Chapter 20 | Day Off
Elaire's POV
Today's a full day training for the prince. Buong araw siyang nasa training grounds kasama ang mga admirals at mga sundalo. Ibig sabihin, hindi na niya kailangan ng guard dahil napalibutan na siya ng marami, kaya day off ko.
Malalim kong hininga ang aliwalas ng hangin sa labas ng palasyo at dinamdam ang init ng umagang araw na magaang dumapo sa aking balat. Pagkatapos, itinaas ko ang libro ni King Oceanus na binasa ko habang naglalakad papunta sa pamilihan.
As usual, Lumien's market was bustling. Amidst the crowd of vampires, I put the book inside my leather satchel and began looking for Leon's floral stall. Strangers overwhelmed my sight until I reached the market's herbs and flowers section. Sa wakas ay nakakita na ako ng pamilyar na mukha— si Leon, na kaaabot lang ng tatlong maliliit na bouquets sa isang babaeng customer.
"Salamat," sabi niya nang suklian ang bampira. Umalis ito at saka lang ako napansin ni Leon.
"Elle!" masigla niyang bati. Pumasok siya sa loob ng stall at binuksan ang pinto sa gilid nito. "Halika," aya niya. "Akala ko matatagalan pa ang pagpunta mo rito. Balita ko kasi may malaking okasyon na pinaghahandaan ang palasyo."
Stepping inside the small wooden stall, different fragrances and a few floating mist quickly surrounded me. Habang tinatanggal ang maitim na kapa mula sa aking leeg, inilibot ko ang aking tingin sa buong kalooban ng stall. There were flowers of different colors. Some looked normal while some were glowing. May iba ring nagpapakawala sa hangin ng makukulay na mga polen.
Isinabit ko ang kapa sa sandalan ng isang upuan. Ibinaba ko rin dito ang shoulder bag ko bago dumako sa harap ng isang kahon ng potions. "You made these?" Kumuha ako ng isa upang suriin ang kulay at kalidad nito. "Enchanted perfumes?"
"Oo," nagagalak na sagot ni Leon. "Ano sa tingin mo?"
I held the bottle under my nose and carefully sniffed it. Ilang sandali kong sinusi ito sa aking isipan, bago ibalik sa kahon. "Do we have spray bottles for these?"
"Hindi pa ako nakabili kasi hinintay ko 'yong opinyon mo," ani Leon. "Kung mabebenta ba natin ito..."
Nilingon ko si Leon. "Bumili na tayo," kumpirma ko na ikinaliwanag ng kanyang buong mukha.
I spent the next hours smelling, investigating the quality, and testing products. May isinantabi akong iilang mga produkto na hindi ko gaanong naintindihan o nagustuhan. At paminsan-minsa'y napapamasid ako kay Leon na siyang nagtitinda. Pinanood ko kung paano niya kausapin ang mga mamimili at patagong napangiti dahil hindi lang mga produkto ang nakukuha ng customers mula sa kanya. He used his knowledge to provide the buyers with suggestions and information about the flowers and products.
He's a good businessman, puna ko. Alam na alam niya ang kanyang tinitinda. Walang tanong ang mga mamimili na hindi niya kayang sagutin.
Habang nagbabalot si Leon ng mga bulaklak para sa isang customer, bumukas ang pinto at pumasok sa stall ang isang lalaki na nakasuot ng puting Militia uniform, nakasabit sa kanyang braso ang isang basket na puno ng matitingkad na mga halaman.
"Sylus?" sambit ko.
Sylus' pale pink eyes brightened as he closed the door. "Morning, Elle." Lowering the basket beside some flowers, he smiled at me. "Thought you'd be busy."
Umangat ang aking tingin nang tumayo siya. "I found time." Gumilid ang aking ulo nang mapansing mas lalong lumiwanag ang mga katangian ni Sylus dahil sa mga bulaklak na nakapalibot sa kanya. "Aren't you supposed to be studying?"
"I'm on a study break," sabi niya. "We're practicing for the new Halzenian king's visit."
"Why are you here?" tanong ko.
"Oh." He chuckled. "I was strolling around the market last week when I found Leon. I recognized him immediately..." Nilingon niya ang matandang lalaki na nagtatanggal ng tali ng mga bulaklak. "But he unfortunately didn't." Marahan siyang tumawa. "I've been helping the shop since."
Malapad na nakangiti si Mang Leon nang sumagot, "Mabilis din naman kitang nakilala pero matagal akong nag-isip kung tama ba ang pagkakilala ko sa'yo. Magkamukha kayo ni Evelyn pero nagbago ka rin kasi simula nang huli kitang nakita."
"Right." Natatawang di-naniniwala si Sylus.
Ibinaba ko sa kahon ang huling potion na sinuri ko at saka tumayo. "Is there anything else I can help with?"
With the sun shining down on the stall, I found myself learning how to arrange flowers with Sylus. Nakatayo kami sa likod ng counter kasama si Mang Leon na tinuturuan kami. Naubos na raw kasi lahat ng display niya kaya sa kasalukuyan ay tumutulong kami sa paggawa ng bago.
"That looks ugly, Elle," puna ni Sylus.
"I have a box. You have a piece of paper," I said, referring to our different containers.
"Sylus, ayusin mo 'yong pagtupi ng dulo," tugon ni Mang Leon. "Ikaw naman, Elle, iangat mo 'yong kahon at tignan mo mula sa gilid. Hindi magkapantay ang tangkad ng mga bulaklak, 'di ba?"
Sinunod ko ang sinabi niya at nakita nga ang inasahan.
"Excuse me."
Sabay kaming napatingin sa dalawang babae na nakangiti sa harapan ng stall.
"How much for a bouquet?" One of them inquired, at dinuro ang bouquet ni Sylus. "That one?"
Sylus gently laughed. "I don't think this one's worth a coin, yet," sagot niya. "It's my first arrangement."
Sabay na suminghap ang mga babae at dali-daling lumapit sa bouquet niya, kumikinang ang mga matang tumingala sa kanya.
"I'll take it," sabi ng babae. "Kahit magkano."
"Pwede mo rin ba akong gawan ng bouquet?" tugon naman ng isa.
Nagpalitan kami ng tingin ni Mang Leon at pagkalipas ng ilang minuto...
Mahinahong ibinaba ni Mang Leon ang paper cup sa mesa na pinagitnaan naming dalawa. Kumuha rin siya ng isang donut. "Mukhang mapapasarado ako nang maaga nito," puna niya. "Kita mo naman, malapit nang maubos..."
Tumango-tango ako habang sinisipsip ang take-out coffee ko.
Behind the counter, Sylus was stressed and occupied with customers gathering to buy flowers from him. Most of them, women.
"Can I ask the ladies at the back to move a bit?" I heard him ask. "Or we'll cause traffic."
At nagdulot ito ng kaguluhan.
"Ano bang gusto mong pananghalian, Elle?" tanong ni Mang Leon sa kabila ng ingay sa harap ng kanyang tindahan. "Pwede ulit tayong mag-take out."
•••
"Kamusta na ba si Misa?" tanong ni Mama habang binabalot ang mga tinapay na pinamili ko. Dalawang malalaking paper bags ito dahil balak kong mamigay sa staff ng Hall of Secrets— sina Doris, Chef Lam, at saka 'yong kitchenmaids.
"She's fine," sagot ko. "She's enjoying, actually."
A relieved smile curved on her lips. "Mabuti naman," aniya. "Ikaw ba?"
Inilabas ko ang aking supot ng mga barya upang ihanda ang bayad. "I'm fine." Hinahalungkat ko ito habang nagbibilang.
"Balita ko bibisita ang bagong hari ng Halzen."
"Mmm." Pinangkat-pangkat ko ang paglagay ng mga barya sa counter. "The palace is preparing."
Kinuha ito ni Mama. "Mababait ba ang mga taga-palasyo sa'yo?"
Sumayad ang aking tingin sa mga tinapay sa loob ng bags. "Mmm."
Pagkatapos kong sabihin kay Mama na sa palasyo na ako nagtatrabaho, hindi niya ako tinanong kung ano ang posisyon ko. Siguro dahil malakas ang kutob niyang nagta-trabaho ako bilang katulong do'n, kaya hindi na siya nangusisa.
"Mama..." She'll know of my job, eventually. "I work as the heir's guard."
She paused while in front of the coin register. For a few seconds, she stood still, looking blank, before laughing softly. "Ilang taon na tayong magkakilala pero may mga sandali pa rin talagang pakiramdam ko hindi pa rin kita kilala."
"That's not true," I objected. "You've already seen me at my worst."
"Elle..." She called me warmly. "Hindi ko alam kung sino ka sa labas ng bakery, at ang nakilala ko lang nang husto ay 'yong babaeng napakapayat at mahinhin." Nagsimula siyang magbilang ng sukli. "Malaki na ang ipinagkaiba mo sa babaeng 'yon," dagdag niya. "'Yong Elle na kilala ko, palaging namimilog ang mga mata dahil sa takot at biglang nanginginig habang nakatulala."
"I couldn't stay that way," sabi ko.
"Kaya nga," natutuwa niyang sang-ayon. "Alam mo ba? Sinubukan ko kayong hanapin ni Misa nang mawala kayo ng ilang buwan. Sobra-sobrang kaba ang naramdaman ko no'n kasi akala ko may nangyari sa inyo, hanggang sa may nakapagsabi sa'kin na lumabas daw kayo ng Lumien."
Nagtaka ako dahil hindi ko alam ito.
"Napakasaya ko no'ng balikan mo'ko," dugtong niya. "Kaya umiiyak ako no'ng pinagalitan kita." Nginitian niya ako nang iabot sa'kin ang sukli. "Saka ko lang kasi nalaman na napamahal na pala ako sa inyong dalawa ni Misa."
Tinanggap ko ito.
"Masaya ako sa malaking ipinagbago mo, Elle, pero 'wag mo namang pasobrahan, anak, at baka tuluyan ka nang maging ibang bampira na hindi ko na makilala."
Kumunot ang aking noo. "What do you mean?"
"May iba kasing walang alam kung kailan dapat tumigil sa pagtakbo, mula sa pinanggalingan nila dahil masakit ito," aniya. "Takbo lang nang takbo, hanggang sa maligaw sila. Hanggang sa hindi na nila makilala 'yong sarili nila..." Bumahid ang kalungkutan sa kanyang ngiti. "Alam ko kung gaano ka kalambot dati, Elle. No'ng nakilala kita, hawak-hawak mo lang sa kamay 'yong puso mo. Ngayon, malalim na itong nakatago."
"Huwag mong pigilang ngumiti, umiyak, o manghina, anak," payo niya. "May puso ka, kahit anong tago mo rito, at ito ang nagpapabuhay sa'yo. Hindi si Misa o 'yong pinagdaanan mo."
Matagal-tagal ko siyang tinitigan.
But I thought I have already lost it... after being broken... and shattered...
Sa gitna ng tahimik na pagdaramdam, sandaling nagparinig ang tibok ng aking puso.
It still beats...
"I'll—" My words almost stumbled. "I'll remember that."
Kinuha ko ang isang paper bag at kukunin na rin sana 'yong isa nang unahan ako ni Mama.
"Ihatid na kita sa labas," tugon niya.
Sabay kaming lumabas ng bakery kung saan sinalubong kami ni Sylus na kinuha ang paper bag mula kay Mama at kasunod 'yong akin.
"Panganay ni Evelyn?" tanong ni Mama.
Sylus secured the paper bags inside another bag hanging from the side of his horse. "Yes, I am." Nakangiti siya nang lingunin ang gawi namin. "Let's go?"
"I met him at the market," kuwento ko kay Mama. "He offered me a ride back to the palace."
She nodded. "Mm-hmm."
Naunang sumakay si Sylus sa kabayo. Lumapit ako rito at tinanggap ang kamay niyang umalalay sa'kin paakyat sa likod niya.
"Mag-ingat kayo," paalam ni Mama.
Sylus turned the horse so he could face her and give a short bow.
The ride back to the palace was interrupted with a few traffic. Maghahapon na, mas maraming mangangalakal ang naglilibot sa kalye. May ibang kararating lang habang may ibang pauwi.
We slowed down in front of the opened gates but not fully stopping.
"You don't have a pass," paalala ko kay Sylus.
Mahina siyang tumawa. "They know me from Militia."
Niwalang-kibo ng mga sundalo ang pagdaan namin at nang makapasok kami, tinanong ako ni Sylus kung sa aling hall ako bababa.
"You've been here before?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Stayed a year," aniya. "On-the-job training."
Oh, right. Evelyn once told me about it.
"Hall of Secrets," tugon ko.
Hindi masyadong mabilis at hindi rin masyadong mabagal ang takbo ng kabayo. Humahagishis ang hangin sa aking pandinig pero nagawa ko pa ring mahagip ang pagtawag ni Sylus sa'kin.
Tahimik kong hinintay ang karugtong nito.
"Don't tell me you're the new heir's guard?"
Ilang sandali pa bago ako nakasagot. "I am."
Since I answered, the rest of the ride to the hall became quiet. Saka ko lang nakita ang nadidismayang reaksyon niya sa sinabi ko nang bumaba ako mula sa kabayo. Bumaba rin siya upang ilabas ang pinamili ko sa bakery.
"Elle," he sighed my name as he handed me the paper bags. "Do you know what you're getting yourself into?"
"Mmm," sagot ko. "I know."
He stared at me for a while, trying to see if I was speaking true. And when he realized I was serious, namuo ang isang di-makapaniwalang ngiti sa kanyang mukha. Lumapad ito nang ipatong niya ang kanyang kamay sa aking buhok.
"I forgot how cool you are." Nagmamalaki siyang ngumisi. "Sorry."
Blangko ko lang siyang tinitigan hanggang sa bumaba ang kanyang kamay. Pagkatapos, nakarinig kami ng tikhim kaya sabay kaming napalingon dito.
"I expect to see you in the study this evening." It was Gideon. "The prince has just finished training."
Sylus and I bowed to the prince who emerged from behind him.
"And you are?" Prince Mirev asked as soon as our backs straightened.
"Sylus, Your Highness," nakangiting sagot ni Sylus.
Nilingon niya ako dahilan na sulyapan din ako ng prinsipe.
"A close friend of Elle's," dugtong ni Sylus.
"A close friend?" The prince repeated.
Muli siyang hinarap ni Sylus. "We've lived under the same roof for almost fifty years."
And then, a low, breathy, "Ah," escaped from the prince's lips. "Is that so?"
Unti-unting nabura ang ngiti ni Sylus sa sumunod na mga segundong nagtinginan sila ng prinsipe. Samantalang, napalinga-linga ako nang mapansin ang pagbigat ng hangin na nakapaligid sa'min.
"That is so," Sylus replied. "Your Highness."
Nakapamulsa ang prinsipe nang umangat ang dibdib nito upang huminga nang malalim at tahimik na bumuga ng hangin, nakaplasta sa mukha ang hindi ko maaninag na ekspresyon dahil ngayon ko lang ito nakita sa kanya.
"I'll see you later, Elaire," paalam niya bago umalis kasama si Gideon.
Hinarap naman ako ni Sylus suot ang isang nahihibang na ngisi. "Wasn't that interesting?"
•••
"Admiral Sienna!" tawag ni Chef Lam sa babaeng kapapasok lang ng cafeteria. "Baka gusto mong tikman ang mga tinapay na binili ni Elle para sa'min!"
Dumiretso ang admiral sa counter. "Didn't know you were the gift-giving kind of colleague," puna niya sabay kuha ng isang tinapay mula sa bag.
"I didn't know, either," patibay ko sa kanyang sinabi.
"Kayong dalawa," ani Chef Lam. "Pinapanis ng kawalang-ganahan niyo ang mga pagkain ko." Kasunod siyang ngumiti nang malapad. "Pero okay lang dahil may mga tinapay pa naman."
"I've spoken to Admiral Bane," Admiral Sienna informed. "He has considered your application."
"Application para saan?" usisa ni Chef Lam.
"The Order of Bloodsong," the admiral answered, to the horror of the entire kitchen— nabitawan ni Chef Lam ang kanyang tinapay habang nagsibagsakan ang mga sandok at ibang kagamitan ng kitchenmaids.
They all ran to gather behind the counter.
"Ano?!" sigaw ng isang katulong.
"I already tried to stop her," nababagot na sabi ni Admiral Sienna.
"Elle!" Chef Lam pleaded. "Sa dinami-raming orders na pwede mong mapagpilian?"
Sighing, I dismissed his concern. "I'll be fine."
"Paano kung mawalan ka ng kapangyarihan?" a kitchenmaid asked.
"Paano kung mawalan ka ng buhay?!" another one added.
"Hindi pwedeng mawala ka agad dito." Mariing itinukod ni Chef Lam ang kanyang magkabilang palad sa counter. "Bago ka pa lang!"
"True!" Isang kitchenmaid ang nakapameywang. "Marami-rami na ring knights ang hindi na nakabalik dito dahil sa trial of blood."
"Pinaasa nila kami!" reklamo ng isa. "May iba kasing ang ga-guwapo! Pero 'yon nga..."
The admiral shot me an I-told-you-so look pero binalewala ko ito dahil nakapagdesisyon na ako.
"I said I'll be fine," pagsisigurado ko sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro