Chapter 29 Loving him is Red
Everything seemed normal at school, hindi ako pinag-uusapan, hindi rin ako tinatanong kung ano ang nangyari sa akin doon sa sunog. Students were acting strangely oblivious. Sabagay, mabuti na ang ganito kesa naman pagpiyestahan nila ako ng tanong di ba? Pagkatapos ng klase ko ay kaagad akong nag-ayos ng mga gamit, iniwan ko sa locker ang mga librong hindi ko kailangang dalhin. Sinabihan ko si Aliyah na hindi na muna ako dadaan sa dance practice niya kaya naman binigay niya sa akin ang mga print outs ng mga kantang inaaral namin ng singing coach ko na dance coach niya din.
Pinadaan ko si Mang Rudy sa isang convinience store para bumili ng prutas at tinapay para kay Caden. Tapos nun dumiretso na kami sa hospital bago pa man dumilim. Inabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at may hawak na gitara. Tumutogtog si Caden, at kahit pa nakadamit pang-hospital, walang ibinawas iyon sa astig ng dating niya ngayon sa paningin ko.
Ilang sandali pa bago niya napansin ang pagdating ko. Itinigil niya ang pagtogtog kaya napanguso ako, gusto ko pa siyang panooring kumalabit ng string ng gitara eh. Hindi nakakasawa, kahit siguro magdamag akong nakatayo dito.
"Bakit ngayon ka lang?" kaagad niyang salubong sa akin.
"Maaga pa nga ako eh. Hindi ako nag-library."
"Sunog ang library paano ka pupunta?"
Napatawa ako. "Oo nga pala."
Iningosan niya ako habang itinatabi ang gitara. Lumapit ako sa kama niya para sana bigyan siya ng prutas kaya naman ikinagulat ko nang hilahin niya ako sa braso, at humiga siya sa kama niya at hinila ako para pumatong sa kanya.
"Aray.." inda niya nang madaganan ko siya sa dibdib.
"Yan ang landi kasi."
"Tch. I missed you."
Nginitian ko siya. "Kahit nagkita palang tayo kaninang umaga?"
Inangat niya ang ulo niya para abutin ang bibig ko. Una, isang dampi lang ng labi niya sa labi ko ang ginawa niya. Sumunod niyon ay mas malalim na at mas mainit na ang halik niya na para bang sabik na sabik talaga siya na hindi ako nakita ng ilang oras. His hand stayed in the side of my face while the other is wrapped around my waist securing me firmly in the heat of his embrace.
I want to spend my forever like this. Kung alam ko lang na aabot kaming dalawa sa ganito sana hindi ko na sinayang ang mga luha ko noong bata pa ako sa tuwing hindi niya ako pinapansin at sa tuwing tinatalikuran niya ako kapag dumadating na ako sa park na palagi niyang pinagtatambayan. His mouth against my mouth felt so good. His tongue exploring my insides like it's some kind of a fantasy world he can't live without. Kapag nadidikit ako ng ganito kay Caden, hindi ko mapigilan ang katawan ko na mag-react. Umiinit ako mula sa mukha, papunta sa toktok ng dibdib at patungo pa sa ibaba ng aking katawan.
Naramdaman ko ang pagbaon ng kamay niya sa buhok ko. Ang mainit na pagdikit ng mga daliri niya sa anit ko, kaya naman hindi ko sinasadyang mapa-ungol. Caden is such a fantastic lover, gwapo na, mabango, matalino at magaling pa sa ganito. Hindi nakapagtataka na napakaraming babae ang gustong makuha siya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang noong nakaraang araw, na gusto niya ako, na hindi na siya komportable sa piling ng ibang babae simula nang makasama niya ako. It's too good to be true, may bahagi ng utak ko ang nagsasabing huwag ko iyong paniwalaan dahil minsan ko nang naranasan ang masaktan ng husto ng dahil sa kanya, pero itong baliw kong puso patuloy pa rin sa walang takot na pagmamahal kay Caden Arguelles.
"Ahemmm!" isang malakas na tikhim ang narinig namin mula sa pintuan dahilan para manlaki ang mga mata ko at maliksing umalis mula sa pagkakapatong kay Caden at bumaba mula sa kama. Kagat ko ng husto ang labi ko, namumula ako mula ulo hanggang paa nang mabalingan namin ang isang nurse na may dala-dalang mga gamot na ituturok sa IV ni Caden.
"Pain killers and meds lang tayo Sir ah?" aniyang nurse na tingin ko ay nasa late thirties na. Kitang-kita sa mukha niya na nagulat siya sa nakita, kalaunan ay gustong umiling-iling nalang at tumawa. Pero pinipilit nitong gawing neutral ang mukha para naman hindi ako masyadong mapahiya. Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang init ng mukha ko. Ni hindi ako makatingin sa nurse at pilit kong binabaleng ang tingin ko sa nakabukas na bintana kahit na dilim lang ng gabi ang nakikita ko doon.
"Are you done?" kalmadong tanong ni Caden sa nurse pagkatapos nitong maiturok ang mga gamot sa heplock at macheck kung maayos pa bang dumadaloy ang likido patungo sa ugat niya.
"Tapos na po." anitong bahagyang ngumiti. "Aalis na ako, kung may kailangan kayo tawag lang po sa nurse station."
Nang tumalikod ang babae pinandidilatan ko si Caden dahil namumula na din siya sa kapipigil ng tawa sa akin. Kung sanay na siyang mahuling nagmey-make out ako hindi! First time ko to at ayoko nang maulit pa dahil sobrang nakakahiya. Nasa hospital pa man din kami at sa tingin nung nurse kanina ay inaatake ko ang pasyente niya!
Siniko ko ng marahan si Caden dahil hindi pa rin talaga siya tumigil sa impit na pagtawa. Akala ko tuluyan nang lalabas ang nurse pero sa huli ay pumihit ito at sinabi ang kanina pa gustong sabihin.
"Bawal po yung kanina ha? Bogbog pa ho ang katawan ng pasyente bawal pong daganan."
Pero pwedeng halikan? Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa naisip kong tanong. Mabuti na lamang at medyo flustered pa ako kaya hindi ko naitanong iyon sa nurse at mapayapa siyang nakalabas ng suite.
Doon na tumawa ng malakas si Caden, umaagat pa ang paa niya at sapu-sapo ang tiyan. Tawang tawa siya sa pagkapahiya ko samantalang kaming dalawa ang nahuli, hindi lang ako. Ngali-ngaling hampasin ko siya ng unan.
"Teka! Teka! Narinig mo sinabi niya di ba? Bogbog pa katawan ko, gusto mo bang mapagalitan ulit?"
Inis kong ibinagsak ang unan na hawak ko at sinubsob ang ulo ko doon.
"kasalanan mo 'to napakalandi mo!" sigaw ko sa kanya.
"Oo na kasalanan ko na, huwag ka nang mainis d'yan."
"Tse!!"
Tapos ay tumawa na naman siya. Ang saya-saya niya eh.
"Come on. It's not that bad, it's not as if she caught us naked."
At talagang ginagawan pa niya ng lusot ang kahihiyan ah. Inis akong nag-angat ng tingin, hindi ko sinasadyang maibaling ang mata sa bagay na nakasuksok sa ilalim ng likod niya. Nangunot ang noo ko, nagsalubong ang kilay ko, inangat ko ng tuluyan ang mukha ko mula sa unan at dumukot sa likod niya.
Bumilog ang mga mata ko nang marealized ko kung ano ang bagay na iyon. Ito yung cellphone na nabasag ko at pinapapalitan niya sa akin.
"Opps." nag-isang linya ang bibig ni Caden nang makita niyang hawak ko ang cellphone. Lumabas ang nakatagong dimple sa kaliwang pisngi niya at medyo naningkit ang mga mata. Dahan-dahan niyang tinakpan ang laylayan ng damit niya ang mukha niya. Hindi ko pinansin ang isang set ng baby abs na naexpose dahil sa ginawa niya.
"Caden!"
Nakatago pa din ang mukha niya sa damit niya.
"Caden!"
Nang ibaba niya ang damit niya nakangiti siya ng matamis na parang batang nahuling kumakain ng isang jar ng chocolate.
"Ano to?" nakataas ang kilay na tanong ko at nakanguso sa cellphone na hawak ko.
"Ahm." kumamot siya sa ulo at saka tumikhim ng malalim. "Yan?'
"Oo, ito."
"Cellphone?"
"Ito ang cellphone mo na pinapapalitan mo sa akin sabi mo nasira."
"Nasira nga pero naayos na."
Napahalukipkip ako. "Talaga ba? Tas hindi mo sinabi sa akin. Kelan pa naayos 'to?"
"Kelan lang. Hindi ko na matandaan." painosente niyang sagot.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Inisip mo bang hindi ko na papalitan kapag nalaman kong naayos na?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi no. Inisip kong baka hindi mo na ako papahiramin ng cellphone mo kapag nalaman mong gawa na yung akin."
Medyo tinablan ang heart ko doon kaya napaatras ako ng kaunti sa opensa ko. Pinipigilan ko ang huwag mag-blush.
"Gusto kong nakikigamit ng cellphone mo okay." dagdag pa niya.
"At bakit?"
"Kasi nakikita ko ang mga activities mo kahit hindi mo ako kasama. Mahilig kang magpicture ng mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sayo at lately gusto kong mainvolve sa mga simpleng bagay na iyon."
Hindi ko alam ang sasabihin mo. Caden has been the love of my life since time immemorial, hindi ko kayang basta nalang umarteng cool kung ang puso ko ay parang nasa loob ng isang extreme roller coaster ride. Hindi ako makahinga sa bilis ng pintig nito. At this rate baka himatayin nalang ako bigla at macomatose ng limang araw.
"You love singing right? Nakita ko ang isang video mo na kumakanta ka."
Umikot ang mata ko sa kanya. Pagkakataon ko na ito para kumalma kaya naupo ako sa sofa na malayo sa kanya para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Obviously he's diverting my attention away from the fact the nagsinungaling siya sa akin tungkol sa cellphone niya. Tsk. Manipulative.
"You have such a sweet angelic voice."
"Pang-simbahan ganun?"
Tinawanan niya ako. Tumayo pa siya binitbit ang swero niya at tumabi sa akin sa lounge. Effort talaga siya para lang makatabi ako?
"Hindi pang simbahan. Pang-concert. Pang-Spotify at pang-billboard. Ganoon ka kagaling, alam mo ba yun?"
"Sus, huwag mo nga akong bolahin d'yan. Hindi 'yan totoo."
"I'm not telling you this because I'm your boyfriend and it's a given fact that I should be your number one fan, sinasabi ko 'to sayo dahil may talent ka. And if you decided to go follow that track I know you'll hit it!"
Napatitig ako sa kanya. God he's so convincing. Pati mga mata niya sinasabi ang kagaya ng sinasabi ng bibig niya. For the first time in my life, naisip kong bakit nga ba hindi? Mahal ko ang pagkanta, bata pa lang ako umaarte na akong diva sa mga laro-laro ko noon. May recording pa nga kami ni Mama na, feeling ko nagco-concert talaga ako. Ang pagkanta ay isang pangarap at passion na matagal ng nakabaon sa puso ko.
"I'm not really sure about that.." bulong na saad ko.
"Tch. There's no such thing as you're not sure about something, it's either you want it or you don't."
"I don't know." sinisimulan na naman niyang pakabahin ang puso ko sa ibang bagay.
"Come on. Who's your favorite singer?" he asked smiling. "Oh I know! Taylor Swift? Right?"
Tumango ako. I'm so impressed that he knows that about me. He's paying attention.
"Can you sing a song for me?"
Mas lalo akong kinabahan. Why is he suddenly so interested in me? Dahil ba boring sa hospital na ito at wala siyang ibang mapaglibangan kundi ako? O dahil gusto niya talaga ako kagaya ng sinabi niya? Sa huli, alam ng puso ko ang sagot. Gusto niya ako na kagaya ng gustong-gustong ko siya... or maybe just half.
Nang kunin niya ang gitara niya at magpatogtog ng intro, alam ko na kaagad ang kantang iyon,
It's 'Red' by Taylor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro