Chapter 44 | Queen of Bloodshed
Oceanus' POV
A kiss. A moment in my life I wish I could freeze. And just like that, I was a husband to a beautiful wife.
Namungay ang aking mga mata sa labi niyang dahan-dahang lumayo sa'kin. Dama pa rin ang lambot ng mga ito, humilig nang kaunti ang aking ulo, bago ko iginiya ang kanyang panga pasalubong sa akin at muli ko siyang hinalikan nang mas matagal, mas mariin.
She seemed relieved as she kissed me back and in the middle of it, I smiled, gently pulling her close to me.
The wedding ceremony was rushed and not every noble and admiral could attend. Most of them are currently fighting off the increasing Ashinian forces and we ought to follow them right after the ceremony. It was funny, and maybe a bit disappointing, how our honeymoon is going to be spent at the camps, but I couldn't care less. For what matters, is her. Us.
Hindi marangya ang kasal namin. Ito lang 'yong tipong pangkaraniwan. It was short and my coronation that followed was shorter. Simpler. And a king's crown turned out to be heavier than I expected. Agad ko itong inilapag sa mesa nang makapasok kami sa kwarto. Pagkatapos, lumapit ako sa kanya upang tulungan siya sa pagtanggal ng suot niyang mahabang belo. She seemed to be more tired than usual.
"Are you okay?" Tinanggal ko na rin ang suot niyang pilak na korona kasama ang belo. Dumako ako sa mesa upang ipatong ang mga ito rito at saka bumalik sa likod niya nang maalalayan siya sa pagbihis. "You know, Emnestra, we can travel to the camps tomorrow." Unbuttoning the spine of her white dress, I suggested, "Let's stay here the whole day... rest..." The silky fabric smoothly slipped off of her to reveal her lean back and shoulders... and a scar. An arrow scar.
Nanatili akong nakatitig dito habang pinagpatuloy niya ang paghubad ng kanyang damit. "Hindi pwede." She pulled the sleeves off. "I already called for a gathering with the admirals tonight, and battalion leaders—" Napahinto siya nang maramdaman ang marahang pagsagi ng aking mga daliri sa bakas ng malalim na sugat sa likod ng kanyang balikat.
"Does it still hurt?" I asked, tracing the wound with a finger.
"I don't know, my king." She turned around to face me. "You tell me."
Binaba ko ang aking kamay. It hurts me, I wanted to say, but the full view of her bare chest kept my mouth shut. I licked my lips, hindi alam kung anong isasagot. I have seen her every corner, every crevice, and yet here I am, still getting stunned by her naked peaks.
"Our tent has a strong bed, right?" seryoso kong tanong. "Considering that we're on our honeymoon—"
"You'll be staying in the barracks," aniya. "With the other soldiers—"
Puminta ang irita sa aking mukha. "What?!" pasigaw kong bulong. "What the fuck?" Tila nakalasa ako ng pait na lumukot ng aking ekspresyon. "No."
"Oceanus, hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng tents—"
"No."
"We can get a tent but we have to share it—"
"Your mother used to have her own tent." Naalala ko. "Why can't we?"
"Because..." She reached to unbutton the collar of my king's tunic. "We're trying to save resources..."
Mula sa kanyang mukha, muling bumaba ang aking tingin sa hubad niyang dibdib. "No privacy for us, then?" I smirked. "How thrilling."
Mahina niya akong tinulak bago ako bitawan. I chuckled, and helped myself in taking off my clothes while walking towards the clothing rack where she stood and pulled out her combat garb— red leather adorned with black straps underneath a body-shaping silver armor.
"It's going to be difficult taking that off of you once you've worn it," sabi ko bago niya ito masuot.
"We don't have time right now, Oceanus," sagot niya, alam kung ano ang ibig kong iparating— a quick one. "And besides..." Humakbang siya palabas ng nakababa niyang gown. "Dapat ka ring matuto." Sinimulan niya ang pagsuot ng kanyang nakakatuyo ng lalamunan na damit pandigma. "At masanay kung paano ito tanggalin."
My throat was scorching hot while I watched her dress up. "I might just have to stab everyone's eyes so they couldn't see you wearing that." Labag sa loob kong kinuha ang nakasabit kong uniporme at nagsimula na ring magbihis.
Emma and I entered into a quiet agreement, that we must not touch each other while changing. Nag-usap kami tungkol sa posibleng madadatnan namin sa borders, habang pinipigilan ang aming mga sarili na patahimikin ang isa't isa sa paraang ikahuhubad lang din ng kasusuot naming mga damit.
I see nothing wrong with this, of course. I am dying to tear off her clothes. But my wife who was raised to be a queen has a stronger sense of self-control. An army waited for us in front of the palace and we have to leave before nightfall, so we must.
"I dispatched an envoy to meet with a general from Ashina," pagbibigay-alam niya. "Gusto kong ipaalam sa kanila na walang masamang nangyari sa'kin pagkatapos ng ginawa ng hari nila." She adjusted her sword belt. "Not that they're concerned. Gusto ko lang malaman nila na kahit anong gawin nila sa'kin hindi ko ito ikasisira, at para na rin ikumpirma sa kanila na hari ka na."
Beside the clothing rack, there was a chair where my silver armor was prepared. Lumapit ako rito at unang kinuha ang breastplate. "Do you think she knew? The general who accompanied us on the way to their palace." Sinuot ko ito habang inaalala ang babaeng general na sumalubong sa'min sa borders at naghatid sa'min sa palasyo ng Ashina. "That she was leading us into a trap?"
"I don't think so..." Emma answered, her voice barely a whisper. "Bakit mo natanong? Sa tingin mo alam niya ang mangyayari sa'tin pagdating natin sa palasyo?" Dumako siya tabi ng upuan at isa-isang inabot sa'kin ang mga piraso ng armor na sinuot ko. "She looked like she didn't know about the king's plan to imprison us in their kingdom."
"Which is why, starting now, I do not want you making decisions on your own," tugon ko. "And you must avoid going to places where I cannot follow."
After I finished donning my armor, I exchanged another agreement with her. This time, verbal.
"I need you beside me or at least one call away from me at any given moment." Dumapo ang alala sa mga mata kong nakababa sa kanya. "Promise me."
Kumunot ang kanyang noo. "I'm not allowed to make decisions on my own?" Then she began overthinking. "You don't trust me anymore? Dahil sa nangyari sa'tin sa Ashina? Para sa'yo, madali akong malinlang?"
"You married me, Emnestra, and you made me king," paalala ko sa kanya. "As the king, I must have a say to every decision you make, especially if it's for the kingdom..." Lumambot ang aking boses nang magpatuloy. "And as a husband, am I not entitled to ask that my wife do not leave my side?"
Her knitted brows slowly straightened, her face relaxing. Marahan ko itong hinawakan sabay saad, "Hindi ka na mag-isa, at hindi kita hahayaang mapag-isa." A small smile drew across my lips. "Starting today, what is yours is mine, including your burden." Marahan akong tumawa. "You can even give it all to me, if you want, and I will gladly carry it for you."
She narrowed her eyes at me. "Be careful of what you wish for, Your Majesty."
I would have preferred it if she called me by my other title— her husband.
Bumaba ang aking kamay. "What? You don't think I can be king?"
She snorted, as if I joked. "Tinatanong mo pa talaga sa'kin 'yan?" Taking a deep breath, she assured the both of us. "You are perfect, for me and for my kingdom, which is why I chose you."
"Our kingdom." Inabot ko ang kamay niyang inangat ko sa aking labi nang mariin ko itong mahalikan, at mas mariin ko siyang tinitigan, nang malaman niyang seryoso ako sa kasasabi ko lang.
As her hand parted from my lips, she smiled shyly at my gesture. Umiwas siya ng tingin at saka tumikhim bago ako muling tinignan, namumula nang kaunti ang magkabilang pisngi.
"We should go," sabi niya nang ibaba ko ang kanyang kamay at binitawan. Gently holding her hand as if my kiss made it delicate, she reminded me, "Maraming naghihintay sa'tin."
Emnestra's POV
What awaited us outside the palace was a battalion of one thousand knights.
Pinasalamatan ko ang mga katulong na silang naghanda ng mga kabayo namin ni Oceanus at nang makasakay kami rito, hindi ko napigilang lumingon sa kanya na bahagyang hinila ang kanyang kabayo paikot, paharap sa mga kawal, dahilan para kuminang saglit ang suot niyang gintong korona, na kahit ni isang sandali ay hindi ko nakitang ikinabigat ng kanyang ulo.
I remember now. How I fell in love with him. Because it wasn't a moment. It wasn't love at first sight. Hindi ako nahulog sa isang sandali lang. Nahulog ako, nang matagal, at nang akala ko'y bumagsak na ako sa lupa, kalalagpas ko lang pala sa mga ulap. At nang bumagsak na nga ako, akala ko nasa mga ulap pa rin ako, dahil gano'n kalambot ang bisig niyang sumalo sa'kin.
Loving him was the highest that I had fallen and yet, it was the softest that I landed.
Loving him, honestly, was a lot of things. A lot of feelings. Sometimes, intense. Other times, gentle. It was confusing at first, until I realized that love does not have a definite meaning.
May mga sandaling napapaisip ako kung paano nila ito nagawang sukatin sa isang salita lang, 'yong pagmamahal, kung hindi naman ito madaling bigyan ng kahulugan, at kung meron man, isa ito sa libo-libo.
"My queen," sambit niya nang makaahon mula sa lalim ng titig ko. "You have been staring at me for quite a while," pansin niya. "Is there anything you need before we leave?"
I gave him a subtle smile and shook my head. Ilang sandali niya akong sinuri bago tumango at inutusan ang dalawang bannermen sa unahan namin na magsimulang gumalaw.
Humigpit ang aking mga binti sa magkabilang gilid ni Ginger upang palakarin ito, at habang palabas ng palasyo, napatingala ako sa mga ulap na unti-unting kumulimlim at nagbabantang uulan. Tama nga naman ang kutob ko dahil sinalubong kami ng ambon nang tahakin namin ang mga kalye ng kapitolyo.
We didn't slow down, even after it started raining.
May payong naman ako na pwedeng gamitin. Nasa bag ito na nakasabit sa gilid ni Ginger pero dahil walang ni isa sa mga kasama ko ang nakakubli mula sa ulan, nagpabasa na rin ako.
The rain didn't hurt as much, but it did make me feel heavy. Ang tanging nakapagpagaan lang sa akin ay ang mga batang dinaanan namin na masayang naghahabulan sa ilalim ng ulan. Their little feet splashed on the pavement as they ran. Sinundan ko sila ng tingin at nang lagpasan nila ako, nanatili ang kanilang mga tawa sa aking pandinig, at umalingawngaw ito sa aking isipan.
Napangiti ako, pero saglit lang, dahil bigla akong may naalala.
No, kumbinsi ko sa sarili. It cannot be.
Pero ikinatigil ito ng buong mundo ko, at nagsimulang gumaan ang aking ulo dahil sa pagbaha ng aking napagtanto. Muntik na nitong matangay ang aking kamalayan dahilan para humigpit ang aking kapit sa renda.
Hindi, giit ko sa nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado.
Napalunok ako.
At hindi ito pwedeng maging totoo.
Humugot ako ng malalim na hininga at nang pakawalan ito, biglang kumirot ang aking puson. Matuling tumakbo ang sakit paangat sa aking mga baga kaya't napangiwi ako, at pinigilan ako nitong makahinga nang maayos.
Napahawak ako sa ibaba ng aking tiyan kung saan may lumulukot ng aking kalamnan, tila nagpaparamdam.
Bumigat ang ulan sa aking mga balikat at napabaluktok ako sabay pakawala ng magaspang na daing. Bumilis ang tibok ng aking puso sa takot at tuluyan na nga akong napatimpi ng iyak nang sumiklab ang sakit sa aking puson, at di kalauna'y sa aking buong harapan na parang may sumasaksak dito mula sa loob.
"Halt!" Narinig kong utos ni Oceanus.
Dalawang kamay ang pinaghawak ko sa aking tiyan habang namimilipit.
No— naiiyak kong pigil. No— My hand searched for something to grab on— Oceanus' arm when he tried to reach for me while on his horse. Mabigat akong napakapit sa braso niya. Napansin niya ito at nag-aalala akong tinabihan. "Emma—"
"Hold me— agh!" Umabot ang kirot sa aking lalamunan nang mapasigaw ako sa sakit. "I'm going to faint—" I told him as the world darkened around me. "Oceanus—" And I pushed him away. I don't know why but I did. I wanted him to leave me.
"Your Majesty!" tawag niya nang padaskol akong bumaba mula sa aking kabayo. Muntik na akong mawalan nang balanse, at humakbang ako palayo sa kanya— sa kanila, habang patuloy akong tinatawag ni Oceanus.
I wanted to hide from them. Gusto kong tumungo sa madilim na eskinitang nasa unahan, at sa ilalim ng ulan, nagsimula akong maluha habang nakakapit sa aking tiyan.
Why? Why is this happening to me?
•••
Nakapilig ang aking ulo nang mamulat ako sa loob ng isang tent at agad kong nasilayan si Oceanus na may kausap na matandang lalaki. Hindi ko siya nakilala, pero alam ko kung ano siya dahil sa suot niya— isa siyang physician. Probably the physician assigned to the military camp that we're in.
And I must've fainted. Wala na kasi akong maalala kung paano kami nakarating dito.
Their conversation was inaudible. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ay umuugong lang sa aking tenga, kaya pinanood ko lang sila, lalo na ang galaw ng mga kamay ng physician na tila may pinapaliwanag kay Oceanus.
Nang luminaw na ang kanilang mga boses, ang nahagip ko lang ay ang pagpaalam ng physician bago lumabas ng tent. Sa sandaling nakita ko kung paano sumayad ang paningin ni Oceanus sa kanyang harapan, nakalasa ako ng pait sa aking lalamunan. Nilunok ko ito bago nagparinig.
"Oceanus."
Mabilis ang paglingo'ng ginawa niya sa'kin, at nagmamadali siyang lumapit.
"Careful," aniya nang subukan kong iangat ang aking sarili mula sa higaan. Inalalayan niya ako paupo at pagkatapos, umupo rin siya sa tabi ko. "How are you feeling?" Inabot niya ang aking mukha upang hawiin ang mga hibla ng buhok na sumagi sa aking mata. "You fainted—"
Hindi ko gustong malaman ang alam ko na kaya, "Am I?" tanong ko. "With child?"
For a moment, his lips pursed and the blue in his eyes glinted with assurance as he gave me a thoughtful smile. "Yes, my love, you are."
But his smile faded as soon as I asked, "Since when?"
Ilang sandali pa bago siya nakasagot, gamit ang mas malambot na boses, halatang iniiwasang makaani ng matinding reaksyon mula sa'kin. "The pain you felt earlier was apparently the egg implanting in your womb, meaning that today is your first day of being pregnant."
"Sobrang aga pa," puna ko. "Ibig sabihin, pwede ko pa itong tanggalin—"
"Emma," sambit niya. "There is a reason why you hurt and fainted during the implantation."
Umiling ako. "There shouldn't be a reason for this." Nagsimulang mamasa ang aking mga mata. "Walang saysay ang pagbubuntis kong ito, Oceanus, kaya huwag mong sabihin sa'kin na may dahilan kung bakit hindi ko ito pwedeng pigilan."
"Matatag ang kapit nito," sabi niya. "We can try to abort it but you will shed your womb along with it. You can never bear another child again if we stop this one."
I chuckled bitterly, tears threatening to spill. "No." Gently shaking my head, I cried. "No..." I pleaded. "I do not want this." Humagulgol ako ng iyak. "H-Hindi sa'tin 'to..."
"Hey—" Pinunasan niya ang sunod-sunod na paglabas ng aking mga luha. "It's okay. I'm here."
Kumapit ako sa kamay niyang may hawak ng aking mukha. "A-Ayoko nito," iyak ko.
"Emma, you can do whatever you want to it." Mahina siyang tumawa. "I will want it if you will have it, if not, then..." Kumibit-balikat siya. "We can always empty the orphanages. Adopt as many kids as we want."
"Tumahimik ka nga!" Tinulak ko ang kamay niya. "How can you make light of this situation?!" galit kong sigaw. "This is not your child, Oceanus! Which is why I cannot have it!"
I was wrong. He wasn't taking this lightly. He is taking this as heavy as me, maybe even heavier. Nalaman ko ito nang mabilis na naglaho ang kinang ng kanyang mga mata. His face turned stone cold as he stared at me, his body stiffening, making me regret screaming at him. Dahil nakikita ko, nasa bingit na rin siya ng kawalang katinuan, at panandalian akong natakot sa susunod kong gagawin, o sasabihin, dahil baka ikasisira niya ito nang tuluyan.
"I'm sorry," I whispered. "I—"
Umangat-baba ang kanyang lalamunan bago siya humugot ng malalim na hininga. "What is yours is mine," he reminded me. "May it be a child from another man."
Kinuha niya ang kamay ko at nananakit na bumuntong-hininga. "I know I should not want this," sabi niya, habang maingat na hinahagod-hagod ito. "But I also want us to have our own children. Ours. Your blood and mine." Malungkot niya akong nginitian. "Little ones, who look like you and I, or both of us."
Kumunot ang aking noo habang naluluha pa rin.
"Everything is completely up to you," aniya. "I will treat this child as my own if you decide to have it. If not, then I will have someone make you selenite tea this instant."
Selenite Tea. An herbal tea that can prevent or stop pregnancy. Gawa ito sa mga dahon ng Selena, isang halamang namumulaklak sa tuwing buo ang buwan na kasingkulay ng mga bulaklak nito.
Sa mga sandaling ito, gusto ko siyang tanungin kung bakit mas madali para sa kanya na tanggapin itong nasa sinapupunan ko, kung akin lang naman 'to, pero dati pa niyang nasagot ang katanungang ito— dahil ang lahat ng akin ay kanya, kahit kahirap-hirap itong tanggapin.
He read my silence. He took it as an answer, and he gently smiled at me as he reached for an embrace. "Come here."
Humikbi ako nang umusog palapit sa kanya at muli akong humagulgol sa kanyang balikat habang hinahagod niya ang aking likod. Halos isang oras akong umiyak bago matahan, hindi dahil naubusan na ako ng luha, kundi dahil nagawa ko na itong pigilan.
"I love you," bulong ko habang nakayapos sa kanya, nanghihina. "I'd give the world to you."
Humigpit ang kanyang bisig sa'kin at napakunot ako ng noo nang isubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. "Mmm," he hummed, and from a distance, I could hear that a wall has fallen, once I realized that I wasn't the only one crying. And I didn't say anything. Hinayaan ko lang siya na tahimik na umiyak.
At patagal nang patagal, unti-unting lumubog sa kanyang mga luha ang natitira kong awa at simpatya para sa lahat ng maaapektuhan ng kagustuhan kong tapusin 'yong digmaan.
History can paint me crazy or cruel and I do not care anymore because I will become both.
I am a mad woman. A mad queen.
"Kill every Ashinian prisoner we have," utos ko sa admirals na nakapalibot sa malaking mesa kung saan nakalatag ang mga mapa ng Irvale at Ashina. "Set fire to their villages. Burn them all. Their land, their houses, their citizens."
Umunat pababa ang magkabilang sulok ng aking labi nang magpatuloy. "Order every knight to kill every Ashinian they will come across with— men, women, children."
The reason why we are in this war is because the enemy forced us to fight. To protect ourselves. Gustong sakupin ng Ashina ang Irvale at sa loob ng maraming taon, ang ginawa lang namin ay protektahan ang aming kaharian.
Nangangalit kong sinalubong ang nagtatakang tingin ng admirals.
"Panahon na para tayo na naman ang gustong sumakop sa kanila," saad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro