Book Two: Torpe
Torpe
"Hindi ka tatahimik?" inis na asik ko at inirapan si Quen.
Tumawa naman siya at sinundot na naman ang pisngi ko. "Ang ganda ng dimple mo. Anyare sa mukha mo?" pang-aasar na naman niya at napatiim-labi nalang ako.
Tumayo ako at tinulak siya kaya nahulog siya mula sa inuupuan niya. "Ano naman ang alam mo sa kagandahan? E, ka-gwapuhan nga wala ka! D'yan ka nga!" Naglakad na ako papalayo sakanya dahil mas lalo lang masisira ang araw ko sa pagmumukha niya. Hindi na siya nagsawa sa kaka-asar sa'kin, para bang may napapala siya. Wala naman.
"Julia!"
Umikot ako. "Oh, Iñigo. Bakit?"
"Saan lakad mo?" hinihingal na tanong niya at inakbayan ako. Hinayaan ko nalang dahil wala namang malisya. Magkaibigan kami ni Iñigo at siya ata ang lalaking sobrang komportable ako kapag kasama. Hindi ko kasi kailangan maging conscious dahil alam kong kahit ano'ng kabaliwan ko ay tanggap niya. Minsan nga e pareho kaming gumagawa ng kabaliwan.
"Sa gym. May practice ang Varsity mamayang 4pm," sagot ko sakanya.
Kumunot ang noo niya. "Ang aga mo naman atang pumunta? 2pm pa lang naman," aniya.
Nagkibit-balikat ako. "Binubulabog na naman kasi ako ni Gil, e. Kaya gusto ko muna siyang layuan. Nakakainis 'yung pagmumukha niya," gigil na sabi ko at napa-padyak pa ako sa inis. Lagi nalang kasi niyang sinisira 'yung araw ko, e.
Tumawa si Iñigo. "Torpe talaga niya, 'no?"
Napatingin ako sakanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nakasimangot na tanong ko.
"Wala," aniya at umiling. "Tara, fishball nalang muna tayo. Gutom ka na siguro."
Tumango ako at sumunod. "Alam mo bang gusto kong suntukin si Quen? 'Yung tipong dudugo ang ilong niya tapos magkaka-black eye pa siya."
"Ang brutal mo naman," sabi niya at tumawa. "Hampasin mo nalang gamit ng hita mo. Tutal, malaki naman."
Hinampas ko siya at natawa. "Big thighs for a big butt, 'di ba?"
"Sabi mo e," pang-aasar niya kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran. "Uy. Si Quen, o!"
"Tumigil ka nga," inis na sambit ko at sinimangutan siya. Hinawakan niya ang balikat ko at tsaka ako inikot. Si Quen agad ang bumungad sa'kin kaya naman napangiwi ako. Bakit ang bilis naman niyang makahabol?
"Sabi sa'yo, si Quen," pabulong na asar sa'kin ni Iñigo kaya siniko ko siya. "Oomf. Langya, Julia. Masakit."
"Kainis ka kasi." Sirang-sira na ang araw ko, lalo na't nakangisi pa ang lalaking sumisira sa mismong harapan ko. Pinag-krus ko ang mga braso ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman ba kailangan mo? Baka gusto mong sa bangin na kita ihulog?"
"Nahulog na ako," saad niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"E, ba't buhay ka pa?" tiim-labing tanong ko at inirapan siya.
Tumawa siya. "Bakit, kapag nahulog ba, patay na agad?"
"Wish ko lang," sambit ko.
"Aw," aniya at pabirong hinawakan ang dibdib niya na para bang nasasakan siya. Napairap ako. "May PMS ka ba ngayon, Julia? Ibang level ang kasungitan mo, e."
"Paano namang hindi ako magsusungit, Quen?!" sigaw ko. Nawala 'yung ngiti niya sa labi. "Lagi mo nalang akong inaasar! Araw-araw! Ano ba ginawa ko sa'yo ha?! Tumigil ka na kasi!"
"Julia.." tawag ni Iñigo pero 'di ko siya pinansin. Nakay Quen lang ang atensyon ko.
Bumuka ang labi niya at akala ko may sasabihin siya pero bigla niya tinikom 'yun. Tapos ay ngumisi na siya at mas lalo akong nainis. Nagkibit-balikat siya na para bang hindi lang ako sumigaw. "Ang sarap mong asarin, e."
Sa inis ko ay padabog na iniwan ko sila ni Iñigo doon at dumiretso nalang ako sa gym para magkulong sa locker rooms. Mag-isa lang ako dahil maaga pa naman masyado para sa ibang teammates ko. Nagpalit ako ng sports bra, shorts, at sinuot ang varsity shirt namin. Habang nag-aayos ako, bigla nalang tumulo ang luha ko at hindi ko alam kung bakit mahinang humihikbi na ako.
Sobra na din naman kasi siya, e. Minsan hindi na talaga nakakatawa 'yung mga ginagawa niya sa'kin. Ang malala pa, sa'kin lang siya ganun. Sa ibang babae, sobrang bait niya na para bang isa siyang anghel. Pero kapag ako na 'yung kaharap niya parang tumutubo 'yung sungay niya. Wala naman akong ginagawa sakanya.
Nagpunas ako ng luha at napasandal sa mga lockers. Bigla kong naalala 'yung unang pagkakakilala namin.
"Julia, may papakilala ako sa'yo," sabi ni Iñigo at tumabi sa'kin.
Sumimangot naman ako. "Kumakain pa ako, e. Mamaya nalang, p'wede?"
"Ngayon na," pagpupumilit niya pero lumabi lang ako at tumitig sa pizza na nasa harapan ko. Napansin siguro ni Iñigo 'yun kaya tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Sige, siya nalang ang dadalhin ko dito. Be nice, okay? I-share mo 'yung pizza mo sakanya."
"Sino ba kasi 'yan?" inip na tanong ko. Bakit ko kailangan i-share 'yung pagkain ko?
"New student siya. Pero classmate mo siya. Si Enrique Gil?"
Umiling ako. "Hindi ko siya kilala."
"Kaya nga ipapakilala ko, e," sabi niya at pinitik ang noo ko kaya napangiwi ako.
"Kunin mo na nga siya! Kailangan talagang saktan ako, e," inis na sabi ko at inirapan siya.
Tumawa lang siya at tumakbo papalayo. Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko ng pizza ko. Maya-maya, bumalik na si Iñigo at agad tumabi sa'kin. Tinignan ko naman siya tapos sa lalaking tinuro niya. Halos malaglag ang panga ko sa ganda ng mga mata niya pero agad ko ding inayos ang sarili ko. Nakakahiya naman kung mag-laway ako.
"Hi," bati ko at nginitian siya.
Kumaway siya at umupo sa tapat ko. "Hi. Quen nga pala," aniya at nilahad ang kamay niya.
Tinanggap ko naman. "Call me Julia," sabi ko at bumitaw na. Nabalot ng katahimikan 'yung table namin kaya naman tumikhim ako at tinaas 'yung plate ko. I smiled at Quen. "You want pizza?"
Bumuntong-hininga ako. Kahit noong first encounter namin, naging mabait naman ako sakanya. Siguro may topak lang siya kasi sobrang masungit siya sa'kin. At may gana pa siyang tawagin akong pangit samantalang mas maganda naman ako sakanya. Echos niya. Dami niyang alam.
"Aga mo, Ju?" bungad ni Kath pagpasok niya ng locker room.
Nagkibit-balikat ako. "Malamig kasi dito, e. Tapos tahimik pa," palusot ko at tumayo na. "Warm ups tayo?"
"Sige. Magpapalit lang ako," sabi niya kaya naman tumango ako at nauna nang pumunta sa gym.
Tinaas ko ang buhok ko at nagsimula nang tumakbo sa outside court habang hinihintay si Kathryn. Nasa ika-apat akong lap noong pumasok na siya kaya naglaro kami ng one-on-one game ng Volleyball habang hinihintay 'yung ibang teammates namin pati nadin si Coach.
Hindi nagtagal, kumpleto na kami at nagsimula na ang practice namin. 4pm to 6pm ang practice namin every MWF kaya naman noong lumabas na ako ng locker room ay medyo madilim na. Napanguso ako dahil nakalimutan kong i-text si Mama na ipa-sundo ako. Bawal pa naman kasi akong mag-drive tapos ngayon pa pala 'yung Fashion Show ni ate Dani.
"E'di stuck sa taxi," sabi ko sa sarili ko at naglakad na papalabas ng school compound. Hindi pa ako nakakalayo noong may tumawag ng pangalan ko at nakita kong papalapit sa'kin si Quen. Napasimangot ako at agad naglakad ng mas mabilis. Pero no use dahil mabilis din niyang napigilan ako gamit ang braso ko. "Ano ba?" inis na sabi ko at hinarap siya. "Quen, pagod ako. Gusto ko nang umuwi at wala akong panahon na--"
"Ihatid na kita," putol niya sa sasabihin ko kaya saglit akong natahimik.
"Ano'ng sabi mo?"
Napakamot siya ng batok. "Ihahatid na kita," ulit niya at napaawang ang labi ko. "Madilim na kasi, e. Tapos sinabi ni Iñigo kanina na baka walang makakasundo sa'yo kaya--"
"Hinintay mo ako?"
Mestizo siya kaya naman kahit madilim ay nahalata ko padin ang pamumula ng tenga niya. Umiwas siya ng tingin habang ako naman ay nagpipigil ng ngiti. "Inutusan lang ako ni Iñigo, h'wag kang epal d'yan. Tara na nga," aniya at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinila papunta sa parking lot.
Mahinang napatawa ako. "Namumula ka ba, Quen?"
"Mainit kasi," palusot niya.
"Hindi kaya. Giniginaw nga ako, e," pang-aasar ko at nagulat ako nung harapin niya ako.
"Giniginaw ka?" Tumango ako bilang sagot. Tinanggal niya 'yung Varsity jacket niya at binigay sa'kin kaya natameme ako. "Here. Suotin mo, baka magkasakit ka pa."
Kumunot ang noo ko. "May sakit ka ba?" tanong ko, dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. "Ang bait mo kasi bigla, e. Na-blackmail ka ba ni Iñigo?"
Tumikhim siya. "No. Concerned citizen lang," sabi niya at kinagat ang labi ko para pigilan ang tawa ko. "Tara na nga. Late na, out of the way ka pa."
Sumimangot ako. Okay na sana, e. Hindi na sana ako maiinis sakanya pero nagiging masungit na naman siya sa'kin. Inirapan ko siya. "Sorry naman sa istorbo," tiim-labing saad ko. "H'wag mo na nga akong ihatid. Utang na loob ko pa sa'yo."
Hinila niya ako papalapit sakanya. "Sorry, nagbibiro lang ako," nakasimangot na sabi niya at pinigilan kong ngumiti. Kahit naman kasi nakakainis siya, ang cute padin ng pagmumukha niya, e. An odd mix.
Sinimangutan ko siya.
"Sorry, Julia. Let's go? Libre kita ng Pizza Hut," aniya at inaya na ako papunta sa parking lot.
Aayaw sana ako but the promise of pizza changed my mind. "Sinabi mo na 'yan. You have to buy me pizza," saad ko at sinabayan siya sa lakad.
"Of course," aniya at ngumiti ng malawak sa'kin. Natameme ako sa ganda ng ngipin niya. "Weakness mo talaga ang pizza, 'no? That's cute."
Cute? Napangiwi ako. "Hindi ako cute."
"Oo kaya," sabi niya at tumawa. "Puffy cheeks, pouty lips, pointy nose. Cute."
Hinampas ko siya. "Ew. Shut up," sambit ko at doon ko lang napagtanto na magka-hawak padin pala ang kamay namin. I stared at it.
"Julia, get in."
I blinked. "Ha?"
"Pumasok ka na," sabi niya at mahinang tinulak ako.
Tinignan ko muna ang kotse niya bago ako pumasok at sinara na niya 'yung pinto. He took out his phone and texted someone habang ako naman ay pinagmamasdan ang sasakyan niya. Maayos siya, for a boy's car. May cans of sodas pero nothing gross. Finally, pumasok nadin siya and he started driving to the nearest Pizza Hut store.
Akala ko aasarin na naman niya ako pero nagulat ako dahil tahimik lang siya. Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko nung nakita kong namamawis siya. Nakakapagtaka lang kasi ang lamig sasasakyan niya, tapos mukha siyang tensyonado. "Quen, okay ka lang?" tanong noong sunod-sunod siyang tumikhim. "May sakit ka siguro. Mukhang nilalamig ka, e, tapos namumula ka pa."
Umiling siya at ngumisi. "Concerned ka na nyan?" pang-iinis niya at nagpaikot ako ng mata.
He's definitely not sick. "Okay na sana, e. Pogi points na, nang-inis ka pa kasi," saad ko at pinilig ang ulo ko. Pogi points? Wth. I did not just say that. Napapikit ako ng mariin nung tunawa siya ng malakas. Tinakpan ko ang mukha ko.
"So... you're keeping tabs?" aniya at naramdaman kong namula ng sobra ang buong pagmumukha ko.
Sinuntok ko siya sa balikat. "Shut up and take me to pizza, Quen. I'm hungry," inis na saad ko at lumabi lang. Nagulat ako nung kurutin niya ang pisngi ko kaya napatingin ako sakanya. He awkwardly laughed and continued driving. Tumikhim ako. "Can I turn on the radio?"
Tumango siya. "Go ahead."
Binuksan ko 'yung radio and an old, too-familiar song resounded throughout the car. Natigilan ako dahil naalala ko ang gabing 'yun, Junior-Senior Prom. The night Quen danced with me.
"Huy," bati ni Iñigo at tumabi sa'kin.
Sumimangot ako. "Oh, bakit?" tanong ko at sinawsaw sa chocolate fountain 'yung marshmallows na kinuha ko.
"Isasayaw ka daw ni Quen," aniya.
Natigilan ako. "Ano?" nakasimangot na tanong ko. "Saan mo naman nakuha 'yan, Iñigo? Tigilan mo ako."
Nanlaki ang mata niya. "Hindi, seryoso ako. Pinapatanong niya kung p'wede daw ba. Mahiyain kasi, e."
"Ganun?" Napangiwi ako at tumingin sa direksyon ni Quen na agad umiwas ng tingin sa'kin. Natawa ako. "Sabihin mo sakanya siya dapat mag-aya sa'kin. Ano ka, si Hermes? Messanger of the Gods?"
Ngumisi siya. "Greek God pala ang tingin mo kay Quen?" asar niya at namula naman ang pagmumukha ko. "Masabi nga sakanya a--Aray! Ba't ka nanghahampas?!"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Subukan mo lang, makikilala ng ilong mo 'tong kamao ko!"
Tumawa siya at inakbayan ako. "Hindi mo kasi ako pinatapos, e," aniya at kumindat. "Sabi ko, sasabihin ko sakanya na siya na ang umaya sa'yo. Pinapangunahan kasi ako, e."
"Ugh. Doon ka na nga, kumakain pa ako," inis na saad ko at tinulak siya papalayo sa'kin.
Tumango siya. "Basta, ah? Sasabihin ko na kay Quen," ulit niya at tumango lang ako dahil nakakita ako ng grapes. "Ang baboy mo."
"Mas baboy ka," saad ko at sumubo ng grape.
Napailing siya at naglakad na papalayo sa'kin. Ako naman, pinuno ko ang pagkain ko at bumalik na ako sa table kung saan ako naka-assign. Napangiwi ako dahil nakita kong andoon padin 'yung mga lalaking gustong isayaw ako. May rason kung bakit wala akong date, at 'yun ay dahil ayokong sumayaw. Kaya nga nakakapagtaka kung bakit ako pumayag sa sinabi ni Iñigo, e.
"Julia?"
Umikot ako. "Oh, Quen! Ano, sayaw na tayo?"
Napakamot siya ng batok. "Akala ko ba gusto mong ako ang magtanong sa'yo?" pagtataka niya na kinatawa ko naman.
Saglit akong bumaling sa mga lalaki sa table ko tapos humarap ako kay Quen. Binaba ko lang 'yung plate ko at hinila na siya papunta sa dance floor. "Sinabi ko lang 'yun para makakuha na ako ng pagkain kasi ini-istorbo nga ako," paliwanag ko at nilagay ang mga kamay niya sa bewang ko noong magkaharap na kami sa gitna ng dancefloor. Nakita kong namula siya kaya natawa naman ako at nilagay ang mga braso ko sa leeg niya.
Hinapit niya ako papalapit sakanya. "Ang ganda mo, Julia," mahinang puri niya at napangiti ako ng maluwag.
"Ganda ng dress ko, 'di ba? Custom made by ate Dani," taas-noong sambit ko. Proud sister here!
Tumawa siya at tumango. "Yes. Beautiful."
Nagkatitigan lang kaming dalawa and suddenly, nagpalit na 'yung tugtog. Unexpectedly by Jason Chen was playing. Napatingin ako sa DJ booth tapos kay Quen na nakatitig sa'kin. Hindi ko alam pero bigla akong na-conscious. Kung makatitig kasi siya parang sinusuri niya ang buong pagmumukha ko. Inalala ko kung may pimple ba ako o smudge ng make-up. Tinikom ko din ang bibig ko dahil baka may na-stuck sa ngipin ko. Nakakahiya!
"Julia..."
Hinaplos ko 'yung buhok niya. "Yeah?"
Magsasalita sana siya pero umiling nalang siya at yumuko para ilagay sa balikat ko ang noo niya. "I like your perfume."
Natawa naman ako at huminga ng malalim. "I like your cologne."
Pina-ikot niya ang braso niya sa'kin kaya naman naka-yakap na siya sa'kin.
After that, lagi na niya akong inaasar. Walang araw na hindi na niya ako ininis at nakakapagtaka kung bakit. Dati naman, hindi niya ako masyadong nilalapitan. Pero pagkatapos ng gabing 'yun, hindi na siya halos umaalis sa tabi ko dahil lagi nalang niya akong bini-bwisit. Minsan nga iniisip ko na baka gusto niya ako, kasi sabi nila kapag daw inaasar ka ng isang lalaki gusto ka niya. Pero ayoko din namang mag-assume. T'saka, napaka-stupid ng logic na 'yun.
Tumikhim si Quen. "Some stupid song, huh? Ang cheesy," komento niya at tumango lang ako.
"Why do you hate me, Quen?" diretsong tanong ko habang nakatingin sa harapan. Nakita kong saglit niya akong tinignan. I continued, "Kapag inaalala ko, wala naman akong ginawa sa'yo. Naging mabait nga ako sa'yo, e. I see no reason why you hate me so much."
"I don't hate you," giit niya at napatingin ako sakanya. Tiim ang labi niya at kita kong namumuti na ang kamay niya sa steering wheel. Huminga siya ng malalim. "I feel everything but hate for you, Julia. You should know that."
Napasalampak ako sa upuan ko. "Then why?" mahinang tanong ko at nakita kong nagpark siya sa harap ng Pizza Hut. Pinatay niya ang makina at napatingin ako sakanya.
Nakapikit siya ng mariin at nabalot ng katahimikan 'yung kotse. Umiwas ako ng tingin sakanya. I just feel so drained all of a sudden. Parang nakakasawa nadin kasi na pareho lang ang routine namin. I want it to stop.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. He smiled at me and I frowned, wondering why he was smiling. "What?"
"Torpe ako. Alam mo ba 'yun?"
Napalunok ako. "N-nabanggit na ni Iñigo," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro sa paraan ng pagtingin niya sa'kin... Hindi ako sanay.
Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "I like you, Julia," mahinang usal niya at napasinghap ako. Umiling ako pero tumango-tango siya. "I r-really do. Mahal kita. Alam kong mahirap paniwalaan--pero 'yun ang totoo. I fell in love with you."
Binawi ko ang mga kamay ko. "That's not possible, Quen. You hate me."
"No, I like you. I love you."
Iniwas ko ang tingin ako at kinagat ang labi ko. "How?"
Tumawa siya at hinila ako para yakapin. "May explanation ba ang love?"
"Wala," sagot ko agad. "Gago ka. Hindi mo ganun i-trato ang babaeng mahal mo."
Nahihiyang ngumiti siya. "Sorry. Babawi naman ako," sabi niya tapos huminga siya ng malalim. "I'm just glad na nasabi ko na."
"When did it happen?"
He kissed my nose. "You had me at pizza, baby."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro