Chapter 28 I like you!
"So this is your discharge papers and I'm signing this right now, makakauwi ka na din sa wakas Ms. Villasanta!" masiglang bati sa akin ng doctor ko. Tumingin sa akin sina Mama at Papa para ngitian ako. Ilang araw ko din silang pinagalala kaya masaya ako na nawala na ang mga wrinkles nilang dalawa dulot ng pagaalala sa akin. Naiexcite na akong umuwi pero iniisip ko si Caden, alam kong dahil mas malala ang nangyari sa kanya ay baka mag-stay pa siya dito ng ilang araw.
"Si Caden po?" hindi ko namalayang naitanong ko sa doctor.
"Si Mr. Arguelles? Mabuti na ang lagay niya, nagising na din siya kagabi at sa tingin namin ay nakakarecover na siya kahit papaano."
"Pwede ko po ba siyang puntahan?"
"Ahm." napakamot ang doctor. "Yes you can, but he's not in a very good mood today I'm not sure if he'll accept visitor in his suite now. Tinaboy niya ang isang nurse namin na magpapalit sana ng dressing ng sugat niya."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman gagawin ni Caden iyon? "Baka po nagkatrauma siya kaya medyo aggressive?" pero aggressive naman talaga at magagalitin si Caden paminsan-minsan. It's a side of his character that I've always known kahit pa ibang-iba ang pinapakita niyang kasweetan sa akin the last few weeks. I decided I need to go talk to him, hindi niya pwedeng tanggihan ang mga nag-gagamot sa kanya. Kaya nang makaalis ang doctor, hindi ko na muna isinuot ang dalang pamalit-damit ni Mama.
"Ma, silipin ko lang po muna si Caden.."
Tumingin din ako kay Papa. Tinanguan niya ako.
"Sige, bilisan mo lang. Uuwi na tayo today, aasikasuhin lang ni Papa mo ang bills , tapos mag-aayos ako ng gamit mo. Bumalik ka kaagad ha?"
"Opo."
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang papunta sa suite ni Caden. Iniisip ko kung bakit siya bad mood at kung papapasukin niya ba ako kapag kumatok ako. Maaga pa, siguradong wala siyang bisita dahil hindi pa tumatanggap ng mga bisita ang hospital sa mga oras na ito. Kaya naman binilisan ko ang paglakad. Kumatok ako ng ilang beses, pero wala akong naririnig na sagot mula sa loob. Inisip kong natutulog lang siya, ayokong isipin na baka ayaw niya lang akong papasukin kaya di siya umiimik sa loob. Pinasyang kong pihitin ang doorknob. Nakita ko siya sa hospital bed, nakaangat iyon ng husto kaya halos para nalang siyang nakaupo. Nakapikit ang mga mata niya pero pakiramdam ko ay gising siya.
"Caden. Can I come in?"
Hindi siya sumagot. Pumasok ako ng tuluyan at tumayo sa tabi ng kama.
Matagal bago siya nagbukas ng mga mata at salubungin ang tingin ko.
"Who told you to come in?" masungit niyang umpisa, salubong pa ang kilay. He's being grumpy again. Normal lang iyon dahil alam kong iritable naman talaga ang kahit na sinong tao kapag may masakit na nararamdaman.
"I asked you."
"I didn't answer. Do you know what that means?"
"Silence means yes." sinubukan kong tamisan ang ngiti sa kanya.
Pinanlisikan niya ako ng tingin. "It means NO in my vocabulary."
Huminga ako ng malalim. Masyado akong masaya na okay na siya para magalit ako sa kanya. Kahit na anong sungit ng pakikitungo niya sa akin ngayon hindi ko magawang mairita, Gusto ko lang siyang yakapin at ikulong sa mga bisig ko ng mahigpit na mahigpit. Besides, sinong magagalit sa pasyenteng kahit ilang araw nang walang ligo at simpleng hospital gown ang suot ay sadyang napakagwapo pa din? His hair a mess, his face stone-hard, jaw rigid and lips flushing and pinkish....despite being sick.
"Ibig sabihin ng huli kong sinabi, umalis ka na. Hindi mo pa rin maintindihan yun?" dagdag niya nang mag-umpisa na akong matulala sa mukha niya.
"Teka nga, bakit ba ang sungit mo, at bakit ka ba galit na galit sa akin?"
"Hindi mo alam?" salubong ang kilay niya na parang lalapain ako ng buhay.
"Nagagalit ka dahil napahamak ka nang iligtas mo ako? I'm sorry pero hindi ko naman sinabing iligtas mo ako ah?"
Tumawa siya halatang inis na inis. "You dare accuse me of hating you after I saved you? You know how ridiculous that sounds, Thea?"
"Eh bakit nga, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo akong makita at gusto mong umalis na ako."
Umirap siya at inilayo ang tingin sa akin.
"Caden!" singhal ko sa kanya sabay padyak ng paa.
"What??" pikon na baling niya sa akin. "What are you even doing in that fucking library so late at night with a fucking man, huh? May girlfriend kang tao ganyan ang inaasta mo?! Do you even know how worried I was that night even after finding you in another man's arm in the middle of a fucking fire? I thought I lost you. I thought you're not gonna breath again. I was fucking scared!"
Umawang ang labi ko sa biglaan niyang asik ng mga salitang iyon. Was that sweetness smoldered with a lot of bad words?
"I went to your room as soon as I wake up. Guess what I found? You lying fucking sweetly in bed with another man in the same room."
I got confused. Was it last night when Bernard visited me in my room? He got discharge first at pumunta siya sa kwarto ko para icheck ako at magpaalam na uuwi na. Tapos nun nakatulog na ako. Hindi ko na namalayan ang pag-alis niya. Caden went looking for me first thing he did after waking up. I felt a rush in my heart and my stomach tightened a bit. Why is this guy making me so kilig even when he's swearing and shouting and glaring at me?
"Hindi ko naman siguro kasalanan na may masasamang loob na naglock sa amin doon kaya inabot ako ng disoras ng gabi sa library di ba? Hindi ko rin siguro kasalanan na nakatulog ako kagabi nang bumisita si Bernard, nakakahiya naman kung palalayasin ko siya kung nagmamagandang-loob lang naman ang tao di ba?"
"Don't try to reason it out. I'm feeling mad right now, you can't do anything about it."
"You're not mad, you're jealous."
Tiningnan niya ulit ako ng masama. "I'm fucking what? Jealous?"
"Yes! You're jealous with Bernard! Admit it."
"Of course I'm jealous! Are you stupid? You're my girlfriend, I don't want any living creature the opposite gender going anywhere near you. That's how jealous I am."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mong may lumalapit sa akin na ibang lalaki pero kung makadikit ka kay Teisha ganun-ganun nalang? Kung maghalikan kayo sa school parang ako yung number two, kabit, at siya ang original girlfriend!"
"I told you those were just kisses she initiated!"
"Nag-enjoy ka naman ba?"
"Siguro noon, oo. Pero simula nang maging girlfriend kita, kissing other women become intolerable. Para sa kaalaman mo hindi na ako nakikipaghalikan kay Teisha ngayon."
Humalukipkip ako nang nakataas ang kilay. "I heard rumors that you're secretly dating her. May boyfriend siya kaya hindi niyo mailabas sa public ang totoong score."
"Nagpapatawa ka ba? Why would I do that? Do I look like a fucking love-craze guy to you?"
Hindi. Caden is never the desperate type. Maraming babaeng magaganda kagaya ni Teisha na naghihintay ng atensyon niya. Malapit na akong maniwala na wala talagang nangyayari sa kanilang dalawa. At totoo naman na hindi siya ang tipo ng lalaking maghahabol sa isang babaeng may boyfriend na at maghihintay ng oras at atensyon nito kapag wala na ang tunay na boyfriend.
"Tama ka. Hindi ka nga love-craze--"
"I am." he intervened.
"Ha?"
"Kung hindi ako baliw bakit ako susugod sa nagliliyab na building para lang iligtas ka. So this crack in my head or whatever this shit I'm feeling right now, this is not towards Teisha nor anyone else. This is only towards you. I think I like you. And I like you that much."
My stomach took a spinning wheel. Halos hindi ko na maramdaman ang palad ko sa higpit ng pagkakakuyom ko. Ang puso ko kumakalembang na parang kampana ng simbahan na nangangalit sa taumbayan. Malakas. Mabilis. Dumadagundong. Nakakabingi.
"I know you're going home now. Ang sabi ng doctor baka isang linggo pa ako dito. Bago ka umalis gusto ko nang sabihin sayo 'to. Ayokong nakikita ka kasama ng ibang lalaki lalo't masyado kayong mukhang close. Ayoko ang pakiramdam na nagseselos. At ayoko rin ang pakiramdam na nagtatago. Sinabi ko na sayo na gusto kita."
Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. Wala siyang kakurap-kurap habang nakatitig ng maigi sa mukha ko. "I want you to be my girlfriend, Thea Villasanta."
Huminga ako ng malalim. Ganito pala ang matameme? Sumisigaw ang utak at puso pero naninigas ang buong katawan at walang boses na lumalabas sa bibig?
"Thea.."
"Girlfriend mo na ako di ba? Ano bang sinasabi mo?"
"Ibig sabihin niyan, pansamantala ko nalang kayang itago sa harap ng ibang tao. Isang araw mapupuno ako sa mga pasekretong ganito at masasabi ko sa ibang tao ang tungkol sa relasyon natin. Kapag dumating ang araw na iyon huwag kang magagalit dahil binalaan na kita."
Hindi na naman ako nakasagot. Yep he's love-craze. And yep he's love-craze about me.
"Magsalita ka." kunot-noong utos niya.
"O-okay." I freakin don't know what to say. Being Caden's girlfriend means constantly being on the spotlight. I will no longer be the boring clay pot in school. Everybody will notice me. Magiging center ako ng tsismis sa labas at loob ng school. Makakareceive ako ng mga hate messages from unknown senders, at baka ilang death threat pa ang abutin ko mula sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya. Alam ko yun, dahil minsan, minsan akong naging isa sa mga babaeng iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro