Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19 Sweet Blueberry Cheesecake




Tahimik akong nagmumukmok sa labas ng gate namin. Nakaupo sa gutter habang nakatitig sa kalangitan. They were my witnesses, they were there watching when Caden kissed me that night. I wished they could talk and tell me what kind of kiss he gave me. Was is a friendly kiss? A lustful one? Or was it just... nothing?

Pasado alas-nuebe na ng gabi pero ayoko pang pumasok sa loob. Mas gusto ko dito sa labas ng gate, malamlam ang liwanag, masarap ang simoy ng hangin at magaganda ang kislap ng mga bituin. Kumabog ang dibdib ko nang namataan ko sa di kalayuan ang isang bulto ng matangkad na lalaking paparating. Gusto kong tumakbo papasok ng bahay pero alam kong nakita na niya ako. Ayokong magmukhang tanga sa harapan niya. Ayokong ipaalam sa kanya kung ano-anong mga pantasyang pumasok sa utak ko dahil lang hinalikan niya ako noong isang gabi.

He was not wearing his usual black shirt and black jeans. Nakasuot siya ng puting polo na nakatiklop hanggang siko ang sleeves. And instead of jeans he's wearing a black slacks. His frame made the shaggy outfit look more than decent and dazzling even. May hawak siyang isang supot na kulay pula, base sa itsura mukhang pagkain ang laman. His face looks tired.

"Thea. Anong ginagawa mo dito?" nilampasan niya ang gate ng bahay nila para puntahan ako. Hindi ako nag-abalang tumayo sa kinauupuan ko.

"I'm watching the stars." may ngiti kong sabi. Tiningala niya din ang langit na kagaya ng ginagawa ko. Hindi ko inaasahan ang pagtabi niya sa akin. Magkadikit ang balikat namin, pinigilan ko ang sarili kong pumiksi sa simpleng contact na iyon.

"Hindi mo ba alam na delikado 'tong ginagawa mo? Maraming masasamang tao sa paligid na nag-aabang lang ng mabibiktima."

"I didn't know. Hindi ako marunong magbasa ng tao. Masamang tao na pala nasa harapan ko di ko pa alam. Matututo din ako. Someday, I'll know better."

"You should." maiksing komento niya sa sinabi ko. "Let's go to the convenience store. I'll buy you something to eat. Kumain ka na ba?"

Tumango ako.

"Kumain ka ulit. Tara!"

Gusto kong magprotesta, pero nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin hindi ko na ginawa. I have to learn this. I have to learn to tame my emotions around him. Kailangang masanay ako sa kanya, sa presensiya niya hanggang sa dumating sa puntong hindi na ganoon kagwapo at kaperpekto ang pagtingin ko sa kanya. Hanggang sa mapatunayan ko sa sarili ko kung gaano siya kawalang-kwentang lalaki at ako na mismo ang umayaw sa kanya.

Isinuot niya ang hood ng jacket ko sa ulo ko. Tapos ay muling hinawakan ang kamay ko habang naglalakad sa gitna ng kulay dilaw na liwanag na galing sa malalaking poste sa loob ng subdivision. His hand is warm and comforting. A a relief after a day's strenuous work.

"What did you do the whole day, Thea? Kwentuhan mo naman ako ng araw mo."

"Nothing much. Just finish an essay and submitted artwork today."

"What kind of artwork?"

"Basic painting." maiksi kong sagot habang pinapakiramdaman ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Marunong kang mag-paint?"

Natatawa akong umiling. "I submitted the worst art ever."

"Bakit hindi mo pinakita sa akin?"

"Hindi nga kita makita buong weekend eh. Paano ko ipapakita sayo?" kusang lumabas ang tampo sa boses ko.

"Did you miss me?"

"No!" kaagad kong bawi. "Bakit naman kita mamimiss?"

"Well you sounded like you miss me for a while there. Besides, I missed you."

"Sinungaling. Kung namiss mo ako, you always have an access to my window. Lagi kang umaakyat doon kahit na pigilan pa kita."

Nginitian niya lang ako. "I was busy the whole weekend. Umuwi lang ako ng bahay to change clothes tapos balik na ulit sa trabaho."

"Nagtatrabaho ka?" ikinagulat ko iyon.

"Where do you think I got this from?" inangat niya ang hawak niyang supot na kulay pula. "The owner of the cafe insisted that I take this home. Ayoko sana kaso naisip kita. Baka gusto mo nito kaya dinala ko na. Aakyat sana ako sa bintana mo, mabuti nalang nasa labas ka na hinihintay ako. It saved me the trouble. Masakit pa naman katawan ko."

"Hoy!"pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi kita hinihintay ah!"

Malakas na tawa ang sinagot niya. "Talaga ba? Kulang nalang pumasok ka sa gate ng bahay namin."

"Ang layo ko kaya!"

"Ang lapit mo na. Mas malapit ka pa sa gate ng bahay namin kesa sa gate niyo." panunukso niya sa akin.

Hala. Parang hindi naman. Kusa bang naglakad ang mga paa ko papunta doon?

Pagdating sa convenience store, bumili siya ng tatlong Yakult. Isa sa kanya, dalawa sa akin. Naupo kami sa labas na table ng store kung saan pwede niyang ilabas ang dala niyang pagkain na may kanya-kanya namang lalagyan. Glazed chicken wings, white pasta at isang slice ng blueberry cheesecake ang laman ng supot na dala niya.

"Anong gusto mong kainin?"

Nagutom ako ulit. Ang totoo paborito ko ang lahat ng iyon. Natatakam akong napatitig sa bawat isa sa kanila. "Lahat...?"

Tumawa na naman siya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Lumalabas ng dimples niya na kahit hindi kalaliman ay sobrang lakas ng dating. Bagay na bagay sa astigin niyang mukha. "Sabi ko na eh."

Tinanggalan niya ng plastic wrap ang pasta, pinaibabaw doon ang isang piraso ng glazed chicken. "Ito na. Kain ka na."

He watched me eat. Nakatukod ang siko niya sa mesa at nakadikit ang likod ng kamay sa pisngi habang pinapanood ang bawat pagsubo ko. Napapansin ko ang panaka-naka niyang pagngiti.

"Tawang-tawa ka d'yan." pairap kong turan

"Akala ko ba kumain ka na?"

"Masarap eh." sabi ko habang nasa labi ang pakpak ng manok. Nang tanggalin ko iyon inabot niya ang gilid ng labi ko upang punasan ang sauce na kumapit doon gamit ang daliri niya. He brought it to his mouth and licked it like it's his old gesture and the most natural for him to do.

Hindi ko pinansin iyon. "Ikaw? Kumain ka na?"

"Hindi pa. It's my dinner you're eating." nakangiti niyang sagot.

Natigilan ako sa pagsubo. Tiningnan ko ang pagkain halos wala nang natira doon. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Matitiis ko ang gutom. Hindi ko matitiis na agawan ka ng pagkain na halatang gustong-gusto mo. I'll bring you more next time na may ipa-uwi ang amo ko."

Umangat ang kilay ko. "Babae ba ang amo mo?"

"Yep."

"How old is she?"

Nagkibit-balikat si Caden. "I don't know. Early twenties I guess."

"Alam ko na. Kapag nalaman niyang sa akin mo pinakain tong mga 'to. Magagalit 'yun."

"Hindi naman niya malalaman kung hindi ko sasabihin. Uminom ka na muna." binuksan niya ang Yakult at binigay sa akin. Inabot niya ang tinidor na gamit ko, sumubo siya ng kapirasong cheesecake, pagkatapos ay sinubuan din ako.

"Mas magaling akong gumawa ng cheesecake sa kanila."

"Oh?" kwestiyon niya na hindi naniniwala.

Mayabang akong nagtaas ng noo. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Make me some."

Talaga ba, Thea Villasanta? May gana ka pang gawan siya ng cheesecake ha. Baka kung saan na naman mahulog ang marupok mong puso. Alalahanin mong nakita mo siyang kasama si Teisha sa school. Why don't you bring it up? Ruin the fun Thea, iahon mo ang puso mo kagaya ng pinlano mo!

"I saw you with Teisha earlier in the school today." I finally was able to brought it up when we were walking back home. "Pumasok ka pala."

"She insisted I drove her to her penthouse. Said she's unwell." sagot niya.

"Obligasyon mo ba 'yun? Wala ba siyang kaibigang pwedeng maghatid sa kanya?"

"Her penthouse is near the train station going to my work. I just hitched a ride if that will make you feel any better. Nagseselos ka ba Thea?"

Tumigil ako sa paglalakad. Pinuno ko ang baga ko ng hangin at marahas na binuga lahat iyon. "Bakit naman ako magseselos Caden Arguelles?"

He stared straight into my eyes. Kahit na makapal ang salamin ko sa mata pakiramdam ko lumalagpas doon ang bigat ng titig niya. "Because we kissed?"

"I'm not naive to assume you'll be mine just because we kissed and vice versa. It was just...a kiss. Lips against lips. No big deal."

I noticed a smirk formed his face. He pulled me and all of a sudden his lips were brushing against mine...again. He tasted like the sweet blueberry cheesecake that I ate. I let his tongue inside my mouth so I could taste more of him. I'm playing with fire and I don't care. If this is the game my heart wanna play, I'll give it the best play ever. I hope it doesn't choke me to death when the pain comes after.

"This is no big deal to you? I thought you're the conservative type Thea." he said after kissing me and leaving my mouth warm and numb.

"You thought wrong."

He let out a soft and sexy chuckle. "Very well then. Ayaw mo pa rin bang malaman ng school na we're together this way?"

"No. I told you I don't want unnecessary attention." besides, magmumukha akong number two mo kung si Teisha naman ang palagi mong kasama.

"Ok. Well, I think it's better this way. Don't come see me at school then. Pretend that you don't know me. And I will pretend you don't exist... At school."

He gave me a pinch in the cheek and a butterfly kiss in the mouth before letting me inside the my house.

Nanginginig ang tuhod at kalamnan ko nang makapasok ako. Alam kong iyon ang gusto ko noon, pero ngayon na siya mismo ang nagsabing hindi kami pwedeng makitang magkasama sa school, gusto kong umiyak ng malakas. Sa anong rason? Hindi ako qualified masali sa listahan ng mga flings niya sa campus? Na madudumihan ko ang reputasyon niya? Eh gago pala siya eh. Siya ang unang nanghalik hindi ako! Siya 'tong lapit nang lapit sa akin!!

You want it that way, Caden Arguelles? We will have it your way then! Someday, in one way or another, I'll give you the taste of your own medicine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro