Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 He's Mad and Hurt...?




"Here's your registration paperrrrrsss!!" halos tumalon-talon si Aliyah sa tuwa nang ipakita sa akin ang pink na papel na naglalaman ng official number ko sa competition pati na rin ng mga basic guidelines nito. "I can't believe it! I can't believe you're joining the competition, I am sooo blowwnnn away!"

Parang kiti-kiting hindi mapakali si Aliyah sa pagsasayaw at pagwawagayway ng registration card ko sa ere, mas excited pa siya kaysa sa akin sa pagsali ko sa Battle of the Bands. Hindi magtatagal ipopost na ng mga organizers ang picture ko at ng banda ko sa hall at malalaman na ng lahat ang pagsali ko. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa pagdating ng araw na iyon na alam kong samu't saring reaction ang makukuha ko. Siguro may matutuwa that I decided to come out of my shell finally and meet the world. May macucurious kung ano nga ba ang kayang ibuga ng isang kagaya ko, at meron din namang maiinis dahil iisipin nilang ambisyosa ako at hindi ako nararapatan sa mundong gusto kong salihan ngayon. Well, I don't care anymore, they can say whatever the wanna say about me, ang alam ko lang gusto kong kumanta at gagawin ko iyon nang hindi iniisip ang opinyon ng ibang tao. Kung gustong kong umangat sa larangang ito, ako muna dapat ang maging number one fan ng sarili ko. Kailangan kong maniwala sa sarili kong kakayahan. Kailangan kong maging kompiyansa sa sarili ko dahil kapag iyon ang naperpekto ko, walang pwedeng makapagpabagsak sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Madaling isipin pero mahirap gawin. I have always been the girl who's afraid to come out of the shadows. Ayoko ng napupuna, ayoko nang nagiging spotlight. Takot din ako sa opinyon ng ibang tao sa akin. I may act tough on the outside, pero kapag nakakarinig ako ng hindi magagandang comment sa akin, madalas, I break down and just...cry.

"Hoy! Gaga ang tahimik mo d'yan, di ka magsalita?" pansin ni Aliyah.

"Nakita mo ba si Caden?" Si Aliyah lang ang nag-iisang estudyante dito sa St. Martin ang pwede kong pagtanungan tungkol kay Caden. Simula nang ihatid niya ako sa school noong Monday at maghiwalay kami ng daan papunta sa sari-sarili naming classroom, hindi ko na muling nakita pa si Caden. Madalas ko siyang hintayin sa bagong library, pero hindi na siya pumupunta doon. Friday na ngayon, ni isang txt wala akong nakuha mula sa kanya. I thought that maybe there's something wrong with my phone or his phone, pero alam kong pinapaasa ko lang sa maling pagasa ang sarili ko. Kung sira ang cellphone niya at gusto niya akong kausapin, gagawa siya ng paraan. Sa aming dalawa ako ang mas madaling puntahan, kapag ako ang kumilos, palaging mahirap na humanap ng tyansa na masolo ko siya dahil lagi siyang napapaligiran ng mga teammates niya. At palagi siyang ini-stalk ng mga babaeng may gusto sa kanya.

Dumaan kami ni Aliyah sa locker ni Caden upang sana mag-iwan ng sulat doon. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para masabihan ko siya na gusto kong mag-usap kaming dalawa. Pero pareho kaming napabuntong-hininga at napasimangot ni Aliyah nang marating namin ang locker ni Caden. Tinangka kong isiksik sa manipis na uwang sa ilalim ang papel ngunit nang ginawa ko iyon ay bumara lang ito at nagsilaglagan ang di ko mabilang na mga nakatiklop na papel sa paanan ko. Iba-iba ang kulay, iba-iba ang laki at iba't-ibang uri ng papel ang ginamit pero alam kong ang lahat ng iyon ay love letters galing sa iba't-ibang babae.

Nawalan ako ng pag-asa dahil si Caden ang tipo ng lalaking hindi nagbabasa ng love letters, malamang sa malamang kapag nakita niya ang mga ito ay dadakutin niya lang at itatapon sa basurahan. Yup, he may be calm and sweet at times, pero madalas cold-hearted siya lalo na sa mga taong hindi niya kilala. Kaya naman nilukot ko ang sulat na ilang araw kong binuo at tinapon sa pinakamalapit na basurahan na nakita ko.

"Why did you throw that away? Can't you just leave that here with the other letters?"

"There's no use. He'll not read it anyway. Tara na, mali-late na tayo sa Literature class natin."

"Oo nga! Damn! Nakalimutan kong i-memorize ang mga linya ni Juliet sa Act 3 Damn! Damn!"

Tinawanan ko siya. "Baliw ka talaga. Lagot ka na naman kay Sir Cruz niyan. Ipanalangin mo nalang na hindi ikaw ang tawagin."

Nginisian niya ako ng makahulugan. "Well... kung may magvo-volunteer, hindi na siya mag-aabalang maghanap pa ng pangalan sa magic index cards niya di ba?"

"At huwag mong sabihing ako ang magvo-volunteer??" nanlalaki ang mga mata ko sa kanya.

"Confidence! Kailangan mong i-master ang confidence sa harap ang audience di ba? Think of it as one of your sessions with Coach Karie and nail it!! Who would be the best Juliet in our classroom if not you!"

Umiling-iling ako. "Tumigil ka na nga, kung musical 'yan pwede pa, ang kaso hindi ako magaling na artista!"

"Thea naman eh! Kainis naman 'to eh. Hindi naman 'to mapakiusapan eh."

"Magdasal ka na simula dito papunta sa classroom." nang-iinis kong tawa sa kanya. Aliyah might be a straight-A student and running for the highest honor by the end of school year, but there's one dreadful secret about her that nobody except me knows about, it's her fright and hate for literature plays!

"It's about time you face your demon now, Aliyah!"

Sinimangutan niya ako at akmang hahampasin ng dala niyang sling bag. Kung hindi ako nakatakbo malamang ay tinamaan ako.

Dahil Friday ngayon, alam kong hanggang alas-otso ng gabi ang practice nila Caden sa field. Kung hihintayin ko siyang matapos na practice baka magkaroon ko ng chance na makausap siya. Kaya pagkatapos ng klase ay kaagad akong pumunta sa football field, may isang tagong bench doon na natatakpan ng makakapal na dahon ng puno ang pwede kong pagtaguan na hindi nila ako makikita. Hindi sumagi sa utak ko na papapakin ako ng lamok, di bale dalawang oras lang naman ang hihintayin ko at makikita ko pa siya kung paano magpractice. Not that this is my first time seeing him in action, dahil nga childhood crush ko siya at madalas ko siyang I-stalk noon, saulado ko na kung paano siya gumalaw sa field, kung paano ang technique niya at kung paano ang opensa niya. At this rate, kung may talent ako sa magfo-football, malamang na tatalunin ko siya.

Malamang hindi. Sa nakikita ko ngayon, iba na naman ang galaw niya kaysa sa galaw niya last year. Pabago-bago siya ng technique kaya mahirap sundan. Hindi nakapagtatakang star player siya ng footbal at marami nang nakapilang University ang gustong kumuha sa kanya sa college. Kung susundan niya ang career na ito, baka makapaglaro pa siya sa mga international games.

Bigla kong naisip, ano bang pangarap sa buhay ni Caden? Ni minsan hindi pa siya nag-open sa akin ng tungkol sa mga plano niya sa buhay. Kung ano ang mga gusto niyang gawin pagkatapos namin ng senior high. Kung may balak ba siyang sabihin 'yon.... at kung kasali ba ako doon.

Bigla akong nalungkot at pinanghinaan ng loob. Hindi ko namalayan na tumakbo na pala ng mabilis ang oras. Magaalas-otso na. Kung kanina ay excited akong maka-usap siya, ngayon parang naduduwag na ako. Paano pagkatapos ng high school, ngayong malayo na ang bahay niya sa amin, ano nang mangyayari? Magkikita pa kaya kami? Magkakaroon pa kaya siya ng time sa akin? Kasama pa ba ako sa susunod na chapter ng buhay niya? I have a lot of questions in my head that only he can answer. Natatakot lang akong magtanong dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya.

Tumayo ako mula sa bench at naglakad palayo. Alam kong tapos na ang practice at sa locker room ng mga athletes sila pupunta para maligo. I walked the opposite direction while carefully thinking of the what and what if's forming in my head.

"Thea!" I heard a familiar voice.

Si Bernard iyon, pawisan at hindi pa nakakapagpalit ng jersey, may nakasukbit na backpack sa kaliwang bahagi ng balikat niya. Mukhang pauwi na siya at hindi na nag-abalang sumama pa sa mga kateam niya na maligo at magbihis.

"Bakit nandito ka pa, kanina pa tapos ang klase niyo ah."

"O-oo. Pauwi na ako. Ikaw din ba? Kakatapos lang ng practice?"

"Yup! We'll be on our third game next Wednesday, alam mo na, kailangan kong tutukan 'to, my future depends on the game!"

"Oo naman. Magaling ka, sigurado akong hindi mo pababayaan ang team niyo. Isa pa, kayo pa rin naman ang pinakamalakas sa season na 'to."

Bernard gave me his carefree smile na kahit pagod ay punong-puno pa din ng energy. Para sa akin iyon ang magandang katangian niya, mas lalo siyang guma-gwapo sa malawak na ngiti sa labi niya at sa nakatawa niyang mga mata.

"May sasakyan ka ba?" tanong niya. "Mahirap nang kumuha ng taxi sa oras na 'to."

"Hinihintay na ako ni Mang Rudy."

"Good. Akin na nga 'yan. Mukhang hirap na hirap ka na."

Hindi na ako nakatanggi nang agawin niya sa akin ang dalawang makakapal na hard-bound book na bitbit ko.

"Do you know what happened to the school's investigation about the arson?" bigla niyang tanong.

"Ang sabi ni Papa, nawala daw ang copy ng mga CCTV sa paligid ng library that night. Kaya wala silang makitang lead, kahit na naghire na si Papa ng private investigator para sa kaso hanggang ngayon wala pa rin silang clue."

"Do you think it's an inside job? Na hindi taga labas at estudyante lang dito ang may gawa no'n?" biglang tanong ni Bernard.

"Sino bang nakakaalam na nasa loob pa tayo ng library? Sa 'kin kasi wala. Ikaw ba, may nakakita sa'yo?"

"I don't know, ang alam ko lang sinabihan ko ang guard doon na ako na ang bahalang gumising sayo. Nakuha ba nila ang statement ng guard?"

"Oo. Kaso wala daw siyang nakita."

"Oh." hindi siya umimik ng ilang sandali. Wala na kaming imikan hanggang sa marating namin ang kotse ko. Ibinigay na lamang niya sa akin ang libro ko at tumalikod matapos kong mag-thank you.

"Bernard!" tawag ko. "Thank you for not leaving me back there."

"Anong tini-thank you mo ni hindi nga kita nailabas doon. Kay Caden ka mag-thank you dahil siya ang nagligtas sayo."

"Kahit na. Hindi mo pa rin ako iniwanan at pinabayaan doon kaya thank you pa rin."

"Sure." aniyang umiikot ang mga mata. "Can I borrow your phone?" biglang sabi niya.

Inabot ko sa kanya ang cellphone ko, nagdial siya doon tapos ay biglang nagring ang cellphone na nasa bulsa niya.

"That's my number right there. Balitaan mo ako sa progress ng investigation. Gusto kong makaganti sa mga hayop na muntik nang maglechon sa akin kasama ng mga libro."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di ba dapat hihingi ka ng permiso kapag kukunin mo ang number ng isang tao?"

"Ah talaga? Batas yun? Hindi ko alam 'yun."

"Bwesit ka." inikotan ko siya ng mata.

"Arte mo. Hindi kita ittxt mate wala akong pang-load. Basta itxt mo ako kung may balita ka. Sige na, alis na ako."

Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero napahinto pa ako sa pagbubukas ng kotse ko nang muli siyang bumalik sa harapan ko. "Anong ginagawa ni Caden sa library nung gabing 'yun?"

"Oh di ba kateam mate mo siya? Nandoon din sila Jonas, malamang iniligtas ka nila."

Tumawa siya ng pagak. "Magpapakamatay si Caden para sa akin? Ang swerte ko naman pala, sa dami ng naglalaway sa kanya sa school na 'to sa 'kin siya naglalaway? Nakakatouch. Hayaan mo bukas ili-lips to lips ko ang gagong 'yon." sarkastiko niyang turan.

"Bwesit ka, umalis ka na nga! Uuwi na ako."

"So totoong boyfriend mo siya? I thought you're just delusional when you said he's your man."

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Bernard ang totoo. He has close access to Caden's circle of people.. "I lied. He's not mine."

"Hindi mo boyfriend?" kumunot ang noo niya na parang hindi naniniwala.

"Hindi nga ang kulit!"

Akmang papasok na ako sa kotse nang sumulyap si Bernard sa bandang likuran ko. Laking gulat ko nang sundan ko ang tingin niya at makita ko si Caden na pawisan, nakajersey pa din at halatang galing lang sa mahabang pagtakbo. Hinabol niya ba kami papunta dito? Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko sa malalim niyang mga mata ang disappointment.... at sakit. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na naroon, pero isa lang ang sigurado ko. Narinig niya ang lahat. Kasama na nag pagtanggi kong boyfriend ko siya sa harapan ni Bernard.

"Okay. Sabi mo eh. Una na ako." tumingin pa si Bernard kay Caden at tumango. "Dude."

Naiwan kami ni Caden na walang imikan at kapwa napako sa kinatatayuan. I glanced at him just once at ayoko nang ulitin iyon dahil natatakot ako sa bangis na nakikita ko sa mga mata niya. He's mad. And hurt.

"I thought you waited for me. Si Bernard pala ang hihintay mo?"

"That's not true! Ikaw ang hinihintay ko."

"Kaya pala pauwi ka na nang makita mo siya?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. I was waiting for him! Pero paano ko ngayon ija-justify yun kung totoo naman ang sinabi niyang pauwi na ako hindi ko pa siya nakikita? Damn my tongue for being paralyzed right now!

"Just get going then. Ingat ka sa pag-uwi."

Tumango ako ng marahan. "Ikaw din."

Pagkatapos ng isang tango ay tumalikod na siya at naglakad palayo. Hinintay kong lingonin niya ulit ako pero hindi niya na iyon ginawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro