Chapter 34 | Numbers
Emnestra's POV
Naglagay ako ng isang puting rosas sa bakanteng trono. I hoped that the flower could give it warmth, since I am not yet allowed to sit on it. Saka lang ako makakaupo rito pagkatapos ng coronation na gaganapin sa susunod na linggo.
Wherever you are, Dad, sana nakakapagpahinga ka na ng mabuti...
At sa aking pag-ikot, sinalubong ako ng mga ulong bumaba, mga katawang yumuko, mga heneral na lumuhod habang nakatapat ang kanilang mga kamao sa dibdib. I looked at the lords, the admirals, whose eyes never lifted to meet mine because I have not yet said a word.
My days as the heir are numbered...
Am I? Nagkasalikop ang aking mga palad sa harapan ng aking palda. Am I ready to sit on the throne?
I continued to look at them for a whole minute, wanting to see, if someone will try to go against me. If one of them will raise their head even if I haven't told them yet that they can.
No one did. Nanatili silang lahat na nakayuko sa'kin. Ibig sabihin, simula sa araw na'to, bawat salitang sasabihin ko ay ganap, tiyak, totoo. Simula sa sandaling ito, kung sino ako ay kung ano ang kaharian.
"You can rise," tugon ko.
Pagkatapos ipakita sa'kin kung ilang balikat ang kailangan para pasanin ang bigat ng kaharian, sabay silang tumayo upang ipasa ang lahat ng ito sa'kin, pero hindi ako nagpatinag, dahil ito ang dahilan ng pagkabuhay ko— ang mamuno.
"I would like the coronation to be short," sabi ko sa kanila. "No celebration. We are in the middle of war."
"Your Majesty," a lord said.
Your Majesty... Your Majesty... It echoed inside my head. Your Majesty...
"I suggest at least small a celebration," aniya. "It may seem counterintuitive to celebrate during wartime, your coronation can serve as a powerful tool to boost our people's morale. A new reign is always a symbol of hope for the future."
"I agree, Your Majesty," an admiral seconded. "It is important that we rejoice the coming of a new monarch, even in the face of conflict."
Gently rubbing my thumb against my palm, I thought about their advise.
"Just a small celebration then," sang-ayon ko sa huli. Pagkatapos, nilingon ko si Oceanus na nasa ibaba ng trono. Tinanguan ko siya, senyas na gusto ko nang umalis.
He lowered his head as I walked down on the steps, my back straight and my walk precise. Pati 'yong mga hakbang ko ay iningatan ko. Dapat ring magkatugma ang aking tingin at landas, dahil kailangang alam ko lahat ng ginagawa ko at gagawin.
"Tulong!"
The crowd of nobles and generals parted to make way for me.
"Yong mga anak ko!"
Binalewala ko ang mga duguang bampira na lumitaw sa likod nila. Nanatili akong seryosong naglalakad, hanggang sa biglang gumulong sa aking harapan ang isang batang lalaki na wala nang buhay at naglalangib ang buong katawan. Isa sa mga biktima ng sunog na nasaksihan ko ilang taon na ang lumipas.
I looked around at the vampires who started wondering why I suddenly stopped. To save myself, I turned to one of the dukes and asked, "When can I meet my council?"
"Your Majesty." The Lord turned to face me, revealing another burnt victim behind him. A woman whose face was bloody and peeling. "Whenever you're ready. You can summon your council."
"Hmm." I hummed. "Tomorrow?"
"Of course, Your Majesty," the duke replied.
Pinigilan kong mapakurap sa gulat nang bigla akong sigawan ng duguang babae sa kanyang likod, sinisisi ako kung bakit hindi ko siya nagawang iligtas— at 'yong buong pamilya niya.
I nodded at the duke and as soon as I looked straight again, I knew I was going to faint. My heart beated fast. My mind, my wits, was shaken, as another victim of war stood right in front of me. A soldier. Half of his face, gone. And he was only an inch away from me, eyes wide with blame.
Nang sana'y aatras ako, isang kamay ang kumuha sa aking palad— Oceanus. Iginiya niya ito pakapit sa kanyang braso, at nginitian niya ako.
Hindi ko kaya, gusto kong sabihin sa kanya. Hindi ko kayang magpatuloy.
"Do you remember how many steps it takes to cross the entire throne room, Your Majesty?" Mahina siyang tumawa. "I bet you don't."
Huminga ako ng malalim. "It is..." Napalunok ako. "From where we stand, I believe it is twelve steps only—"
"Look at me," he mouthed. "Only me."
I wet my cracking lips and nodded.
Muli niya akong nginitian. "One?"
First step.
Pinikit ko ang aking mga mata sabay lihis ng aking ulo mula sa sundalong kalahati nalang ang mukha.
"Two," Oceanus whispered.
Second step.
Humawak ang aking kabilang kamay sa kanyang braso at kabado ko siyang nginitian.
"Three."
Third step. The first step through the dead soldier. Nakatagos ako sa katawan nito at ramdam ko ang init ng hininga nitong nakatapat sa aking tenga.
"Four," pagmamadali ko, sa takot na baka bigla akong sigawan nito. Tinignan ko siya. "Five."
"Six." Oceanus lightly chuckled. "Seven... Eight... Nine..."
Nagpakalunod ako sa lalim ng asul ng kanyang mga mata, dahil siya lang. Siya lang ang pinapahintulutan kong pigilan ang aking hininga. At sa kanya lang. Sa kanya lang ako gustong manghina.
"Ten..." I whispered, my legs almost surrendering if it weren't for the way he looked at me.
Bumaba ang kanyang tingin sa nanginginig kong labi. "Eleven..."
I was about to count the last step when he ended it.
"Just eleven," sabi niya, dahilan para mapatingin ako sa kapaligiran namin at nalamang nakalabas na kami ng throne room. Unti-unting bumalik ang hangin sa aking sistema, at nginitian ko siya, nababahala pa rin ang nakakunot kong noo.
"And twelve," bulong niya at humilig sa akin upang halikan ako at tuluyan akong tangayin mula sa aking mga alala.
He did not have to utter another word to comfort me. He kissed me, soft and tender. My arms gently embraced him over his shoulder as he held me delicately. Hinawakan niya ako na parang may tinutupad siyang pangako sa kanyang sarili, dahilan para makatakas ang isang luha mula sa aking mata dahil hindi ko ito rinig— pero dama. Dinama ko ito sa pamamagitan ng pagtugon sa kanya.
His head dipped lower as my lips parted beneath his' to let out a sigh. A sigh that he captured. And we kissed again. And another tear escaped from my eye again. Until he finally let go of me. Pumilig ang kanyang ulo sa akin na sumandal sa kanyang dibdib, nanghihinang nakatingala sa kanya.
Nakapalipot pa rin ang aking mga braso sa kanyang leeg, sandali siyang yumuko upang iangat ang aking mga binti nang mabuhat niya ako.
"You did not take your medicine," sabi niya
Yumapos ako sa kanya at pumikit. "It makes me sleepy," sagot ko. "I did not want to miss Dad's funeral." Marahang humaplos ang aking pisngi sa kanyang dibdib. "I'm sorry."
He carried me along the quiet corridors, holding me in place, sa kung saan ako kabilang, kung saan ako nararapat, kung saan ako masaya at nakakapagpahinga— sa kanyang bisig.
"I miss my Mom..." I told him. "She's the one who usually calms me down..." Naalala ko. "She used to sing me to sleep..."
Narinig ko siyang tumawa. "Would you like me to sing you to sleep, Your Majesty?"
Umunat ako at komportableng yumakap sa kanya. "Pass," inaantok kong sagot. "Baka ilang araw akong di makatulog."
Pagkatapos, napahikab ako. "Just hold me," tugon ko. "And that'll be enough."
•••
Habang nakapikit pa rin ang aking mga mata, kumapa-kapa ako sa higaan.
"Here."
Dumilat ako at nalamang wala siya sa aking tabi. Umangat ako nang nakatukod ang aking mga palad at nilingon si Oceanus na nakaupo sa mesa, may sinusulat— hindi. Mayroon siyang ginuguhit.
Umusog ako sa headboard at sumandal dito. "Another sketch?"
A sweet smile curved his lips. "Mmm."
Ipinatong ko ang isang unan sa aking mga hita. "Oceanus," sambit ko. "Gusto mo bang malaman kung anong napanaginipan ko?"
Huminto siya. "A dream?" Tinignan niya ako. "Not a nightmare?"
Nginitian ko siya at saka tumango. "A dream," kumpirma ko. "Not a nightmare."
"Alright." He let go of his graphite pencil to turn to me. Giving me his full attention, idinekwatro niya ang kanyang mga paa sabay halukipkip ng kanyang mga braso sa dibdib. "I'm all ears."
Napakagat ako ng labi sa inasta niya.
Kumunot ang kanyang noo. "You had a dirty dream?"
Pinakawalan ko ang aking labi at kumisap-kisap. "Hindi kaya." Ngumuso ako. "You know what— nevermind—"
"Emnestra," aniya.
Tinawanan ko siya. "I dreamed of a very pretty red flower. 'Yon lang," masigla kong sabi, nakangisi. "It wasn't a rose, but it was a red flower, alone in a field."
Umangat ang kanyang magkabilang kilay. "And?"
"And I took care of it," dagdag ko. "Kasi sabi mo nga 'di ba, hindi tumutubo ang bulaklak kapag palagi itong tinatapakan..."
Gumilid ang kanyang ulo. "That's it?"
"Mmm." Tumango ako. "But it felt like I was taking care of myself." Napangiti ako. "It's what I really want to happen to me, you know? I just want to live happily. No voices. No ghosts. Gusto ko ring lumaban dahil gusto ko lang. Hindi dahil kailangan."
"You don't like fighting?" aniya.
"I like fighting," sagot ko. "If it's for the right reason. Not for an endless war."
Tumango-tango siya. "And what could be a right reason?"
I took a moment to answer.
"To protect you."
And somehow, it sounded like a promise of what could be, kung wala lang akong boses na naririnig, mga multong nakikita. If I could just— Iniwas ko ang aking mga mata mula sa kanya nang magsimula itong mamasa. If I could just be who I want to be, then I would be someone who would want to protect him and take care of him, without ever worrying about myself.
"Gusto kong maging matatag nang ako lang..." bulong ko. "Gusto kong mahalin ka nang buo." Hinugot ko ang aking mga luha. "At least in my dream I felt complete. That even after being trampled on, I was still whole." Mahina akong natawa. "Because I still had my sanity intact."
"Who says you have to be complete to love me?" Oceanus asked. "I want you, and that should be enough reason for me to take as you are— complete or not."
"Why?" mahina kong buga. "Why do you want me that much?"
"Because it is I who will be incomplete without you, Your Majesty," sagot niya. "Ako ang mababaliw kapag hindi kita makakasama." He chuckled. "O araw-araw na nakikita, ngayong nasa akin ka na."
I pouted. "Ibig mong sabihin ako itong wala nang kawala sa'yo?"
Oceanus smirked.
Suminghap ako. "Ang sama." At ilang sandali pa'y binato ko sa kanya 'yong unan. "Stop smirking at me! You look stupid! Hahaha!"
He laughed.
Forever. It is an impossible word. But I would like to have a glimpse of it. Even if just for a second. And though I can barely recall the exact moment that I fell in love with him, alam kong siya lang ang gusto kong mahalin, at sapat na ito. Sapat na ito para maging masaya ako dahil mahal niya rin ako.
Masaya ako, sang-ayon ko sa sarili. Dahil may nagmamahal sa'kin.
Nginitian ko si Oceanus nang magtagpo ang aming tingin.
Pipiliin kong maging masaya... dahil... at para sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro