Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37 | Physical

Elaire's POV

"You're here." Narinig kong sabi ni Kaelis pagkapasok niya sa mala-kwebang silid ng arenas. "Thought you'd be busy preparing for the king's coronation next week."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglilinis ng Sai swords ko. Duguan ang mga ito dahil kagagaling ko lang sa isang duel. One of the blades clinked on the clay table before I picked up the other sword to wipe it with a bloody rag.

Patuloy akong nagpunas, balewala ang paglapag ni Kaelis ng duguang daggers sa mesa. Sandali siyang naglaho mula sa aking paningin at bumalik na may dala ring basahan. Umupo siya sa tapat ko para simulan din ang paglilinis ng kanyang mga sandata.

Pinulot niya ang isang dagger. "You haven't thanked me."

"Thank you," agad kong sabi dahilan na makaani ako ng nababagot na tingin mula sa kanya.

Nang muli siyang tumuon sa paglilinis, "Do you even know what you thanked me for?"

"No," sagot ko. "I just wanted you to stop talking to me so I can clean my swords in peace."

"It's about the green gasoline, Elle." As always, he didn't get the hint, at nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa'kin. "If it weren't for me, the Halzenian king would've died in our kingdom."

"Thanks," pagpasalamat ko ulit ngayong naipaalam na niya sa'kin ito. "And aren't you supposed to be training the new members?"

Hindi kami nagsibalingan habang nag-uusap.

"Si Vesper na ang nagte-training sa kanila ngayon," aniya.

"Aclisia?"

"Not here."

"Harmon?"

"In the pits with Vesper."

Itinapat ko ang talim ng Sai sword sa liwanag ng nakasinding lampara. Pinihit-pihit ko ito sa kamay ko at nang may nahagilap ako na kaunting dugo, bumalik ako sa pagpupunas nito.

"Elle," sambit ni Kaelis. "Kulang ba ang sinasahod nila sa'yo sa palasyo?"

"I'm not here to just earn money, Kaelis," sabi ko sa kanya. "I'm here because I need to train."

"You can't train in the palace?" he asked.

"You sound like you don't want me here," I replied, na may kasamang dagliang tingin sa kanya. "Is it because you want to replace me as the arena champion?"

He grabbed another dagger to clean. "Are you inviting me to a duel, Elle?"

Sinundan ito ng isang buong minuto ng naglalabang katahimikan, nagtutugisang mga tagong sulyap, habang hindi pa kami tapos sa paglilinis ng aming mga sandata.

"Don't worry," I assured him. "I'm not going to kill you."

"Do try." His lips curved to a smirk. "Because I will, try to kill you."

'Yong sinabi niya. It ignited a spark of anticipation inside me because the truth was, I have been wanting to fight against him, ever since we fought together in the arenas.

For a moment, our eyes locked in a battle of wills. Kung sino ang unang magpapakita ng pag-alinlangan ang siyang matatalo. But neither of us got a glimpse of each other's weakness. Instead, we found ourselves trying to drown each other's stare, as if we could actually break down each other's walls with just a look.

"I'll defeat you without magic," sabi ko, habang pinapaibabaw ang aking titig.

Pinaningkitan niya naman ako. "Whatever you say, Elle."

"You know you'll just embarrass yourself, Kaelis." I gave him a chance to back out. "Stop playing with me—"

"I am not," giit niya, determinado. "Playing with you."

At muli kaming nagtitigan, habang nagdedesisyon ako.

Kumawag-kawag ang aking panga nang ipihit ko ang aking mga braso sa dibdib. Kaelis, meanwhile, wet his grinning lips, his fangs teasing, inviting me to dance with death— with him.

Sa hindi malamang dahilan, pinatakbo ko rin ang aking dila sa pagitan ng aking mga labi pero saglit lang bago ko siya kalmadong inutusan.

"Write down our names under the dueling arena. Come back and tell me what time we fight."

And as always, he followed.

Pagkatapos niyang umalis, napatuon ako sa makikinis na talim ng iniwan niyang daggers. I silently debated if I should use my divination spell, nang makita ko kung anong magiging hantungan ng aming laban. In the end, though, I decided not to, because I told him I was going to defeat him without magic. Ayoko ring maudlot ang pagbuo ng pananabik sa aking mga ugat, hinihigpit ang aking balat sa aking mga buto, dahil sa wakas, dumating na ang gabi na makakalaban ko ang isa sa'king mga tauhan sa arenas— and not just anyone.

It was Kaelis, the strongest non-mage fighter. Maihahantulad ko siya kila Admiral Sienna at Admiral Enrioch, except that he has the tendency to become brutal in battle. I have seen his every fight and most of them ended bloody, messy, which is why I agreed to start a team with him— because of the way he fights. Taglay ng kanyang mga mata ang lamig ng kamatayan habang layunin niya ang nakawin ang init ng kanyang mga kalaban para palitan ito ng pamamanhid, pagka't tinutuyo niya ng dugo ang mga ito, bago tuluyang tapusin.

Always clad in his usual black, sometimes gray, outfit, Kaelis looked like a proper assassin. And in the underground arenas where nothing is sacred and everyone is the devil, he is one of the gods.

And now, I get to fight him.

Tinakpan ko ang aking bibig kung saan nakatakas ang isang mahinang hagikgik.

"Anong tinatawa mo d'yan?"

Mabilis na bumaba ang aking kamay sabay tuwid ng aking mga labi.

"Nothing," sagot ko.

He stood across me to pick up his daggers from the table. "It's an hour from now," sabi niya. "Anything you want to do while we wait?"

No, because I cannot wait.

"Let's go to the pits." Tumayo ako. "I want to see the new recruits."

•••

Mabilis kumalat ang balita sa underground arenas. Someone noticed our names written under the pending fights and told someone. Then that someone told anyone until anyone told everyone, and before I knew it, they have all gathered around the dueling arena to watch and bet.

"Nice." Narinig kong puna ni Vesper habang papalapit kami sa kumpulan ng mga bampira. "This fight's going to be one of the top-earners of this year."

"Syempre," natutuwang sang-ayon ni Aclisia. "Pumusta rin ako, eh! Haha!" Tumabi siya sa'kin at marahan akong siniko. "Panalunin mo 'yan, Elle, nasa'yo benteng aures ko."

I haven't heard Kaelis make a sound but I know he's just behind us, silently trailing. Kasama rin namin ang bagong members ng Angeli Mortis. Narinig ko pa nga ang pagsilabasan ng kanilang mga supot ng barya at pagbilang ng ipupusta nila para sa laban.

The crowd parted for us as we walked down the stairs where the audience sat. Everyone cheered as soon as vampires ignited more torches around the arena. Isa-isang sumiklab ang mga ito nang sindihan, upang maayos na maliwanagan ang hugis bilog na arena sa pinakaibaba.

"Surprise! Surprise!" A man appeared in the middle of the arena. The announcer. "A surprise duel between the leader of Angeli Mortis and her right hand man!"

I continued to step down towards the arena after Aclisia and the others found their seats. Sa huli kong hakbang pababa sa arena, naglaho ako at mabilis na lumitaw sa isang dako nito. On the other side of the arena, Kaelis also appeared, his grin darker than the shadows that danced around him.

"Hold your ground fighters!" tugon ng announcer. "We have yet to finalize the amount of bets! Hundreds? Thousands?" Maingay siyang humalakhak. "Millions! We have earned millions for this fight alone!"

Mas lalong umingay ang mga manonood.

Nanatili akong nakatuon sa mga mata ni Kaelis nang ilabas ko ang aking Sai swords. He did the same, his daggers glinting in his hands.

An amused grin formed on my lips as my own heart beated along with the noise, until I could hear nothing but the beating of drums— my heart thumping in anticipation.

Napansin ko ang panandalian niyang pagsulyap sa aking ngiti bago muling sinalubong ang aking titig. His stare wanted to bury me on where I stood, kaya naisipan kong maglakad paikot sa arena, at sinunod niya ako. Sinunod ng kanyang bawat hakbang ang malakas na pagtibok ng aking puso.

"Begin!" The announcer disappeared.

I disappeared.

Kaelis disappeared.

Natagpuan namin ang aming sarili sa dating kinatatayuan ng isa't isa. Nagpalitan lang kami ng pwesto kaya wala kaming ibang magawa kundi maglakad patungo sa gitna kung saan unang nagkasalubong ang aming mga braso nang magtangka akong suntukin ang kanyang mukha. I was about to stab his waist with my other hand when his other arm stopped me.

Hinatak ko ang aking mga braso at pasulong na itinutok ang aking kamao. Nagawa niyang umilag sa pamamagitan ng pag-ikot. Yumuko ako upang iwasan din ang nakaangat niyang kamay na dumaan sa ibabaw ng aking ulo. Agad akong tumayo at mabilis na inangat ang aking binti sa direksyon ng braso niyang nagawang ikabit ang aking paa sa kanyang tagiliran.

Sinubukan ko itong tanggalin. Buong akala ko'y babaliin niya ito o sasaksakin ngunit sa halip, hinatak niya ang aking paa— ang aking binti dahilan para makapasok ako sa isang bisig niyang sumalo sa'kin.

I glimpsed of his smirk before I twisted my body out of his grasp, my breathing unusually heavy.

Nakakunot ang noo at nakasimangot sa inis, muli kong itinulak sa kanya ang dulo ng aking espada na ibinaling niya gamit ang kanyang dagger. Sunod-sunod ang pag-ihip ng hangin sa pagitan namin habang patuloy kong ginagawa ito, unti-unting naiirita sa bawat segundong hindi ko siya nadadaplisan.

The arena grumbled with every heavy step that I took closer to him. I spun around to hit him from the side but he used his arm to stop mine and as I was about to pull my arm down, he claimed it first. Ipinalipot niya ang kanyang braso rito at malakas akong hinila.

Sinalubong niya ako ng isang tulak dahilan para matagpuan ko ang aking sarili sa ilalim niya sa loob lamang ng isang kisap-mata. Idiniin ng kanyang braso paangat ang aking panga at napalunok ako nang madama ang tulis ng dagger sa aking tagiliran.

If I try to move my arms to stab him he will stab me first. Humahangos, tinignan ko siya na dumako ang mga mata sa leeg kong nakaipit sa ilalim ng kanyang braso. Humilig ang kanyang ulo pababa sa'kin at nang sapat na ang aming distanya, malakas kong iniuntog ang aking noo sa kanyang mukha dahilan na mapahaltak ito at pakawalan niya ako.

Agad akong gumulong palabas mula sa kanyang ilalim. Before he could reach me, I have already disappeared and appeared on his other side para sana'y tadyakan siya kung hindi lang siya biglang naglaho.

I felt his presence behind me. I didn't give him a second to breathe as I swiftly turned around with a leg raised. Sumabog ang aking binti sa kanyang tagiliran bago matuling lumipad ang kanyang katawan sa pader ng arena.

As I stood on two feet, the crowd cheered, ngayong may isa na sa'min na natamaan at tumilapon. Tumungo ako sa gitna ng arena, humihigpit ang aking kuyom sa aking mga sandata, minamasdan si Kaelis na dahan-dahang tumayo, nakatukod ang isang palad sa lupang pader.

The moment he fixed his gaze on mine, I vanished.

Bumaon ang aking Sai sword sa pader. Isasaksak ko sana ito sa kanyang mukha. Natanggal ang kapit ko rito nang hatakin niya ang braso ko at marahas niyang itinulak ang aking likod sa pader, my ear just slightly grazing the blade of my own sword.

"I thought you wanted to kill me?" humihingal kong tanong. "Why haven't you—" A gasp finished my sentence when he leaned in to pierce my neck. Not with a dagger. But with his canines that he buried deep into my skin, reaching my pulsing vein.

Nanghina bigla ang aking mga tuhod at napakapit ako sa kanyang balikat nang dumausdos ako paupo. With a soft thud, I fell on the ground, while he knelt in front of me, his mouth still sucking blood out of me. Pinigilan pa nga niya ang balikat kong nagtangkang humilig.

Behind him, the arena started to blur.

Unti-unting namigat ang aking ulo na hinawakan niya nang mapansin itong pumipilig. Iginiya niya ito sa kanyang balikat kung saan sumandal ang aking noo.

"I'm going to kill you..." I said, while trying to feel my sword under my hand.

He chuckled low, dark, breathy, just right before he bit into his own bite, deepening my wound, almost reaching my soul— my soul that, for some reason, let it happen. Let him touch it. Let him taste me.

Narinig ko ang mababaw niyang singhap nang iangat niya ang kanyang ulo mula sa aking leeg.

"Fuck..." magaspang niyang bulong.

Sa mga sandaling ito nagawa ko nang ilapat ang namimigat kong palad sa dibdib niya, hindi para itulak siya kundi para— "Vitalis," I whispered back.

Vitalis. A spell that uses heartbeats— mine and others' as my power. It is a spell that only blood mages can use, kaya sa pagkakaalam ko, ako lang ang mayroong kapangyarihan na ito. It only requires me to touch my own chest or my victims' and in this case, I used the spell to louden my beating heart until its soundwaves sent Kaelis flying away from me.

Lumilinaw pa ang aking paningin nang marinig ko ang paglipad ni Kaelis at pagsadsad niya sa kabilang dako ng arena.

The spell, though powerful, cannot heal me, because it is a spell only meant to steal or hurt. I can also use it to teleport to short distances, hanggang sa kung saan lang nakakaabot ang pintig ng aking puso.

I groaned as I pushed myself up from the ground. Slowly, but surely, I did. It took me a while pero sa aming dalawa ni Kaelis, ako ang naunang nakatayo.

Nakatalikod siya sa'kin nang itukod niya ang kanyang mga palad sa lupa, habang naglalakad na ako palapit sa kanya. Pinigilan ko ang aking sarili na humilig-hilig sa pagkahilo, pagkatapos niyang kalahatiin ang aking dugo.

My mind. It was so light I felt like I was floating and not walking. Humihiwalay din sa dalawa ang aking paningin— nagpakawala ako ng hininga nang maghanap ng mga bituin ang aking mga mata at tuluyan na nga akong sumandal sa hangin, patumba.

Unang tumama ang aking balikat bago ako nahiga sa magaspang na lupa ng arena.

What— why is my body surrendering?

Gumilid ang aking ulo sa gawi ni Kaelis na naglaho na. At ilang sandali pa'y naramdaman kong may umangat sa aking likod, kasunod ang aking mga binti— binuhat niya ako.

My clothes rustled against his' as he adapted his arms to my weight.

"I lost..." bulong ko, habang nasa bingit ng kamalayan.

Why did I let myself lose?

"No, Elle," he replied. "You have won."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro