binayaran natin ang hospital. Kailangan nating umisip ng magandang lusot."

"Okay. Okay. Ano? Anong gagawin natin Aliyah? Ikaw ang mas matalino sa atin ikaw ang mag-isip bilisan mo!"

"Heto na nga, heto na. Natataranta ako sa mga lintik na tawag na 'to mula sa opisina eh! Putangina naman eh!" nakita ko siyang kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsimulang magpa-usok ng bibig. Kung pwede ko lang siyang gayahin, ginaya ko na. Tensyon na tensyon na ako. Nanlalamig na ang dalawa kong kamay pati mga paa, nawala yata bigla ang jet lag ko.

"We need a diversion. We need another scandal to contradict this rumor."ani Aliyah.

"Anong scandal?"

"Hindi ko alam, basta kailangan natin ng scandal na mag-aalis ng rumor na kabit ka ni Bernard. Ipapalabas natin na bestfriend mo lang siya noon pa man at may ibang lalaki ka sa buhay mo."

Napatanga ako kay Aliyah. "Anong ibang lalaki? Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Umisip ka kasi ng makatotohanang plano! Wala akong boyfriend baka nakakalimutan mo!"

"Shit! Kasalanan mo 'to eh! Bakit kasi wala kang boyfriend na leche ka eh!"

"Leche ka din."

"Yung interview mo! Tama! Yung interview mo na nag-viral, pwede nating gamitin yun, palakasin yun para matabunan ang video niyo ni Bernard sa media."

"Hindi kita maintindihan, anong interview?"

"Yung viral mong interview na sinabi mong bakla ang ex ni Marie! Pwede nating gamitin yun---"

"Gaga ka ba? Alam mo ba kung sino ang lalaking iyon? Si Caden yun!" singhal ko sa kanya.

Napakurap-kurap si Aliyah. Ilang minuto siyang parang estatwa sa harap ng camera. Tinanggal niya ang stick ng sigarilyo sa bibig at binalibag sa kung saan. "Caden? Caden Arguelles?"

"Yes, Caden. Caden Arguelles."

"Bingo. Million-dollar jackpot. Praise the Lord, Hallelujah." sunod-sunod niyang usal sa di maipaliwanag na ekpresyon ng mukha parang tulalang nagsasalita.

"Aliyah!"

"Si Caden ang solusyon. Tiyak na matatabunan ang isyu niyo ni Bernard kapag ang isyu niyo ni Caden ang lumabas sa media."

"Are you freaking kidding me? Anong iniisip mo? Kahit ano pa yan, hindi ako pumapayag. Hindi pwede yan Aliyah, alam mo yan."

"Thea. It's a life and death situation for all three of us now, ikaw ako at si Bernard. Si Caden lang ang magsasalba sa atin naintindihan mo? Si Caden Arguelles lang."

Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Aliyah. Tama siya, it's life and death situaton for all three of us.

Gusto ko nang magpalamon ng buhay sa lupa.

Gusto ko nang maglaho na parang bula.

I can't freaking go tell him I need his help. That's suicide! Fuckin' suicide!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro