Chapter 33 | Letters
Elaire's POV
Wala na akong makita. Wala na akong madama. I am definitely dead.
"Elle?"
Or so I thought, because a familiar voice of an old woman greeted me while I was surrounded by total darkness.
"Gising ka na ba?"
How would I know? I can't do anything. I can't open my eyes nor utter a single word. I can't even move a finger. So, how would I know? Kung nasaan ako? Kung buhay pa ba ako—
Dug dug.
"Huwag ka sanang kabahan, ah? Kung wala ka pang nakikita. Naka-bandage kasi 'yong buong katawan mo, pati na mga mata mo."
Dug dug.
"Pero sa tingin ko gising ka na." Maalalahanin siyang tumawa. "Ayan, oh. Nakakapagpigil ka na nga ng hininga..."
My heart was still beating. And I could still breathe in— and out— and in— and out... Ito lang ang tanging nagagawa ko. Ang humugot ng hangin at ibuga ito.
"Akala ko talaga no'ng una naligaw ka rito sa Echoing Forest at inatake ka ng lyrebirds. Pero no'ng suriin ko 'yong mga sugat mo... Kapag nakapagsalita ka na, sabihin mo sana sa'kin kung anong nangyari sa'yo, Elle, nakakapag-alala naman kasi."
Bumaha ang aking mga ala-ala ng gabing akala ko namatay na ako, at nagpaanod ako nito, naiirita sa sarili, at nagsisisi, dahil hindi ko inasahan ang pangyayaring 'yon. I was caught off guard— why did I even let myself get killed like that? And by a Lord? A noble? Hindi ito nakakapagtaka pero nakakainis pa rin.
"Natagpuan kita sa tabi ng lawa at dinala kita rito sa maliit kong kubo para gamutin. Hehe. Ngayon alam mo na kung saan ako nakatira."
I sighed. The woman talking to me was no other than Mama, 'yong may-ari ng bakery.
"Ah, oo nga pala. Simula nang dalhin kita rito, araw-araw mayroong uwak na naghuhulog ng rosas, do'n sa kung saan kita natagpuan." Narinig ko siyang may binunot. "May kasama pa ngang mga mensahe 'yong bulaklak, eh, at apat na araw ka nang nandito, kaya may apat na sulat ka rin galing kay H-R-H-P-M?"
Ilang sandali ko itong pinag-isipan.
His Royal Highness, Prince Mirev.
And I have been gone for four days...
"Ang sabi rito sa unang sulat— teka lang. Kunin ko muna 'yong mga salamin ko. English kasi."
Hinintay ko siyang bumalik at nang muli siyang nagparinig, "Ang sabi rito sa unang sulat—" Tumikhim siya. "Elaire, I know you are alive. I do not hear your voice from the birds. I do not know what happened to you, truly. I write this to you expecting a response."
Hindi niya ba nakita 'yong dami ng iniwan kong dugo? At sa tingin niya talaga makakasagot ako sa mga sulat niya?
"Tapos, yong pangalawang sulat, ang sabi— Elaire, I write this to you expecting a response. 'Yon lang. Hmm." I heard Mama's clothes rustle, na parang kumibit-balikat siya. "Inulit lang niya."
Pagkatapos, nagbukas na naman siya ng papel.
"Ang laman ng ikatlong sulat ay—" Umubo-ubo muna siya. "Elaire, you can be apart from me but you cannot cease to exist. I have consulted another spellcaster. We can break the bond right now." Sandaling natahimik si Mama dahil sa nabasa, bago nakapagpatuloy, "All it requires is for you to come back."
"Elle?!" Bigla siyang sumigaw. "May mate ka?! Itong si HRHPM?!"
Mabuti nalang at literal akong hindi makasagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Ay, oo nga pala." Naalala niyang hindi pa ako makapagsalita. "Naku, ikaw bata ka, palagi mo talaga akong ginugulat. Alam mo bang muntik na akong atakihin no'ng makita kita sa may lawa? Lalo na no'ng nakilala kita!"
At pagkaraan ng ilang segundo ng katahimikan, narinig ko ang muling pagkaluskos ng papel.
"Eto, 'yong huling sulat, ang sabi..." A pause. "Elaire, stop taking my letters and just write back to me. Even better, show yourself." Humagikgik si Mama. "Hindi niya alam na ako 'yong kumukuha ng mga sulat."
Mama left me afterwards, and I got to hear her cook, walk, and do her activities for the rest of the day. While I... I did absolutely nothing but lie down, and breathe, and think while listening to her. I was a conscious vampire in a vegetable body.
The next day, my fifth day, nagising ako sa mahinang dapo ng palad sa aking pisngi.
"Magandang umaga, anak, mukhang pwede na nating tanggalin 'yong bandage ng ulo mo."
Finally. It wasn't much. But finally! Light slowly introduced itself to me, habang niluluwag ni Mama ang bandage na nakapalipot sa aking ulo. And then, I can see. Nakahiga pa rin ako ngunit nahahagilap ko na si Mama at kaunting parte ng kanyang kubo.
Gawa sa mga troso ang mga pader nito, at 'yong bubong ay gawa sa dayami. Nasa isang dulo ako ng kubo, ayon sa pader na katabi ko, at magsasalita na sana ako nang bigla akong napangiwi sa sakit, na parang umapoy ang hapdi sa aking lalamunan.
"Ulo mo pa lang 'yong okay na, Elle," ani Mama, nagpapaumanhin ang tono. "Hindi pa naghihilom 'yong katawan mo, pati leeg."
I looked at her weakly, and then, slowly curved my lips to answer with a small grateful smile.
Nginitian niya rin ako at maingat na hinawakan ang aking mukha. "Aalis muna ako para atupagin 'yong panaderya. Babalik ako mamayang gabi, okay lang ba sa'yo? Na mag-isa ka muna rito?"
Ang kagustuhan kong tumango ay naging kalog lang ng aking ulo dahil hindi ko ito nagawa nang maayos. Fortunately though, she understood, and before she went out, she left me with a music box. Para daw may pakinggan ako at hindi ako mabagot.
I am not sure if the music box was magical, but the music certainly was. The music was soft and gentle, like the twinkling of tiny bells. Its melody was comforting at habang nagtagal ang pakikinig ko rito, unti-unti akong dinapuan ng antok.
"Elle?"
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita si Mama. Naglibot-libot ang aking paningin at nalamang buong araw akong natulog at gabi na.
Ipinakita niya sa'kin ang isang rosas sa kamay niya. "May sulat na naman galing sa mate mo." Nakangiti niyang tinanggal ang papel na nakatali rito at imbes na basahin ay itinapat niya ito sa'kin.
'Elaire, are you wounded? Are you hurt? Leave something for me. It does not have to be a letter. Leave a flower. A stone. A strand of your hair. Anything that tells me you are fine. –HRHPM'
"Mmm." I managed to hum.
"Anong gusto mong gawin?" ani Mama. "May gusto ka bang iwan para sa kanya? Ako na maglalagay."
I didn't do anything. I didn't nod or shake. I just stared at her. And to my relief, she has come to understand every second of my silence.
No. Ang gusto kong iparating. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ng prinsipe kapag nalaman niyang buhay ako. At ayoko rin ng istorbo. Lalo na't kailangan ko ang pahingang ito.
Unsurprisingly, ikinagalit ito ng prinsipe. 'Yong kasunod kasing mensahe kinabukasan ay, 'Elaire, write a response. Leave anything. This is an order. –HRHPM'
Pinaningkitan ko ang sulat na ipinakita ni Mama. He has resorted to ordering me now. Asserting dominance. Not that I cared. I was busy recovering.
On my seventh day, his message was a reminder, saying, 'Elaire, it has been a week –HRHPM'
The next day, he got annoyed.
'Elaire, this is getting ridiculous. –HRHPM.'
Followed by a long message telling me how mad he was at me.
'Elaire, you are reducing me into an animal. A lone wolf. A limb without its pair. Not responding is beneath you. Lower that goddamn pride of yours and come back. Come fill your corner in my study once again. Come glare at me emptily. Come threaten me if you are mad at me as I am currently to you. –HRHPM.'
Ba't ba iniisip niya agad na galit ako sa kanya? Galit ako sa kanya, oo, pero ang babaw naman siguro kung ito ang dahilan kaya hindi pa ako umuuwi sa palasyo. I am reducing him to an animal? He's reducing me into someone shallow!
Maingay akong napabuntong-hininga pagkatapos basahin 'yong mensahe niya. Umasa akong ito na ang magiging huli. Seeing as though he is mad at me, I suppose I should not be expecting anymore roses and letters from him.
I was wrong.
'Elaire, have you been sleeping? I have searched for your dream in my realm but found no trace of you. Do you sleep but not dream? –HRHPM'
Binigyan ko ng nagtatakang tingin ang pang-sampung sulat na ibinilin niya.
Why is he acting concerned now? Kahapon lang pinagalitan niya ako. Nabaliw na ba siya?
'Elaire, The court has asked me to find your replacement. I objected. –HRHPM'
Nabaliw na nga siya, kumpirma ko pagkatapos mabasa ang sulat niya sa sumunod na araw. Because why else would he object a suggestion of the court? Dati ko na ring tinanggap na posibleng wala na akong trabahong mauuwian sa palasyo. It is my eleventh day away from the palace.
Di bale na. Ang mahalaga maubos ko ang mga gamot na pinapainom sa'kin ni Mama. Instead of eating, I have been drinking blood with medicine. And I have yet to ask what kind of medicine she was giving me, kapag nakakapagsalita na ako.
"Elle, ayaw mo bang magpadala ng sulat para sa kanya?" tanong ni Mama. She was grinding herbs in a stone pot. "Kawawa naman kasi 'yong mate mong araw-araw na pinaghahanap ka."
"He is not my mate."
And would you look at that. Nang dahil sa inis ko para sa prinsipe, nagkaboses na ako. Isa na namang milagro ang hinatid niya sa buhay ko, at ayaw ko na nito.
"We've agreed to cut our ties."
Mahina akong tinawanan ni Mama. "Baka ikaw lang ang may gustong putulin 'yong ugnayan ninyo, Elle?" aniya. "Damang-dama ko kasi ang alala sa mga sulat niya. Pinapabalik ka na, 'di ba? Pinapauwi?"
I didn't answer.
On my twelfth day, nakakaupo na ako. Nakakakain na rin. Minasdan ko si Mama na maingat akong sinusubuan ng dinuguang lugaw.
Mama...
"Ano ba talagang nangyari sa'yo?" usisa niya.
Lumunok ako bago sumagot. "I got killed by a..." Naghanap ako ng salitang pwedeng magamit. "A co-worker."
"Tsk. Tsk. Tsk." Patuloy siya sa pagpakain sa'kin. "Eh di ibig sabihin, hindi naging mabuti sa'yo 'yong mga taga-palasyo?"
"Some treat me well, while some don't." Like any other workplace. "Mama, how about you? How did you bring me back to life? Sigurado akong namatay na ako sa gabing 'yon. Are you a healer? A spellcaster?"
"Hindi ka namatay, Elle." Pinunasan niya ang aking labi. "Tumitibok pa 'yong puso mo nang matagpuan kita. Sobrang bagal nga lang, sobrang hina. Pero lumalaban pa naman, katulad mo."
"What did I look like?" tanong ko.
She chuckled. "Durog na durog 'yong katawan mo. Nagkabali-bali ang mga buto. Nagkapunit-punit ang kalamnan. Kaya nga akala ko inatake ka ng lyrebirds, pero nakita ko 'yong saksak mo sa dibdib..."
Napansin ko ang pagkinang ng kanyang mga mata dahil nagsimula itong mamasa.
"Elle..." mahina niyang sambit. "Ano bang iniisip mo no'ng akala mo mamamatay ka na?"
Kumunot ang aking noo. "Wala." Napansin ko lang ang pagtigil ng panahon kaya akala ko 'yon na 'yong huli kong sandali.
Bumuntong-hininga siya. "Wala kang naramdaman? Hindi ka nagsisi? Hindi ka natakot? Hindi ka sumaya? Wala kang nakitang mga ala-ala?"
Napakisap-kisap ako. "No. None."
"Nakakalungkot naman," puna niya na ipinagtaka ko.
She wiped my mouth clean and stood on her feet carrying the empty bowl. I did not know how to ask her, kung bakit nasabi niya 'yon kaya sinundan ko lang siya ng tingin at buong araw itong pinag-isipan, hanggang sa ipabasa niya sa'kin ang bagong sulat ng prinsipe.
'Elaire, Anselm has sent me a letter from Eldorin. He has admitted. I know the truth, now. You do not have to hide anymore. The palace has wronged you. I failed to protect you. Come back. –HRHPM.'
Kinabukasan, nasa kubo pa rin ako, at tinatanggal na ni Mama ang bandage ko sa itaas. I could move my upper body now, and the first thing that I did after wearing a blouse was reach out to embrace her.
"E-Elle?" Halatang ikinagulat ni Mama ang ginawa ko.
"Thank you..." bulong ko.
She rubbed my back and we stayed still for a couple of seconds until my stomach growled, meaning that my upper body, including my stomach, has resumed working. The parts of my body left paralyzed and still regenerating were my lower limbs.
Nakaupo ako sa higaan, kumakain, nang ibigay ni Mama sa'kin ang iniwan na namang sulat ng prinsipe.
'Elaire, I can only assume that you are not returning to the royal palace because of me. –Mirev.'
Hinagod-hagod ko ang papel habang nakatitig dito.
Mirev. He used his name without his title. And I was right. He's assuming that I am not returning because of him. Ibig sabihin...
A satisfied grin formed on my lips.
He is blaming himself. Inilukot ko ang papel at itinabi ito. He is not worried anymore. Nalulungkot na siya dahil sa'kin.
I too, blamed myself, no'ng hindi niya ipinaglaban ang ugnayan namin. No'ng hindi niya ito ipinilit. 'Yon lang naman kasi ang gusto kong mangyari. Kaya umasa ako no'ng una. Pero hindi niya ito ginawa. He was a coward— well, ako rin naman. But that night, I was the one who only suffered. Ako lang ang umiyak at siya pa nga 'yong nang-iwan.
Yumugyog ang aking dibdib nang magbantang mamuo ang isang nakaganting halakhak.
"Anong nginingiti mo d'yan?"
Hindi natuloy ang aking tawa. Mabilis na nabura ang aking ngiti at binalewala ko ang napansin ni Mama sabay pulot ng aking plato at kutsara para ipagpatuloy ang aking pag-kain.
The next day marked my second week away from the palace.
'Elaire, it has been two weeks. The spellcaster has sent a raven. He will come tomorrow. We can officially break the bond. Let me see you one last time. –Mirev'
Sinulyapan ko ang aking balakang at mga binti na nabalot pa rin sa bandage. May mga bahid pa nga ito ng dugo dahil sa mga sugat kong hindi pa sumasara.
What does he want me to do? Crawl to the palace?
The next day...
'Elaire, why have you not come? I take it that you do not mean to break the bond? –Mirev'
And then the next...
'Elaire, there is a right way to break the bond and it is not disappearing. –Mirev.'
Followed by...
'Elaire, I am in no mood for this silent game you are playing. –Mirev'
"Galit na naman siya," sabi ko kay Mama na kapapasok lang sa kubo pagkatapos mamitas ng mga halamang gamot. Ibinaba niya ang bitbit niyang basket sa mesa.
"Elle," natatawa niyang sambit. "Padalhan mo na kasi ng sulat." Sinuri niya ang mga halaman. "Sige na, kung may gusto ka mang sabihin sa kanya, isulat mo. Ako na ang maghahatid."
My eyes slowly drifted to the vase of roses standing by the door.
"No," maikli kong sagot.
The next day, the prince tried to bargain with me.
'Elaire, I have put a hefty bounty on Anselm's head for you. –Mirev.'
"So?" bulong ko bago ito itabi.
It was his message on my nineteenth day that got me staring at the paper again.
'Elaire, please tell me you are alive. Your scent in my study is fading and so is my hope. –Mirev.'
Napabuntong-hininga ako sabay sandal ng aking likuran sa pader. I rubbed the paper with my thumb, contemplating, hesitating, if I should send a letter back.
I guess one letter will not hurt, napaisip ako. Just to let him know that I am fine.
Pero nagbago ang desisyon ko kinabukasan pagkatapos basahin ang sumunod na sulat.
'Elaire, I refuse to believe you are dead. I urge you to come back at the palace. Everyone is looking for you. Saffron misses you. –Mirev.'
Umangat ang aking magkabilang kilay sa pagkamangha. Ano ba talaga ang nararamdaman niya? Kahapon kasi sabi niya nawawalan na siya ng pag-asa, ngayon...
Napailing ako at nilukot 'yong papel. Pagkatapos, kusang gumalaw ang kamay ko upang kunin ang rosas na kasama ng sulat at maingat ko itong inamoy— mabilis ko itong hinagis palayo sa'kin.
Since when have I sniffed the roses he has sent?
"Elle!" Pinulot ni Mama ang bulaklak. "Huwag mo namang itapon!"
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Sorry, Ma..."
Minasdan ko siyang inilagay ito sa vase kasama 'yong iba. "Mamahalin siguro to, ano?" aniya. "Halata naman kasi... mayaman ba 'yong mate mo, Elle?"
Nanliit ang aking mga mata. "You didn't read his letters?"
Tumayo siya sabay lingon sa'kin. "Kailangan ko bang basahin ulit?"
Umiling ako. "No." Patuloy akong umiling. "No, you don't have to."
Kumibit-balikat siya at tumungo sa niluluto niyang gamot. Lumalamang ang amoy nito sa bango ng mga tinapay na pinapainit niya. With my back leaning against the wall, I watched her prepare medicine and food for me. At wala sa sarili akong napangiti, nang maalala kung ilang beses na niya akong niligtas— hindi lang ako, kundi si Misa rin.
"Mama, napasalamatan na ba kita?" tanong ko.
Marahan siyang tumawa. "Simula nang magising ka, Elle."
My smile tightened. "Thank you, still."
"Panay na ang pagngiti mo ngayon..." sabi niya. "Habang 'yong soulmate mo..."
Kumisap-kisap ako sa kanya. Yes. That is exactly why I have been smiling.
The next day, Mama handed me another rose and a folded paper. "Mukhang mas mahaba-haba 'tong sulat na 'to. Mas malaki kasi 'yong papel."
Tinanggap ko ito at nang buksan—
'Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire...'
My eyes traced down towards the end of the paper.
'Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire. Elaire...'
"Hmm." He didn't even put his name. Just mine. All mine. Pinuno niya ang buong papel ng pangalan ko.
Bahagya akong napanguso. What does he mean by this? Is he mad again? Worried? Sad? Sa huli, napakibit ako ng mga balikat at kagaya ng iba, nilukot ko ito bago itabi.
As for the next letter, the prince finally had some words to say.
'Elaire, I have been staring at the night sky for so long, wondering if you are doing the same. I have realized last night that to me you are a star...'
Kumunot ang aking noo.
'A bright red and beautiful star. My eyes could see you. My soul could still feel you. But you are unreachable. No matter how far I extend my arm, my heart, I cannot grasp you...'
Unti-unting nanlambot ang aking mukha.
'Fall. Fall, my star. Fall back to me. That is my only wish. –Mirev.'
Tinapos ko ang kanyang sulat nang malakas na kumakabog ang aking dibdib. Humugot ako ng malalim na hininga at iniwas ang aking mga mata mula sa kanyang sulat, hindi alam kung anong gagawin.
Fall back to him?
Because of what he wrote, I spent the rest of the day thinking about it— thinking about him. Kung anong ibig niyang sabihin, kung anong gusto niyang iparating. Because I get it. Na gusto niya akong pabalikin sa palasyo.
But fall back to him?
The next evening, his letter was short, containing only news.
'Elaire, His Majesty is ill. I cannot anymore write to you as often. –Mirev.'
The next two days, I did not receive any more messages from him. Nakatanggap lang ulit ako ng sulat sa ikadalawampu't anim na araw ko rito sa kubo ni Mama.
'Elaire, come back. Come home. If you wish to break my heart, come do it at a closer distance. Stab me. –Mirev.'
Matagal-tagal akong tumitig dito, at ito pa rin ang tinitigan ko, nang wala akong natanggap na sulat kinabukasan.
"Elle..." sambit ni Mama, habang pinupunan ng mga dahon ang mga butas ko sa binti. "Hindi mo man lang ba naisip na baka may mas malaking dahilan kung bakit kayo ang itinakda para sa isa't isa?"
Dahan-dahang bumaba ang aking kamay na may hawak ng huling sulat ng prinsipe.
"What do you mean?" tanong ko.
"Ano ba sa tingin mo ang soulmates bond?" aniya. "Tsansa-tsansa lang? Dahil nagkataon na kayo ang unang minahal ng isa't isa?"
Nag-abot ang aking kilay.
"Elle, walang kinikilalang pagkakataon ang tadhana. Lahat ay may dahilan. Lahat, ay sadya." Marahan niyang pinahiran ng gamot ang mga hiwa sa aking balat. "Imbes na tanggihin 'yong ugnayan ninyo, paano kung subukan mong alamin ang dahilan sa likod nito?"
"Ma..." May naalala ako. "Having a mate is a weakness I cannot afford to have—"
"Kasinungalingan."
Tuluyan na nga akong napatigil sa kanyang sinabi.
"Elle, alam mong hindi ka takot manghina," aniya. "Kaya huwag kang magsinungaling sa sarili mo."
Hinintay ko ang paliwanag nito.
"'Yong desisyon mong putulin ang ugnayan ninyo ay hindi dahil natatakot ka," mariin niyang sabi, tila gusto akong gisingin. "Dulot ito sa paniniwala mong nararapat kang masaktan."
Nanghihina akong napakisap. "H-Huh?"
"Ang totoo n'yan ay masaya ka," dagdag niya. "Dahil nalaman mong hindi ka itinadhanang mapag-isa at may nakatakdang mahalin ka, hindi ba?" Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "Hindi ba't masaya ka?"
Lumihis ang aking mga mata mula sa kanya at bumaba sa sugat kong pinagpatungan niya ng gamot.
"Pero sa halip na maging masaya, sinasaktan mo ang sarili mo, Elle, at hindi kita masisisi dahil buong buhay mo, nasaktan ka lang, kaya inaako mo ito kahit hindi naman kailangan..."
Sinimulan niya ang muling pagbalot ng aking mga binti. "Hindi makasarili ang pagdama ng kaligayahan, Elle..." sabi niya. "At piliin mo rin ito minsan, dahil hindi nakalaan ang buhay sa paulit-ulit na sakit, Elle, maging masaya ka rin..."
Bumaling ang aking atensyon sa mensahe sa aking kamay.
'Come back. Come home. If you wish to break my heart, come do it at a closer distance. Stab me.'
Buong gabi kong pinag-isipan ni Mama. The thing is, I did not want to think about it, but I was left with no choice because I was still bedridden. Wala rin akong natanggap na sulat sa sumunod na araw. With nothing to do, I found myself straightening every message from the prince that I crumpled.
Ang sabi ni Mama, mali daw ang pinagtuunan ko ng aking alala. I should not be worried about having a mate, but rather, the reason why I have it— why I have him.
Why? tanong ko sa mga sulat. Why, you?
The next day, the prince sent me another reminder of how long we have been apart...
'Elaire, it is almost a month. I cannot help it...'
And how he feels...
'This silence and separation is breaking me. Tearing my soul. –Mirev.'
And then...
'Elaire, His Majesty has died from a broken heart, but before he passed, he dreamed. I shared his dream with my siblings and we were able to say our last goodbye. We saw him walk away to meet our mother. I believe they are together now. Mom and Dad. They seemed happy. –Mirev.'
Sinulyapan ko si Mama na nakasuot ng itim na bestida at nakaupo sa harap ng kanyang niluluto. Nagtaka ako kung bakit wala pa ngang tanghali ay umuwi na siya. 'Yon pala, binalitang patay na ang hari. Every store and establishment in the kingdom is required to close on the day of a royal's death and every banner must be changed into a black flag.
Malayo man sa lungsod, dama ko pa rin ang pagtigil ng daloy ng panahon sa Irvina. There were no birds. No rustling of leaves. Around me, there was only silence. A heavy silence.
Prince Mirev... he told me that his parents seemed happy... but what about him?
Akala ko wala akong matatanggap na sulat kinabukasan, kaya laging gulat ko nang abutan ako ni Mama ng papel.
Binuksan ko ito.
'Elaire, my darling sword, you are the only one who can fill this void.'
Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa aking labi.
"Mama." Lumingon ako sa kanya. "When can I go back?"
Matagal-tagal niya akong tinitigan. "Gusto mong bumalik? Sa palasyo?"
Matagal-tagal din akong napaisip dito. Gusto ko nga bang bumalik sa palasyo?
Gently chewing on my bottom lip, I looked down at the paper in my hand. I stared at it, and now only noticed that the prince forgot to put his name. If there is anything that the prince can forget, it is never his name.
"He is hurting..." sabi ko kay Mama.
Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Sa makalawa, Elle, pwede ka nang umuwi."
The day after, the prince did not send a letter. But it did not matter. I was going back to the palace, anyway. I spent the whole day learning how to clean my wounds and make sure they don't leave scars.
On the morning of the next day, I learned how to walk again.
Nagtawanan kami ni Mama nang mapakapit ako sa kanya dahil sinubukan kong maglakad nang ako lang. My legs are fine. A bit bruised and a bit green from the medicine, but they're still strong enough to carry my weight, kahit isang buwan ko itong hindi nagamit.
"Ano ba 'yan, para akong bata," natutuwa kong puna habang inaalalayan niya ako palabas ng kubo.
"Elle, parang kailan lang hindi ka pa nakakalakad—"
"Ma!" pigil ko sa panunukso niya. "Wait—" Huminto ako nang makaapak ako sa lupa. "I think I got it."
"Sigurado ka na ba?"
Tumango-tango ako.
Maingat niya akong pinakawalan. "Oh, dahan-dahan..." Nang tuluyan na nga niya akong binitawan, tinawanan niya ako dahil hindi ako makagalaw mula sa mala-kuba kong postura. Nakabuka pa nga 'yong mga braso ko.
"Ma," nagtatampo kong sambit. "Binabalanse ko pa lang 'yong sarili ko."
"Maglakad ka na," nananabik niyang tugon.
"I am!" Pero kinakabahan akong mangudngod. "I am trying!"
Inangat ko ang aking aking kaliwang paa at—
Malakas akong napabuntong hininga nang matukod ko ito.
"Galing," puna ni Mama.
A chuckle escaped from my lips as I took another step. Followed by another. Then another.
"Galing talaga!" Pinalakpakan ako ni Mama at kasingliwanag ng aking ngiti ang araw na sumilay sa kagalingan kong ito. God. I really still am a child— I feel like one.
"Subukan mong tumakbo," ani Mama.
Natawa ako at binilisan ang aking mga hakbang, hanggang sa tumakbo ako, paikot sa kanya, at sa kubo, pasalubong sa simoy ng hangin. It took me a couple of turns, before I stopped my feet right in front of her, catching my breath, wearing a triumphant grin.
"Mmm." Nginitian niya ako pabalik. "Handa ka nang bumalik sa kanya."
Sandali ko itong ipinagtaka. "Hmm?"
"Elle, tandaan mo kung anong sinabi ko sa'yo," tugon niya. "At mas lalo mong tandaan ang nararamdaman mo ngayon."
Inilibot ko ang aking paningin sa aliwalas ng kapaligiran namin. Somehow, this part of the Echoing Forest was brighter...
"I will," sagot ko nang muli siyang harapin.
"Hindi ka na takot?" she followed up.
Umiling ako.
"It's what you said," sagot ko. "I wasn't scared. I just chose to hurt myself."
A soft smile curved her lips. "Mabuti naman," puna niya. "May spell ka ba para makabalik sa palasyo?"
I nodded. And she bowed her head, once, as a signal that I can leave. But before I could, hinila ko siya at niyakap. Mahigpit na niyakap.
"Thank you, Ma," bulong ko. For being the mother I never had.
Tinapik-tapik niya ang aking likod at hinintay akong bumitaw sa kanya. Nang magawa ko ito, binigyan ko siya ng isang nagpapasalamat na ngiti.
Pagkatapos, "Appareo," I summoned a magic circle a meter in front of her. Dumako ako sa gitna nito at nanatiling nakatingin kay Mama na kinawayan ako.
"Per sanguinem meum, aperio hunc portam." I began to chant the transportation spell. "Per sanguinem meum, tenebrae sun aeternae..." The circle glowed brighter than usual. As if it has sensed that something has changed in me. Something has brightened. "Per sanguinem meum, viam facio. Per sanguinem meum, tenebrae mihi aperiuntur."
The circle glowed brighter until, for a moment, I saw nothing but white. Sa sandaling muling bumalik ang aking paningin, unti-unting nabura ang aking ngiti, nang makita ang malaking lyrebird sa gitna ng pugad.
I looked around and found myself by the lake, right where I was killed.
And then... just then... I remembered...
'Lyrebirds have queens,' Gideon once said. 'Birds larger than the others. They have the ability to not just mimic a voice, a face, a place... but also, resurrect.'
Palihim akong napasinghap.
'A queen could only resurrect one life, in exchange of her own...'
"No..." Hindi ko makapaniwalang tinignan ang lyrebird na dahan-dahang ibinaba ang kanyang katawan sa gitna ng pugad. "You did not..."
Slowly, she curled her neck and cushioned her head on her own body, her own feathers.
A queen... I gently bowed, and as I straightened my back, she closed her eyes to sleep.
Kasunod kong pinulot ang rosas sa aking paanan na napansin ko sa aking pagyuko. After giving the queen bird one final glance, I opened the roll of paper tied around the stem of the rose.
It only contained a single word from the prince.
'Beloved.'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro