Book Three: Best Of Friends
Julia's Point Of View
"KB, do you think okay 'to?"
Umikot si KB para tignan ako. Tumango siya. "Sino ba ka-date mo, JB?" tanong niya at hinila ako para maupo sa harap ng vanity table.
Napangiti ako. "Wala naman, baliw. I'm just meeting up with an old friend. From Camp Macy, tanda mo?"
Nag-kibit balikat siya at sinimulan nang kulutin ang buhok ko. "Masaya ako para sa'yo, JB. Sana ito na 'yung pinapangarap mong fairytale love story," sabi niya kaya naman napangiti ako.
"You're the best, KB!"
Tumawa naman siya at niyakap ako ng saglit. "Basta ha? Best Friends tayo habang buhay," sabi niya tapos nilagay ang baba niya sa balikat ko. Alam kong iniisip na naman niya ang mga magulang niya kaya tinapik ko ang ulo niya. "Ikaw nalang ang family ko, e. Sisters for life?"
We intertwined our pinkies. "Sisters for life."
Tinapik niya ako sa balikat at tinapos ang pagkulot sa buhok ko. "Ipakilala mo sa akin 'yang new boylet mo, okay? Kailangan approved ako sa first boyfriend mo."
"Of course naman," sagot ko at tinanggal 'yung red lipstick dahil parang too much naman siya. "I'm so excited, KB! After so many years, may chance na ako! I feel so different around him, I don't know why. My gut tells me siya na 'yung hinihintay ko. The man of my dreams!" Natahimik siya saglit kaya napatingin ako sakanya. Kumunot ang noo ko. "KB, you okay? You're spacing out."
Napakurap siya at napangiti, pero alam kong pilit lang kaya mas napasimangot ako. "Wala, masaya lang ako para sa'yo. I mean, you waited for the right time, JB. Ilang manliligaw na ba ang dumaan sa'yo at ilang lalaki na ba ang nagustuhan mo? Medyo marami na at alam kong gusto mong bumigay pero lagi mong pinipigilan ang sarili mo. Masaya ako kasi may lalaki nang nakabihag sa'yo ng tuluyan."
I chuckled, "I just hope everything goes well with him. I wouldn't want to lose before I even start the fight for love. Have you ever been in love, KB?"
Hindi siya sumagot.
"Oh, silly me," ani ko, "hindi pa pala. You would've told me kung oo." I kissed her cheek and thanked her for finishing up my hair. "Don't worry, sis. One day, your time will come din. Patience is a virtue and look at me, I waited and my love story is about to start!"
Niyakap niya ako and then held me at arm's length. Tinitigan niya ako sa mata and I saw how serious she was. "Ito ang tatandaan mo, JB: Never loosen your grip. Kung nararamdaman mong siya na, h'wag kang matakot. Ipaglaban mo ang nararamdaman at all times. In love, you fight for the upper hand. And that's what you should do. Okay?"
I nodded, "Okay, KB. I have to go, he might be waiting for me sa restaurant na. I'll see you later, yeah?" I grabbed my purse and was about to exit our apartment when she called me. "Yes?"
"Ano ulit pangalan ng imi-meet mo?"
I grinned, "Daniel Padilla."
~•~•~•~=~•~•~•~
Kathryn's Point Of View
"Hindi mo ba ako mahal, Kath?" basag ang boses na tanong niya sa'kin. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang mga luha ko bago ako umiling. "Putang ina! Hindi ako naniniwala!"
Napasinghap ako at hinayaan ko nang bumuhos ang luha ko. Umikot ako para harapin siya at mas lalo akong napahagulgol nung makita kong nahihirapan nadin siya. Pero hindi ko kayang sabihin sakanya na mahal ko siya. Natatakot ako dahil kapag binigay ko sakanya ang puso ko, may kapangyarihan na siyang wasakin ito. "Daniel, h'wag mo nang pahirapan ang sarili mo," pagmamakaawa ko sakanya. "Mahal kita, pero b-bilang kaibigan lang. Please."
Sunod-sunod siyang umiling at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga braso ko at napapikit ako. "Kathryn, mahal kita. At alam kong mahal mo din ako. Parang awa mo na, h'wag mong gawin 'to. H'wag kang magsinungaling sa akin. Sa sarili mo."
Lumayo ako sakanya at nagpunas ng luha. Kahit anong sabihin niya, hindi magbabago ang desisyon ko. "Daniel, paano mo naman nasabi na mahal mo ako?" Pumiyok ang boses ko kaya napalunok ako. "Ang bata pa natin para dito. Mas sasaktan lang natin ang isa't isa kung ipagpapatuloy natin 'to. We will just be delaying the inevitable dahil masasaktan at masasaktan parin tayong dalawa. Kaya, please, h-huwag mo nang ipagpilitan. Kaibigan kita. Hindi na sosobra pa doon."
Tumulo ang luha niya at wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya at bawiin ang mga sinabi ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ito ang tama. Marami pa akong gustong gawin sa buhay at alam kong magiging distraction lang siya sa akin. Graduating na siya, ako next year pa. Aalis na siya papunta sa malayo habang ako ay mananatili sa Manila. Hindi pa nga kami nagsisimula, may mga paraan na para matapos kami. Ito ang tama.
"Iyan ba talaga ang gusto mo?" mahinang sambit niya pero rinig na rinig ko padin.
Niyakap ko ang sarili ko at tumango kahit labag sa kalooban ko. "Oo, Daniel. Ito ang gusto ko."
Tumango siya at walang sabi-sabing umilot at naglakad papalayo sa akin. Noong hindi ko na siya nakita, napaupo ako sa gilid ng isang upuan sa parke kung saan niya ako iniwan at humagulgol ako. Hinangad ko na sana andito si JB para samahan ako, para sabihin magiging okay lang ang lahat pero tuwing naiisip ko siya ay mas lalo lang akong nagi-guilty. Best friend ko siya, pero ni wala siyang alam tungkol sa pinagdadaanan ko ngayon. Wala siyang alam na may mahal na ako. Pero mabuti nadin 'yun, dahil wala din siyang alam na nasasaktan ako.
"Kathryn, ikaw ba 'yan?"
Tumingala ako at nakita ko si Quen. "Q-quen..."
Nanlaki ang mata niya at dinaluhan niya ako. "Teka. Tatawagan ko si Juls," aniya.
Pipigilan ko sana siya pero naisip kong kailangan ko ang best friend ko ngayon. "Salamat," mahinang sambit ko at yumuko ulit sa mga braso ko.
Napapikit ako nang mariin nung naalala ko na naman ang memoryang 'yon. Isa 'yun sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, sunod sa araw na sabay nawala ang mga magulang ko. Pero sa dalawang pangyayaring 'yun sa buhay ko, andun si JB para sa akin. Hindi niya ako iniwan at marami nadin siyang na-sakripisyo para sa kin. Pamilya niya ang kumopkup sa akin, at tinrato niya ako bilang isang tunay na kapatid. Ayaw niyang pinapahiram sa iba noon ang mga gamit niya, pero ni minsan ay hindi siya nagdamot sa'kin. Kung ano ang meron siya, meron din ako. Isang taon ang tanda ko sakanya pero aaminin kong mas mature siya sa akin. Minsan nga parang siya pa ang ate, e.
At kung sa isang masakit na pagkakataon na ang Daniel na minahal ko at ang Daniel na mamahalin ni JB ay iisa... handa naman akong ako ang magparaya at magsakripisyo.
Pero alam ng Diyos kung gaano ko pinagdadasal na sana mali ako. Na sana, hindi ganun kaliit ang mundo.
~•~•~•~=~•~•~•~
Third Person's Point Of View
"I had a great time," nakangiting sabi ni Julia kay Daniel. "Thank you."
Ngumiti naman si Daniel at saglita napabaling sa pinto ng apartment ni Julia bago siya yumuko para halikan siya sa noo. "Nag-enjoy din ako. Hope this won't be the last, Ju."
Ngumiti ng malawak si Julia. "Of course not, Dee! I would be bummed if it was," aniya. Hindi siya nahihiya dahil isa siyang straight-forward na tao. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha 'yun; kung may iniisip siya, hindi siya takot na sabihin 'yun; kung may nararamdaman siya, hindi siya takot ipakita 'yun. Life is too short to hold back, 'yan ang paniniwala niya.
"Sige. Mauna na ako," paalam ni Daniel.
"Wait!" pigil ni Julia at hinawakan ang braso niya. Ngumiti siya. "May gusto sana akong ipakilala sa'yo. She's a really important person in my life and I want her to approve of you."
Mahinang tumawa si Daniel. "Alam mo, 'pag naging girlfriend na kita, pagbabawalan na kitang mag-Engish."
Napangisi si Julia. "Balak mo akong gawing girlfriend mo?"
Kumindat si Daniel at sinabing, "I would be stupid not to."
Hindi na sumagot si Julia at binuksan nalang ang pinto ng apartment nila ni Kathryn. Sinabi niyang maupo muna si Daniel habang siya naman ay pumunta sa kwarto ng best friend niya para tawagin ito.
Habang naghihintay, lumapit si Daniel sa isang dingding na gawa sa cork at maraming naka pin na pictures doon. Napangiti siya noong makita niya agad ang picture ni Julia noong bata pa ito at kinunan niya 'yun ng litrato pang-inis sakanya mamaya. Sunod niyag nakita ang litrato niya kasama ang buong pamilya niya at napakunot ang noo ni Daniel nung makitang maputi silang lahat maliban sa isang babae na morena. Parang kasing-edad lang ni Julia 'yung morena at pamilyar sakanya pero 'di niya alam kung saan niya nakita ang batang 'yun.
"Daniel."
Nanigas siya sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng babaeng dati niyang minahal. Unti-unti siyang umikot at napasinghap siya nang makita niya ang multo ng nakaraan. "Kathryn," banggit niya a pangalan nito. Napalunok siya nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nito. At noong lumabas si Julia mula sa kwarto at inakbayan si Kathryn ay napamura siya sa sarili.
"Oh, here you are! Nasaan ka ba kanina, KB?" tanong ni Julia. "Never mind. Andito ka na. I want you to meet someone."
Napakurap si Daniel at agad nagtaka kung bakit hindi niya noon pa nakilala si Julia. Halatang matagal na silang magkaibigan dahil sa mga litrato pero nagtataka siya kung bakit ni minsan ay hindi pinakilala ni Kathryn si Julia, e di sana hindi sila mapapasok sa isang gulong tiyak na mangyayari. Naiinis din siya dahil ito na ang kauna-unahang beses na susubok siya muli sa pag-ibig pagkatapos ni Kathryn pero may pag-asang 'di na naman magiging maayos dahil sakanya.
"Dee, I want you to meet my best friend, Kathryn Bernardo. Pero I call her 'KB' for short--you can't call her that, though," nakangiting pakilala ni Julia habang hinihila papalapit si Kathryn kay Daniel. "And this is Daniel Padilla, KB. He's the guy na kinu-kwento ko sa'yo. The guy from Camp Macy."
Huminga ng malalim si Kathryn para mawala ang paninikip ng dibdib niya bago pilit na ngumiti at nilahad ang kamay niya. "Hi, Daniel. Kathryn."
Tinanggap ni Daniel ang kamay niya. "Daniel. Nice to meet you, Kath."
Tumikhim si Kathryn at bumitaw na bago bumaling kay Julia. "Kumain na ba kayo? Or...?"
"Hindi pa," sagot ni Julia at tumingin kay Daniel. "Would you like to stay for dinner, Dee? Masarap magluto 'tong BFF ko."
Alam ko, gusto sanang isagot ni Daniel pero tumango nalang siya at saglit nagtagpo ang tingin nila ni Kathryn. "Sure," baling niya kay Julia at pilit na ngumiti. "Anything for you, doll."
Ngumiti si Julia at inakay na silang dalawa sa hapag-kainan. Nagluto ng Sinigang na Hipon si Kathryn dahil 'yun ang paborito ni Julia. Ang hindi nga lang alam ni Julia, 'yun din ang paboritong ulam ni Daniel na luto ni Kathryn.
Buong oras na magkakasama sila, nag-kwentuhan sila ngunit nanatiling tahimik si Kathryn at mailap sa ibang tanong ni Daniel na alam niyang sadya niya. Walang alam si Julia sa tensyong namumuo sa paligid niya, sa dalawang taong importante sakanya at hindi kayang maisip ni Kathryn ang magiging reaksyon nito kapag nahalata niya. Ayaw niyang saktan ang best friend niya.
"Wow. Architect ka na?" manghang saad ni Julia at tinignan si Daniel. "I didn't know you were a genius! To be honest, mukha kang lazy and all."
Tumawa si Daniel at tinuon ang atensyon kay Julia. "Tamad ako, yes. Pero determinado din ako sa buhay. At matagal ko nang gustong maging architect."
"A man with ambition," komento ni Julia tapos bumaling kay Kathryn. "Isn't he just perfect, KB? He got the looks, the brain, the brawn, and everything else. What more do you want, Dee?"
"A girl to love and to love me," saad niya habang nakatingin kay Julia. Oo, alam niyang may namagitan sakanila ni Kathryn noon. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya p'wedeng magmahal pa. At hindi naman naging sila, dahil hindi din naman niya hinayaan na mapunta sa ganun ang relasyon nila. Ngayon, nagpapasalamat nalang si Daniel sa desisyon ni Kathryn na 'yun.
Ngumiti lang si Julia at kumain na.
Nang pagabi na ay nagpaalam na din si Daniel dahil mahaba pa ang byahe niya. Hinatid siya ni Julia papunta sa kotse niya at 'di niya napigilan ang sarili niyang tanungin, "You treat her like a sister, huh?"
"Si KB?" Tumango si Daniel. "Of course, Dee. We're not blood-related pero kapatid ko siya. I don't care what other people say, she's my ate and I love her. Sisters for life kami."
"The two of you seem pretty close," komento niya at sumandal sa hood ng kotse niya. Tumabi naman sakanya si Julia na nakatingala na ngayon sa langit.
"Yes, we are," aniya nang nakangiti. "I have sisters, and I'm the middle child. Of course, I get what I need and what I want. Pero not all. Si ate, she's successful kasi, e, and she's the favorite. Tapos the youngest one is automatically a favorite din. My dad favored ate; my mom favored bunso. Unfair kasi there's two parents and three kids."
Tahimik na nakinig si Daniel at pasimpleng hinawakan ang kamay niya.
Julia smiled. "Pero ever since na-meet ko si KB, I felt like I wasn't the lonesome kid anymore. Kasi only child si KB and then I was her baby sister. She made me her favorite. Kaya I'm closer to her than my sisters din. Kasi si KB, she never let me down. I didn't do that to her either." Yumuko si Julia at pinigilan ang luha niya. "You know, may one time when a friend of mine called me. Tapos he told me KB needed me. Tumakbo ako noon, I was so scared na I ran out of my interview with H&M to get to her. She was breaking down, hindi ko alam kung bakit and she wouldn't tell me. Nasaktan ako, because I told her everything."
Napalunok si Daniel, dahil pakiramdam niya alam niya ang pangyayari sinasabi ni Julia. Pero hindi niya alam na ganun ang nangyari kay Kathryn pagkatapos niyang umalis. Siya ang nagtulak kay Daniel papalayo, bakit siya nasaktan?
"Alam mo, nagtampo ako kay KB. Pero my tampo didn't last long kasi she was sad and I had to be there for her, kahit hindi ko alam kung bakit siya malungkot. I didn't get my dream job, because of that moment. Pero I don't blame her. I would choose my sister over anyone; I know she would do the same."
Hindi na nakasagot pa si Daniel.
=•=
"KB, hindi talaga siya nagre-reply," nakasimangot na sabi ni Julia at pinakita kay Kathryn ang phone niya. "Look, they get delivered naman. Pero he doesn't even open them. How cruel!"
Napangiti si Kathryn at tinapik ang hita ni Julia na nasa kandungan niya. "Tawagan mo siya. Baka sumagot," aniya at tinutok ang atensyon sa TV.
"Eh! I called him na kaya, twice. Pero wala padin. I don't want to seem clingy naman kaso..." Napalabi siya. "Miss ko na talaga siya. It's too soon--hindi naman ako in love sakanya--pero kasi I really like him, KB. This is my first time to really feel this towards someone. Tapos he's ignoring me pa. May ginawa kaya ako?"
"Ang daldal mo, JB. Manood ka nalang ng KDrama or magbasa ng libro. Tatawag din 'yun," sabi ni Kathryn.
Sumimangot si Julia at tumayo. "You know what? I'm gonna go sa café. Gutom ako for spanish bread. Do you want some?"
Tumango si Kathryn. "Libre mo ba ako, JB?"
"Yes. Ikaw nag-treat last time," sagot ni Julia at sinuot ang sapatapos niya. Humalik siya sa pisngi ni Kathryn bago nagpaalam. "See you a little later, KB!"
"Bye!" sigaw ni Kathryn at tinutok ang atensyon sa pinapanood niyang show; Teen Titans.
Pero napairap siya nung biglang may nag-door bell kaya naman kahit labag sa kalooban niya at pumunta siya para buksan ang pinto. Hindi nga lang niya in-expect na si Daniel ang makikita niya.
"Wala si Julia," ang bungad niya.
Tumango si Daniel. "P'wede ba tayong mag-usap, Kath?"
Napalunok si Kathryn pero inaya din siyang pumasok. Naupo sila sa couch at pinatay ni Kathryn ang TV para makapag-usap sila ng maayos. Ngunit katahimikan ang bumalot sakanilang dalawa.
"I like Julia," saad ni Daniel at napapikit siya. "At ayokong may humadlang sa'min, Kath."
"Hindi ako magiging hadlang, Daniel," diin niyang sabi nang hindi siya tinitignan. "Ayokong masktan siya at pinapasaya mo siya. Ayokong ipagkait 'yun sakanya dahil lang sa nakaraan natin."
Saglit na natahimik si Daniel. "Mabuti na 'yung nagkaka-intindihan tayo, Kath. Kaya gusto ko din sabihin lahat kay Julia."
Mabilis na napatingin si Kathryn kay Daniel. "Nababaliw ka na ba?" sigaw niya at napatayo. Nagsimula siyang maglakad lakad. "Hindi p'wede! Mas maayos na ngayon na wala siyang alam. Masasaktan lang siya at alam kong isa-sakripisyo na naman niya ang kasiyahan niya para sa akin. Ayoko, Daniel."
Kumunot ang noo ni Daniel. "Anong problema? Wala naman, e. Hindi mo na ako mahal, never mo akong minahal at tapos na 'yun. Walang masama."
"Kaya nga," sabi ni Kathryn, "tapos na. Patay na. H'wag na nating buhayin pa." Gusto niyang sabihin na mali siya, na minahal niya si Daniel. Na hanggang ngayon, mahal padin niya ito. Pero hindi p'wede dahil ayaw niyang masaktan si Julia.
"Kathryn..." malumay na saad ni Daniel, "mahal mo ba ako? Kasi wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit ayaw mong sabihin kay Julia 'to." Tumayo si Daniel at napalunok si Kathryn. "So ano? Mahal mo ba ako?"
Tumulo ang luha ni Kathryn. "Mali ba?" mahinang sambit niya.
Napasinghap si Daniel at napailing. "Nagsinungaling ka sa akin noon."
Hindi katanungan, pero tumango parin si Kathryn. "Pero h-hindi na puwede, e."
Napatiim-labi si Daniel. "Gusto kong sabihin na mahal din kita," panimula niya, "pero hindi na magkasang-ayon ang puso at isip ko."
"Unbelievable."
Parehong napabaling si Kathryn at Daniel sa nagsalita at pareho ding namutla nang makita si Julia na nakatayo sa may pinto, umiiyak habang nakahawak sa isang plastic bag.
"Julia.." sambit ni Kathryn.
"Ate," piyok na boses na sabi ni Julia, "bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
Umiling si Kathryn. "H-hindi naman importante, e. Tapos na."
"Pero m-mahal mo padin siya," mahinang sambit ni Julia bago yumuko. "Gosh. You let me fall for the one you love."
"I'm sorry," sabi ni Kathryn at hindi na napigilan ang hindi mapaiyak. Alam niyang nasaktan niya si Julia, at 'yun ang masakit. Ang katotohanan na siya ang nanakit sa taong kailanman ay hindi siya sinaktan kundi minahal lang.
Napahikbi si Julia. "I'm still falling in love," sabi niya at mapait na napangiti bago tumingin sa dalawang taong nasa harapan niya, "but I guess... the one who's supposed to catch me already caught someone else. Ate ko pa. What the fuck."
"Julia, let me explain," saad ni Daniel at nilapitan siya pero natigil din noong umiling si Julia.
"You both lied to me," basag ang boses niya sabi niya. "That n-night, you both had the chance t-to tell me. To s-save me from the hurt. Pero you didn't say a-anything at all."
"JB--"
"I come home to hear you profess your love to the man I like, ate," sabi ni Julia at yumuko para punasan ang luha niya. Napatawa siya ng mapait. "And to make it worse, I heard the man I like confess that he still loves you as well. I felt like ako 'yung kontrabida."
"No," agad na tutol ni Daniel. "Hindi ka kontrabida, Ju. You're not."
Napakagat-labi si Julia. "I'm gonna go now..." mahinang sambit niya at dumiretso sa k'warto niya. Noong nasara na ang pinto niya, humagulgol siya at napaupo sa sahig, yakap yakap ang sarili. Tinanong niya ang sarili niya kung ano ba ang nagawa niya para maramdaman ang nararamdaman niya ngayon, kung ano ba ang ginawa niyang mali pero wala siyang maalala. Gusto niyang intindihin, gusto niyang kiligin dahil in love ang beat friend niya--pero hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit na nasa puso niya. Hindi dahil kay Daniel o kah Kathryn, kundi dahil umasa siya pero wala naman pala. Nasasaktan siya kasi 'yung taong inakala niyang hindi siya sasaktan ang nanakit sakanya; ang taong pinagkakatiwalaan niya ng sobra ang nagsinungaling sakanya.
Pero kahit gaano pa kasakit sakanya ang katotohanan na ang unang lalaking nakabihag sakanya ay pag-aari pala ng iba, masaya padin siga dahil nakahanap na ng mamahalin ang ate niya. Putangina nga lang, sa lalaking gusto din niya.
Tumunog ang cellphone niya at kinuha niya ito. Text nila sa ate Dani niya.
Ate DanDan: Approved! H&M just approved you!! Congratulations, Duy!
=•=
Julia's Point Of View
Inip na napasimangot ako at napalinga-linga sa paligid pero hindi ko padin siya makita. Kanina pa ako naghihintay dito sa airport pero ni anino ni KB ay hindi ko makita. Grabe siya, she made me wait for an hour tapos ngayon she's making ne wait for another two. Cons of being a best friend.
Finally, after a long time, nakita ko nadin siya and I squealed, running up to her to greet her with a hug. I hugged her so tight. "I missed you, ate!"
Tumawa siya at tinulak ako bago ako hinampas sa braso. "Baliw ka. Bakit ka tumatakbo e ang taas taas ng sapatos mo?"
Napangisi ako. "Two years of not seeing each other and that's what you tell me first?"
She grinned. "I missed you, JB."
I flipped my hair. "Of course you did. I'm your sissy," saad ko at kinuha ang maleta niya mula sakanya. "How was your flight?"
"Tiring," sagot niya habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan ang kotse ko. "Kumusta ka na, JB?"
I shrugged. "Same old, same old. Nothing changes over the past three days na 'di tayo nag-usap," biro ko and unlocked my car.
"Still can't believe you're getting married," aniya at niload ang dala niyang maleta. I loaded her second one.
I rolled my eyes. "Still can't believe you're not yet married," saad ko.
"Kanino ako ikakasal? Kay Casper?"
I laughed and hit her arm. "Sarcastic bitch," sabi ko at nagpunta sa driver's seat as she went to shotgun. "Where's your boyfie?"
"Nada," sagot niya and buckled up as I backed up from my parking space. "I'm as single as a Joshua Tree."
"Loner," biro ko at kinurot niya ang bewang ko. "Huy, I'm driving!"
"Anyway, kailan ang dating nila mommy Marj?"
I hummed. "Bukas. But Quen's picking her up kasi spend time daw with mother-in-law. Ewan ko. I don't even get why we have to get married again. Kasal naman na kami sa Vegas."
"I need to walk down the aisle!" sigaw ni Kath kaya natawa ako. "Gusto kong mapanood na ikasal ang BFF ko!"
"The irony of life, huh?"
Tumango siya. "I'm just glad na hindi nasira ng Daniel-incident ang friendship natin."
"Dear, our ship will sail till we both die," saad ko naman.
It's true; our friendship will overcome every obstacle, survive every storm, defeat all pirates, and we'll share every treasure. Not all ships are about a man and a woman who are in love; sometimes the ships that never sink are the ones built on friendship. That's the ship of me and KB.
No boy will ever come between us again, because we simply won't let it happen anymore. Sisters before misters; chicks before dicks; hoes before bros; girlfriends before boyfriends.
And the golden rule of friendship: Never date your friend's ex.
But I guess anything can happen to the best of friends.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro