8.5 #AskTheIslanders
Today, after knowing some of the stuff behind the scenes, we'll get closer to knowing the casts! Handa na ba kayong malaman ang mga sagot sa mga matitinding katanungan na inihanda sa kanila? Will they tell the truth or lie in front of our faces?
#AskCory
1. You're a travel blogger, if you're going to choose one of the places na nabisita mo dahil hindi mo ito makalilimutan. What would it be and why?
- Lalayo pa ba tayo? Of course, Palawan na. I know naman na marami na akong napuntahang mga lugar at iba-iba ang experience na nakuha ko, but there's something in Palawan that made me feel something. O siguro sa dami ng naganap, ito ang travel ko na hinding-hindi ko makakalimutan. Won't say it was because of Douglas--'wag siyang assuming.
2. Sa tingin mo, nagkulang ka rin ba kaya pinili ni Derek na maghanap ng iba? Kung meron man, ano iyon?
- Ay may pa gano'n pa? Wala naman sa akin ang problema. Kung maghahanap siya ng iba dahil hindi niya lang nakita sa akin, e 'di wala sa akin ang pagkukulang. Nasa kanya iyon. Hindi siya makuntento. Ako? Kuntento ako sa kung anong meron ako at hindi ko kailangang magbago para lamang sa isang tao. Alam kong sayang iyong ilang taon naming pagsasama, but if this is how he will manage our relationship, no thanks na lang.
3. Do you have an intention to stay on the island if you don't have any commitments back in the city?
- You want an honest answer? Yes. I do. I want. It's just that... hindi ko pa maiwanan ang buhay ko sa city. Ipon-ipon na lang muna siguro saka ako titira sa isla.
4. What's your plan now na nakilala mo na ang biological family mo? May mga naisip ka na bang gagawin para maging close sa kanila since the encounter in Cuyo wasn't good as it seems.
- I'm trying to talk often to them. Ayoko namang isara ang chances na 'to para makasama sila. Gusto ko pa silang kilalanin. Hindi man naging maganda ang pagkakilala namin ni Hayley, but I know things will get better in time. Sa ngayon, I'll take it slowly pero for sure, babalik ako ng Cuyo for them.
5. Why would you tag Douglas on your trip? Unang kita mo ba sa kanya bet mo na agad?
- Why not? He's a good tour guide and showed me the wonders of Palawan. Nagawa ko ang dapat kong gawin doon sa Palawan. Kung hindi dahil sa kanya, siguro walang inapprove ang boss ko sa mga article na pinasa ko. Pero hindi ko siya bet no'ng una. Assumero siya kung iisipin niya 'yon. He just grow on me over the time. Basta 'yon.
6. Where can we see you in the future?
- Douglas and I went to Bondi! And maybe in the future, you'll see us in other stories as well. Surprise na lang!
#AskDoggy
1. Bakit ka kasi humiga-higa no'n sa tabi ng beach? Nakita ka tuloy ni Cory! Gawain mo siguro 'yon sa mga turista!
- E, why not?! Kung hindi ko sana ginawa 'yon, hindi ko sana makikilala sa Cory. And for your information, that was the only time I did that since I went diving from that moment and then Cory just came at my side. Alam niyo na kung anong ginawa niya. ;)
2. What's your relationship with Hayley now? Ngayong nalaman mong magkapatid sila then may gusto pala sa 'yo iyong dalawang girl. Mahirap ba maging pogi?
- We remained good friends. Hindi ko nagustuhan iyong ginawa niya noong nasa Cuyo kami, but I let that go. She apologize for her actions din nalaman. At may magagawa ba ako kung nagkagugusto sila sa akin? Ang sa akin lang, hindi natin maipipilit ang nakatuon na sa iba. Wala rin naman akong ideya na may gusto pala siya sa akin kaya it was a surprise. But we're all good now.
3. What if... you died that day? Alam mo na kung ano at saan iyon... what if lang. Anong sa tingin mo ang mararamdaman ng mga taong naiwan mo?
- Sa totoo lang, hindi ko alam. I'm still thankful na buhay ako ngayon. Iyon ang mahalaga dahil alam ko kung anong mararamdaman nila kapag nawala ako.
4. If you've got a luxury life back in Cuyo. Vice Mayor ang tatay mo at maganda ang buhay mo ro'n. Bakit mas pinili mong tumira sa Coron nang mag-isa?
- At bakit naman hindi? I need to work for myself and do all the things that I wanted ng walang nagsasabi sa akin. Lahat ng galaw ko ngayon ay sarili ko lamang. Saka pinayagan naman nila akong pumunta ng Coron. I need to be independent.
5. Do you really like Cory o na-fall ka na lang sa kanya no'ng magkasama kayong naglilibot sa Palawan? E, pano na lang pala kung hindi ka niya inaya, 'di ba?
- She's pretty to tell you honestly. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagandahan na ako, pero sa bawat araw na lumilipas ay alam kong nag-iiba na ang tingin at nararamdaman ko sa kanya. But I also know that I shouldn't pursue my feelings for her. Turista lamang siya. Aalis din kalaunan.
6. What should we look forward to you? May mga ganap ba?
- Marami! Abangan na lamang kung saan-saan kami maglilibot ni Cory baby!
#AskHayley
1. Tell us your relationship with Douglas? Your relationship with him before Cory came.
- Close na close kami ni kuya. Though alam ko namang maku-kuya zoned ako at the end of the day pero sinubukan ko pa rin kasi wala namang mawawala. Ngayon, we're still friends... pero nahihiya na akong tingnan siya sa mata. Hindi ko alam. Ayoko na lang balikan.
2. Why do you look so desperate going after Douglas? E, hindi nga ikaw 'yong gusto niya at parang pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa kanya? Like, ang daming lalaki sa buong mundo.
- Grabe ang pag-atake? Gano'n ka rin naman kapag nagkakagusto, 'di ba? Gusto mo ikaw ang piliin at ikaw ang jowain kaya 'wag na 'wag mong sasabihin sa akin 'yan. Tingin ka muna sa salamin baka tinutukoy mo na ang sarili mo.
3. What do you feel when you met and found out the truth about Cory? We know your initial reaction, but be honest with us. Ano nga ba talagang naramdaman mo no'n?
- Shocked. Surprised. Noong una naiinis ako kay Ate Cory dahil close siya kay kuya pero nang malaman ko 'yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sumagi sa isip ko pa na bakit siya pa ang naging kapatid ko? Ngayon, sinusubukan naming magkaayos at makilala ang bawat isa.
4. So, you've got the chance to meet Cory fairly, among nilo-look forward mo together with her? Ngayong close na close sila ni Douglas?
- Makilala lang siya. Iyon naman ang gusto niya rin. Makilala kami at kung close na close man sila ni kuya ngayon, good for them.
5. Would we be able to see you in other stories? May dapat ba kaming abangan?
- Maybe? Hihi.
#AskDerek
1. Bakit mo naman niloko si Cory? For 3 years, kayo ang magjowa tapos propose-propose ka pa, may tutusukin ka palang iba. Why Derek? Bakit parang wala lang sa 'yo 'yon no'ng nagkita kayo sa Puerto Prinsesa?
- Sigh. I know I shouldn't have done that and I regretted how our relationship ended and how she said to me all she wished for her dream wedding, I wish I could still make up with her, but she seems so happy with someone else right now. Let's just move on and be happy.
2. Simpleng tanong. Cory or Felicity. Walang pali-paliwanag.
- My Felicity.
3. Anong masasabi mo sa new-found friend ni Cory na si Douglas? Selos ka ba?
- I think he's a good guy. She's happy with him and I won't be jealous of him. If he can make her happy and then good for him. That's all I wanted for her. Be happy with someone else.
4. Bakit sa Palawan ka nagpakasal when Cory said, beach wedding din ang gusto niyang mangyari. Pinangako mo sa kanya, sa iba mo ginawa. Kaloka.
- Yeah, my bad.
5. Should we expect to see you in future stories?
- Flick and I will go to the U.S. and maybe live there and start a family. You won't be seeing us in the future.
At diyan na nagtatapos ang ating Q and A with the Islanders! Kung may gusto pa kayong ihabol na tanong, leave it to their hashtag and make an inline comment! Agad nila kayong babalikan to answer your questions. Thank you and see you on our last part!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro