Chapter Twenty Two
Tanya's POV
Nakita ko kung paanong nanghina ang katawan ni nanay hanggang sa isang araw hindi na siya nagising. Sabi ng mga doktor nag fail na ang mga organs niya kaya na-comatose siya. Alam kong darating ang araw na ito pero kahit pala ano pa lang handa mo sa sarili kapag dumating na, mahirap pa rin.
Dinala na sa ICU si nanay. Kung anu-anong machine at tubo na ang nakakabit sa katawan niya. Alam kong imposible na, alam kong milagro na lang ang makakapagpagising kay nanay pero umaasa pa rin ako sa milagrong iyon.
"Ginawa na namin ang lahat ng magagawa namin. Hindi na siya nagrerespond. The patient is basically brain dead." Narinig kong sabi ng doktor habang kausap si Wayne sa mismong labas ng kwarto. "Ang mga makina na lang na nakakabit sa katawan niya ang bumubuhay sa kanya."
Nakaupo lang ako sa tabi niya at hawak ang kamay niya. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni nanay na para bang may aagaw sa kanya mula sa akin. Maputla na ang mukha niya at mga labi niya. Halos hindi ko na siya makilala. Bukod sa sobrang payat niya na, wala ng buhay ang mukha niya.
Isinubsob ko ang mukha ko sa kama niya at hindi ko napigil na maiyak. Siya na lang ang pamilyang meron ako. Kapag nawala siya, wala nang matitira sa akin.
"Are their any options left? Baka madaan pa sa operasyon o gamot?" Tanong ni Wayne makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.
"I'm afraid we've exhausted all our options. Ihanda niyo na lang ang sarili niyo, yun na lang ang maipapayo ko." Lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig kong sinabi ng doktor. Ni hindi ko nga maisip ang buhay na wala si nanay. Halos lahat ng pangarap ko palaging kasama si nanay doon. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumukas ang pinto sa kwarto at pumasok si Wayne. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa likod ng silya na inuupuan ko. Idinantay niya ang kamay niya sa balikat ko. "Do you want to take a rest?"
Iling lang ang isinagot ko sa kanya, hindi pa din hinihiwalay ang tingin kay nanay.
"Hindi ka pa nagpapahinga, Tanya. Ako na ang magbabantay kay tita Esther." Mababa ang boses na sabi niya.
Ito na lang ang oras na meron kami. Ayaw kong iwan siya dahil alam ko kahit anong oras pwede na siyang mawala. Hindi ko na mararamdaman ang init ng palad niya. Hindi ko na siya mahahawakan ng ganito. Hindi ko na siya makikita.
"Angel, tita Esther wouldn't want to see you like this." Marahang hinaplos niya ang pisngi ko.
"Hindi ko iiwan si nanay." Naiiyak na umiling ako.
Lumuhod si Wayne sa harap ko at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Namumula din ang mga mata niya sa pagpigil ng luha. "Listen, I know it's not going to be easy but I'm here for you. You don't have to go through this alone. I'll always be here for you. Whatever you go through, I'll go through it with you."
Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya. "Nahihirapan na din si tita Esther. We've done the best we can, didn't we? I've talked with the doctor, she said there isn't much hope. Kailangan maging handa—"
"Ayoko pa..." Sunod sunod akong napailing.
"I know it's hard, I know it hurts but we have to let go. As much as we want her to stay, we can't be selfish. You don't want to see her sick like that, do you?" Marahang sabi niya. "I think she's just waiting for you to let her go, angel. She's just waiting for you to assure her that you'll be okay without her."
I bursted into tears. Kinabig niya ang ulo ko at isinubsob ko iyon sa balikat niya. Tahimik niyang hinagod ang likod ko at hinayaan niya akong umiyak. Inilabas ko ang lahat ng luhang mailalabas ko bago nag-angat ang ulo ko. Muli niyang ikinulong ang mukha ko sa palad niya at hinalikan ako sa noo.
"Tita Esther is only holding on for you. Talk to her. Tell her all the things she wants to hear from you." Malumanay na sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango bago ibinaling ang atensyon kay nanay. Hinawakan ko ang isang kamay ni nanay sa loob ng dalawang kamay ko.
"Nay, magiging okay po ako. Pangako po tutuparin ko ang mga pangarap natin. Magtatapos po ako ng pag-aaral para sa'yo, nay. Magiging maayos po ang buhay ko katulad ng gusto niyo." Akala ko ubos na ang luha ko pero hindi pa pala. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sikip nito.
Tama si Wayne, magiging makasarili ako kung hindi ko siya pakakawalan. Masakit man para sa akin pero mas masakit na makitang ganito ang kalagayan niya. Ilang araw na siyang comatose at sa mga doktor na mismo nanggaling na hindi na siya gagaling.
"Nay, Alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na. Huwag mo na akong intindihin, hinihintay ka na ni tatay. Siguradong sabik na sabik na si tatay na makasama ka. Palagi kong tatandaan ang mga sinabi mo sa akin. Mahal na mahal ko po kayo, nay." Humihikbing sabi ko habang marahang hinahaplos ni Wayne ang likod ko.
Binigyan ko si nanay ng isang halik sa noo at biglang tumunog ang machine na nakakabit sa kanya. At alam kong iyon na 'yon. Nagflat na ang linya sa screen ng heart beat monitor na nasa tabi ng kama niya. Luhaang lumingon ako kay Wayne at kumawala na din ang luha sa mga mata niya.
Sa isang chapel malapit sa amin ginawa ang lamay. Hindi umalis si Wayne sa tabi ko na labis naman na ipinagpapasalamat ko. Nakaupo kaming dalawa sa mahabang upuan sa harap ng kabao ni nanay. Nakakulong ako sa bisig niya at nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya.
Hinaplos-haplos niya ang buhok ko habang tahimik lang akong nakatingin sa kabao sa harap ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ang katawan ni nanay ang nasa loob nun. May isang banda sa akin na parang nabunatan na ng tinik dahil hindi ko na nakikitang naghihirap siya pero ang isang banda malungkot pa rin sa pagkawala niya.
"It's okay now, angel. She's in a better place now. She's not in pain anymore." Bulong ni Wayne, ramdam ko ang mainit na hininga niya sa buhok ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Magkasama na sila ni tatay."
"Yeah..." Mahinang sabi niya. "Kaya huwag ka ng malungkot. I'm sure tita Esther wouldn't want to see you sad."
"Salamat, Wayne ha. Hindi ka umalis sa tabi namin ni nanay." Ipinulupot ko ang bisig ko sa dibdib niya.
"Don't thank me. Just promise me, you'd never lose that beautiful smile of yours." Tinitigan ako ng mga malamlam niyang mata. "Your happiness is my happiness as well."
Pinilit kong ngumiti kahit hilam na sa luha ang mga mata ko at tumango ako. "Basta huwag mo akong iiwan."
"Yan ang hinding-hindi mangyayari." He sighed, wiping the tears off the corners of my eyes. "I'm here and I promise I'm not going anywhere. You're all there is for me."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi bago ko muling hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Naniniwala ako sa sinasabi ni Wayne. Ilang beses niya nang napatunayan ang pagmamahal niya sa akin at wala akong dapat ikabahala.
"Our deepest condolences." Narinig kong sabi ng isang pamilyar na baritong na boses. Pareho kaming napalingon sa gawi ng boses na iyon.
Nakatayo doon ang apat na kaibigan ni Wayne. Si Nick, Axel, Tristan at Seth. Agad akong humiwalay kay Wayne at tumayo.
"We heard about what happened to your mother." Malungkot ang mukhang sabi ni Nick.
"I'm sorry." May simpatyang sabi ni Tristan.
Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. "Salamat sa pagpunta niyo. Upo muna kayo."
Magkakatabing umupo sila sa mahabang bangko.
"How are you?" Tanong sa akin ni Axel na may concern sa boses. "How are you coping?"
"Okay naman na ako. Naging maayos naman ang pagkawala ni nanay. Nakapagpaalam pa siya sa akin." Sabi ko.
Tumango-tango si Axel.
"Nasa iisang compound lang pala kayo nakatira ni Tristan." Sabi ni Seth.
"Oo. Minsan nakikita ko siya." Sagot ko.
"I'll go get you guys something to drink." Tumayo si Wayne mula sa kinauupuan niya.
"Ako na lang ang kukuha." Agad na sabi ko. "Samahan mo na lang sila dito."
"Are you sure?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako bago naglakad tumalikod na papunta sa mesa sa sulok ng maliit na chapel kung saan nakalagay ang pagkain para sa mga bisita. Habang gumagawa ako ng sandwich biglang lumapit sa akin si Sasha at si Jodie.
"Hi, Tanya!" Bati ni Sasha sa akin. "Condolence nga pala."
"Salamat." Sagot ko bago nag-angat ng tingin sa dalawang magkaibigan. "Gusto niyo ba ng sandwich at juice?"
"Ay nako! Huwag na!" Tanggi ni Sasha. "Napadaan lang kami para kamustahin ka."
"Kilala mo pala si Tristan and company." Sabi ni Jodie ang baklang kaibigan ni Sasha habang nakatingin sa lima.
"Ah, oo. Kaibigan sila ni Wayne."
"Si Wayne ba yung lalaking palagi mong kasama? Yung naputing t-shirt? Yun ba yung jowa mo?" Usisa ni Sasha.
"Oo." Matipid na sagot ko.
"Pakilala mo naman kami. Type ko yung blondie." Turo ni Jodie kay Nick.
Siniko siya ni Sasha. "Ano ka ba, bakla! Lamay 'to, hindi club!" Seryoso ang mukhang bumalik ang atensyon sa akin ng babae. Kinuha niya ang isang kamay ko at may inabot sa akin. Nagbaba ako ng tingin at binuksan ang kamay ko. "O, abuloy ko na yan ha."
"Salamat, Sasha."
"Ngayon wala na ang nanay mo baka mapag-isipan mo na ang offer ko sa'yo." Sabi niya. "May mga naghihire na entertainer sa Japan. Baka interesado ka, pwede kitang i-recruit."
"Ayaw ko munang isipin 'yan." Bumuntong-hininga ako. Napalingon ako sa gawi ni Wayne at naramdaman niya siguro ang titig ko sa kanya at napatingin din siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Chance mo na ito para makapagsimula ulit. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong opportunity. Marami na akong narecruit pagbalik nila galing ibang bansa, aba mga mayayaman na. Baka nandoon ang kapalaran mo."
"Hindi ako interesado." Umiling ako. Kahit kailan hindi ko hinangad ang maging mayaman. Sapat na sa akin na may matirhan kaming bahay ni nanay noon at makakain ng tatlong beses sa isang araw. Gusto ko lang naman na mabigyan si nanay ng kumportableng buhay. Kay nanay umikot lahat ng mga pangarap ko. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong umahon sa kahirapan. Pero ngayon wala na siya... hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
"Tanya, di naman kita pinapagdecide ngayon basta kapag nagbago ang isip mo. Alam mo kung saan ako pupuntahan." May panghihinayang sa mukhang tinitigan niya ako.
Tumango lang ako.
"Sige na, aalis na kami. Ano'ng oras na, magbubukas pa ako ng club." Sabi niya. Nagpaalam ako sa kanya at nagpasalamat bago siya umalis.
Bumalik ako sa kinauupuan ni Wayne kasama ang mga kaibigan niya na dala-dala ang mga juice at sandwich. Sandali akong nakipag-usap sa mga kaibigan niya. Nagtagal sila ng halos isang oras bago nagpaalam.
Inilibing si nanay sa tabi ng puntod ng tatay. Alam ko kung nasaan man sila ngayon, nagkita na sila at masaya na sila. Gumagaan ang loob ko sa tuwing naiisip ko silang dalawa na magkasama. Naaalala ko noong bata ako tuwing Linggo palagi kaming lumalabas para magsimba. Hindi pwedeng hindi kami kakain sa labas kahit sa carinderia lang sa kalsada tapos ipapasyal nila ako sa park. Panonoorin lang nila akong maglaro sa playground habang magkahawak ang mga kamay nila. Iyon ang naiisip ko. Magkahawak kamay sila ngayon at nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Tanya." Lumapit sa akin si Edna ng matapos na ilibing si nanay. Sa tatlong araw na lamay ni nanay, araw-araw siyang pumupunta para masigurong okay ako at tumutulong din sa pag-aasikaso sa mga bisita. May bakas ng pag-aalala sa mukha niya. "May gusto sanang kumausap sa'yo." Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago lumingon sa likod.
Dahan-dahan lumapit si Luis. Mugto ang mga mata.
Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Wayne at nang akmang lalapit niya si Luis ay hinawakan ko siya sa braso.
"Wayne..." Pinisil ko ang hawak kong braso niya. He paused. Pero bakas sa mukha niya ang galit at labis na pagpipigil.
"What do you want?" Asik ni Wayne.
"Tanya, hindi ko sinasadya." Hindi niya pinansin si Wayne at nagsimulang magtubig ang mga mata niya. "Hindi na ako makatulog, hindi ako makakain. Gusto ko sanang pumunta noon sa lamay niya pero nahihiya ako dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang nanay mo. Hindi ko gustong mangyari ito kay tita Esther. Hindi ko intensyon ito."
Humugot ako ng hininga. "Wala kang kasalanan."
"Tanya, patawarin mo ako. Patawarin niyo ako ni tita Esther. Alam mong napamahal na din siya sa akin, parang pangalawang nanay ko na siya. Hindi ako nag-isip. Hindi ko naisip na may sakit siya sa puso." Umiiyak na sabi ni Luis.
"Luis, napatawad ka na ni nanay." Malumanay na sabi ko. "Hindi mo kasalanan na namatay si nanay. Talagang... oras na niya."
"Pinapatawad mo na din ba ako?"
Nagbaba ako ng tingin sa kanya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa kanya napatawad ko na siya dahil masama pa rin ang loob ko. Parang kapatid na ang tingin ko kay Luis pero nagawa niyang pagsamantalahan ang sitwasyon ko. Nagawa niyang gamitin ang blue book at si nanay para takutin ako.
"Ayaw ko ng makita ka. Tapusin na natin ang pagkakaibigan natin." Mahinang sabi ko.
"Tanya..." Humakbang siya palapit sa akin.
Naramdaman ko na lang na pumulupot ang bisig ni Wayne sa likod ng balakang ko at hinatak ako sa kanya.
"Did you hear what she just said or are you deaf? Stay the fuck away from her." Mariin na sabi ni Wayne. "Take one step closer to her and I'll punch you in the face."
"Halika na, Wayne." Aya ko sa kanya para maiwasan nang may mangyaring away.
Nagpaalam na ako kay Edna at bumalik na kami ni Wayne sa kotse. Hinatid niya ako sa apartment at tinulungan ayusin ang mga naiwang gamit ni nanay. Nilagay ko na sa isang kahon ang mga damit niya at iba pang importanteng gamit niya.
"What are you planning to do now?" Tanong niya sa akin habang pinupunasan ko ang photo album ni nanay bago ko ipinasok sa box.
Kibit-balikat lang ang naisagot ko.
"I can't leave you here all alone. Hindi mapapanatag ang loob ko na mag-isa ka lang dito." Bumuntong-hininga siya.
"Okay lang ako, huwag kang mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko." Paninigurado ko sa kanya.
"I have an idea." Mula sa likod ko, hinawakan niya ako sa baywang at iniharap sa kanya. Tahimik na tinitigan niya ako ng ilang segundo.
"Ano?" Tanong ko sa kanya ng hindi ako makatiis.
"Move in with me, angel."
"Wayne..." Umiling ako.
"It would be easier for the both of us. I won't have to worry about leaving you here alone and you have me to keep you company." Naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa baywang ko. "I just want you safe and secured."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro