Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38 Worst Day

Lahat ng mga empleyadong madaanan ko pasimpleng nakatitig sa akin na kapag nahuli ko ay kaagad na naglilipat ng tingin. Alam ko ang dahilan kung bakit ganito na naman ang kilos nila, hindi na bago sa akin ito. Sa tuwing may kaganapan sa buhay ko na hina-highlight ng media mas mabilis pa sa virus kung kumalat ang balita, kagaya ngayon. Matunog na naman sa social media ang recent break up ko with Marie, kung hindi ko lang kailangan sa negosyo, hindi na ako interesadong magbukas kahit pa ng Google, wala na nga akong social media accounts nagagawa pa din ng internet na iparating sa akin kung ano ang mga kaganapang pinagtsitsismisan ng mga tao. Pagod na pagod na ako at asar na asar na.

Associating myself with a celebrity like Marie is a bad idea. No, It's actually the worst. And it's never gonna happen again. Ngayon parami na ng parami ang mga taong gustong sumubaybay sa buhay ko na para bang isa akong kapana-panabik na teleserye. Nang makarating ako sa boardroom ng umagang iyon ay bahagya kong niluwagan ang kurbata para makahinga naman kahit kaunti, hindi dahil nasusuffocate ako sa kakulangan ng hangin kundi dahil malapit na naman akong sumabog sa pikon. Nakita ko ang headline sa Google ngayon at hindi ko gusto ang nabasa ko. Everybody is full of opinion like they knew me personally, like they've walked the grounds I'm walking on. Like they're in my shoe for the longest time.

"Have you read my proposal, dude? What can you say about it, am I not a genius or something? Come on say it, man. I'm the best!!" salubong sa akin ni Ethan, anak siya ng isa sa mga kaibigan ng Lolo ko kaya kahit na sa akin siya nagtatrabaho ay casual lang ang turingan namin. Walang Boss, walang empleyado. Isa pa, malakas magdala ng pera si Ethan sa negosyo. Kaedad ko lang din siya at nagkataong magkapareho kami ng mga hilig at gusto.

"What proposal?" kunot-noo kong tanong.

"Hindi mo binasa?"

"Ang alin ba?"

"The private island! The Pearl of the Orient Seas project! I told you I want that island, total naman ay nalulugi na ang kompanyang nagpapatakbo nun hindi pa man sila nagsisimula ay itatake-over na natin habang mainit-init pa ang pagbagsak nila!"

Umiling-iling ako sa sinabi ni Ethan. Napakalabnaw talaga ng konsensiya ng isang ito, para sa pera at negosyo lahat gagawin niya para lang magtagumpay. Kahit pa ang kahulugan niyon ay makaapak siya ng iba o di kaya'y makapanakit. Katwiran niya, hanggat dinadaan niya sa batas at sa patas ang lahat ay wala siyang nilalabag. Ang hindi niya alam ang salitang 'patas' at 'batas' ay malayo at malaki ang pagkakaiba, madalas pa ngang magkasalungat sila.

"I've read the proposal, Ethan. But I don't know if it's wise to capitalize on the idea of others. Hindi ikaw ang bumuo ng orihinal na plano, aagawin mo lang sa kanila 'yon."

"Nalulugi na sila."

"Dahil hindi nila makita kung saan sila nagkamali. Let them figure it out, I'm sure kung hindi natin pakikialaman it's just a matter of time for them to realize what went wrong, makakabawi sila at magtatagumpay sila sa project na iyon."

"Cade, naririnig mo ba ang sarili mo. Kaya bibilhin na natin ngayon na habang hindi pa nila alam kung paano itatama, besides, hindi sila kasing talino ko. Hindi nila makikita kung ano ang mali, hindi sila makakabawi. Ang masama niyan baka hindi natin alam ibenta nila sa iba ang isla pareho tayong nganga! Cade, malaking pera 'to. We're talking about billions here! Kapag nagkataon ang islang iyon ang magiging pinakamalaking private island turned into self-sustainable city in the whole Asia just for royalties! I was thinking of fitting in the whole world to that island. Paris, Egypt, Dubai, Rome...Cade! come on man."

Alam ko ang mga plano niya dahil binasa ko ang mahabang report na inemail niya sa akin over the weekend. Umiiling-iling ako habang iniikot-ikot ang mamahaling ballpen sa kamay ko.

"Hintayin mong ilabas nila ang desisyong ibenta ang isla."

"Marami tayong magiging kalaban, baka magmahal pa ang value--"

"Kung desidido ka sa mga plano mo, hindi problema kung maglalabas tayo ng malaking halaga."

Nalukot ang mukha ni Ethan sa sinabi ko. Asar siyang sumalampak sa swivel chair na nasa tabi, dahil umuusok ang tumbong niya, hindi siya napakali sa pagkakaupo, tumayo ulit at hinarap ako.

"What's wrong with you?!" biglang untag niya. "Hindi ka naman ganyan ah! Ilang taon kitang kasama and that's not how you decide on things! I thought you'll be as excited!" he finally exclaimed.

It's true. Kung normal na project 'to at walang complications baka nga kahapon ko pa tinawagan si Ethan. Who I am kidding? Kasing labnaw lang din ng kanya ang konsensiya ko o baka nga mas malala pa dahil kung tutuusin nagagawa niya ang lahat ng gusto niya including almost illegal and insanely unfair projects because I was letting him, even backing him up. Pero hindi ang project na ito. I'd rather move on with a less desirable business agreement than go on with this one even if it brings me billions, just like what Ethan is grinding on my face. It's the name Meynard Villasanta on the list of primary financing company.

Siya ang may pinakamalaking lugi, at siya ang pinakamawawalan ng pagkakataong makabawi kapag tinake-over ko ang project. This is not just a simple investment for him, this means his whole company, at ang mapagbebentahan ng isla ay mapupunta lamang sa pagsettle ng mga utang sa banko. This will mean bankruptcy for him. I won't be the culprit to aid on his downfall. Damn! Gusto kong magmura, wala na dapat akong pakialam eh. Para sa akin matagal nang nakabaon ang mga nangyari sa nakaraan, hindi na dapat ako apektado, ang negosyo ay negosyo, hindi ko dapat na hinahaluan ng kahit na anong unnecessary emotions. Eh ano ngayon kung malugi si Meynard Villasanta? Ilan na ba ang mga negosyanteng nalugi nang dahil sa akin? Isa lamang siyang karagdagan sa napakaraming listaan kong iyon, I shouldn't even give a damn.

Kumamot ako sa sentido. Senenyasan ko ang isa kong empleyado na ilabas na ang monthly report ng kanyang departamento. Bago pa man nito ibuka ang bibig para ipaliwanag ang chart na nakikita ng lahat sa powerpoint presentation ay hinarap kong muli si Ethan.

"Gawin mo na kung anong dapat mong gawin sa islang yan. Finalized the contract and the agreements, present them to me by the end of the month. Pipirmahan ko."

Nagliwanag ang mukha nito at napapalakpak ng wala sa oras. "That's my man! Hindi ka magsisisi dude. Akong bahala dito."

Umikot ang mata ko sa kanya. "Trabahuin mo ng malinis yan, walang magic Ethan I'm warning you, malinis dapat yan."

"Oo naman. Kailan ba kita pinahamak."

I was tempted to ask. "Anong mangyayari kay Meynard Villasanta?"

Napatitig siya sa akin. Ilang segundo din bago nagsalita si Ethan. "Well..." kumamot siya sa gilid ng kilay.

"Hindi ko alam, bro. He'll be just fine.... siguro? HIndi siya makukulong pero hindi ako sigurado sa magiging estado ng kompanya niya. Bakit? Kilala mo ba siya?"

Umiling ako. Hindi ko na pinansin si Ethan at muling binalik ang atensyon sa taong nagsasalita sa unahan.

Nang matapos ang meeting tumuloy ako sa opisina ko upang harapin ang sandamakmak na mga reports na nangangailangan ng pirma ko. Sumunod sa akin si Ethan, ang dami niyang sinasabi tungkol sa mga babaeng nakasama niya sa private resort ng isang kliyenteng sinusuyo namin para sa isang project na lighthouse attraction sa Batanes, pero wala na akong naiintindihan sa mga iyon.

"Anong balita kay Mr. Ahmed? Pumayag na siya?"

"Ang kj mo naman eh! Nagkikwento pa yung tao, syempre oo, ako pa ba??" sabay ngisi at kindat sa akin. Napakayabang.

"Ano bang ginagawa mo dito, umalis ka na. Marami pa akong gagawin." pagtataboy ko sa kanya nang marinig ko ang gusto kong marinig.

"Yun lang? Wala man lang pa-good job diyan? Hindi mo ako sasamahan sa country club ni Tiffany mamaya? Gusto kang makilala ng pinsan niya! Kilala mo si Tiffany, right?"

Kumunot ang noo ko.

"The racer babe you're banging?"

"No, pre. The hotel chain heiress!"

"Oh."

"The racer was a decade ago."

Lie. That was just last month.

"Anyway, her cousin, Liz is insanely in love with you! Nang malaman niyang hiwalay na kayo ni Marie, she flew from her chateau in London just to see you."

Napatawa ako. "So her cousin Tiffany used you so Liz can get to me? Is that what happened?"

"Yeah..damn no!" tapos sampung segundo niyang inisip ang sitwasyon. "Probably. Anyway, that's not important now, sasama ka ba sa country club sa Tagaytay mamaya? Wala ka naman nang gagawin after 6 di ba?"

"Ayoko." sagot ko habang binubuksan ang computer.

"Bakit? Don't tell me brokenhearted ka sa break up niyo ni Marie? Huwag mo nga akong dramahan, ikaw ang nakipagbreak di ba?"

"Sino may sabi sayong brokenhearted ako? Gusto mo ng tadyak? Sinabi ko nang ayoko, ayoko, walang dahilan yun!"

"Okay fine." aniya sabay taas ng dalawang kamay.

Paalis na ito nang isa pang bwiset sa buhay ko ang dumating. Si Greg parang hanging habagat na basta na lang pumasok sa opisina ko at tinapat ang hawak na cellphone sa mukha ko.

"Get the fucking phone off my face, idiot!" singhal ko dito.

"Nakita mo?" sabay pinakita din kay Ethan ang hawak na cellphone at kung anuman ang nakalagay doon. Sabay silang napahagalpak ng tawa sa harapan ko na mas lalong kinasakit ng ulo ko. Mga pisti! Kung hindi lang malaking pera ang dinadala sa akin ng dalawang ito ang sarap basagin ng glasswall ng building na ito at ihulog sabay 'tong dalawang hayop na 'to.

"Shit pare, sa dami ng mga article na lumabas tungkol sa'yo 'tong isang comment na 'to ng isang netizen sa facebook post ang pinaka outstanding! Shit! Gusto ko siyang hanapin at interviewhin! Nakita mo Ethan, viral! Trending amputah!" sabay tawa pa.

Inis kong hinablot ang cellphone na hawak ni Greg para tingnan kung ano ang tinutukoy nito. Napamura ako ng malalim at madiin sa utak ko, inis kong kinuyom sa palad ko ang cellphone at malakas na hinampas sa mesa ko.

"Shit. Wasak." ani Ethan.

Nanlaki lang ang mata ni Greg sa cellphone niyang basag-basag ang screen, dumugo pa ang palad ko.

"Ask SEP magazine to delete that post or I'll fucking screw them!"

"There's no use. Kumalat na, naging meme na nga eh. Hindi mo pa ba 'to nakita? Akala ko alam mo na, and like always wala kang paki."

"Hindi ko alam. Wala akong social media account!" singhal ko.

"Hindi ka naman bakla di ba?" ani Greg.

"Gusto mong kainin ang bubog nitong cellphone mo?" ganting tanong ko sa kanya.

"Well, wala namang naniniwala. Sinasabi lang nilang bakla ka dahil ilang magagandang babae na ang hinihiwalayan mo with your famous 'its over' line. They came into the conclusion na baka hindi babae hanap mo, baka lalaki." paliwanag ni Greg.

"Bakit ako lang? Bakit kayong dalawa? Lalo na 'tong si Ethan! Papalit-palit din naman kayo ng syota bakit ako lang ang pinagpifiestahan sa social media. Would you fucking enlighten me??"

"Eh ikaw ang sikat eh. Isa pa, international model at Hollywood actress si Marie. Ano pang iniexpect mo? Mag-date ka kasi ng low profile lang dude para hindi ka nahi-headline."

Sinapo ko ang ulo ko. "Umalis na nga kayo. Alis!"

Maiikling tawa pa ang narinig ko bago tuluyang nanahimik ang opisina ko. Tinawagan ko sa intercom ang executive secretary ko at sinabihang ayoko ng istorbo. Sinabi niyang ilang malalaking TV station at radyo na ang komukontak sa opisina ko para humingi ng interview, inutusan ko siyang iblock ang mga iyon. Ayoko ng istorbo at mas lalong ayoko ng interview. Hindi ko din pinayagan ang kahit na sino na pumasok sa opisina ko.

Kahit na isubsob ko ang sarili ko sa trabaho, hindi pa rin mawala sa utak ko ang mga kumakalat na tsismis sa akin. Napilitan akong gumawa ng isang facebook account gamit ang ibang pangalan. Wala akong nilagay na totoong detalye, wala ding litrato. I tried to search for my name in the social media and I was surprised by the huge number of results I found. The memes are true. I see disgusting comments about my sexuality and preference. Maraming nagtatanggol sa akin, marami din naman komukondena. How is my love life any of their concerns anyway? Bakit sobrang apektado ang mga taong ito? Sa pagscroll ko, isang hindi inaasahang picture ng isang taong ayaw na ayaw kong makita ang lumabas sa screen ng computer ko.

Her picture. Cover girl of the famous Vogue magazine. With dark glitters around her eyes and rosy brown lipstick on her mouth. She's wearing a million-dollar glittery black skimpy dress that flaunts her flawless caramel skin.

Kumuyom ang kamao ko, kaagad kong sinara ang page na parang napaso ang mga mata ko. Sa malas nabasa ko pa rin ang titulo ng article na yun. She was nominated Grammys this year for best solo pop performance. Well... good for her. I hope she's having the time of her life being an international singer and all. Like I fucking care.

Damn! This day is the worst!!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro