Book One: Broken
Theme song: "Goodbye" by Miley Cyrus
BROKEN
We met at the most memorable place.
We fell in love at the most unfortunate time.
We parted at the most heartbreaking day of our lives.
We were perfect.
But, unfortunately, "perfect" does not exist.
Summer of 2014, nakilala kita siya. Noong una, hindi kita pinansin. G'wapo ka, pero marami na akong nakitang g'wapo. Maganda ang katawan mo, pero nakita ko ng shirtless si Sam Milby at Piolo Pascual. Malakas ang sex appeal mo, pero hindi mo matalo si Zac Efron. Hindi ka naman masyadong matangkad, 'di tulad ng tipo ko sa isang lalaki. Arogante din ang dating mo sa'kin, at babaero din ang aura mo.
So why did I fall for you?
Hindi ko din alam kung bakit. Pero nangyari padin.
I was walking the streets of London with my best friend when I bumped into you. Well, sumingit ka sa linya sa Starbucks. Nainis ako noon, kaya kinalabit kita and you gave me one of those award-winning smiles. Pero malas mo, hindi ako namimigay ng award kaya hindi ako na-apektuhan.
"Mister, can't you see that there's a line?" Tiim-labi kong sabi.
Kinamot mo ulo mo noon. "Sorry, miss. Nagmamadali ako, e. Pasingit lang, please?"
Sumimangot ako noon, pero hinayaan nalang din kita dahil hindi pa naman dumadating si Janella mula sa CR. Noong naghihintay na tayo sa drinks natin, binati mo ulit ako at kinausap. Nagsungit ako sa'yo dahil iritable padin ako. Akala ko titigilan mo na ako at lalayuan, pero mas lalo mo lang akong kinausap at binibiro mo pa ako. Hindi din ako nakatiis at tumawa ako sa isang joke mo.
You ended up canceling your appointment at ninakaw mo pa ako mula sa best friend kong pinagpalit ako para magshopping sa Chanel. Kung tutuusin, magpapasalamat pa nga sana ako sa'yo, e. Hindi kasi ako mahilig magshopping.
Dinala mo ako sa London Eye. Sumakay tayo at nilibre mo pa ako. Malapit na tayo sa taas noong nag-joke ka:
"Ganito, may tatlong pangit na babae. Pumunta sila sa isang mangkukulam, tapos hiningi nila na gumanda sila," panimula mo at nakangiti lang ako noon dahil sa ganda ng ngiti mo. "Pero sabi nung mangkukulam, umakyat sila sa bundok. Tapos hintayin nila na kumidlat tapos isigaw nila 'yung pangalan ng gusto nilang kamukha."
Tumawa ako. "Ang corny naman! Hindi 'yan posible," singit ko noon.
"Joke nga, e," sabi mo at kinurot ang ilong ko. Tumawa lang tayo noon. "Tapos, unang umakyat 'yung unang pangit. Kumidlat at sumigaw siya ng 'Angel Locsin'. Kaya ayun, kamukha na niya. Bumaba na siya."
Habang nagk-kwento ka, nakatitig lang ako sa'yo. Ang ganda pala ng mata mo sa malapitan, 'no?
"Tumaas naman na 'yung pangalawa. Kumidlat at sumigaw naman siya ng 'Marian Rivera'. Kaya gumanda siya at bumaba na din." Tumawa ka na para bang iniisip mo 'yung joke kaya sumimangot ako. "Tapos umakyat na 'yung ikat-long pangit. Naghintay siya ng kidlat pero walang dumating kaya inis na naglakad siya pababa ng bundok."
"Aw. Kawawa naman," nakangusong ani ko pero ngumisi ka lang.
"Pero," sabi mo at tumawa, "habang naglalakad siya, biglang kumidlat at sumigaw siya ng 'Ay, Kokey!'."
Nagkatitigan kaming pareho at sabay na natawa ng malakas. Hindi naman talaga nakakatawa 'yung joke mo, e. Pero nakakahawa lang kasi 'yung ngiti mo kaya hindi ko napigilan 'yung sarili ko na tumawa nadin.
Saktong nasa tuktok na tayo noon ng London Eye, at nagulat ako nung hinila mo ako at tinaas mo 'yung kamay mo. Ngumiti ako ng malawak noong nakita ko 'yung phone mo at nag-selfie tayo. Pinakita mo 'yun sa'kin bago mo pinost sa Instagram mo.
"Saan na tayo?" tanong mo sa'kin noong natapos na 'yung ride natin. Sinabi kong gusto kong makapunta sa Buckingham Palace kaya naman doon mo ako dinala.
Picture tayo ng picture at unti-unti din kitang nakilala.
Hindi ka naman arogante, sobrang bait mo pala at napaka-down to earth. Nalaman ko din na napaka-buti mong tao, sa dami ng charity programs na fina-fund mo at sa dami ng programs na kung saan ka nagpa-participate. Mapagmahal ka din palang anak, at napaka-malambing na kuya. Na-imagine ko tuloy kung paano ka maging daddy. Siguro magiging mabuti kang ama. Halata, e.
Pagkatapos nating maglakad-lakad sa Buckingham Palace, dinala mo ako sa St. Paul's Cathedral. Sinabi mo sa'kin na mag-wish ako, kasi first time ko sa church na 'yun. In-explain mo sa'kin na kapag mag-wish ka daw sa unang bisita mo sa isang cathedral, may chance na magkatotoo.
Ngumiti ako noon at isa lang ang hiniling ko: Sana h'wag munang matapos ang araw.
Tumambay tayo doon ng ilang saglit, tahimik na tumi-tingin lang sa mga taong pumapasok at nagdadasal. Sa Cathedral na 'yun din ang unang beses na hinawakan mo ang kamay ko. Hindi ako umapila.
Sunod, nagpunta tayo sa Tower Bridge. Malapit ng dumilim noon pero naglalakwatsa padin tayong dalawa. Magkahawak padin ang mga kamay natin at joke ka padin ng joke. Ang corny ng jokes mo, pasalamat ka at g'wapo ka.
Noong nakatingin tayo sa Tower Bridge, sinabin mo sa'kin na sana sa susunod na punta mo doon, kasama mo na ang babaeng mahal mo. Nagulat pa ako nung kindatan mo ako at nginisihan. Ngumiti lang ako at sumandal sa balikat mo.
Pagkatapos noon, hinatid mo na ako sa hotel na tinuyulayan namin ni Janella at nagpaalam ka. Akala ko huli na 'yun na pagkikita natin pero ginulat mo ako kinabukasan noong kumatok ka sa suite namin.
"Hindi pa kita tapos i-tour," ang sinabi mo sa'kin noon at inagaw na naman ako mula kay Janella. Hindi naman umapila ang best friend ko na may date daw.
"Hindi ka ba busy?" tinanong ko sa'yo noong papunta tayo ng Hyde Park.
Nagkibit-balikat ka. "Mas enjoy kang kasama," ang sagot mo.
Hindi ko nalang inintindi 'yun at kinalimutan ang buong mundo. Tulad sa pelikula, tayong dalawa lang ang importante sa panaho'ng iyon. Naglakad-lakad tayo hanggang sa napagod tayo at bumili ng ice cream. Binilhan mo din ako ng balloon na nabitawan ko kaya lumipad sa ere. Kaya binilhan mo na naman ako ng limang lobo pero sadyang binitawan ko ulit. Nainis ka ata kasi hindi mo ako pinansin kaya ako ang bumili ng lobo, at humiram ako ng marker mula sa nagtitinda.
"Thank you" ang sinulat ko sa balloon at binigay ko 'yun sa'yo. Noong una ayaw mo pang tanggapin kaya pilit na nilagay ko sa kamay mo.
Tinignan mo 'yung lobo at nakita kong sumilay 'yung ngiti mo. Napangiti nadin ako at tumayo na tayo dahil sinabi mong pupunta tayo kay Big Ben.
Habang nakasakay tayo sa isang bus, kwento ka ng kwento at tawa naman ako ng tawa. Nag-search ka ata ng jokes overnight dahil hindi na corny 'yung jokes mo. Nakakatawa na talaga sila.
"You know what our song should be?"
Tumawa ako. "Ano naman?"
You grinned. "Mirrors by Justin Timberlake."
"Bakit?"
He laughed. "Just listen to it later."
Hindi ko nalang inisip pa. I asked you another question at nabanggit mo sa'kin na dati mo pang gustong magpunta sa London, pero for Honeymoon sana kaya namula ako at hinampas kita. Sinabi mo naman na hindi 'yun ang ibig sabihin mo, na sa susunod na pupunta ka dito, babaeng mahal mo na ang kasama mo.
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi mo pero nasaktan talaga ako ng sobra.
Pero hindi ko 'yun pinakita sa'yo. Nagpanggap ako na okay lang ako, kahit hindi naman at tinanong pa kita kung ano ang tipo mo sa isang babae.
Isa lang ang sinabi mo: "Mahal ako."
Hindi ako nakasagot noon at laking pasasalamat ko noong nakadating na tayo sa Big Ben. Gaya ng nakasanayan, nag-selfie lang tayo.
Tapos sinabi mo sa'kin na kailangan mo nang umalis, dahil baka hinahanap ka na ng mama mo. Nalungkot ako pero hindi ko pinahalata.
Sa unang pagkakataon, tahimik tayo bumyahe pabalik sa hotel na tinutuluyan ko. Hanggang sa nakarating na tayo sa harap ng suite namin ni Janella ay tahimik ka padin.
Ngumiti ka sa'kin. "Thank you for yesterday and for today," sabi mo sa'kin at hinampas 'yung lobo na binigay ko sa'yo kaya natawa ako.
"Thank you din, Quen."
You kissed me. "I'll see you around, Julia."
I smiled. "Bye."
"Goodbye."
I always found Romeo and Juliet pathetic and irrational. Una, hindi ako naniniwala sa love at first sight. At hindi din ako naniniwala na p'wedeng mahalin ang isang tao sa napaka-ikling panahon. But I stand corrected.
Mali ako. Dahil nahulog ako kay Quen. Sa loob ng dalawang araw na 'yun, hindi lang siya ang nawala kundi pati ang puso ko. Tama si Hazel Grace: Some infinities are bigger than other infinities.
It was a whirlwind romance. Fit for a romantic novel. 'Yun nga lang, hindi happy ang ending. Sinabi nila sa Para Sa Hopeless Romantic, "walang ending kung hindi happy". Pero paano naman ako? Habang buhay nalang akong maghihintay?
Isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pinaka-masayang dalawang araw ng buhay ko. At hanggang ngayon, 365 days later, hindi pa nadudugtungan ang love story namin. "On-hold" padin siya. Hiatus.
"Bakit kasi bumalik pa tayo dito? Julia, he might not be even here!" sabi ni Janella sa'kin.
I looked at the only picture I have with Quen and kept it in my pocket. Ngumiti naman ako at sinuot ang coat ko. "There's no harm in trying, right?"
"Ano'ng balak mo? Retrace your step?" Nanlaki ang mata niya. "Gosh, Julia! He's not lost!"
Tumango ako. "But my heart is," sagot ko at natahimik siya. "If I find him, I find my heart. Malay mo, mabawi ko."
Umiling lang siya pero nagpalit din. I love my best friend for supporting me in everything.
We set out and I smiled as I remembered the streets of London. Una kaming nagpunta sa London Eye, and I was disappointed to not see him there. Janella cheered me up, though, and we rode a bus to Buckingham Palace. Of course, he wasn't there as well.
"This is a wild goose chase," komento ni Janella at natawa kami pareho.
We went to St. Paul's Cathedral and we were awed to see how majestic it was. Nag-wish si Janella and I was reminded of my wish. I regret it. Sana hindi ko hiniling 'yun. Sana hiniling ko nalang na huwag tayo maghiwalay.
We decided to make Tower Bridge the last stop. Malayo kasi 'yun, e. We ate lunch and then head straight to Big Ben. No sign of Quen.
Janella pulled me to go to Hyde Park. Halos maiyak ako when I saw the familiar vendor, selling the memorable red balloons. I bought one and let it go.
"What was the point of that?" tanong ni Jea sa'kin and I shrugged.
"Reminiscing," I mumbled and bought another balloon, borrowing the vendor's marker and I wrote: Where are you?
Like the first one, binitawan ko ulit and it flew upwards. Maybe it was symbolism.
"Tara na?" aya ni Jea and I looked at her. "Last stop is Tower Bridge."
I nodded and we rode the bus. All the while, nakatitig ako sa kawalan. I was remembering bits of our time together.
I realized that time is really irrelevant. Minsan, mas may halaga pa ang mga maiksing panahon kesa sa mga matatagal. The two days I spent with Quen were short-lived but were filled with happiness. From the "Kokey" joke to his Nae-Nae dance in the middle of the streets. All of those were memorable.
Who says the longer you're with someone, the more you love them?
I find it a lie.
The amount of time you spend with someone does not define how deep your feelings are for that someone.
Romeo and Juliet died for each other. And they only knew each other for three days.
"We're here," sabi ni Jea.
I nodded and we stepped out of the bus. I grinned when I saw the tower and I pulled Jea with me. Dinala ko siya spot namin ni Quen but I stopped when I saw someone familiar.
With someone unfamiliar.
"Julia?" ani Jea as she held my arm.
I stood firm.
He kissed her and held her hand. I saw the unmistakable twinkle of a diamond ring on the lady's ring finger and a tear escaped my eyes.
London was our safe haven.
Dito nagsimula ang lahat. I was just a simple onlooker, an admirer. Hindi ko naman aakalain na mahuhulog ako sakanya, e. At mas lalong hindi ko in-expect na masasaktan ako ng ganito.
It was the summer of 2014 when I fell in love with a man that made my heart pound.
And it was the summer of 2015 when I got my heart broken by the same man.
I stared at them and bit my lip to stop the ugly tears and loud sobs. This was our place. And he brought her here.
He was complete.
I am broken.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro