Chapter 18 Instant Ms. Famous
I haven't seen him the whole weekend. Walang paramdam, ni ha ni ho wala. Buong sabado at linggo hindi siya nagbukas ng bintana ng kwarto niya. I kindda expected this kaya hindi ko alam kung bakit pa ba ako naaapektuhan ng ganito. I'm not hurt, just plainly disappointed with myself. I've known him to be an ass all his life, he's never gonna give a damn about some girl he made out with in some lousy random place. He was just I don't know-- in the loneliest time of his life and I was there to be with him. He kissed me, I let him, no biggie.
I let out a deep sigh and console myself to sleep. This will all go away, the more I take him lightly, the more it will be easier for me to be with him. Kumbaga, palulutangin ko lang ang nararamdaman ko, hindi ko hahayaang bumaon dahil alam kong masasaktan ako.
The next Monday I never waited for him to show up my door. Maaga akong nagpahatid kay Mang Rudy sa school. I'm my usual nerdy self in the morning. Nakayukong naglalakad papunta sa classroom, nakapasak ang earphones sa magkabilang tainga at hindi iniintindi ang mga nakakasalubong na mga estudyante.
"Hi, Thea!"
Napaangat ako ng mukha, napilitan akong ngumiti ng pabalik sa kanila kahit na nagtataka ako kung bakit nila ako pinapansin. Binabati. This is unusual. Sa eskwelahan mapapansin lamang ako ng ibang estudyante kapag nakabangga ako o nabangga ako at gumulong sa sahig. Pero wala namang ganoon eksena bakit nila ako nakikita? Kilala ko ba sila? Kelan pa?
"Hey!" bati na naman nila.
That was too much. Okay something is really wrong right now. What are there people up to? Tinanggal ko na ang earphones ko at patakbong tinungo ang classroom. Kinakabahan ako sa mga nangyayari, kailangan kong malaman ang puno't dulo nito? Did they somehow know Caden kissed me? Kasi usually kapag may bagong girl si Caden biglang nagiging instant famous yun eh!
Pagdating ko sa classroom ganoon din ang reaksyon ng mga kaklase ko. Para bang ito ang unang araw ko sa school at ngayon lang nila ako nakita dito. Kaagad kong nilapitan si Aliyah.
"Girl!!" halos tili niya sa tainga ako. "Totoo ba?"
"Ha?"
"Totoo nga?!"
My bestfriend's asking me kung totoo ngang may namamagitan sa amin ni Caden? Tama ba? The fuck. I honestly don't know how to answer her when I'm always very vocal about hating that good for nothing womanizer. This is some serious headache right here.
"I kissed Caden alright, but you know it's not really a big deal between the two of us so you can stop--"
"You're Dad's the new owner of this school---wait what? You Kissed Caden?"
Halos magkasabay kaming nagsasalita at magkaibang topic ang lumalabas sa bibig namin. Napaawang ang labi ko samantalang nakakunot naman ang noo ni Aliyah. "You kissed Caden--what? How? When?"
Tinakpan ko ng kamay ang bibig niya sa pagaalalang marinig ng mga kaklase namin iyon. "Akala ko yun ang dahilan kung bakit napaka-unusual ng kinikilos ng mga tao sa akin dito. Only Caden will make me famous over night to I thought you all knew about the kiss."
Umiiling-iling si Aliyah. "I can't believe you, I thought you hated the guy, that he's a cancer, what happened? Have you been playing with the disease lately and not telling me about it?"
"It happened so fast. But the kiss it's meaningless. Totally."
"You knew I liked the guy kaya hindi mo sinabi sa akin inisip mo na baka masasaktan ako."
Nanlaki ang mga mata ko sa kaibigan ko. "No! That's not it, if this is something serious I'm gonna be totally honest with you. It was just a meaningless kiss for Caden--err for both of us."
"You betrayed me." kalmadong turan ni Aliyah.
"No--Aliyah."
Tapos hindi ko inaasahan ang pagngiti niya. Parang kanina lang parang bubugahan niya ako ng apoy ngayon abot tainga na ang tawa niya sa akin. "It's okay! It's not like I own the guy just because I like him. Kung bestfriend ko ang gusto eh may magagawa pa ba ako? Siguro kasi mas maganda ka sa akin ng konti?"
Gumaan ng husto ang pakiramdam ko nang marinig ko sa kaibigan ko iyon. Si Aliyah na nga lang ang nag-iisa kong kaibigan mawawala sa pa sa akin? Hindi ako makapapayag nun. "Gaga ka. Akala ko nagalit ka sa kin."
"Sus! Kinabahan ka 'no? Love mo 'ko?"
"Baliw ka!"
"Ang totoo niyan, mas maganda ako sayo. Mababa lang talaga ang taste ni Mr. Hot Shot Quarterback. So tell me more about the kiss. Bakit kayo nagkiss, at sino nag initiate, saan ito nangyari at hanggang saan umabot ang halik--"
"Aliyah!" kinurot ko siya ng marahan sa tagiliran dahil nag-uumpisa nang maglingonan sa amin ang mga kaklase namin baka may marinig silang hindi dapat na marinig. Caden obviously didn't tell anyone about the kiss, magmumukha akong pathetic na papansin kapag sa akin nanggaling ang tsismis.
Ilang sandali pa sumulpot sa harapan namin sina Nika at Grazie. "Hi Thea! Congatulations! Grabe nakakainggit ka naman. Ang yaman pala talaga ng family mo. Hindi lang halata pero ang dami niyo palang pera. Oh baka may galit ka sa akin d'yan ah. Patawarin mo na ako, hindi ka naman kasi nagpakilala kaagad." ani Nika na ang tinutukoy ay ang apparently recent flash news na nabili na ni Papa ang eskwelahang ito.
"Gusto mo bang tumabi sa amin sa front row?" yaya ni Grazie.
"No thank you." walang gana kong sagot para lang umalis na sila.
"Sabay na tayong maglunch later sa cafe?" singit na naman ni Nika.
Dati hindi nila ako nakikita dahil hindi ako interesante para sa kanila. Tapos ngayon biglang lalapit dahil nalaman na anak ako ng may-ari ng school? Hindi lang sina Nika at Grazie ang gustong makasabay ako sa lunch. Tumigil ang buong mundo sa classroom ko nang pumasok sa loob ang grupo ng mga sikat na football players na sina Julius, Jonas, Liam at Brix. Ang grupong pinagpapantasyahan ng halos lahat ng babae sa school na ito. Pati si Aliyah na walang tigil ang pagsiko sa akin halos maihi na sa pamimilipit sa kilig sa tabi ko.
Niyaya akong maglunch ni Julius.
"Sige na pumayag ka na. Gusto ko lang makipagkilala ng maayos sayo. Nagkita na tayo sa rooftop, pasensya ka na kung medyo masama ang unang meeting natin. I'm not really that kind of hot-headed asshole, masama lang kasi ang timpla ko ng araw na iyon. Gusto kong mag-sorry."
"Ok."
"Okay? Can I invite you to lunch outside the campus later then?" Sa klase ng ngisi niya inaasahan niyang mamimilipit ako sa kilig at maglulupasay habang tinatanggap ang alok niya. Napakayabang talaga ng isang ito.
"No. Thank you." I gave him the same cold answer I gave my classmates earlier.
Umasim ang itsura niya. "What? Why not?"
"May review kami mamaya. Marami din akong gagawin sa lunch ko.
Tumango ito pero halatang napikon sa pagkapahiya. "Next time then.."
Gusto kong sabihin na walang next time at hindi ako makikipag-plastikan sa kagaya niya pero natatakot akong baka magalit siya at manakit kagaya ng ginawa niya sa rooftop. Kaya hindi nalang ako sumagot. Yumuko ako at nagkunwaring nagbabasa ng libro hanggang sa tuluyan na silang umalis. Napahawak ako sa sentido.
"Suplada naman. Si Julius na ang nagyayaya ng lunch date ayaw pa?" parinig ni Nika. Hindi ko pinansin ang mga iyon pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
"Baka sa susunod, si Caden na pupunta sayo gurrrlll!!" tili ni Grazie.
"Itsura ang tinitingnan ni Caden. Hindi bulsa." sabay tawa nilang lahat. "Isang Arguelles si Caden, he has a whole conglomerate behind him ready at his disposal kung gugustuhin niya na bilhin ang buong school na ito kaya niya."
Doon ako tinablan. Sa sinabi nila tungkol sa preference ni Caden sa babae. Base sa mga babaeng dini-date nito dati, gusto nito ng maganda. Magandang-maganda. Hindi ko maiwasang maalala nang sabihin nyang maganda ako. Ngayon alam ko nang nagsisinungaling lang siya. Bumangon ang matinding inis sa dibdib ko, hindi ko tuloy namalayan na nabali ko na pala ang hawak kong ballpen. Nang makita iyon ng mga tsismosa kong kaklase isa-isa silang tumalikod, natakot? Hah!
Buong araw wala akong ginawa kundi ang umiwas sa mga taong pumapansin sa akin. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang atensyon. Sapat na sa akin na lumipas ang high school ko nang mapayapa at walang komplikasyon. Ayoko nang may pumupuna sa mga kilos ko, sa pananamit ko pati na sa itsura ko. Hindi ko talaga gusto ang nangyayaring ito. Paanong bigla nalang naifeature sa online magazine ng school si Papa? Sino ang nagbigay ng ideya? Matagal nang nabili ni Papa ang school na ito tapos ngayon lang sila nag-iingay ng ganito na para bang big deal iyon.
"Are you okay?" tanong ni Aliyah nang nasa cafe kami. Nakalapag ang laptop ko sa mesa habang nakatitig ako sa tray ng pagkain sa tabi nito. "Magla-lunch ba tayo dito o tititigan mo lang 'yan?"
Napilitan akong damputin ang kutsara ko at magsubo ng dumplings kahit na kaunti.
"Para kang namatayan d'yan." puna sa akin ni Aliyah. "Kung inaalala mo ang mga unwanted attention ng mga tao sa paligid natin huwag kang mag-alala, ngayon lang 'yan. Bukas expired na ang news. Balik na ulit sa normal ang lahat"
"Aliyah. May tanong ako, di ba crush mo si Caden? Pumila ka pa nga ng pagkahaba at nakipagsiksikan para lang makakuha ng mga pictures niya...anong nangyari? What happened to your feelings for him? Ganoon lang kadali iyon?"
"Nah. Caden is hot as in super hot he can light up the whole campus with his hotness. Pero na realized ko after a few failed attempts of just meeting him up close in person na hindi ko siya destiny. He's like a galaxy big for me, I can't handle someone like him."
Tumango lang ako pero nanatiling tulala at tahimik. Mabuti pa si Aliyah, mabilis mag-move on. Crush na crush niya ngayon halos ikamatay niya ang pakikipag-agawan sa picture, kinabukasan hindi na. Limot na niya. I wanna be like her.
Ilang minuto pa ang pinalipas namin sa cafe ni bago siya pumayag na bumalik na kami sa classroom. Hinintay ko din kung may Caden na darating. Pero ni anino niya, hindi ko nakita. Palabas na kami ng cafe nang isang estudyante ang nag abot sa 'min ng flyer.
Battle of the Bands sa school. Gaganapin isang buwan mula ngayon sa school grandstand. Binulsa ko ang papel, hindi ako interesado, pero hindi ko ugaling magkalat sa loob ng campus.
"Ang laki ng cash money oh. Five hundred thousand sa grand winner. Sino kaya sponsor nito?" komento ni Aliyah. "Lahat ng year level pwedeng sumali, may ininvite din silang bands from outside the campus! Wow! Exciting 'to Thea. Manood tayo?"
"I don't know." walang gana kong sagot. Lumilipad ang utak ko sa sinabi ng mga mean girls kanina. Na hindi ako ang tipo ng babae ni caden. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na alam ko na yun matagal na at nalulungkot pa rin ako!
"Do you want to join?" biglang tanong niya.
"Battle of the bands? Nagbibiro ka ba?"
"Hindi! Tangek. Magaling kang kumanta. Kulang ka lang sa confidence. May kilalang celebrity trainer ang Mommy ko. Ipapakilala kita sa kanya! Sige na! This will be more fun kapag kasali ka!"
Bumuntong-hininga lang ako. I'm not cut for the big stage, masaya na ako sa likod ng tilon. Umiiling-iling akong nagpatiunang maglakad kay Aliyah. Nakarinig ako ng malakas at sunod-sunod na busina sa di kalayuan. Nang ibaling ko ang tingin ko doon, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Caden, nakasakay sa kotse ni Teisha at mukhang palabas sila ng campus.
Natulala ako sa kinatatayuan ako. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang sakit na bumalot sa buong katawan ko. So he's been here the whole time. Hindi siya nagpakita sa akin kasi may kasama siyang ibang babae. Great. Just great.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro