Chapter Five
Wayne’s POV
I took a deep breath and exhaled. She was still in my arms and I was stroking her hair. Hindi ko alam kung gaano katagal na kami sa ganitong posisyon at wala akong pakialam. We were just quietly lying in bed, savoring the feeling of each other’s body against us. I wondered how it was possible to be this captivated by a person. How just having her next to me was enough, how it was just enough to be. Even the silence that filled the air was enough to let myself believe that she was worth knowing, she was worth losing yourself in to and dear Lord, how I did.
“Wayne…” She called my name in a small, shaky voice. Sinubukan niyang kumawala sa mga bisig ko pero lalo kong hinigpitan ang yakap ko. I wanted her like this, in my arms. And I didn’t want to let her go, not just yet. Her warmth was so pleasant,pressed against me. Her sweet scent filling my nose. My hands on her soft, delicate body. Every inch of her body was mine, completely mine tonight. I could do anything I wanted with it but I was contented with having her in my arms. It filled me with some kind of serenity.
“You’re safe with me. I promise. I’m not going to do anything you wouldn’t be okay with.” I whispered in her ear. I wouldn’t treat her like other men had… like a sexual object. I wanted every bit of her but in the most innocent way possible. I wanted her smile, her laugh, her secrets, her good and bad, to be mine.
Her body relaxed back against me. “Salamat, Wayne.”
After a few moment, her breathing changed, it became slower and deeper. She had already fallen asleep, probably exhausted from all the crying. I didn’t know when or how she became important to me, but she was and I couldn’t explain it.
Wala akong alam tungkol sa kanya kung hindi ang pangalan niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? The more I got to be with her and the more I got to know her, the more I was drawn to her. It was just her youthful beauty, the wholesome purity on her face. Maybe it was just that. Maybe I was feeling this way towards her because she just looked too pure to have lust thoughts about. She was like a puzzle, a game that had me hooked already.
I sighed, giving her one last kiss on her hair before closing my eyes. It didn’t take long for me to drift to sleep.
Tanya’s POV
Inunat ko ang mga braso ko at katawan ko ng maramdaman ko ang malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Agad kong binuksan ang mga mata ko at nagulat ako ng makitang nasa ibang kwarto ako. Pinigil ko ang tili ko ng magbaba ang tingin ko sa katawan at makitang wala akong kahit anong damit na suot. Napaupo ako, pinulupot ko sa katawan ko ang kumot na nakatakip sa akin. Bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Hinanap ng mga mata ko si Wayne ngunit wala na siya sa kwarto. Sinubukan ko din hanapin ang mga damit ko pero hindi ko mahagilap ko nasan iyon. Napansin ko ang damit na maayos na nakapatong sa bedside table. Isang gray na t-shirt at itim na sweatpants. Sinuot ko ang mga iyon kahit na maluwag sa akin ang damit, buti na lang at may tali ang sweatpants kaya pwede kong higpitan. Pagkatapos kong magbihis naglakad na ako papunta sa pinto para lumabas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tahimik kong pinagdadasal na sana nakaalis na si Wayne, sana hindi kami magkita ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko. Nakita niya ang buong katawan ko at natulog pa kaming magkatabi…
“Morning…” Halos mapalundag ako ng marinig ko ang boses niya pagkasara ko ng pinto sa kwarto. Dahan-dahan akong humarap at nakita siyang nakaupo sa sofa. Nakasuot siya ng pang-ibabang pajama pero wala siyang pang-itaas. Bahagyang tumaas ang magkabilang sulak ng mga labi niya. “How was your sleep?”
“Okay naman.” Sagot ko sa kanya bago ako muling nagbaba ng tingin. Tumayo siya sa kinauupuan niya. Lumapit siya sa akin at huminto sa harap ko. Inipit niya ang baba ko sa pagitan ng dalawang daliri niya at inangat ang mukha ko dahilan para mapilitan akong tumingin sa kanya.
“Why do you keep looking down and not at me?” Tanong niya.
Hindi ako kumportableng makipagtitigan sa kanya. Para akong malulusaw at bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing titignan ko siya. He made me feel comfortable and nervous at the same time.
“Sorry…” Hingi ko ng tawad.
“Ayokong magbaba ka ng tingin sa tuwing nag-uusap tayo.”
I slowly nodded my head.
“Mukha ba kong nakakatakot?”
Umiling ako.
“Yun naman pala.”
“S-sorry nga pala sa nangyari kagabi.” I bit my lower lip.
“You don’t need to apologize for that.” Ngumiti siya sa akin at parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko. “Kumain na tayo?”
“T-teka, kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako sa amin at saka may klase pa ako.” Nag-panic ako ng maalala ko ang nanay. Sigurado akong nag-aalala na yun at hindi siguro siya nakatulog kagabi kahihintay sa akin. Hindi ako nagpaalam sa kanya dahil hindi ko naman alam na aabutin ako ng umaga dito. Ang akala ko gagawin lang naming ‘yun’ at hahayaan niya na akong umuwi. Kabaliktaran ang nangyari sa akala ko.
Hindi pa ako pwedeng mag-absent sa klase dahil kailangan kong makakuha ng mataas na grades ngayon. Gusto ko ulit kumuha ng scholarship para mabawasan naman kahit paano ang mga kailangan kong bayaran. Para makaluwag-luwag naman ng konti.
“Tumawag ka sa inyo. Gamitin mo yung phone ko.” Sabi niya.
“Uuwi na lang ako.”
Umiling siya. “Nuh-uh. This is my time, remember?”
Hindi nga pala ako pwedeng tumanggi. Binabayaran niya lang ako. Nanliliit na naman ako sa sarili ko pero pinalis ko agad yun sa isip ko.
Dahan-dahan akong tumango. Siguro pwede naman akong tumawag kay nanay sa phone ng kapit-bahay namin para naman hindi siya mag-alala. “Pwede bang gamitin yung phone mo?”
“Go ahead.” Sabi niya at itinuro sa akin ang phone na nakapatong sa side table sa tabi ng sofa. Kinuha ko yun at dinial ang number ng kapit-bahay namin. Nakakahiya man abalahin sila pero wala naman kaming phone sa bahay at kailangan malaman ni nanay na walang nangyaring masama sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman na nag-aalala siya.
Sumagot ko ang kapit-bahay namin at hinanap ko sa nanay. Tinawag niya naman si nanay at pagkaraan ng ilang sandali narinig ko ang boses niya. “Tanya, anak. Saan ka ba nagpupuntang bata ka? Kagabi pa ako alalang-alala sa’yo.”
“Sorry po, nay. Ginabi po kasi kami sa bahay ng kaklase ko kaya natulog na lang ako sa kanila.” Ayaw kong magsinungaling kay nanay pero ito ang makakabuti.
“Tinakot mo talaga ako. Akala ko kung napano ka na.” Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya.
“Nay, huwag na po kayong mag-alala sa akin. Okay naman po ako.” Sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos naming mag-usap. Humarap ako kay Wayne na tahimik na nakatingin sa akin. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Gusto kong iwasan ang mga titig niya but I held his gaze.
“Halika na, kumain na tayo.” Sabi niya. Sumunod ako sa kanya papuntang kusina. May kinuha siya mula sa ref na dalawang kwadranong bagay na nakabalot sa loob ng karton.
“Ano yan?” Tanong ko.
“Frozen meals. Anong gusto mo mac and cheese o pasta?”
“Gusto mong magluto ako?” Hindi naman kasi ako kumakain ng mga yun at iba pa rin ang lutong bahay.
He looked at me surprised and he smiled. “Sige, kung gusto mo.”
Binuksan ko ang ref niya para maghanap ng maluluto. May nakita akong mga itlog at tocino. Niluto ko yun at ginawang scrambled egg ang itlog. Ang natirang kanin naman sa rice cooker niya ginawa kong sinangag. Nilagyan ko siya sa plato niya ng mga yun pagkatapos maluto at inilapag sa mesa sa sa harap niya. Umupo ako sa tabi niya at kumain na rin. Lihim kong pinanood ko siya habang kumakain siya at natuwa ako ng makita kong sarap na sarap siya.
“Ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng totoong pagkain.” Sabi niya. “Ang sarap.”
Habang abala siya sa pagkain, kumuha ako ng isang pitsel ng tubig sa ref. I poured the water on the glass at bumalik ako sa mesa. Inilapag ko iyon sa harap niya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko habang hawak ko pa ang baso. Naramdaman ko ang init ng palad niya, pakiramdam ko parang may ilang boltahe ng kuryenteng dumapo mula sa kamay ko papunta sa buong katawan ko. He looked up at me with a smile on his eyes. “Don’t spoil me too much, Tanya. Baka masanay ako nito.”
“S-sorry…” Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko na kasi makaya ang sensasyong nararamdaman ko sa hawak niya.
He chuckled and slowly shook his head. “Stop apologizing so much.”
Nagpatuloy kami sa tahimik na pagkain. Sa loob-loob ko, hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. Sarap na sarap talaga siya sa niluto ko.
“May klase pa ako. Kailangan ko ng umuwi.” Sabi ko kay Wayne pagkatapos naming kumain. “Ah Wayne, yung uniform ko…” Isa lang kasi ang uniform ko kaya pinagkakaingat-ingatan ko yun.
“Ano’ng oras ba ang klase mo?” Tanong ko.
“Ten thirty.” Sagot ko.
“Nine forty-five na. Kung uuwi ka pa, malalate ka na n’yan. Ako na ang maghahatid sa’yo.”
“Hindi na kailangan-“
“Tanya, hindi ba ako ang masusunod?” Seryosong sabi niya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.
“At yung uniform mo pala pinalabhan ko na sa house keeper kanina. Take a shower, baka malate ka na.” Sabi niya.
I did what he told me to do. Nag-shower ako sa bathroom niya. Habang nagshoshower ako hindi ko maiwasan isipin ang nangyari kagabi. Takot na takot ako kagabi. Hindi ko na napigil na umiyak sa harap niya. Akala ko magagalit siya sa akin, akala ko pipilitin niya ako pero hindi… He respected me. Niyakap niya ako at nakatulog akong yakap-yakap niya pa rin ako. Sobrang bigat ng dibdib ko ng kagabi pero habang hawak niya ko kagabi at umiiyak ako sa kanya it was like the weight had been lifted. Siguro kailangan ko lang talagang iiyak lahat yun. I’d tried to be strong because I had to. Ako lang ang inaasahan ni nanay at ako lang ang masasandalan niya pero sumabog na lahat ng nararamdaman ko kagabi. I was glad it was with him… He had helped me just by being there for me.
I got out of the shower and dried myself. Bigla kong naalalang wala akong toothbrush. Sumilip ako sa labas ng pinto ng banyo at nakita ko si Wayne na prenteng nakaupo sa kama.
“Wayne…” Nahihiyang tinawag ko siya.
Napatingin siya sa kain. “Yeah?”
“May extra ka bang toothbrush?” Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa school ng hindi man lang nagtootooth brush.
“No, but you can use mine.” Sabi niya.
“H-ha?”
“Gamitin mo yung akin, yung nasa sink.”
“S-sige…” Sabi ko at isinira na ang pinto ng banyo. Lumapit ako sa sink at dinampot ang toothbrush na nandun. I was going to use the toothbrush he had used. Para ko na rin siyang… nahalikan nun. I had never had a first kiss before… I wondered it would be like… with Wayne. Umiling ako na para bang tinatanggal iyon sa isip ko. Hindi tama ito. Hindi tama ang mga naiisip ko. Binabayaran niya lang ako. Kahit kailan hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. I was the lover he didn’t need to love.
Ginamit ko ang toothbrush niya. Ninamnam ko iyon, dahan-dahan. Pinipilit kong hanapin ang lasa niya. Napabuntong-hininga ako. Ano ba itong kagagahan ko? Nagmumog na ako at lumabas ng banyo.
“Ito na nag uniform mo.” Inabot niya sa akin iyon pagkalabas ko pa lang. “I’ll wait for you outside.”
Tumango ako. Nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas ako at nakita ko si Wayne na naghihintay sa akin gaya ng sabi niya. Bumaba na kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Pinaandar niya na ang kotse niya. Pagkaraan ng ilang minute nasa harap na kami ng eskwelahan.
“Papasok ka na rin?” Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong.
“Yep.” Sagot niya. “Sige na. Baka malate ka pa.”
“Salamat, Wayne…” Ngumiti ako sa kanya.
“Yan, dapat palagi kang ngumingiti. Lalo kang gumaganda.” Sabi niya.
Naramdaman kong namula ang magkabilang pisngi ko pero hindi ko napigilan ang mapangiti lalo. “S-sige, bye na.” Tumalikod na ako sa kanya para itago ang pamumula ng pisngi ko at para buksan na rin ang pinto ng kotse niya.
“Tanya…” Tawag niya sa akin.
Napilitan akong lumingon ulit sa kanya. “B-bakit?”
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng halik sa labi. Isang mabilis na halik lang pero para akong nawala sa sarili. Parang may isang libong paru-parong nagliparan sa loob ng tiyan ko. Parang huminto ang mundo ko ng ilang Segundo. That was my first kiss…
“Bye.” He smiled.
Napakurap ako at muling bumalik ang malay ko. “B-bye.”
“Oh, and Tanya.” Pahabol niya. “Ito nga pala ang bayad ko sa’yo.”
Inabot niya sa akin ang pera. At naalala ko na naman kung ano ang papel ko sa buhay niya. Maling magkaron ako ng nararamdaman para sa kanya. Binabayaran nila langa ko. Tinanggap ko iyon at nagmamadaling lumabas ng kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro