Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 | Prince of Dreams

Elaire's POV

Nagising ako sa tunog ng tumatakbong tubig, at higit sa lahat, sa umaalingasaw na amoy ng kanal.

Binuksan ko ang aking mga mata at hindi nga nagkamali ng kutob— I was in a dimly lit tunnel. Its cold, damp walls pressing in on all sides. I was, in the depths of the sewer.

One of my arms rested on the edge of a concrete ledge, almost touching the murky water. Hinila ko ito at maingat na tumukod sa semento hanggang sa maupo ako. I waited until my head stopped throbbing, then blinked away the haze that clouded my vision.

Nakakaduwal dito. I need to leave. Immediately.

Sa kabila ng pagod at kirot sa aking katawan, bumangon ako mula sa pagkakaupo, at tinaimtim ang irita para sa makapal kong palda na kinailangan ko pang angatin sa una kong hakbang.

"Appareo," I tried to summon a magic circle, to no avail. Isang kislap lang ang lumitaw sa paanan ko, palatandaan kung gaano kahina ang kasulukuyan kong kapangyarihan dahil kababalik pa lang ng malay ko.

Walking alone in the sewers, every step I took was accompanied by echoing waves. "Appareo," I summoned a magic circle again, only for a few sparks to ignite in front of me.

Nakakapit ang mga kamay sa gown, namamagod kong ipinagpatuloy ang pagtahak sa kahabaan ng madilim na lagusan. Marami akong napansin sa sarili habang naglalakad— napakadumi ng gown ko at kaya mabigat ito dahil basa ang dulo ng long skirt nito. Naaamoy ko rin ang natuyo kong dugo sa mukha at mayroon pa ngang mga hibla ng buhok ko na dumikit sa mga sugat ko. Maingat kong tinanggal ang mga ito, ngumingiwi sa hapdi.

Back there, at the palace, bago ako nahimatay, akala ko papatayin nila ako— na bubugbugin nila ang mukha ko hanggang sa madurog ito. But they didn't. Why?

My lungs ached when I sighed. Humawak ang aking braso malapit sa baga kong kumikirot. It wasn't much but holding my ribs did relieve the pain a bit.

"Elle!"

My ears perked at a familiar voice calling my name.

Lord Haste?

Sinubukan kong tuntunin kung saang direksyon ito galing. Nang mahirapan, sumagot ako, "I'm here—" Bahagya akong napabaluktot sa sakit nang subukan kong sumigaw. Every breath that followed hurt. Dahan-dahan akong napayuko, nakakapit sa aking baga. Padaskol akong dumako sa pader at sumandal dito.

Lumingon ako sa papalakas na yabag ng mga paa.

Out of the shadows, out of one of the tunnels of the sewers, biglang lumabas si Lord Haste.

"Nahanap ko na siya!" anunsyo niya at sandaling naglaho para lang lumitaw ulit sa harap ko. Lumukot ang kanyang mukha nang makita ng pangmalapitan ang hitsura ko. "Tatanungin sana kita kung okay ka lang ba pero— holy shit, Elle."

"Did something happen at the palace?" tanong ko.

"Yeah, right," sagot niya. "May mangyayari na sana sa'min ni Lady Cornelia."

"Lord Haste," nababagot kong sambit. "Seryoso ako."

Mahina siyang tumawa. "Ako rin naman, ah," aniya. "Thanks to you, hindi ko nauwi sa kwarto ko si Cornelia." He shrugged. "Pero naagapan naman namin ang balak ng immigrants na pasabugin ang Great Hall."

Ipinagtaka ko ito. "But I didn't do anything."

Muli niya akong tinawanan. "Nawala ka sa banquet, Elle, 'yan ang ginawa mo."

Mas lalo akong naguluhan.

Maingay siyang bumuntong-hininga. "Napansin ni Mirev ang pagkawala mo. Sinubukan ka niyang hanapin. Long story short, una niyang nahanap ang dumukot sa'yo at natuklasan niya ang plano nila. Longer story made shorter, nandito kami para ibalik ka sa kanya— I mean—" He chuckled. "Ibalik ka sa palasyo. You get me, right?"

"No, My Lord." Napakalabo mong kausap. "But I'd like to go back to the palace now."

Lord Haste leaned back to take a look at my hurting side. "Anong nangyari d'yan?"

My grip tightened around it when my lung ached again. "I..." Hindi ko sinadyang maunat ito. "I think I misplaced a rib..."

Binigyan niya ako ng nahihindik na tingin na iniling niya pabura.

"Haste."

Sabay kaming lumingon kay Lord Anselm na lumapit sa'min. He glanced at Lord Haste before he studied me. Kumunot ang kanyang noo pagkatapos makita ang lubhang natamo ng aking hitsura.

I just know I look like a complete mess, right now. Dahil sa mga reaksyon nila.

Lord Haste huffed a laugh. "Ano sa tingin mo? May mabubuhay pa ba sa mga 'yon?"

Smirking, Lord Anselm replied, "No."

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, walang maintindihan. Mabuti nalang at hindi nagtagal 'yong usapan nila. Lord Anselm chanted a spell, and brown roots broke through the cemented floor of the sewers. Tumubo ang mga ugat pataas at namuo ng isang portal na kasingtangkad niya.

Nanumbalik ang kanyang seryosong ekpresyon nang senyasan niya kami ni Lord Haste na mauna.

I stepped out of the sewers and into one of the corridors of King's Hall. Hinintay kong lumabas mula sa portal ang dalawang lords at sinundan sila, patungo sa isa sa mga silid.

Hindi ko alam kung anong klaseng silid ang pinasukan namin. It wasn't a bedroom or an office. It was unfurnished. Empty, except for a single fireplace. Nadatnan ko sa gitna ang prinsipe, nakaharap sa mga admirals at—

My eyes drifted down to the line of servants in front of the admirals. Nakaluhod sila, nakagapos at nakabusal ang mga bibig. I came from the sewer but they smelled worse than me because of their blood, sweat, and intense stench of fear.

"Elaire," Prince Mirev called. "Beside me."

I attempted to lower my head for the prince and admirals as a gesture of respect. But my muscles tensed, and a sharp pang shot through my neck. I gritted my teeth, nang hindi ako mapangiwi sa harap nila, and despite the discomfort, nagawa kong sundin ang tugon ng prinsipe at tumabi sa kanya.

"Your Highness," namamaos kong bati habang nakaharap sa kanya.

Hiding my pain in front of them turned out to be useless. Lalo na nang hawakan ng prinsipe ang aking mukha at napaurong ako, sabay pikit ng isang mata.

Hindi ako makatingala sa kanya pero nahagilap ko ang pagkibit ng isang sulok ng kanyang labi. Ibinaba niya ang kanyang kamay, at di kalauna'y nagtanong, "Which one?"

"Your Highness?" Anong ibig niyang sabihin?

"Which one did this to you?" mahinahon niyang pagtapos.

Napatuon ako sa mga bampirang nakaluhod, at saka lang napansin na bawat isa sa kanila'y pinalikuran ng isang admiral na nag-aabang ng utos.

Tumigil ang mga mata ko sa maid na sinundan ko palabas ng Great Hall. But she wasn't the one who hurt me, was she? I didn't get to see who really hit me, sa sobrang lakas nito.

"Which one?" pag-uulit ng prinsipe.

My lips pursed tight, pagkatapos magkasalubong ang tingin namin ng babae. Her eyes widened in silent panic, making me hesitate. "Your Highness—"

"Which one, Elle?" he finally demanded.

Hinatak ng admirals ang kanilang mga espada.

"Your Highness," giit ko. "I don't—"

"Alright." It was the second time he interrupted me. "Everyone, then."

Palihim akong napasinghap nang sabay na sinaksak ng admirals ang lalamunan ng bawat bampira sa harap nila. Sinabunutan nila ang mga ito bago tuluyang pugutan ng mga ulo.

Maingay na nagsibagsakan ang mga katawan at kasunod na itinapon ng admirals ang kanilang mga ulo sa lumalaking pudla ng dugo sa sahig.

Napaatras ako nang umabot ito sa paanan ko.

"Leave us," utos ng prinsipe.

Sinundan ko ng tingin ang admirals na lumabas ng silid kasama ang dalawang lords. The last one to leave was Lord Haste whose lips curved to a satisfied grin before closing the door.

Meanwhile, the distance between the prince and I was strained with unspoken words and unresolved emotions. Hindi pa rin nababasag ang katahimikan sa pagitan namin nang unti-unting pinuno ng amoy ng sariwang dugo ang buong silid, at kumapal ang umaaligid na lamig ng mga huling hininga.

Nakalihis pa rin ako sa prinsipe nang muli niyang hinawakan ang aking mukha upang ipaharap ako sa kanya, at ipatingala, sa mga mata niyang nilulubos ang mga sandaling nakatitig siya sa'kin.

Samantalang, natagpuan ko ang aking sarili na sumisisid sa lalim ng kanyang pagtingin, sa dilim nitong nambibihag.

"Why?" mahina kong buga.

Kumunot lang ang kanyang noo sa sandaling tumuon siya sa nakaawang kong bibig.

My heart started beating heavy and loud, when I realized the prince was hovering dangerously close to me. At tuluyan na nga akong napasinghap, nang dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mukha sa akin, tinatakpan ang distansya sa pagitan namin hanggang sa magkasalubong ang aming hininga.

I couldn't turn away from him. His hand that cupped the other side of my face made sure of it.

Hitching another breath, every hair on my body raised as the prince gently, carefully, wet the corner of my lips with the warmth of his tongue.

Umulap ang sensasyon sa aking katawan nang damhin ang paghimod niya sa hapdi ng mga galos ko. He licked me slow, and I almost fell weak, kung hindi sa braso niyang gumapang sa aking likod at marahan akong tinulak palapit sa kanya.

God stop me from catching his mouth with my own. Gusto ko ring matikman ang sarili kong dugo sa dila niya dahil sa mabagal niyang paglasap nito. He was enjoying me. Greedily enjoying me. Namumungay ko siyang sinulyapan at nakita siyang nakapikit nang hagkan ang pasa sa aking pisngi bago ito marahang dinilaan.

His hand that held my face moved back to gently grip my head— my head that started to raise towards the heavens when his mouth lowered to my jaw. Isang manginit-nginit na hininga ang kumawala mula sa aking bibig nang maalaga niyang sinipsip ang bawat gasgas sa aking panga.

Tumakbo ang kanyang palad sa aking buhok nang magsimulang bumaba ang kanyang bibig patungo sa gilid ng leeg ko. He traced my throbbing vein with fleeting kisses, only grazing it with the warmth of his lips, and his breath. Never piercing it with his teeth.

"Can I?" masinsinan niyang tanong.

"Yes," mahininga kong sagot. "Your Highness—"

He didn't let a moment pass when he broke through my skin, owning my blood flow completely while tightening his embrace around me.

Napabalikwas ako ng bangon habang nakahawak sa aking leeg. Humihingal, dinama ko rin ang aking mukha at nalamang wala na itong bakas ng mga sugat.

I was in my room, alone, and already dressed in my sleeping garments.

Kasunod akong napahawak sa dibdib kong patuloy pa ring kumakabog. Lumulutang ako sa gitna ng kaguluhan nang biglang may kumatok sa pinto.

My head snapped at Doris who entered my room, carrying a glass of water and a small plate of pills.

"Hello, Elle, how are you feeling?" Nilapitan niya ako. "Mabuti naman at gising ka na." Inabot niya sa'kin ang baso at platito. "We were worried that the healing elixir we had you drink while you were unconscious was not enough."

Pinulot ko ang gamot mula sa platito at nilunok ito kasabay ang tubig na inubos ko. Napatitig ako sa loob ng baso, naguguluhan pa rin kung anong nangyari, kaya napatanong na ako, "What happened?"

"It was the prince that brought you here." Tinakpan niya ang namuong ngiti sa kanyang labi. "Hindi rin namin alam kung ano talagang nangyari. Inutusan lang niya kami na bihisan ka at gamutin 'yong mga sugat mo."

"What time is it?" usisa ko.

"Five in the morning," aniya. "But His Highness said you can rest the whole day today since Prince Inouen will be coming over. He is on his way with Princess Feyren, I heard."

Kinuha ni Doris ang baso mula sa kamay ko. "I shall have servants bring you food—"

"Doris," sambit ko. "Hindi na kailangan." Napahugot ako ng malalim na hininga. "I can go out to the cafeteria and feed myself."

"Oh, hush," natatawa niyang giit. "Trabaho namin ang alagaan ang mga katulad mong buwis-buhay na pinagsisilbihan ang kaharian, Elle." Nginitian niya ako. "All you have to do right now is go back to sleep. And when you wake up, you must only rest and eat until you are fully recovered."

I guess I can, I considered. Buong araw nalang siguro akong mag-aaral ng spells na nasa libro ni King Oceanus...

Hinatid ko ng tingin si Doris palabas ng kwarto.

After a minute of contemplating, my hand ran back up to my neck again, inaalala kung alin ang totoo o panaginip lang sa mga nangyari kagabi.

His warmth. His bite. It was too good to be true that I was starting to doubt it happened, but I felt it, deep, and I still feel it lingering on my skin.

Mabigat na bumagsak ang aking likod sa higaan, hindi alam kung anong dapat maramdaman sa nangyari— o napanaginipan ko. Nababalisa akong bumuntong-hininga sabay pikit, nagtataka, hindi makapaniwala.

Something was seriously wrong with me. And why wouldn't I feel wrong? Nasa sulok na ako kung saan dapat kong harapin ang pilit kong tinatanggi simula pa no'ng una. Hindi ko gusto kung saan patungo itong iniisip ko pero kailangan, nang maintindihan ko na sa wakas ang sarili ko.

It all starts with the belief that vampires live reincarnated lives.

There is this chance, in one of your previous lives, na ikaw din ang unang minahal ng una mong minahal.

If you are the first true love of your first true love, then you will become each other's always. Thus, the term soulmates, two souls deeply intertwined dahil sila ang unang mahal ng isa't isa.

Napabuntong-hininga ako.

Buong akala ko'y kasali ako sa populasyon ng mga bampira na hindi pa nabigyan ng pagkakataong ito. Naniwala ako na wala pang nakatadhana para sa'kin, o kung meron man, baka sa ibang buhay pa kami magtatagpo, dahil napakalaki ng mundo.

Pero nagkamali ako...

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata habang nakatitig sa kisame.

Nagkamali akong isipin na basta-basta lang akong pwedeng maging merchant kapag dumating ang araw na may sarili nang buhay o pamilya si Misa.

Isang mapait na tawa ang kumawala mula sa aking bibig.

Kaya siguro pakiramdam ko hindi ako kabilang sa sarili kong buhay, sa sarili kong pinagdaanan, dahil may isa pa palang buhay na nakaugnay sa akin.

Unti-unting bumigat ang napagtanto ko sa aking dibdib.

I thought I was destined for a life of pain...

Kinisap ko palabas ang aking mga luha.

When all this time, I actually belonged to someone...

Tears begin to stream down my face, my heart relieved from the cruelty that hurt me. Because for half a century, I thought that I had no place in the world after being burned, violated, and beaten to death.

I was crying. Terribly. Nang mahinuha kong hindi pala ako itinadhanang mapag-isa.

Taimtim kong iniyak ang kaginhawaan mula sa ilang taong pagdurusa, at mahina akong napahikbi sa alala, kung katanggap-tanggap ba ako para sa kanya.

As scarred and dirtied that I was, I had a mate.

I had a— "Beloved," naluluha kong bulong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro