Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 | Her Majesty

Emnestra's POV

"What are you doing here, Your Majesty?" Narinig ko ang paglapit ni Oceanus sa aking likod. "You will dirty your robes."

Dumako ang aking tingin sa sulok ng madilim na selda na palagi kong pinagtataguan, mula sa mga boses at mga multo. Habang tumatagal ang pagtitig ko rito, lumilinaw ang anyo ng isang batang babae na umiiyak at nagsisigaw, nanghihingi ng tulong— ako. Dahil pati 'yong sarili ko ay minumulto ako.

I gently held my wrist. Rubbing my pulse with my thumb, I remembered the first time I entered this cell. Wala si Mama noon dahil sinagot niya ang tawag ng digmaan. Naiwan akong mag-isa, at nang lumabas ako para sana'y makipaglaro, sinalubong ako ng amoy ng mga kandila at bango ng mga bulaklak sa kaparangang palagi naming pinagkikitaan ng kaibigan ko... pagka't burol niya ang naabutan ko.

Sienne, my playmate, my best friend. She was a noble who wanted to be a general, an admiral, but war was the enemy of hope. It was a stranger, a cruel manipulator. Umasa si Sienne na makakasunod siya sa apak ng kanyang ama na isa ring admiral. Pero hindi kumikilala ng edad at pangarap ang digmaan, kaya sa huli, hindi ito nangyari at sa kanilang dalawa ng kanyang ama, siya ang unang kinuha.

"How true is it?" mahina kong tanong. "That vampires live reincarnated lives?"

According to Sienne's mother, spies attacked their home looking to kill her admiral father. But her father had just left to go to the borders, to fight for the war against Ashina with my mom, the queen. Nagkataong si Sienne lang ang naiwan sa bahay nila nang pasukin ito, at ayon sa mga sugat niya, namatay siyang nanlaban.

"We will never know, Your Majesty." Tinabihan ako ni Oceanus. "Are you hoping that it is true?"

Isang malungkot na ngiti ang namuo sa aking labi. "Sana nga..." hiling ko at nilingon siya. "Oceanus, I want to end this war during my reign..."

So when the time comes that you will live again, Sienne, you can finally make your dreams come true.

"Do you think I can?" Humarap ako sa kanya. "End this war?"

Bahagyang nakababa ang ulo sa'kin, hinarap din ako ni Oceanus. "I will be with you 'till the end, Your Majesty," he said, not an answer, but a promise. A promise that no matter how this war will end, he will still be with me.

Umangat ang aking kamay upang hawakan ang kanyang mukha, at naghanap ang aking mga mata sa likod ng kanya, ng pag-asa, na nakita ko nga dahilan para mapangiti ako.

"Ikaw," bulong ko, pangako ko rin. "Sa bawat hantungan."

Ginantihan niya ako ng mas malambot na ngiti. "Ikaw lang," he whispered back. "Sa bawat buhay."

Nagpalitan kami ng marahang tawa nang ibaba ko ang aking kamay. Kasunod niyang inayos ang suot kong ceremonial robe, called a mantle— a red cloak with white fur over my shoulders.

"Why did you come here?" he asked, while straightening the furry lapel.

"Kasi ipapasira ko na ang silid na'to," sagot ko. "Ito na ang kahuli-huling beses na nandito ako."

Seemingly satisfied, Oceanus raised his arm and I gladly took it. Sabay kaming lumabas ng selda at di kalauna'y ng kulungan. Walking through the palace, on the way to the Ceremonial Hall, I found myself breathing in a new kind of air. Nilubos ko ang mga sandaling maluwag pa ang paghinga ko dahil alam kong mawawala na ito pagpasok ko ng hall.

"You look radiant, Your Majesty," puna ni Oceanus. "You are sparkling."

Dalawang kamay ang ikinabit ko sa kanyang braso. "Yeah, right." Tinawanan ko ang pagsagitsit ng aking palda sa sahig ng pasilyo. "My gown's already heavy. Idagdag mo pa 'yong mantle." Sandali akong napayuko sa suot ko. "As heavy as my responsibility as the new queen..."

"Don't worry." He firmly clasped his hand over mine. "After your coronation, I am going to take everything off of you—"

Mahina ko siyang tinulak. "Oceanus!"

•••

Kasabay ng pag-upo ko sa trono ay ang palihim kong pagbuga ng hangin. My heart has been skipping a couple of beats since the moment I stepped foot on the red carpet. Nilakbay ko ang kahabaan nito, pasan ang bigat ng mga tingin nilang lahat. Some were relieved to see me walk towards the throne while others were curious, expectant.

Pinaghandaan ko na ito pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan. Lalo na't ang lamig ng tronong inupuan ko. It almost jolted me out of my senses once I sat on it, and the cold lingered behind my neck, pinapataas ang aking bawat balahibo. 'Yong lamig ng trono, tila binubulong sa'kin nito ang lahat ng pwedeng mangyari— masama man o mabuti, sa akin at sa kaharian, ngayong nakaupo na ako.

"Your Majesty," the Lord Chancellor began, as he appeared before me holding the crown of the kingdom— an ancient crown of gold that catches light with its intricate design, its gems reflecting different rays of colors. "This crown is a symbol of your duty and responsibility as the new queen of our kingdom."

I listened intently, my eyes fixed on the shimmering crown.

"It represents the sovereignty and authority entrusted to you," the chancellor continued. "It signifies your commitment to uphold justice, defend the realm, and safeguard the welfare of your subjects."

The chancellor paused, allowing his words to sink in before he spoke again.

"But above all," he said, his voice softening. "The crown symbolizes the sacred trust between ruler and ruled..." Malumanay niya akong nginitian. "May it remind you always of the great honor and privilege bestowed upon you by the will of ages, Emnestra, daughter of King Elowim and Queen Geneva, of Irvale."

King... Dad... Queen... Mama...

Panandalian akong napapikit nang ibaba ng Lord Chancellor ang korona sa aking ulo. At sa aking pagmulat, napangiti ako sa mga ngiting namuo rin para sa'kin.

"Arise, Queen Emnestra of Irvale, and accept the symbols passed down to you from your ancestors."

Maingat akong tumayo.

"With them, you hold the power to govern wisely and justly, to protect and uphold the laws of our realm."

Still careful, I reached out to accept the royal scepter— a symbol of leadership, and the royal orb— a symbol of my right to rule. Authority and responsibility, ito ang sabay na tinanggap ko, at saglit na nanginig ang aking mga kamay dahil sa bigat ng kahalagahan nito.

With steady hands, I turned to face the courtiers, the nobles, the generals. "I accept these symbols of kingship," deklara ko. "I vow to wield them with wisdom." Kumunot ang aking noo. "Compassion, and integrity..." Nanghina ang aking boses sa bandang huli nang mahagilap ko ang aking sariling ama na dahan-dahang pumagitna sa kabilang dulo ng hall, duguan ang dibdib, at suot ang galit na ekspresyon.

"To serve my subjects—" My eyes fluttered weakly as he began walking down the aisle, darkening the carpet with his blood. "And uphold the honor of our kingdom—"

Everything stopped.

Everyone gasped.

At nagsimulang mamasa ang aking mga mata nang sumayad ito sa royal orb na nahulog mula sa kamay ko at gumulong sa aking paanan.

Dahil nabitawan ko ito.

Binalot ako ng kakaibang lamig habang umaalingawngaw pa rin sa buong hall ang tunog ng pagkahulog nito. At mula rito, nag-aalalang umangat ang aking mga mata sa bawat bampirang nakasaksi, na ngayo'y luminga-linga't nagbubulungan.

As I was about to fall on my knees in front of them, they disappeared.

Because he made them vanish.

Isang lalaki ang humarang sa pananaw ko nang huminto siya sa aking harapan. Ikinatahimik ito ng lahat at pinanood namin kung paano siya yumuko upang kunin ang simbolong nabitawan ko. Pinulot niya ito at nang makatayo, nginitian niya ako.

Nanghihina akong kumisap sa kanya nang manlabo ang buong mundo sa kanyang likod.

Swallowing fear that gathered in my throat, the warmth of his hand covered mine, as he returned the golden globe in my weakened hold. And he gripped it. He gripped my fingers around it, assuring me, strengthening me, reminding me of his promise, na kahit anong mangyari, kahit iiwan ako ng lahat, hindi pa rin ako mag-iisa.

"For as long as you reign," malambot niyang paalala sa huli kong sasabihin.

Tinignan ko ang kamay kong binitawan niya.

"For as long as I reign..." pagtatapos ko.

Isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.

"Long live, Queen Emnestra of Irvale," he said, as he stepped aside to show me the world back in colors.

"Long live, Her Majesty!" malakas na sigaw ng Lord Chancellor. "May our kingdom endure!"

Napasinghap ako nang magsitayuan silang lahat at pinuno ang buong hall ng kanilang mga tinig.

"Long live the Queen!" mas malakas nilang tugon. "Long live Irvale!"

Sa kalagitnaan ng ingay, muling nanahimik ang aking mundo, nang muli kong tinignan si Oceanus, ang mapayapang sulok na silungan ko sa napakadilim na selda.

•••

Tumalon-talon ako paikot sa ilalim ng magkahawak naming mga kamay, paayon sa masiglang musika. Pinag-ikutan din niya ako habang nakapalikod ang isang braso.

"I thought you said your gown's too heavy?" nakangisi niyang puna pagkatapos akong ihila palapat sa kanyang harapan. "My Queen?"

Kinisap-kisapan ko lang siya dahilan para lumapad ang kanyang ngiti at sumabay kami sa sayawan.

Heaven. It only consists of two things— his arms around me and music around us. It was as simple as this moment, kung kailan wala akong ibang madama kundi siya lang at ang musika.

The whole banquet after my coronation felt like a dream. For every second that I smiled with him, danced, and laughed, the memory of what happened in the throne room vanished. Pinalitan niya ito ng mas magagandang ala-ala, mas masaya.

Pagkatapos, lumabas kami sa castle grounds para magpahangin.

"Did you see how Lord Laros looked at Lady Ayana?" At para makapag-tsismis na rin. "Sa tingin ko talaga may nangyayari sa dalawang 'yon..." sabi ko habang naglalakad kami sa damuhan, sa ilalim ng mapagmatyag na gabi. "Hindi ko sila nakitang sumayaw, but I can feel it." Nanghinala ang aking mga mata. "I can feel that they're more just step-siblings."

"Scandalous," puna ni Oceanus.

"Right?" sang-ayon ko.

"I did see them share a glass," pagpapatibay niya sa kutob ko.

"What?" Huminto ako upang harapin siya. "When?"

"And I also saw them coming out of the same room before the coronation," dagdag pa niya.

Napasinghap ako. "Talaga?!" pabulong kong sigaw.

He chuckled. "Yeah."

"Oh, my..." Nakaawang ang aking bibig nang mapatingin ako sa kawalan. "Eh di ang una kong gagawin bilang reyna ay kumpirmahin 'yong relasyon nila."

"Your Majesty," natatawang sambit ni Oceanus.

I was about to laugh at him when a lady servant interrupted us.

"Your Majesty!" humihingal niyang tawag.

Mahinahon akong umikot paharap sa kanya. "What is it?"

Dumuro siya sa palasyo. "A messenger has arrived!"

"A messenger?" kunot-noo kong tanong. "From where?"

"Ashina!"

Napatigil ako sa sinabi niya, at saka ako nakipagpalitan ng nagtatakang tingin kay Oceanus. Questions filled my thoughts and senses while we walked back to the palace— to the throne room where a knight of our enemy kingdom waited.

Sinenyasan ko ang mga kawal na ibaba ang kanilang mga espadang nakatutok sa kanya.

Nilagpasan ko siya at dumiretso sa trono kung saan ako umupo upang harapin siya. Sa tabi ko, nakatayo si Oceanus, alertong nagbabantay ayon sa tuwid ng tindig.

"Your Majesty," the messenger knight started. "I carry an invitation from His Majesty, King Corion of Ashina."

"An invitation?" I didn't think I heard it right the first time.

He bowed. "Yes, Your Majesty." Still lowered, he continued. "Iniimbitahan ka ng aming hari na bumisita sa aming kaharian—"

Pinigilan ko si Oceanus na dagliang gumalaw para sana'y hatakin palabas ang kanyang espada.

"Why?" tanong ko nang ibaba ang aking kamay sa patungan nito. "Why is he inviting me over?"

Inangat ng sundalo ang kanyang likod at inabot ang aking mapanuring titig. "He would like to express his good wishes to you, personally," aniya. "And he has asked me to tell you that he is open for talks of a treaty."

Tahimik akong suminghap.

Hope.

"A treaty?" kumpirma ko na malalim niyang tinanguan.

There is hope.

Lumiwanag ang aking mukha, masayang hindi-makapaniwala. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro