Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 | Bound

Emnestra's POV

Pinihit-pihit ko sa aking kamay ang isang nalantang rosas habang nakamasid sa lawak ng aming kaharian. Maliwanag ang tanawing nakatumbad sa'kin dahil malinaw ang kalangitan sa itaas nito.

"Your Highness."

I turned to a stranger. A knight, according to his silver armor.

Dahan-dahan akong napaharap sa kanya. "And you are?"

Sandaling bumaba ang kanyang ulo at nang maiangat ito, sinalubong ko siya ng nangungusisang tingin.

"Your new heir's guard, Your Highness," sagot niya.

I've fought with a lot of soldiers while defending our borders, pero bakit hindi ko siya namumukhaan?

"I am—"

"Do not tell me your name," utos ko. "You're gonna die like the others, anyway."

Kumunot ang kanyang noo pero hindi naman ito gaanong nalukot, na para bang saglit lang siyang nagtaka. Nang tumuwid ang kanyang magkabilang kilay, sinulyapan niya ang rosas sa aking mga kamay kaya napatingin din ako rito.

"My condolences, Your Highness." Narinig kong sabi niya.

Just a week ago, mother died. Today's her funeral and this rose that I am holding is the last rose in her garden. Simula nang mawala siya, wala na ring nag-alaga ng hardin niya. I tried to save this last flower, but I couldn't. Huli na ako. Namimigat na ang tindig nito nang mahanap ko.

I was the first to leave her funeral. Hindi na rin ako sumama sa prosesyon para ihatid siya sa kanyang huling hantungan. Hindi kasi ako sigurado kung makakayanan ko ba ito. This kingdom that my mother died for must not see their heir weak and crying.

"Spare me your pity." Nginitian ko ang bagong heir's guard. "Hindi dapat ako kaawaan sa panahong 'to."

Dahil nasa kalagitnaan kami ng isang digmaang walang-tigil at walang hantungan. Hindi awa ang kailangan ko mula sa iba, kundi lakas, di bale nang—

"I've lost my father in the war, too." Binalikan niya ako ng ngiti. "Siya ang dahilan kung bakit naging sundalo ako." Hindi kagaya ko, hinayaan niyang dumapo ang lungkot sa kanyang mukha. "I suggest you mourn for the death of your mother, Your Highness. You are already burdened. Relieve at least a bit of it."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.

"And I do not pity you, at all." Marahan niya akong tinawanan. "I will never."

Nanghinala ako sa kanyang sinabi. "Why?"

Sa pangalawang pagkakataon, sinulyapan niya ang rosas sa aking kamay.

"Because a flower does not grow when it is constantly trampled, Your Highness," sagot niya. "A flower grows when it is nurtured."

Mula sa bulaklak, inangat ko ang aking tingin sa kanya, at saka lang siya nakita.

Totoong nakita.

'Yong mata niyang malalim na asul, at buhok niyang kasingkulay ng hatinggabi. Hindi siya maputi pagka't may ginto ang ilalim ng kanyang balat na maraming beses nang hinalikan ng araw. He was as young as me I think, and I may have judged him too early.

Tanned. Hunter eyes. A slightly crooked nose and a strong jaw. Clearly, he has a lot of experience in the battlefield. Nagpapatibay din ng napagtanto ko ang napansin kong sariwang gasgas sa kanyang labi.

"Did you just come from the borders?" usisa ko.

Ilang sandali siyang nagtaka bago natatawang napahawak sa kanyang labi. "This?"

Tumango ako. "Mmm."

Lowering his hand, he chuckled. "Oh, no. I got it in a fight with another soldier on my way here."

Bahagya akong napayuko at nagpigil ng ngiti. Nakakatawa naman kasing isipin na nagawa pa niyang makipag-away sa kapwa kawal niya habang seryosong nakatuon sa digmaan 'yong lahat.

"Your Highness."

Nakataas ang aking magkabilang kilay nang umangat ang aking ulo. "Hmm?"

"You don't recognize me, do you?"

Kinisap-kisapan ko lang siya, walang ideya.

Bahagyang gumilid ang kanyang ulo. "Fifty years ago?"

Dahan-dahang lumihis ang aking mga mata mula sa kanya, at patungo sa kawalan, pilit inaalala ang ibig niyang sabihin. Ngunit sa huli, napakagat nalang ako ng aking ibabang labi at nag-aalangang ibinalik ang aking tingin sa kanya.

"I guess you forgot." Nginitian niya ako. "Sa dinami-rami mo nang naligtas."

Humugot siya ng malalim na hininga at tinuwid ang kanyang tayo, tila muling ipinipresenta ang kanyang sarili sa'kin.

"I was the boy you saved from the Ashina forces that almost took over Asure."

Pinaningkitan ko siya, at ilang sandali pa'y napatigil.

"Oceanus?" sambit ko na ikinalapad ng kanyang ngiti. "Yong nakasama ko sa laban sa Asure?"

Nakakapit sa aking palda, patakbo akong lumapit sa kanya sabay hawak sa kanyang mukha. Inipit ng aking mga palad ang kanyang magkabilang pisngi habang pinihit-pihit ko ang kanyang ulo upang suriin ang kanyang hitsura.

"Oh my—" Nakatingala ako sa kanya nang hindi pa rin siya binibitawan. "Ikaw nga!"

"Aray," natatawa niyang sambit.

Suminghap ako nang pakawalan siya. "You've changed!" nananabik kong puna. "A lot!"

"Yes, clearly." Hinagod-hagod niya ang kanyang panga. "Since you didn't recognize me."

Lumiwanag ang aking mga mata. "Wait—" Muli akong napasinghap. "Ibig sabihin nito makakasama na kita sa susunod na mga laban ko?"

"Calm down, Your Highness." He sounded relieved, ngayong nakilala ko na siya. "I am here as your guard—"

Kinuha ko ang kamay niya at nagmartsa patungo sa armory. "Let's join the others at war!"

"Your Highness," sambit niya habang hatak-hatak ko. "I don't think that's a good idea. Today's your mother's funeral—"

"I will fight in honor of my mother!" anunsyo ko. "And my previous guard!" —na nakalimutan ko na ang pangalan. "Dinig ko nahihirapan 'yong kampo natin sa eastern borders. Let's help them!"

"Yeah, no."

Mahina akong napatili nang hatakin niya ako at walang kahirap-hirap akong isinabit sa kanyang balikat.

Napapatid-patid ako sa inis. "Oceanus! Ibaba mo'ko!" Hinataw-hataw ko ang likod niya at pilit kumawala pero humigpit pa nga ang kanyang pagpipigil sa'kin sabay ayos ng aking bigat sa kanyang balikat.

"Sorry, princess," aniya. "No fighting for you today."

"Help!" sigaw ko nang pumasok kami sa isa sa mga pasilyo sa loob ng palasyo. "I'm being kidnapped!"

"They won't listen to you."

Itinulak ko ang aking sarili paangat upang tignan ang mga sundalo at mga katulong na sinundan lang kami ng tingin. Pagkatapos ko silang paningkitan, sabay nilang iniwas ang kanilang mga ulo.

Did they just ignore their heiress' cry for help?!

Nauntog ang baga ko nang i-adjust ni Oceanus ang pagkakakarga sa'kin. "Ow!"

"Sorry."

Muling nauntog ang aking baga pero hindi na niya kasalanan ito dahil ito ang natamo ko pagkatapos akong padabog na humimlay sa kanyang balikat at hinayaan nalang siyang dalhin ako sa aking kwarto.

Defeated, nakatulala na lamang ako nang marinig ko ang pagtulak niya ng mga pinto.

Sa sandaling ibinaba niya ako sa sahig kumaripas ako ng takbo at makakalayo na sana kung hindi sa kamay niyang umabot sa'king braso at hinatak ako. Sinalo ako ng kanyang bisig at dahil nasa gilid ng aking beywang ang kanyang kamay, hindi ko naiwasang matawa sa kiliti.

"Teka!" natatawa kong pigil. "Nakikiliti ako— hahaha!"

Wait, no. Hindi pwedeng may makarinig sa'kin na tumatawa.

Pero kasi— "Hahaha!"

"What's this talk about you being cold?" aniya habang dinadala ako patungo sa higaan. "I don't remember you being cold and distant."

I snorted the laugh out of me. "Oceanus!"

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang ibagsak niya ako sa higaan. Sinama ko siya sa aking paghulog dahilan para mahiga ako sa kanyang ilalim.

Fifty years ago...

Humahangos akong nakangiti habang nakatingala sa kanya.

I met a wounded man, who was taking in his last breaths before I found him. He was the only one left among the villagers who fought for their land from invaders. It was quite funny actually. Akala ko kasi namatay na siya kaya pinalibutan ko ng mga bato 'yong katawan niya, para lang dumilat siya at matuwid na umupo mula sa sarili niyang libingan.

Natawa ako kasi parang siya 'yong Count Dracula na kinukuwento sa mga batang bampira. 'Yong bigla-bigla nalang umaangat mula sa isang kabaong.

Unti-unting nabura ang aking ngiti nang magtagal ang aking pagtitig sa kanya.

We took down the remaining enemy forces together...

Dumako ang aking mga mata sa kurba ng kanyang bibig.

We saved each other...

Umangat ang aking kamay upang hawakan ang kanyang mukha.

We knew each other in a way that others don't...

Dahan-dahan kong sinalubong ang kanyang paghilig.

We were inseparable, until my duty called for me...

Napahinga ako nang malalim nang magaang dumampi ang kanyang labi sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro