Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 His White Tshirt


Cade


"Cade, may lakad ang barkada this weekend. We're going to go surfing in Baler. Sagot na ni Tristan ang private plane na gagamitin! Maghohotel nalang tayo pagdating doon para no hassle na sa place at sa food. Sasama ka di ba?"

Nasa Spot kami. This is our private place in school. It's like a small play room sa rooftop ng pinakamataas na building sa department namin. Kompleto sa gamit. Fridge, TV, aircon, billiard table, play station, and others. Kasama ko ang tatlo sa barkada ko at ang walang tigil sa kakakuda ay si Jonas na naman. Binitiwan ko ang gitarang hawak ko. "Anong Baler ang inaatungal mo d'yan?"

"Well, napag-usapan na ng grupo 'to. May mga babes tayong kasama galing sa Westside U!! Hindi ka magsisisi, mga game at palaban ang mga 'yon."

Umikot ang mata ko sa kanya. Baler. Gustuhin ko mang sumama wala akong pera. Yung nadugas ko nga sa estudyante nung isang araw naubos sa restaurant na pinuntahan namin ni Thea. Anong ipanggagastos ko d'yan sa Baler na 'yan?

"Dude, di ba may famous hotel kayo doon? Yung ancestral mansion na denevelop ng lolo mo? Pwede tayo doon, malapit lang sa beach na gustong puntahan ng mga babe!" dagdag pa ni Brix.

Napabuga ako ng hangin. Ibinalik ko ang atensyon sa gitara at nagtipa na lamang ng inaaral kong kanta.

"Ano na Cade? Kailangan namin ang sagot mo." si Jonas.

"Hindi ako sasama. May iba akong lakad. Kung gusto niyo kayo nalang."

"Whoa. First time mong tumanggi ah. May lagnat ka ba?"

Tiningnan ko ng masama si Jonas, pati na din si Brix. "Shut up. Hindi mo ba nakikita may kinakabisa ako?"

Inakbayan pa ako ni Jonas. "Master mo na 'yan kanina pa. Ang gusto kong malaman ay kung bakit tumatanggi ka? May ibang babe ka sigurong inaasikaso..?"

"Wala." padabog kong inalis ang braso niya sa balikat ko. "Huwag ka ngang makulit. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko! Gusto mong gawin kong string ng gitara 'yang nguso mo?!"

"Iarrange mo nalang kami ng booking sa hotel ng Lolo mo. Balita ko mahirap makapasok doon." ani Brix.

I can't do that. Walang special treatment pagdating kay Segundo Arguelles. Kahit na magrequest ako, hindi din iyon makakarating sa kinauukulan. Wala akong kapangyarihan sa pamilyang iyon. Itong apelyido ko, pakiramdam ko pinahiram lang sa akin. "Inuutusan mo ba ako?" sa halip ay sagot ko kay Brix.

"H-Hindi naman sa ganun, p're. Pero parang ganun na nga!" sabay ang nakakainis na ngiti.

Pinanlisikan ko siya ng tingin. Pairap akong tumalikod, humarap ako sa bintana kung saan kita ang buong oval ng school. Tinuloy ko ang pag-gigitara. Maya-maya nagdatingan na ang iba pang mga kagrupo. They were talking about Bernard.

"Bernard's dad was arrested for human trafficking and estafa today. Can you imagine that? Nagpapadala sila ng mga babae sa labas ng bansa ng walang permit!" said Julius. "who knows kung anong ginagawa nila sa mga babaeng iyon pagdating sa foreign country."

"I heard all their assets have been frozen. Pati mga kotse nila at mamahaling gamit kinokompiska na. Mas mahirap pa sila sa daga ngayon. Kaya pa bang sumama ni Bernard sa grupo?" tanong ni Frank.

Napalingon ako sa kanilang lahat.

"Kahit na gustuhin niya. Wala na siyang pera!" sabay-sabay silang nagtawanan. "Mada-diet sa babae ang loko. Kawawa naman. Huwag niyo na siyang papasukin dito sa Spot. Hindi na siya nababagay dito." deklara ni Julius, ang mayabang na anak ng Senador. "Ano sa tingin mo Cade?"

"Bahala kayo." malamig kong turan. Ngayon alam ko na kung gaano kawalang-kwentang makipagbarkada sa kanilang lahat. Ang iniisip ko, buwagin ang grupo at lahat sila palayasin sa Spot na 'to na dapat ay akin lang. Pero nakakapagod pa 'yon. Mas madaling ignorahin sila at ituon ang atensyon sa gitara. Nang sumulyap ako sa sports field sa ibaba, namataan ko si Thea. Nakikipagpasahan ng bola ng volleyball sa mga kaklase niya. Mainit sa labas, malamang pawis na pawis na siya at asar na asar na. Siya pa naman ang klase ng babaeng walang kahilig-hilig magburn ng taba sa katawan. She'd rather lay down and read for days than do physical sports like volleyball for more than one second.

Matapos kong magsawang tumogtog, tumayo ako at nakapamulsang lumabas ng pinto. Tinawag ako ni Jonas pero hindi ko sinagot. Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ko ang classroom. Pagtapat ko sa desk ko, punong-puno ng mga nakaselyong sulat ng mga babaeng nagmamakaawang pansinin ko. May mga marka pa ng lipstick. Umiling-iling ako. I shoved it all out of my desk so I'll have the space to nap. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa sahig kagabi kahit pa may comforter. Mamayang gabi sisiguraduhin kong may kama akong matutulugan.

"Cade..."

Gusto ko nang pumikit! Shit! "Ano?!"

Nagulat ang babaeng nasa harapan ko pero kaagad ding ngumiti ng malandi. "Kasama ka sa Baler this weekend di ba? Well, Jonas invited me as his date for the getaway. Pero sa'yo ko gustong sumama."

Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa. She's wearing a micro skirt that showed her long and firm legs. Maganda ang pusod niya na may palamuting diamante, kita ko iyon dahil maiksi ang damit niya. Hindi na masama ang mukha, may itsura naman. Base sa paghawak niya sa braso ko, wild siya at mag-eenjoy ako sa kanya. Gusto ko rin namang sumama sa Baler. Ang problema, I don't fucking have the money for it! I can't tell my stupid friends that I'm way more broke than Bernard is, I'll lose my authority over them and it's a hassle.

Pinalis ko ang kamay ng babae na naguumpisa nang umakyat sa dibdib ko. "Hindi ako sasama. Kay Jonas ka nalang."

"Bakit hindi?"

"I'm broke as fuck right now."

Tumawa siya. "You're kidding me. That's not possible for an Arguelles. Grounded ka siguro? Ako na ang bahala sa gastos mo--"

"I said I don't want to fucking go. It that so hard to understand? Did your fucking lipstick eat all your brains out, huh?" singhal ko na nagpalayo sa kanya. "Get out of my face."

"Okay." tahimik niyang usal bago umalis. Damn! I'm so frustrated right now! Gusto ko nang umuwi. Kaya lang dalawang subject pa ang tatapusin ni Thea and I have to fucking wait for her! Mas lalo lang nadagdagan niyon ang asar ko.




Thea

Nanlilimahid ako ng pawis pagkatapos ng PE subject namin. Kailangan kong maligo at makapagbihis ng mabilisan dahil hindi ito ang last subject. Also, I have to quickly prepare for our recital for the English subject.

"Ready ka na ba sa recital? Ikaw daw ang nakakuha ng number one sa list?" tanong sa akin ni Aliyah.

"Sa malas, ako nga."

"Ano ka ba kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa! Magaling ka sa madamdaming pagbabasa hindi ba?" tinawanan ko si Thea. Yeah right, may pagkamadrama kasi talaga ako kaya siguro daig ko pa ang ibang artista d'yan kung talent lang din naman sa pag-acting ang pag-uusapan. Kinabisa ko na ang ilang mga parts sa recital na kailangan kong bigyan ng diin kaya wala na akong magiging problema.

"Math class na pagkatapos, nakuha mo na ba ang sagot doon sa binigay na problem ni Sir?" biglang tanong ni Aliyah. "Gusto mo bang reviewhin kita?

"Keri na, natapos ko na kagabi. Ready na ako kapag ako ang tinawag niyang mag-solve sa board."

"Talaga? May kahirapan iyon ah. Paano mo nakuha? Patingin nga ng sagot mo." Siya na mismo ang naghanap ng math notebook sa bag ko. Binuklat niya iyon hanggang sa mahanap ang assignment namin. Namilog ang nguso niya nang makita ang sagot ko.

"Ang galing mo naman. Pareho tayo ng sagot pero ang haba ng equation ko tapos ang ikli lang ng sayo. Paano mo naisip 'to? Gumagaling ka na ah." puna ni Aliyah.

"Hindi 'no. May nagturo lang sa akin."

"Talaga? Sino?"

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na sasabihin sa kanya dahil dadami lang ang tanong niya baka marinig pa ng iba naming kaklase. Mas maiging ako lang ang nakakaalam na may himalang naganap at kinakausap na ako ng isnaberong si Cade Arguelles ngayon.

"Wala. Hindi mo na kailangang malaman dahil hindi na rin naman mauulit. Hindi na ako tuturuan nun."

"Ayaw mo lang sabihin. Lalaki siguro 'yan no? Baka may boyfriend ka na hindi mo sinasabi sa akin?" kantiyaw ni Aliyah.

"Wala akong boyfriend. Sino namang magkakagusto sa akin?" sagot ko na may kasamang irap. Tinawanan lang ako ni Aliyah sabay kiniliti pa.

"Sino nga 'yan? Boyfriend mo 'no?"

"Hindi nga! Kulit nito."

"Oh siya sige, hindi na kung hindi. Ako nalang magtuturo sa'yo sa susunod kung sakaling ayaw na ka niyang turuan." natahimik siya sandali. "Alam mo sana hindi nalang ako sumama kina Nika sa basketball court noong isang araw. Madami tuloy akong na-miss, hindi pa ako nakapagreview. Hindi ko din naman nakita si Cade doon."

"Sabi ko naman sa'yo."

"Oo na. Tama ka na. Sa ibang pagkakataon nalang, same school lang naman tayo, makikita ko din ulit siya."

Parang hindi tama na hindi ko sinasabi kay Aliyah. Pero kasi iniisip ko baka nahanginan lang ng masama si Cade kaya bigla akong kinausap at feeling close sa akin. Baka mamaya kapag sinabi ko na kay Aliyah na medyo close kami ni Cade biglang hindi na ako pansinin ng lalaking iyon mapahiya pa ako sa kaibigan ko. Tama si Aliyah, sa ibang pagkakataon nalang, siguro tatanungin ko nalang ang lalaking iyon kung kelan nito balak bumalik sa paglalaro para masabihan ko siya. Kung gusto niya talagang makita si Cade, wala naman akong karapatan pigilan siya. Napaalalahanan ko na naman siya.

"Teka, nasaan na ang white shirt mo?" biglang tanong ni Aliyah na patuloy ang pagkalkal sa bag ko.

"Anong white shirt?"

"Para sa recital. Alam mo namang maarte ang bagong teacher natin sa English. Gusto niya naka-white ang lahat. Sinabihan niya tayo ng paulit-ulit noong isang araw di ba? Nakalimutan mo??"

Shit. Nawala sa utak ko. Pinrepare ko na 'yon kagabi eh. Hindi ko nailagay sa bag ko!! Hindi ko din naalala, kung hindi pa sinabi ni Aliyah. "Hala. Wala ka bang extrang dala, Aliyah? Nakalimutan ko eh."

"Wala. Hay naku. Wala naman tayong mahihiraman sa mga kaklase natin for sure."

Natutop ko ang noo. "Meron pa akong fifteen minutes. Ichicheck ko sa locker ko kung dala ko ang extra kong PE shirt. Pwede na 'yon dahil maliit lang naman ang print."

"Sige na tumakbo ka na. Bilisan mo!"

Naku, Thea. Distracted ka kasi buong gabi hanggang umaga kaya ganito! Hindi talaga maganda ang naidudulot ng paglapit-lapit ni Cade sa akin. Nawawala ako sa focus! Hay naku. Pagod ako dahil sa PE, pero kailangan kong takbuhin ang locker. Malayo pa naman iyon sa classroom. Pagdating ko sa locker, wala naman doon ang extra ko. Kung minamalas nga naman talaga oh. Baka sa kotse, baka naiwan ko doon!

Kailangan ko pang tumawid sa kabilang building para makapunta ng parking. Hingal na hingal na ako, mayroon na lang akong sampung minuto. Kapag wala sa kotse, hindi ko na alam ang gagawin. Siguradong magagalit ang teacher ko. Ayoko pa naman ng masamang first impression dahil nagtatagal iyon hanggang sa katapusan ng klase. Iisipin niya pabaya ako.

"Tapos na klase mo?" nasalubong ko si Cade sa parking.

Lumingon-lingon ako sa paligid, ayokong may makakakita kapag kinakausap niya ako. Hindi kami dapat na nag-uusap dito sa school, nakakainis siya, sinabihan ko na. Hindi ko siya pinansin, nilampasan ko siya dumiretso ako sa kotse.

"Anong hinahanap mo?"

"Pwede ba Cade. Huwag mo akong kausapin baka may makakita sa atin!" angil ko sa kanya.

"Grabe naman 'to. Nagtatanong lang. Ang sungit mo, palibhasa kababaeng tao ang lakas humilik akala mo may papadaong na barko!"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. "Shut up!"

Tumawa siya ng malakas. Shit, wala sa loob ng kotse ang white shirt ko. Lagot na. "Kasalanan mo 'to eh!" singhal ko kay Cade.

"What?" takang-taka niyang tanong nang suntukin ko siya sa dibdib. "What did I do? Ngayon palang tayo nagkita since this morning, anong kasalanan ko sa'yo?"

Distraction ka! Isang malaking distraction! "Nakita mo bang pinasok ko sa bag ko ang white shirt na nasa study table ko kagabi? Kailangan ko 'yon! Nakalimutan ko!"

"Hindi ko alam sayo. Bakit ako ang tinatanong mo? Nakita ko nga 'yon pero malay ko bang kailangan mo palang dalhin 'yon."

Napasabunot ako sa buhok ko at napapadyak. Paano na??

"Gusto mo bang kunin ko?"

Napatitig ako sa kanya sa offer niya. Kaya niyang gawin iyon. Pero bakit niya gagawin para sa akin? Sa isang kagaya niyang madaming extra curricular activities, sayang ang oras niya.

"Ano?" pangungulit niya.

"Huwag na. Wala nang time. Kailangan ko sana iyon para sa susunod kong subject."napatingin ako sa relo. "Which is about to start in five minutes."

"Okay. Kawawa ka naman." sabay ngiti pa. "Sige na nga, ito na. Isuli mo 'to mamayang gabi ah." hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob ng kotse. Sinarhan niya iyon at nagumpisang magtanggal ng butones ng polo niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo??"

Naghubad siya ng pang-ilalim na damit, hinagis niya iyon sa mukha ko. Tumambad sa akin ang perpektong hulma ng katawan niya na sa malayo ko lang nakikita. Mas proportion at mas malakas ang dating nito sa personal. At ang bango ng balat niya.

"Ikaw anong ginagawa mo nakatanga ka lang d'yan. Bumalik ka na sa klase mo ayan na ang white shirt na kailangan mo. Sorry basa, pinagpawisan na ako eh kaninang umaga ko pa suot 'yan."

Shit. Ang bango ng pawis niya.



PS.

Who's your Cade Arguelles and Thea Villasanta, guys? Help me decide! Haha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro