52 Set me free
Thea
Caden looked devilishly handsome in his after-work suit. He sounds like an angel. I can't believe I'm hearing his singing voice for the first time too. He's singing for me.
"I didn't know you have such a beautiful voice." puna ko nang matapos ang kanta. I had to divert the strange feeling I'm feeling in my heart while he's telling me he's gonna love me for the rest of his life like the song said.
"I just know how to sing. I'm not as good as you." aniya. "It's a bit late, but I want to tell you how proud I am of what you have achieved on your own, without using your father's influence.."
"Wala 'yun kumpara sa narating mo Mr. Caden Arguelles of Arguelles Conglomerate. Hindi mo lang pinalawak ang Empire niyo, pinatatag mo pa at ginawang pinakamalakas sa buong Asia. Malaki ang utang ko sayo sa pagsasalba mo sa negosyo ni Papa."
"I did what I had to do. And it's not as if I'm getting nothing out of this business arrangement. I still have so much to gain, you don't need to thank me."
I pressed my lips on a thin line. I took some air straight to my lungs before I mumbled the words. "Okay. If you say so.."
"I need to ask you something..." biglang naging mas seryoso ang mukha at tono niya.
"Ano yun?"
"Bakit.. bakit hindi ikaw ang papakasalan ni Bernard? Kung gusto mo siya at gusto ka niya bakit mo hahayaang magpakasal siya sa ibang babae at itago ka niya sa publiko?"
Tiningnan ko siya ng diretso at sinabi ang totoong nasa sa loob ng puso ko. "Wala akong pagtingin kay Bernard. Simula't sapul, magkaibigan lang ang turingan namin sa isa't-isa, wala nang iba. Lahat ng litratong kumalat sa school website noon, lahat ng tsismis tungkol sa amin, hindi totoo lahat ng iyon. May mahal akong iba, malalim pa sa pinakamalalim na balon ang pagmamahal ko sa taong iyon kaya imposibleng mabaling nalang ng basta-basta ang pagtingin ko sa iba. Ang tanging kasalanan ko lang noon, na inaamin kong talagang napakatindi, ay ang hindi ako nagtiwalang kaya akong mahalin ng taong iyon na kagaya ng pagmamahal ko sa kanya."
"It's not your fault to be traumatized that way. You trusted his love and you were betrayed. You were bullied."
"Wala kang kasalanan sa nangyari Caden, ni wala kang kaalam-alam. I was unfair to you. All the hatred, all the pain I gave you, you don't deserve..." hindi sinasadyang gumaralgal ang boses ko. "Hindi kita dapat iniwanan noon, pinagsisisihan ko 'yun."
"Hindi ako ganoon kadaling sumuko. I stayed. Yung alam mong umalis na ako at pumunta ng ibang bansa, hindi totoo yun. I secretly went to school several times to see you. Nandoon ako sa Battle of the Bands, I wanted to see you perform so badly. Nung gabing iyon, gusto kong magmakaawa sayo na balikan mo ako, na piliin mo akong muli. Pero iba naman ang naabutan ko." his eyes became lonely.
"I was not able to sing. Pinaghandaan ko ang contest na iyon nang husto pero hindi ko nagawang kumanta sa stage."
"I saw you and Bernard hugging at the backstage. And then there's this video of you two kissing..."
"The kiss? It was nothing. Gusto ko lang magrebelde sa sarili ko noon. Gusto kong patunayan sa sarili ko na walang pinagkaiba ang halik mo sa halik ng ibang lalaki."
Kumunot ang noo ni Caden sa akin kaya napatawa ako ng mapait. "Nagbackfire sa akin ang halik na iyon. Mas lalo kong napatuyan kung gaano katotoo ang nararamdaman ko sayo... noon."
Nagiwas ng tingin sa akin si Caden nang tumitig ako sa kanya para basahin kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagtatapat kong iyon. Nanlumo ako dahil nanatili siyang walang ibang emosyon kundi curiosity lang.
"Nakita mong yakap ako ni Bernard sa backstage noon dahil hindi ko nagawang kumanta. I can't bring myself to sing that day knowing that I lost you already. Pero Caden, maniwala ka sa akin kung sasabihin ko sayo ngayon na ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makakabuti para sayo. Teisha explained me everything about how you badly needed to go abroad with your Lolo Segundo. Sinabi niya sa akin na nanganganib ang buhay mo sa mga pinagkakautangan ng Papa mo at pati na rin sa mismong kapamilya mo na gustong agawin ang mana mo bilang totoong dugong Arguelles. Sinabi niyang makakasira lang ako sa mga plano sayo ng Lolo mo kaya kailangan kong mawala sa buhay mo."
Kumuyom ang kamay ni Caden sa sinabi ko. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, naging malambot iyon at napuno ng guilt. Lumamlay din ang balikat niya na para bang sa unang pagkakataon ay naintindihan niya niya kung bakit ko nagawa ang ginawa ko noon.
"I can see now where you're coming from. Although tutol pa din ako sa desisyon mong solohin ang pagpapasya. Ako dapat ang mas nakakaalam kung ano ang makakabuti sa akin at hindi. Dapat nagtanong ka man lang... It wasn't our choice to make, it was mine."
"Hindi mo ako masisisi kung ganoon kita kamahal. Ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ay tama para sayo. Pasensya ka na kung pinangunahan kita. Pero kabutihan mo lang ang inisip ko, hindi kita inabandona, inihatid kita sa magandang future na deserve mo at nakalaan para sayo." hindi ko napigilan ang paggulong ng mga luha sa mata ko.
"I've said a lot of awful things to you and I want you to know how sorry I am. Kalimutan nalang natin ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Isang malaking pagkakamali na ikinulong kita sa islang ito sa hindi tamang dahilan. Wala akong karapatan na pigilan ka sa mga gusto mong gawin sa buhay mo, lalong-lalo na sa trabaho mo. Magkaiba na tayo ng mundong ginagalawan at hindi na tayo parte ng buhay ng isa't isa. If you feel like going back to the mainland, hindi kita pipigilan. Gusto kong magtapos na dito ang hindi natin pagkakaintindihan, ang sama ng loob dulot ng nakaraan."
He's setting me free now. Pero imbis na maging masaya, bakit parang ang lungkot para sa akin ng mga salitang iyon?
"I'm sorry I had to bring you here with pure vengeance on my head. I'm sorry for misunderstanding you and hating you for all the wrong reasons." dagdag pa niya, hindi makatingin ng maayos sa akin. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa mga salitang nabitiwan sa akin noon. "Siya nga pala..." kinuha niya mula sa bulsa ang isang aparato. Base sa puting case ng iPhone na napapaligiran ng maliliit na perlas, ang cellphone ko iyon na kinumpiska niya binabalik na sa akin. "Kung gusto mong kontakin ang mga magulang mo, kaibigan mo.. o si Bernard. Kung gusto mong magpasundo dito, sabihan mo lang ako."
Magsimula tayong muli. Inasam kong manggaling sa bibig niya iyon pero hindi ko narinig. Maaring pinapatawad na niya ako sa mga nangyari pero hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman niya para sa akin. Na limot na ako ng puso niya. Gusto kong umiyak sa isiping iyon. Ngayon na wala na siyang dahilan na maghiganti pa sa akin, pinapaalis na niya ako.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" pag-iiba niya ng usapan.
"Okay na ako." sabay ang pekeng ngiti.
"Alright then." narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya, sandali niyang sinulyapan iyon at binalik ang tingin sa akin. "I need to meet with Catiana before dinner tonight. Mauna ka nalang kapag wala pa ako."
He's meeting with that gorgeous PA tonight. Kahit na wala akong karapatan, ang sikip ng dibdib ko sa selos.
Caden
Nang maghiwalay kami ni Mr. Villasanta kanina, bago ako umuwi ng mansyon, I made several phone calls. Gusto kong malaman ang lahat-lahat ng nangyari noon. Sa pagitan ng mga pangyayari sa nakaraan ay may mga bagay na hindi ko alam at inilihim sa akin. Huli kong tinawagan ay si Teisha. May gusto akong siguruhin sa kanya.
"Magsabi ka sa akin ng totoo, this time, I only want the truth from you. Dahil kung sa iba ko malalaman ang katotohanan, siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."
"Anong sinasabi mo Caden?"
"Desisyon ba talaga ni Thea na iwanan ako o pinilit mo siya?"
Tumawa siya sa akin sa kabilang linya, pero dinig na dinig ko sa tawang iyon ang tinatago niyang kaba. "Caden ano ba. Ang tagal na nito bakit ba inuungkat mo pa. Marami kang dapat na asikasuhin sa negosyo, madaming pinapagawa ang Lolo mo tama na ang mga walang kwentang bagay na ito."
"Teisha!!"singhal ko sa kanya. "Sagutin mo ang tanong ko!"
Katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. Dinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga pati na din ang pagkatabig niya ng bote ng alak na alam kong nahulog sa sahig dahil sa pagkagulat niya sa sigaw ko. Higit kanino man alam ni Teisha kung paano ako magalit, ilang beses niyang nasaksihan kapag nawawalan ako ng kontrol sa temper ko.
"Ang Lolo mo. He wanted to get rid of any distraction you had back then. Gusto niyang makasiguro na sasama ka sa kanya sa ibang bansa. Masyado kang matigas Caden, naghihirap ka na nga at pinagbabantaan ang buhay, hindi ka pa rin lumalapit sa kanya."
Sinasabi ko na nga ba. Napahawak ako sa sentido. "Then tell me this. Sino ang nagbanta sa buhay ni Thea noon, sino ang nagpasunog ng library..."
"Caden alam mo naman na--"
"Don't tell me it's Tita Diana because I already knew she didn't plan any of it. Ako ang target niya pero wala siyang kinalaman kay Thea, wala siyang pakialam kay Thea noon, she probably didn't even know her existence!"
"Caden kasi..."
"I'm now the CEO and President of Arguelles Conglomerate Teisha, alam mo naman siguro ang ibig sabihin nun. Magsabi ka na sakin ng lahat ng dapat kong malaman kung mahal mo ang trabaho mo, pati na ang trabaho ng Papa mo sa kompanya ko. Sa isang iglap kaya kong bawiin ang lahat ng meron ka ngayon."
"Caden please, don't do this to me... ako ang malalagot sa Lolo mo. Alam mong pinaglalaban ko ang custody ng anak ko mula sa sadista kong ex, hindi ako mananalo sa kaso kapag nawalan ako ng trabaho... please."
"All the more reason for you to start to be loyal to me now. Ako na ang Boss mo, ilang taon nalang mawawala na si Segundo sa mundong ito, sa tingin mo saan ka pupulutin kapag nangyari yun?"
Ilang buntong-hininga ang narinig ko. Alam kong tensionado siya. "Sige, sasabihin ko na sayo ang totoo. I did everything I can para masira kayo ni Thea noon. Pinagselos ko siya, pinagmukha kitang masama sa mga mata niya. Pinagtulakan ko siya kay Bernard. Pati lahat ng post sa social media sites at mga tsismis sa school. Gawa ka lahat ng iyon. Gusto kong kusa niyong bitawan ang isa't isa para maging mas madali na ang pagdedesisyon mong umalis ng bansa. Nang hindi tumalab iyon, pinagtangkaan ko ang buhay niya. Hindi ako nagtagumpay at muntik ka nang mapahamak muntik nang mawalan ng trabaho ang Papa ko sa Arguelles Conglomerate. I was only able to redeem myself when I finally convinced Thea that It's best for you two to leave each other alone."
"At utos ng matanda ang lahat ng iyon?"
"May mas maganda siyang plano para sayo Caden! At hindi pa siya tapos.."
"Ano pa? Ano pa ang kulang sa mga plano niya para sa akin ha?"
"Nakipagkasundo na siya sa Magnier Group, ipapakasal ka niya sa unica hija ni Mr. Benjamin Magnier bago matapos ang taong ito, gusto ng Lolo mo na magkaroon ng kontrol sa pinakamalaking department store chain sa Europe at mangyayari lamang iyon kapag pinakasalan mo ang tagapagmana ng Magnier."
Ako naman ang napanganga at natahimik sa sinabi ni Teisha. Wala akong kaalam-alam sa planong iyon ng matanda. "That's insane. Gagawin niya iyon nang hindi man lang ako kinokonsulta?"
"Alam niyang hindi ka papayag. Hindi niya gustong magkasama kayo ni Thea sa isla, sigurado akong gumagawa na ngayon ng plano ang Lolo mo para mapadali ang kasal."
"Walang mangyayaring kasal kung hindi ako papayag."
"Lahat posible sa Chairman ng Arguelles Conglomerate Caden. Hanggat buhay siya, siya ang pinakamakapangyarihang tao sa kompanya, pangalan mo lang ang kailangan niya sa kasal. Hindi importante kung nandoon ka o wala!"
"This is fucking insane. He can't do this to me!"
"I'm sorry Caden. Sumusunod lang ako sa gusto ng Lolo mo. I trust that you will act sane and compose now that you hear this from me. Dahil kapag nagkamali ka ng galaw, pareho tayong mawawalan ng lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro