Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"Lure! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang maging pasakit sa ulo. Simula ng dumating ka rito ganiyan na ang ugali mo! Bukod pa sa palaging kang late ay natutulog ka rin sa klase ko. 'Ni hindi mo kayang ayusin ang pag aaral mo at higit sa lahat ka babaeng mong tao ay tambak ang record mo sa guidance office! Ilang beses ko bang sabihin sayong iwas-iwasan mo ang pag- bubogbog sa mga lalaking nag aaya sayo nang away? Itatak mo nga yan sa isip mo na babae ka, kaya umasta ka bilang babae!" It was sir Paciano, adviser ko.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko at walang gana siyang pinagmamasdan.

Unang period pa lang nang klasi ko at ganito agad ang bumunggad sa akin. Tahimik lang ang mga kaklasi ko at halatang sanay na sa ganitong eksena. Sa ilang beses ba naman akong pangaralan ng teacher ko ay nasanay na lang din sila.

Gusto ko sana mag paliwanag para ipagtangol ang sirili ko, pero ni isang beses ay hindi siya nakikinig sa mga paliwanag ko. Reason? Nonsense raw. Kaya imbes na magsayang ako ng laway ay hinahayaan ko nalang siyang dumaldal nang dumadaldal sa unahan.

At pano naging nonsense to, aber?!  Una sa lahat hindi ko naman kasalanan kung bakit lagi akong late, masisi niya ba ako na lagi akong puyat at na tutulog sa klasi niya dahil kakapanuod ko ng kdrama at anime? Pangalawa, dapat pa nga siyang mag pasalamat dahil sa klasi niya ako natutulog at hindi sa clinic ng school. Pangatlo, bakit ko aayusin ang pag-aaral ko hindi naman magulo? At panghuli, hindi ko rin kasalanan na simula ng mag transfer ako sa school na ito ay maraming nagyaya na makipag away sa isang kagaya ko, naging kasalanan ko pa ang pag sunod sa gusto nilang gawin?

Humikab nalang ako at sa iba itunuon ang paningin ko. Rinig na rinig ko pa ang bulungan ng mga magagaling kung kaklasi.

Well, wala akong pake-alam. Paulit ulit lang naman sinasabi nila sakin. Hindi naman ako magkakapera kung pati sila papatulan ko pa.

"Nakikinig ka ba Lure? Look at you. Hinahayaan mong wag pansinin ang mga sinabi ko sayo. Kaya hindi mo naitatatak sa kukote mo ang mga ganitong pangangaral dahi-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya because of someone interrupted him.

Bigla ko naman binalik ang tingin ko sa unahan. Nakita ko naman doon ang lalaking pinakagusto niya sa lahat, masipag, mabait at higit sa lahat ay matalino.

"Excuse me for interrupting you sir, pero natapos ko na po ang pinapagawa ninyo." Inabot niya kay sir Paciano ang makapal na papel na pina-chekan sa kaniya.

"Thank you Kairuse, ikaw lang talaga ang isa sa mga maasahan ko rito. Naku hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ka napunta sa section na'to." Malawak ang ngiti nito nang tanggapin ang inabot sa kaniya bago binalik ang tingin sa akin. "Kaya ikaw Lure gayahin mo tong si Kairuse, bukod sa masipag at mabait na tao-"

"Matalino pa. " I cut him. Saulado ko na ang linyahan niya. Sa ilang beses ba naman akong ikumpara sa lalaki nato na wala naman ibang ginagawa sa buhay kundi ang umupo sa tabi at mag-aral.

Napatingin ako kay Kairuse, bahagyang yumuko ito habang kinagat ang ibabang labi. Halata naman sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa pinag sasabi ni sir. Well, he is not fan of praising him. Ayaw na ayaw niya rin nang atensyon ng karamihan. He better sit in one corner without anything but have a books.

"Ay nga pala, may ginagawa ka ba Kai? Kung wala naman. Makikisuyo sana ako sayong dalhin ito sa administration office, nalimutan ko kaninang idaan. Wala naman kasi akong ibang maasahan dito kundi ikaw lang." Mabilis niyang kinuha ang makapal na folder sa desk niya at agad na ibinagay kay Kairuse.

Tumango lang si Kairuse sa kaniya. "Pakisabi kay Mrs. Mina na nandiyan na lahat nang mga kailangan niya." Sambit ulit ni sir Paciano bago tuluyang umalis si Kairuse.

Imbis na bumalik ang atensyon sa'kin ni sir ay itunuon niya na lang ito sa pagtuturo sa unahan. So... That's the call for today. Salamat naman at tumigil na manermon iyon, wala rin naman patutunguhan ang mga magaganda salita niya. Papasok sa kabilang tenga at ilalabas sa kabila.

Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sa unahan. Kita ko pa ang ilang irap sa akin nang ibang kaklasi ko.

Wala naman tigil kakaexplain ng kung anong sulution sa board si sir Paciano. Beside of our adviser, he is our math teacher too. Lalo lang pina-hirapan ang buhay ko.

Pinaikot-ikot ko ang ballpen sa kamay ko habang walang ganang nakikinig kay sir Paciano sa unahan. Anong silbi ng explanation na yun kung hindi ko rin naman makukuha. Kahit siguro buong mag damag ituro niya sakin yun ay hindi ko pa rin mage-gets.

Nakakapagtaka lang, bakit kailangan sumali ng letters sa numbers? Then why the numbers can't join the letters? Bakit may Y, Z at X na nilalagay sa formula, kung pwede naman number nalang lahat? Magagamit ba namin yan pag naging cashier kami o taga tinda sa tindahan paglumaki kami?

Natigil ang pag-iisip ko ng tawagin ni sir ang pangalan ko. "Lure, diba mabilis ka naman tumaakbo? Nalimutan ko itong isang bagay na ipadala sa administration office, pwede bang pakihabol ito kay Kai?" Anak ng limang tupa! Mahigit sampung minuto na simula nang umalis ang lalaki dito. What does he think of me, anak ni flash?

Wala akong ganang tumayo at kinuha ang isang folder na inabot niya sakin. Hindi ko na hinintay pa ang ibang bilin niya ang tanging narinig ko lang ay kaylangan ko raw bumalik after ko itong maibigay sa masipag at matalinong lalaki na yun.

Agad naman ako tumakbo nang makalabas ng classroom. Hindi ko naman pinapansin ang ibang nagrereklamo dahil sa mabilis na takbo ko. Subukan lang nilang harangan ang dinadaan ko ngayon ay makakaharap nila ang kamao.

Pawis na pawis na ako habang tumatakbo, init na init na rin ang buong katawan ko. Is this a punishment for what I've done?

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na ang dahilan nang pagtakbo ko. He was peacefully walking while there's a headset in his ear.

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya kahit pagod na pagod ako. But he doesn't respond. Naka full volume ata ang headset.

Kahit pagod pa ako ay sinimulan kung ihakbang ang mga paa ko sa hagdanan. Mabilis ang mga hakbang na ginagawa ko para maabutan siya. Hindi niya parin ako napapansin sa tabi niya dahil sa busy ito sa pakikinig sa headset. Mabilis ko itong nilampasan dahil nasa mukha ni Kairuse ang atensyon ko ay nag kamali ako nang hakbang. Ramdam ko ang madulas na bagay na apakan ko dahilan nang pagkawala ng balasansi sa katawan ko. Wala man lang ekpresyon ang mukha ni Kairuse nang makita akong matutumba sa kinaruruonan niya.

I began to panic. I scream hard while Kairuse remained silent as he was. And last thing that I remember ay kung paano may lumapat na kung anong malamabot na bagay sa labi ko. After the loud bang, my vision turned to black.

Dahan dahan ang pagmulat ng mata ko. Unang bumungad sa'kin ang malinis na kisame at kurtinang berde na hinihipan ng hangin. Sa itsura pa lang nito, I already knew, that I'm in the clinic.

Pinakiramdamn ko ang sakit sa katawan ko, ngunit wala akong naramdamang sakit. Nag simula akong hawak hawakan ang katawan ko para malaman kung may bali ba ako o wala pero laking gulat ko nang iba ang makapkap ko. It was smooth then suddenly become hard when I tried to stroke it. Mabilis akong bumangon dahil sa gulat.

"Kairuse calm down." Someone said.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mabilis kung hinanap ang malalambot kung boobs sa katawan ngunit matigas lang na bagay ang na kapkap ko. I tried to touch my long hair but all I could touch it just a short hair.

What is the world's happening?

Tumayo ako at hindi pinakinggan ang saway sa'kin ng kung sino. Pinuntahan ko ang pinakamalapit at malaking salamin para tignan ang kabuon ko.

My eyes turn to o when I see my whole body. Hindi to ang katawan ko. Pero lalong nakakagulat na nasa katawan ako nang tao na lagi ikinukumpara sa akin. And that person was named Kairuse Lyle Inuero.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro