Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 Closet Gay




Bumangon ako sa sobrang sakit ng tiyan na nararamdaman. Namumuo ang pawis sa noo ko at lumalatay sa pagitan ng dibdib ko. Nakaaircon ang buong apartment unit ko na may dalawang palapag kaya nanginginig ang buong katawan ko sa lamig at sakit ng kalamnan. Pinilit kong bumangon upang abutin ang telepono na nakalagay sa side table. I tried to dial Aliyah's phone number, ala-una na ng madaling-araw, nakabakasyon kami mula sa trabaho malamang ay nagka-clubbing na naman ang manager-slash-bestfriend ko. Walang sumasagot sa kabilang linya. Isa pang tao ang naisip kong tawagan although nakakahiya wala akong choice, I don't have any other on my phone list right now.

"Bernard.."

I heard him moaned as if I just disturbed his peaceful sleep. "Hm? Thea? What's wrong?"

"I need you're.. help."

Napabalikwas siya alam ko. Dinig niya sa boses ko ang sakit na nararamdaman habang namimilipit ako at pinipilit na magsalita. Naramdaman kong mataas na din ang temperatura ko, inaapoy ako ng lagnat.

"What's going on? Nasaan ka ba?" halos sigaw niya sa akin sa pagaalala.

"Sa apartment..."

"Okay, stay right there. Pupuntahan kita, don't hung up the phone, I'll just get the car ready."

Ilang sandali siyang nawala sa kabilang linya, sumunod ay narinig kong umandar na ang sasakyan niya at sinabing on the way na siya. Nabuhayan ako ng loob, mabuti nalang may isang taong pwede kong tawagan ganitong oras at hindi mangingiming puntahan ako. Mabuti na lang at hindi ako mamamatay sa ganito ka pathetic na kalagayan.

Wala pang tatlumpong minuto nasa pintuan na siya, pinilit kong maglakad para pagbuksan siya. Pagkabukas ko ng pinto, sa tindi ng panghihina ay muntik na akong mabuwal sa sahig, mabuti na lamang a maagap si Bernard, nasalo niya kaagad ako, hinapit sa beywang at pinasandal sa balikat niya ang ulo ko.

"What happened to you? Wala kang kasama dito? Nasaan si Aliyah?" sunod-sunod niyang tanong.

"Masakit ang tiyan ko at giniginaw ako---' hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay naduwal na ako. Nakakahiya dahil nasukahan ko pa ang likod ng hooded jacket ni Bernard. "I'm sorry." ngiwi kong usal.

"It's okay. Dadalhin kita sa hospital--"

"Hindi pwede! Madaming makakakita sa akin.."

"Hindi pwedeng hindi! I'm not a doctor, I can't tell you what medicine to drink when we don't even know what's causing the pain in your stomach! Huwag matigas ang ulo mo Thea Villasanta! Let's go, now!"

Wala akong nagawa nang pangkuin niya ako at kargahin patungo sa passenger seat ng kanyang kotse. Hindi ininda ni Bernard ang bigat ko, malaki ang kanyang katawan at banat na banat ang mga muscles dala ng regular na practice sa football. Pumasok siya sandali sa apartment ko, kinuha ang kurtinang nakasabit sa bintana at siyang pinambalot sa buo kong katawan kasama na ang ulo. Halos mata ko nalang ang nakikita.

"Dadalhin kita sa doctor na kilala ko, malapit lang ang hospital niya dito, that way makakasiguro tayong hindi ka kukuyugin ng media." aniya habang nagmamaneho ng mabilis.

"Thank you."mahina kong sagot na umiikot na paningin, pinipigilan ko ang huwag masuka sa mamahalin niyang sasakyan. His ride is the latest Bentley Continental GT, being a famous NFL quarterback makes him afford all the luxuries the world can offer. Una ko siyang nakilala when he was at the lowest point of his life. Ngayon, he got the world spinning on the palm of his hands because of his miracle moves in the American Football field. He's one of the highest-paid NFL players. Hindi naman nakapagtataka dahil gwapo siya, charming at talented. Kinuha siya ni Aliyah bilang partner ko sa isang music video few months ago, the record sells millions as soon as it's released, million views sa Youtube at big hit din sa Spotify. Aliyah is thinking of giving him a project of his own pero ayaw ni Bernard, gusto niya lang maglaro ng Football ayaw niyang mag-artista. Pumayag lang siya sa music video dahil kinulit ko siya pero nangako akong iyon na ang una at huli.

Isa pa, mainit ang tingin sa akin ng girlfriend niyang si Lorraine. She's a half-Filipina, half-Mexican bitch na parating nakataas ang kilay sa tuwing magkikita kami. Para bang natatakot na anumang oras ay aagawin ko sa kanya si Bernard, sinasabihan ko na kasi 'tong Bernard na 'to na may pagka-pyscho ang babaeng iyon, ayaw akong pakinggan, sa halip nag-propose pa ng kasal ng biglaan dahil napilitan! Feeling ko Mexican Mafia ang tatay ni Lorraine at shotgun proposal ang ginawa nila kay Bernard. Although Bernard won't really admit any of it, lagi niyang sinasabi na kahit psycho si Lorraine ay mahal na mahal niya naman ito. Tsk.

Nang buhatin ako ni Bernard pababa sa kotse at papasok sa backdoor ng hospital, mas lalong sumakit ang tiyan ko na parang hinahalukay ng isang libong tinidor. Inilapag niya ako sa stretcher, dalawang doctor at tatlong nurse na sumalubong sa amin.

Shit! My body can't betray me like this, I have a flight to catch later this evening hindi pwedeng hindi ako matuloy sa pag-uwi ko sa Pilipinas, inaasahan ako nina Mama at Papa. Mag-aalala ang mga iyon sa akin kapag hindi ako natuloy dahil kinumpirma na ni Aliyah na wala na akong natitirang trabaho for this month. Hindi ko pwedeng bigyan ng alalahanin pa si Papa dahil ang dami na niyang hinaharap na problema sa ngayon. Ayoko nang dumagdag.

Nang ma-settle ako sa isang private room, sinaksakan ako ng IV fluid at pain reliever. Kinuhaan din ako ng dugo para sa mga test, they were asking for stool and urine too. Malapit na akong magpassed out sa kahihiyan dahil si Bernard ang umalalay sa akin para sa mga samples na iyon, ilang beses pa niya akong kinarga papunta at pabalik ng CR.

I was interviewed by the doctors too. Hula niya mild case of food poisoning lang daw, kapag naconfirm sa mga test na yun nga ang dahilan pwede akong madischarge kaagad at makaabot pa sa flight ko.

"Ano ba kasing pinagkakain mo? Food poisoning Thea? How stupid of a reason is that? Hindi mo binabantayan ang pagkain mo??" singhal sa akin ni Bernard nang mapag-solo kami sa hospital suite.

"Huwag mo na akong sigawan, masama na nga pakiramdam ko. I just ordered that take-out food yesterday, hindi ko naman alam na masisira kaagad sa fridge."

"You ate the spoiled food without knowing that it's spoiled?"

"Indian food kasi, first time kong natry, akala ko ganun talaga lasa."

Natampal ni Bernard ang noo sa konsumisyon sa akin. Umiiling-iling siya habang pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"You feel better now?" tanong niya.

Tumango kaagad ako.

"Cancel mo nalang muna kaya ang flight mo? Ako nalang ang tatawag kina Tito, hindi sila mag-aalala ng husto kapag alam nilang binabantayan kita dito."

During the years we stayed here in States. Bernard has gotten so close to me and my family. Sabay naming inabot ang mga pangarap namin dito. Ako bilang sikat na singer at siya naman bilang isang NFL quarterback. We've encountered humps and bumps along the way pero kinaya naman namin at nagtagumpay kami. It was not easy climbing to the ladder of success, ilang beses akong nahulog, ilang beses akong nadepress at nawalan ng pag-asa. Pero ngayon halos buo na ang mga pangarap ko. I was recently nominated for Grammys Best Pop Solo Performance featuring my latest music video with Americas' hottest quarterback Bernard Hernandez himself. People just loved our chemistry on-screen and fans won't stop 'shipping' us for each other. Somehow, bukod sa closeness namin ni Bernard ay iyon ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Lorraine.

"Hindi pwede hinihintay ako ni Papa, kailangan niya ako."

"Totoo ba yung balita?"

Marahan akong tumango.

"How bad is it this time?"

Kibit-balikat ako. "Sabi niya kakayanin niya. Kaya lang kasi ang laki ng nilabas niyang pera sa project na yun sa isang isla sa Pilipinas, kapag magbabackout sila sa plano hindi na nila mababawi ang perang nailabas na."

"Can we help him? What can we do to help?"

"Hindi ko pa alam. Kaya uuwi ako, para malaman ko kung paano makakatulong, knowing Papa, sa taas ng pride niya hindi siya hihingi ng tulong sa akin."

"Uuwi din ako sa Philippines next week. Gustong mag-island hopping ni Lorraine for our engagement celebration at nasurprise akong gusto niyang gawin iyon sa Pilipinas."

"Hindi pa siya nakakapunta?"

"Hindi pa. Dito na siya sa States lumaki."

"Pero bakit marunong siyang mag-tagalog?"

"Her Lola taught her. She was with her growing up so.."

Tumango-tango ako. Bahagyang ngumiwi nang makaramdam na naman ako ng sakit sa tiyan.

"Thea." biglang sabi ni Bernard nang tila may naalala. "You shouldn't have made that random comment to Marie SinClaire's ex-boyfriend the other day. It was just not proper."

Kumunot ang noo ko. "Opinyon ko lang naman yun. Tinanong ako kung ano ang palagay ko sa isang lalaking walang kakontentuhan, yung papalit-palit ng girlfriend na parang ahas na nagpapalit ng balat. I personally abhor them! People think he's not straight, I think the same way too. He's just some spineless, ball-less egomaniac closet gay! Di ba? Ang ganda-ganda at ang bait- bait na ni Marie, iiwanan niya ng ganun-ganun nalang? Bakla siya!!"

"Okay. Nandun na ako. Pero celebrity ka. Sikat ka. Imagine kung anong magagawa ng simpleng comment mo na yun doon sa tao. Alam mo bang bumabaha ng meme sa Facebook at retweets yun?"

"Hindi galing sa akin ang opinyon na bakla siya. Sinabi ko lang na baka tama ang netizens. Anong masama doon?"

"Kilala mo ba kung sino ang lalaking yun?"

"Of course not. How would I know? That was just a random question brought up in one of my interviews. Does it matter kung sino yung lalaki? Hindi magbabago ang opinyon ko na baka nga closet gay siya sa inaasal niya."

Bumuntong hininga si Bernard. He planted his hands on either side of his hips and sighed again.

"What?" halos umikot ang mata ko sa kanya.

"Si Caden Arguelles ang ex-boyfriend ni Marie SinClaire, Thea.

Napaubo ako ng malakas. Parang nakainom ako ng isang galon ng tubig tapos ay sa windpipe ko dumaan iyon. Nanlaki ang mga mata ko at nawalan ng dugo ang utak ko.

"Sino? Caden... Arguelles..? Sino yun....?" that was a dumb question. Sino pa nga ba??

"Si Caden Arguelles ng Arguelles Conglomerate. CEO and President of a huge international company. And apparently... your ex boyfriend too... ex-quarterback ng team ko... naalala mo na?"

Freakin right. Caden-freakin-Arguelles.... Shit. Nahilo ako. I might collapse anytime buti nalang nasa hospital ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro