Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty One


https://youtu.be/QkqP1ar_z_A

Wayne's POV

I opened the door to tita Esther's hospital room and stepped in. I fell asleep last night on the couch with Tanya and left early in the morning to take a shower and to get us something to eat. I brought some food from the restaurant I saw on the way back here.

Tanya was still sleeping peacefully on the couch, on the same position as I left her in, when I got back. Tita Esther turned her head to me. Her gentle face was sunken in and she was pale as a paper but when she smiled at me, she radiated. Now I knew where Tanya got her smile. Tita Esther was thin and frail-looking but you could see that she'd been undoubtly beautiful in her younger years. Tanya doesn't look much like her mother, magkaiba sila ng ganda. But they both bring this calming presence, maybe it was because of their modesty, their gentle demeanor, and pensive softness of their form.

Tita Esther was the closest to a mother I have ever had. She became a special part of my life, she'd easily gotten under my skin. I'd never remember my mother cooking for me, I'd never had anyone in my family ask how I was doing, how was school, or how my day went. Tanya and her were the family I never had. As a child, I was always expected to be the parent. Picking up my pass out drunk mother from the marble floor, checking up on dad because she knew he was with another woman, and trying to prevent everything else from falling apart.

She lifted frail hand and motioned for me to come to her. I took a few steps and I was beside her hospital bed.

"Gusto niyo po bang kumain. Nagdala ako ng breakfast." I said as I put the paper bag on the table next to her bed.

She shook her head and reached for her oxygen mask, taking it off. "Gusto kitang makausap."

I swallowed feeling my throat get tight. I knew right then what she wanted to talk about. I grabbed a chair and sat next to her bed.

"Tita, gusto ko pong magpaliwanag." I started. "Alam kong sinabi na po sa'yo ni Tanya ang totoo. I'm not going to say that what Luis said were all lies but they were not the entire truth. Nakilala ko si Tanya dahil sa Blue Book. Yes,my original intention was not good but I fell in love with her. I fell so deeply and madly in love with her."

Her eyes bore sadness but she let out a small smile. "Alam kong mahal mo siya. Sa kilos mo pa lang alam ko na. Nararamdaman ko." She looked away from me and her voice started to quiver. "Ako ang dahilan kung bakit niya kinailangan pumasok sa ganong trabaho. Kung bakit pa kasi ako nagkasakit."

I took her hand and squeezed it. "Don't blame yourself, Tanya wouldn't want that."

"Wayne, anak." I felt her squeeze my hand back. "Alagaan mo si Tanya. Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa. Huwag mo siyang pababayaan. Ipangako mo sa akin yan."

"Tita Esther..." My voice weakened.

"Gusto kong masigurong magiging maayos ang buhay niya. Ipangako mo sa akin na hindi mo pababayaan si Tanya."

"Opo." I finally said.

For the first time in a while I could see through the sharp bones that protude on her face some semblance of content and happiness. "Alam mo si Tanya, mabait na bata yan. Pero napakaiyakin. Madaling masaktan, madaling magdamdam. Kaya iingat mo siya."

"Opo." I answered. But then my brows furrowed in confusion. "Tita, why are you telling me all these?"

"Mahina na ako, Wayne. Hindi na kaya ng katawan ko." She smiled in the most calm and serene way.

"I don't understand." I shook my head.

"Matagal ko nang alam na darating din ang araw na ito. Noon pa binigyan na ng doktor ng taning ang buhay ko."

My chest constricted painfully, my throat tightened as I felt warm tears starting to fill my eyes. "Don't say that. Baka naman may lunas pa. I'll talk to your doctor, Tita. No... you're not going to... I can't even say it."

She shook her head. I couldn't quite believe it yet. It was hard to take in. I just couldn't believe how calmly she was saying all these things to me as if we were just talking about the weather. "Masyado na daw malala ang kundisyon ko. Hindi na kayang gamutin at isa pa, tanggap ko na ang kalagayan ko. Si Tanya na lang..." She gazed at Tanya who was sleeping peacefully, oblivious of what was going on. "Pero panatag na naman ang loob ko dahil nandyan ka. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Does she know?"

The woman shook her head. "Wala pa siyang alam. Huwag mo muna sanang sabihin sa kanya, gusto ko ako ang magsabi."

I was trying not to cry but it was so damn hard. I didn't know how long I could hold it together. The tears were starting to blur my visions.

"O, wag mong sabihin iyakin ka din katulad ni Tanya." Natatawang sabi niya.

I closed my eyes and took in a deep breath, trying to keep the tears at bay.



"Kanina ka pa tahimik." Tanya noticed as we were sitting on the sofa next to tita Esther's bed. The older lady had already fallen asleep. We talked for quite awhile. We talked about Tanya. We talked about her fear of leaving her behind. We talked about everything. I assured her that she had nothing to fear. I'd take care of her daughter. My chest had been feeling heavy since that talk. It brought me a sense of grief. "Bakit? May problema ba?"

I shook my head and gazed at Tanya's beautiful face.

She smiled at me. She had the sweetest smile I'd ever seen and I didn't know why I felt like collapsing into tears. I never wanted that smile to go away. I knew it would break her, once she finds out about tita Esther's condition. I took in a deep breath and held my tears back. "Pagod ka ba? Gusto mong magpahinga muna?"

I shook my head. "I love you, you already know that right? That means I'm not just here for the pretty parts. I'm here no matter what. Always remember that."

She let out a wider smile. "Alam ko."

I pulled her closer to me and kissed her on the forehead, and on the tip of her nose, and on her lips. "I promise, no matter what happens, I'll always be here for you. I will never leave you. If everything gets to overwhelming for you and you feel like you can't handle it anymore, I'll be your strength."

"Ano bang pinagsasabi mo?" She chuckled. Her brows crinkled with confusion as she looked at me. 

"Wala lang. Gusto ko lang malaman mo na hindi kita iiwan kahit anong mangyari." I said.

Her face softened, her arms wrapping around my torso. She comfortably leaned her head against my chest. "Alam ko. Ako na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo dahil nandito ka sa tabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."


Tanya's POV

Ilang araw na kami sa ospital pero hindi pa din bumubuti ang lagay ni nanay. Sa tingin ko mas lalo ngang lumalala. Sa tuwing tatanungin ko ang mga doktor na pumupunta dito para tignan siya, isa lang ang sinasabi nila, inoobserbahan pa din daw nila siya. Nagsisimula na akong mag-alala dahil mag-iisang linggo na kami pero wala pa rin silang ma-diagnose. Buti na lang nandito palagi si Wayne sa tabi ko kung wala siya siguro di ko kakayanin ito mag-isa.

Kanina nahihirapan na naman huminga si nanay kaya tumawag agad ako ng nurse, pumunta ang doktor at tinignan siya. Kinailangan siyang dalhin sa baba para ma x-ray at i-ecg. Nahihiya na ako kay Wayne dahil alam kong malaki-laki na ang bill sa ospital lalo na at nakaprivate room si nanay. Pinag-usapan na namin ni Wayne ang tungkol doon kagabi, sabi ko naman sa kanya kahit paunti-unti babayaran ko sa kanya iyon pero sabi niya wag ko na daw isipin iyon. Pinauwi ko muna si Wayne kaninang umaga para naman makapag-ayos siya at makapasok sa klase. Ayaw pa nga niya pero pinilit ko lang siya, halos hindi na kasi siya nakakapasok.

Pinanood ko habang itinutulak papasok sa kwarto ang wheelchair ni nanay. Nakasunod ang doktor niya na si Dra. Castro sa likod. Pinasunod niya ako palabas sa kwarto para kausapin.

"Kamusta naman po ang lagay ni nanay?" Tanong ko.

Sandali niya akong tinignan bago siya bumuntong-hininga. "Hindi maganda. Kinukumbinsi niya akong wag sabihin sa'yo pero sa tingin ko kailangan mong malaman. Her health is spiraling downward. She is not getting better. Hindi na siya gagaling..."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Lumunok ako nang maramdaman kong parang may nakabara sa lalamunan ko. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Paos ang boses na sabi ko.

"Tanya, anak!" Narinig ko ang boses ni nanay mula sa loob ng kwarto.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng doktor at tumakbo ako papasok ng kwarto. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa nerbiyos pero nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang nakaupo pa rin sa wheelchair niya. Ngumiti siya sa akin.

"Nay, tinakot mo naman ako." Halos paiyak na sabi ko. "Bakit po?"

"Gusto kong lumabas." Sabi niya.

"Nay, di po pwede. May sakit po kayo."

"Ilang araw na akong nakakulong dito sa ospital. Pakiramdam ko para akong preso. Gusto ko naman masikatan ng araw."

"Nay..."

"Sige na, kahit sandali lang." Parang batang pakiusap niya.

Lumingon ako sa direksyon kung saan nakatayo ang doktor. Bumuntong hininga siya bago ako binigyan ng isang tango.

"Sige po, nay." May pag-aalinlangan na sagot ko. 

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari ngayon pero alam kong hindi ito maganda. Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit sa kanya. Itinulak ko ang wheelchair palabas ng kwarto at ibinaba sa maliit na hardin sa likod ng ospital.

Maganda ang araw ngayon. Halos walang ulap sa langit pero hindi ganon kainitian, mahangin pa din. Walang maririnig dito kung di ang tunog ng nagkiskisang mga halaman sa di kalayuan at mga ibon.

Tumingin ako kay nanay. Nasisinigan ng araw ang mukha niya. Nakangiti siya, nakapikit ang mga mata niya na para bang dinadama ang sinag ng araw at ang hangin na humahaplos sa mukha niya. Huminga siya ng malalim. "Ang ganda ng panahon ngayon, di ba?"

Umupo ako sa tabi niya at hinilig ang ulo ko sa kandungan niya katulad ng madalas kong gawin noong bata ko. Naaalala ko nga noon, nakakatulog pa akong nakaunan sa kanya at nagigising na lang ako nasa kama na ako. Marahang isinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok ko. Tumingala ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

"Naaalala mo ba noong bata ka pa?" Nakangiting tanong niya. "Puro ka tanong. Bakit maliwanag kapag umaga? Bakit may araw at saan napupunta ito kapag gabi na? Hinding-hindi ka nauubusan ng tanong. Gustuhin ko mang sagutin ang lahat ng tanong mo, hindi ko magawa. May mga bagay kasi na hindi ko pwedeng sagutin para sa'yo. May mga bagay na dapat ikaw ang makaramdam at makaranas at kailangan mong alamin mag-isa."

"Nay..." Bumigat ang dibdib ko at parang nanikip ang lalamunan ko.

"Mahal na mahal kita, Tanya. Masyado na akong mahina, anak. Kahit gusto ko pang lumaban hindi na kaya ng katawan ko. Maaaring panandalian lang ang katawan ko dito sa mundo pero pagmamahal ko sa'yo, hindi mawawala iyon kahit pa wala na ako. Yan ang palagi mong tatandaan."

"Nay naman eh." Tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Huwag naman po kayong magsalita nang ganyan."

"Anak, tanggap ko na ang kalagayan ko. Hindi na ako magtatagal. Hindi ko lang masabi sa'yo dahil ayaw kitang masaktan. Ayaw kong isipin mo na iiwan na kita." Paos ang boses na sabi ni nanay. Alam kong nagpipigil din siya ng luha niya. Kahit kailan hindi ko pa nakitang umiyak si nanay, kahit noong namatay ang tatay. Siguro dahil alam niyang mahina at emosyonal ako at sa kanya ako sumasandal. Siya ang pinagkukunan ko ng lakas. "Hindi kita iiwan, Tanya. Kahit mawala na ako, palagi lang ako nandito para sa'yo."

"Nay, pano na yung mga plano natin? Di ba sabi ko kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho ako, ibibili kita ng bahay. Hindi mo na kailangan magtrabaho. Hindi na tayo maghihirap. Hindi ba nangako po akong bibigyan kita ng magandang buhay?" Humihikbing sabi ko.

"Binigyan mo naman ako ng magandang buhay. Naging mabuti kang anak. Alam kong marami ka nang naisakripisyo para sa akin." Sabi niya habang patuloy ang marahang paghaplos sa buhok ko. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at inangat ang ulo ko para titigan siya. Namumula na din ang mga mata niya sa pagpigil ng mga luha. Nakikita ko din sa mga iyon ang takot na pilit niyang itinatago. "Kailangan ipangako mo sa akin na magiging okay ka kahit wala na ako."

Tinignan niya ako na parang alam niyang imposible ang hinihiling niya pero ayaw niyang

Sunod-sunod akong umiling. "Hindi ko kayang wala ka..."

"Kaya mo." Mariin na sabi niya. "Ituloy mo pa rin ang mga ipinangako mo sa akin kahit wala na ako. Gusto kong makatapos ka ng pag-aaral, gusto kong magkaroon ka ng magandang buhay. Ipagawa mo pa din ang bahay na ipinangako mo sa akin. Kahit hindi mo man ako pisikal na makita, palagi lang akong nasa tabi mo."

"Nay..." Tuluyan akong napahagulgol. I buried my face into her lap and cried habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko. 

"Masaya akong aalis. Kaya gusto kong maging masaya ka din..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro