Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 | Royal Palace

Elaire's POV

Habang pinapasok nina Robin at Sion ang mga bagahe namin ni Misa sa karwahe, nakakapit sa aking binti si Sangie, humahagulgol ng iyak.

"Come now, Sangie, dear." Pilit siyang tinatanggal ni Evelyn. "Bitawan mo na si Ate Elle mo."

Bumitaw nga si Sangie pero lumipat naman ang mga braso nito sa beywang ni Misa na tuluyan na ngang naiyak. At dahil umiiyak silang dalawa, nagsimula na ring maluha si Evelyn.

"Elle!" sambit niya sabay yapos sa'kin. "Please don't leave!"

"We're not leaving, Evelyn," blangko kong sabi sa kanya habang niyuyugyog niya ako. "We're just moving. We can still visit."

Lumakas ang kanyang iyak. "But you're still leaving us!" Harap-harapan niyang hinawakan ang aking mga balikat. "Paano na kami?!"

Huminga ako nang malalim at pabagsak na bumuga ng hangin.

"Bitawan mo'ko, Sangie!" Nakasalalay ata ang buong buhay ni Misa sa pagbitaw ni Sangie. "Kailangan kong umalis!" taos-puso niyang utos. "Para sa atin din 'to..." Pero agad din siyang yumuko upang buhatin si Sangie. "Wah!" iyak niya. "Gusto kitang isama!"

Napatigil naman si Sangie nang marinig 'yon. "Mama!" Humilig siya kay Evelyn na napabitaw sa'kin. "Ayokong sumama sa kanila! Dito lang ako sa'tin!"

Pinagpag ni Sion ang kanyang magkabilang palad nang makarating sa harap namin. "All your things are inside the wagon." Isang namamaalam na ngiti ang namuo sa kanyang labi. "Have a safe journey, Elle."

Umikot ako kay Misa, Evelyn, at Sangie na nagyayakapan. Pagkatapos, tumingala ako sa attic kung saan ilang taon din kaming nanirahan ni Misa. Hindi maipagkakailang naging tunay nga namin itong tahanan, simula nang mapadpad kami rito.

Something formed in my throat. I didn't know what it was. Maybe it was grief... or gratitude... for the place that took us in when everything was falling apart. There was an undeniable heaviness in my chest as I silently bid goodbye at what had been our sanctuary for so long.

Bago pa man ako matangay ng samo't saring emosyon dahil sa pagbaha ng aking mga ala-ala, muli kong tinignan sina Misa. "Misa, it's time to go."

Tumango-tango siya at naunang pumunta sa karwahe, hindi lumilingon.

It's time go, Elle, I also told myself. Because for some reason, I was stuck. Namimigat ang aking mga paa at kahit anong gusto kong umalis na, nangibabaw pa rin ang kalahati sa'kin na ayaw gumalaw at tuluyang lumayo sa gusaling ilang taon kong tinawag na tahanan, at sa mga bampirang sumagip sa'min ni Misa at itinuring naming pamilya.

"Elaire," sambit ni Robin.

Kinisap-kisap ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Ilang sandali kong kinolekta ang aking sarili at sa wakas ay nagawa na ring humakbang.

I was almost nearing the merchant's wagon when my feet gently stopped. Marahang humagishis ang lupang inapakan ko nang tumigil ako at umikot paharap sa pamilyang walang katumbas ang naitulong sa'kin.

"Thank you for everything," sabi ko sa kanilang lahat, at taimtim akong nagdasal na umabot sa kanila ang lalim ng pinanggalingan nito— dahil kanina pa ako naiiyak. Kanina ko pa gustong ibuhos sa kanila lahat ng nararamdaman ko.

Naninikip ang dibdib at nagpipigil ng hininga, sinikapan kong ngitian sina Evelyn na nanggigilid ang mga luha. "Salamat sa lahat," pag-uulit ko. "Babalik kami ni Misa para bumisita."

My own cries echoed in my head after I said it. "S-Salamat..." naluluha kong sabi kay Evelyn pagkatapos niyang ipaalam sa'kin na pwede kaming manirahan dito at magtrabaho para sa kanya. "Maraming salamat."

No one knows when we'll be back, and the uncertainty of it made me feel lonely.

Humakbang ako papasok sa karwahe. Wala itong takip. Walang kisame. Kaya sa ilalim ng araw, nakita ko si Misa na nakabaon ang ulo sa yakap-yakap niyang mga tuhod. Umupo ako sa tabi niya. Pinalibutan kami ng mga gamit namin at iba't ibang klase ng mga bulaklak, dahil ito ang tinitinda ng may-ari ng karwahe na siya ring nagmamaneho.

I gave the merchant a nod and he gently whipped the reins of his horse, making it move.

The wheels continued to rattle and turn as I looked at Evelyn and her family. Hinatid nila kami ng tingin habang lumalaki ang distansya sa pagitan namin. Huli kong nakita ang mga kaway nila bago tuluyang nanliit ang kanilang mga anyo.

"Wala na sila?" sumisinghot na tanong ni Misa.

"Mmm," sagot ko.

Itinaas niya ang kanyang ulong basang-basa sa luha at sipon.

"Misa," naaawa kong sambit, at natatawa rin dahil sa napakagulo niyang hitsura. Kumuha ako ng panyo mula sa isa sa mga bag ko at inabot ito sa kanya.

"Bukas na bukas bibisita agad ako sa kanila," saad niya habang nililinis ang kanyang mukha. "Nasa Silk Road pa nga tayo at miss ko na sila."

Narinig namin ang tawa ng lalaking nakaupo sa unahan ng karwahe.

"Salamat nga pala sa paghatid sa'min Mang Leon!" Namumula pa rin ang ilong ni Misa nang lingunin siya. "Sana di ka namin naabala!"

"Mas mabuti na ring may mga kasama ako sa paghatid ng mga bulaklak sa Lumien," aniya. "Nakapasa ka sa Academia, 'di ba, Misa? Kahanga-hanga nga naman!"

"Ay, wala lang po 'yon..." nahihiyang sagot ni Misa, dahilan na panliitan ko siya ng mga mata.

"Sa dinami-rami ng mga apo ko at mga apo sa tuhod, naku, walang ni isang mage sa kanila." Napailing siya. "Dati, umasa ako. Ngayon, hindi na ako sigurado kung bibiyaan ba talaga ng mahika 'yong pamilya ko."

"Baka po nasa hulihan kayo ng waiting list?" ani Misa.

Tumingala si Mang Leon sabay halakhak. "Baka nga, Misa... at kapag darating na ang kauna-unahang mage namin sa pamilya, tanging hiling ko lang sa kadiliman ay masaksihan ko ang paglaki niya."

Inilabas ko ang spell book ni King Oceanus. Binabasa ko ito habang nakikinig sa pag-uusap nina Mang Leon at Misa. Ilang minuto silang nagtawanan at nagkuwentuhan hanggang sa biglang huminto ang sasakyan.

Mula sa mga pahina ng libro, inangat ko ang aking ulo sabay tingin sa puting kalesang nakaharang sa daan. Malaki ito, at magarang tignan dahil sa matitingkad na disenyo.

Isang lalaki ang natagpuan kong nakayuko sa tabi ng sirang gulong nito. He had a hand on the wheel while his face scrunched from the heat of the morning sun. Pinagpapawisan siya habang sinusuri 'yong gulong.

"Magandang umaga," bati ni Mang Leon.

"Mabuti naman po at maganda 'yong umaga niyo." A girl wearing Academia's uniform answered. Nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa dibdib at sa likod niya, isang katulong ang abala sa pagpapapaypay sa kanya. "My morning's clearly not."

Lumapit siya sa lalaking napakamot ng ulo habang nakayuko. "Hindi niyo ba chineck 'yan bago tayo bumyahe? Sino bang inspector ng carriages natin?" Sunod-sunod ang kanyang mga katanungan. "Nakapag-iwan na ba siya ng huling habilin para sa pamilya niya?"

Misa suddenly stood, popping up from the wagon. "Hello? Anong nangyayari?"

Nilingon siya ng babae na sandaling napatigil pagkatapos makitang pareho sila ng suot. "Papunta rin kayo sa Lumien?" Mula sa pagkainis, nanguryuso ang kanyang mga mata. "Sa Academia?"

"Sa'yo 'yan?" Misa asked back, referring to the carriage.

Lowering her arms, the girl looked at it. "Not sure." Nakapameywang siya. "Ang bilis kasing masira. Baka gagawin ko na lang dollhouse para sa pamangkin ko."

"But your ladyship," her servant humbly called. "Regalo 'yan ng isa sa mga pinsan ni Lord Jacobi."

Tumalon si Misa mula sa karwahe at dumako sa sirang gulong ng kalesa. "Pwede pa naman 'yang maayos, ah," puna niya rito. "May steel plates kayo? Kahit 'yong maliliit?"

"And why would I let you touch my carriage?" tanong ng babae sa kanya.

Ilang segundo siyang tinitigan ni Misa. "Oh, eh di bahala ka—"

"May steel plates ba tayo?" biglang tanong ng babae sa lalaking agad tumayo at tumungo sa harapan ng kalesa upang kunin ang pinaghahanap niya.

Nang muling harapin si Misa, nagpakilala ang babae sa kanya. "I'm Lana, Countess of Arundel."

Napa-'oh' si Misa habang tumatango-tango. "Ako naman si Misa, taga-count ng coins ni Evelyn."

Tapos sabay silang tumawa.

Bahagya kong iginilid ang aking ulo habang minamasdan 'yong dalawa na masayang nag-uusap. Lana, or as her servant calls her, Lady Lana, was a noble from Arundel. Her features were untamed but naturally beautiful— curly ginger hair and a pair of large olive green eyes. Nagagayakan din ng maliliit na freckles ang kanyang ilong at magkabilang pisngi. At mapahayag ang kanyang buong mukha. Hindi mo kailangan ng lagpas isang segundo para malaman kung anong ibig niyang iparating.

Misa helped them by using her magic. She melted the steel plates to hold together the wood and the screws on the broken wheel.

"Ate Elle!" Patakbong lumapit si Misa sa dako ng karwahe na kinaroroonan ko. Namimilog ang mga mata niyang tumingala sa'kin, halatang may hihingin. "Pwede ba raw akong sumabay kay Lana papunta sa Academia?"

Magsasalita na sana ako nang tabihan siya ni Lana na kinikisap-kisapan din ako ng mga mata. "Can she?"

Pabalik-balik kong tinignan 'yong dalawa.

Sighing, I answered. "Alright."

Nagpalitan sila ng abot-langit na mga ngiti at agad inutusan ni Lana ang kanyang katulong na ilipat ang mga gamit ni Misa sa kalesa nila.

"My husband will be relieved kapag sinabi ko sa kanya na may kaibigan na ako," sabi ni Lana. "He was worried I wouldn't make any friends."

"Ha?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Misa. "May asawa ka na?!"

"Wait— " Nagtaka rin si Lana. "You don't?!"

"My Lady, please refrain from screaming," nag-aalalang tugon ng kanyang katulong nang makalabas mula sa kalesa. "And I have already arranged your friend's luggage in the storage. Maaari na kayong sumakay."

Misa and Lana continued to talk on the way to the opened door of the carriage.

"Kaka-fifty five ko pa nga lang, eh."

"And I've been married for thirty-three years."

"So, may anak ka na?"

"Hindi pa ako biniyayaan, but I do like making one."

"My Lady!" Her servant audibly gasped. "Please refrain from sharing such things!"

"Bye, Ate Elle!" paalam ni Misa bago humakbang pasakay sa kalesa. Sumunod sa kanya si Lana na namaalam din. "Nice meeting you, Elle!"

The servant bowed at us and was the last to enter the horse-driven vehicle.

•••

"Ano sa tingin mo, Elle? Maganda ba 'yong plano ko, kahit hindi ako mage?"

Nagbabasa ako ng libro nang tanungin ako ni Mang Leon. Nauna na sina Misa kaya ako nalang ang natirang pwedeng makausap niya sa byahe.

"If you want to open an enchanted flowers stall in the market, I suggest hiring a mage to test the magical quality of your flowers," sagot ko. "Dapat ka rin pong mag-ingat dahil may mga bampirang isinumpang maging allergic sa mga bulaklak o enchantments... or both."

Lumipat ako sa kasunod na pahina. "You also have to test the fragrance potions..." The next spell in the book wasn't interesting. Nilaktawan ko ito. "Make sure they last long."

"Naisipan mo na rin bang mag-negosyo?"

I paused, imagining myself again as a merchant...

At muling nagbasa. "Isang beses lang po."

"Baka gusto mong maging business partner ko, Elle?" alok niya. "Wala akong masyadong kilalang mage kaya alam kong mahihirapan ako sa paghahanap ng tutulong sa'kin, at kung makahanap man ako, paniguradong malaki agad ang hihingin nitong sahod."

Slowly closing my book, I thought deeply about helping his business. Pinag-isipan ko rin kung may panahon ba ako para rito, at saka 'yong distansya ng pamilihan sa palasyo.

"I guess I can check the quality of your products once a week," sabi ko sa kanya. "Ano po bang ipapangalan niyo sa tindahan? Nang matunton ko?"

"Gabirosa's," sagot niya na may kasamang nananabik na hagikgik. "Pero hindi pa ako tapos sa pag-aasikaso ng mga papeles, Elle. Magpapadala nalang ako ng sulat sa palasyo kapag magbubukas na ako."

I put my book inside a bag as we spent the whole ride talking about business, hanggang sa makarating kami sa tapat ng west gates ng napakalaking palasyo. Tinulungan ako ni Mang Leon sa pagbaba ng mga gamit ko— isang kahon at dalawang sako ng mga damit. May nakasabit ding bag sa likod ko at sa aking balikat.

He left after I thanked him, and I was left standing alone against the bustling environment. Lumien was was bright and alive, and vampires were walking, running, and riding along the busy streets and establishments.

'Sequere,' bigkas ko sa aking isipan, at isa-isang lumutang ang aking mga bagahe.

Sinundan ako ng mga ito patungo sa nakabukas na gates, kung saan isang sundalo ang sumalubong sa'kin.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Pass?"

I was about to tell him that I have none when an older man approached us. His gray hair was slicked back. It was the same color as his curled moustache, and he also wore a golden monocle. Nakapalikod ang kanyang mga kamay at sa sobrang tuwid ng kanyang tindig, walang kalukot-lukot ang kanyang napakalinis ding uniporme— isang puting suit na mayroong mga gintong detalye.

"She is a new employee," taas-noo niyang sabi sa sundalo bago ako tignan. "I am Gideon, the royal butler, and you must be..." He eyed me head-to-toe. "Elle?"

The sophistication in his voice scratched an itch in my ear. As a royal butler, he was flawless. May lamig nga sa likod ng kanyang mga mata pero 'yong pagtingin niya sa'kin ay maserbisyo. Napakastrikto ng kanyang dating at nang-uutos ang kanyang buong presensya.

Sinilip niya ang lumulutang na mga bagahe ko. "Hm." He hummed short, with an agreeing tone. "Follow me."

I followed him to a carriage waiting for us. He ordered a footman to bring my luggages in and while waiting, I looked around the inside of the palace. It was still as big as I remember it. Like a city inside another city. Pero ngayon ko lang napahalagahan ang sinag ng umagang araw sa pader ng nagtataasang mga gusali. Para kasing nakatuon ang kagandahan ng langit sa loob lang ng palasyo.

May mas ikaliliwanag naman pala ang lugar na'to...

Narinig kong tumikhim si Gideon. Nakatayo siya sa tabi ng nakabukas na pinto, sinesenyasan akong pumasok. I carefully stepped inside the carriage while wondering why we have to ride it, at kung saan kami patungo.

Umupo si Gideon sa katapat kong upuan at nagsimulang gumalaw ang aming sinasakyan. Sa sandaling umawang ang aking bibig para sana'y magtanong, inunahan niya ako.

"We are heading towards Pearl Hall, in the east wing of the palace."

Napatikom ako.

"It is where the second prince lives."

I subtly nodded.

"If you look outside, you will see the servants and knights who work tirelessly to serve the royal palace. They are an estimated six thousand, not including the servants and guards of nobles who are visiting."

Minasdan ko ang dinadaanan naming maids at mga sundalo.

Six thousand servants... for six royal vampires...

"Alam ba ng hari na marami pa ring Irvinians ang wala nang maisantabi para sa kanilang mga sarili?" Nilingon ko si Gideon. "O masyadong mataas lang talaga ang mga pader ng palasyo kung saan siya nakatira?"

"I see you harbor some resentment for the king..." He understood. "And perhaps, the royal family."

"My apologies." Muli akong nagmasid sa labas. "Please continue briefing me about the palace."

Sa kabutihang palad, hindi niya pinalala ang tensyon na ako ang may kapakana. Tumikhim siya, at saka nagpatuloy.

"The palace has four entrances or four gates— the west gate was where we entered, then there is the east gate. The main entrance has the largest gates, and then there is the keep, which is only used to transport criminals, as it is the gate closest to the royal dungeons."

"Mmm." I hummed to let him know that I was listening.

"There are two separated towers— the observatory and the forbidden tower where the dungeon is. Then there are three towers that connect different halls— the king's tower, the queen's tower, and the red tower."

Ang daming tower, puna ko sa isipan. Mabuti nalang talaga at pinasundo ako ni Prince Inouen...

"As for the many halls, you will have to know them on your own," dagdag niya. "The royal palace is a very big place for a newcomer but you shall get used to it the longer you stay."

"Here we are," Gideon announced after the carriage stopped in front of a large and shining building. "Pearl Hall, the residence of Prince Inouen of Irvina."

"Each royal has their own building?" tanong ko.

"Yes, naturally." Gideon opened the door and stepped out. "This way, please."

Lumabas ako at agad napalibot ng tingin sa gusaling tumambad sa'kin. There was a long open corridor in front of the ground floor, lined by marbled pillars. Umakyat kami sa maikling hagdan nito at naglakad sa kahabaan ng hallway.

"His highness is waiting for you at his drawing room," Gideon informed me. "It is where he meets and entertains his guests."

Lumiko kami papasok sa isang maaliwalas na silid na para na ring isang malaking sala. Elegant pieces of furniture were scattered around the room and along the walls, a couple of large paintings. It was airy and bright, because of the floor-to-ceiling windows.

Nakatayo si Prince Inouen sa harap ng isang estante, nagbabasa ng libro habang nginunguya ang macaron na hawak niya sa kabilang kamay. Kaswal lang ang kanyang pananamit— a white button down shirt and a pair of black trousers.

But even his casual clothing looked expensive. Because the fabric of his top was lustrous, almost silk-like. Every fold of his trousers was smooth and refined, and his brown leather shoes gleamed with an immaculate shine. His entire outfit didn't just look brand new. Para na rin itong dumaan sa isang daang proseso bago nabuo.

Tumikhim si Gideon upang kunin ang atensyon ng prinsipe.

Nilingon kami ni Prince Inouen at agad lumiwanag ang kanyang mukha. "You're here."

Mabilis niyang sinarado ang libro sabay kain ng natira niyang macaron. Malalaki ang kanyang mga hakbang nang tawirin ang kabuuan ng silid at ibinaba niya rin ang libro sa upuang dinaanan niya. Suot niya ang isang nananabik na ngiti nang makarating siya sa harap namin ni Gideon.

Una niyang tinignan si Gideon. "Thanks, Giddy." Kasunod ako. "Good morning, Elle."

"Your Highness." Gideon bowed at the waist before leaving the room.

The prince presented me with the dessert-filled table beside the windows. Sinundan ko siya patungo rito at sabay kaming umupo sa magkatapat na upuan.

"What do you think of the castle?" Prince Inouen asked.

"It's too big for me," sagot ko.

"How about Giddy?" karagdagan niyang tanong. "How do you find our royal butler?"

"Gideon?" I clarified, to which he nodded. "He's fine, I guess," puna ko.

"Giddy ang tawag ko sa kanya dahil hindi siya 'yong totoong Gideon," pagbibigay-alam niya. "The one you met was just a clone. The real Gideon is with my brother, since he also serves as his royal advisor."

Ako na naman ang napausisa. "Gideon has illusion magic?"

"Right..." Sumilip-silip siya sa dessert tower na malapit sa kanya. "I called you here to talk about your salary and mode of payment."

Needless to say, nakuha niya agad ang buong atensyon ko.

After almost an hour of talking and a few minutes of arguing, we finally came to terms that my payment will strictly be in coin currency. No expensive fabrics, land titles, potions, or other tradable riches. Napag-usapan din naming two weeks lang ang required kong physical training. If I pass, then he must increase my basic pay.

"Now that we have your pay settled." Prince Inouen stood from his seat, kaya napatayo na rin ako. "Let's go to your quarters."

Sinundan ko siya palabas ng silid at ng gusali. We walked around the building and then walked towards an even bigger building. Malayo-layo ito dahil kailangan pa naming dumaan sa field kung saan may mga sundalong nag-te-training.

"This is the east inner court where our knights and soldiers train." The prince began to say. "You already know that behind us is Pearl Hall. On our left is Sapphire Hall. On the right, White Hall, our hospital. And in front of us, King's Hall."

Bumagal ang aking paglalakad habang pinapaningkitan ang mga gusaling tinutukoy niya. Kung makasabi kasi siya parang ang lapit-lapit lang ng mga ito, when in fact, isang buong field ang pagitan ng apat na halls. Except maybe Sapphire Hall and King's Hall because they seemed to be connected with a tower.

The King's Tower? Naalala ko ang sinabi ni Gideon sa'kin. Please. I suffer from selective memory. Magaling lang akong mag-memorize ng symbols at spells. But the entire palace? Hindi sapat ang isang taon para masaulo ko ang bawat sulok ng palasyo.

Prince Inouen and I arrived at...

"The Sapphire Hall is my brother's."

Sapphire Hall.

"Konektado ito sa King's Hall," dagdag ng prinsipe. "Where my father lives, obviously."

Sinalubong kami ng isang babae. May katandaan na ito at maliban sa suot niyang maamong ngiti, nakasuot din siya ng malinis na maid's uniform.

She bowed low while facing Prince Inouen. "Your Highness."

"Doris will take it from here," the prince said. "She's the senior housekeeper of Sapphire Hall, your new residence starting today." He glanced warmly at Doris. "Make sure Elle feels at home, Doris."

"Of course, Your Highness," Doris replied with a nod. "I'll make sure that Elle settles in comfortably."

Nakangiting nagpaalam si Prince Inouen sa'min bago umalis.

"Nice to meet you, Elle," bati ni Doris.

"Mmm," was the only response I could afford, pagkatapos mahilo sa mga pangalan ng towers at halls ng palasyo.

"Welcome to Sapphire Hall." Doris held out a hand to show me the wide walkway where soldiers and maids bustled about their duties. Maingay pero maayos naman ang paligid. At mas practical din ang dating nito. There weren't any luxurious furnitures or decorations. The floor was sturdy and empty and the walls were adorned with spears, weapons, and maps. There were a few paintings, pero mga kahoy naman ang frames nito.

"The ground floor of Sapphire Hall, known as the Hall of Secrets, is home to the private guards of the royal family, as well as their secret messengers," Doris explained. "The floors above us are Prince Mirev's private rooms and personal apartments."

Nagbabantang magparinig ang katamaran sa aking boses nang tanungin ko siya, "Ano pong pangalan ng mga hall sa itaas?"

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Just Sapphire Hall, Elle."

Palihim akong napabuntong-hininga.

We turned a corner and entered a spacious room filled with different smells of food.

"This is the cafeteria." She gestured at the soldiers and staff eating around us. The training grounds were clearly visible through the windows, at gawa sa kahoy ang mahahabang hapagkainan at mga upuan.

"Over there is the kitchen. If you ever need a meal or snacks, do not hesitate to tell the kitchenmaids and cooks behind the counter. They will be happy to prepare something for you."

Nilingon ko ang kabilang dulo ng silid kung saan naroon ang kusina. Isang lalaki ang sumisigaw habang nagluluto at pinalibutan siya ng mga katulong na abala rin sa paghahanda ng iba't ibang putahe.

"Elle," tawag sa'kin ni Doris na nasa labas na ng cafeteria.

Lumapit ako sa kanya at muling sumunod.

"Every building is like a house. It has everything you need— laundry, food, furniture repair..."

We finally stopped in front of a closed wooden door, tucked away from the noise of the rest of the hall.

Binuksan ito ni Doris. "This is your room."

Wala sa sarili akong napangiti nang makita kung gaano kasimple 'yong kwarto ko.

Finally, I thought. Something familiar.

I only had one bed, a set of table and chair, and a cabinet. Nakalatag na rin ang mga bagahe ko sa gitna ng kwarto at sa aking pagpasok, napansin ko ang isa pang pinto. Binuksan ko ito at nalamang may sarili akong banyo.

After being overwhelmed with their big rooms, I finally found peace in my own. Dahil hindi ko kailangan ng mas malaking kwarto o mas maraming kagamitan. Ang kailangan ko ay isang kwartong katulad ng attic nina Evelyn.

"It's perfect," puna ko sabay tingin sa bintanang may maliit na ground view ng training field. To my relief, there was a dark blue curtain attached to my window for privacy. "Thank you, Doris."

"I am glad to see you pleased, Elle." I heard her say. "And one more thing..."

Nilingon ko siya.

"Chef Lam is cooking steak with blood gravy for lunch." Nginitian niya ako. "Gusto ko lang sabihin sa'yo dahil magtatanghali na at baka makatulog ka."

Marahan akong napakagat ng aking pang-ibabang labi upang pigilang mamuo ang isang ngiti.

"I'll come out for lunch," pagsisigurado ko sa kanya. "Thank you."

Lowering her head, Doris bid goodbye and closed the door.

•••

Habang mag-isang kumakain sa cafeteria, nilingon ko ang kitchenmaids na sabay na umiwas ng tingin. They've been staring at me since I arrived and sat down to eat. Nang malamang hindi nila sasagutin ang nagtatanong kong sulyap sa kanila, bumalik ako sa pag-kain.

"Anong tinitingin-tingin niyo d'yan?" Narinig kong pinagalitan sila ni Chef Lam. "Nasusunog na 'yong niluluto niyo—"

"Pero chef, may bagong dating!" pabulong na sigaw ng isa sa maids. "Kung hindi siya katulong, anong trabaho niya? Asawa ba siya ng isa sa mga sundalo?"

"Bulag ka ba?" sagot naman ng isa. "'Yang gandang 'yan, asawa lang ng sundalo? Baka asawa siya ng isa sa mga commanders—"

"Bulag kayong dalawa," another voice entered. "Tignan niyo nga 'yong hitsura at suot niya. Mage siya at hindi rin siya nakapalda. Ibig sabihin, isa siya sa mga sundalo."

Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nang mapayuko ako sa damit ko. I had a change of clothes when I was still in my room. Pumasok ako na naka-servant's dress at lumabas ng kwarto suot ang tinatawag ni Misa na 'mage outfit' ko. 'Yong kasuotan kong pang-underground arenas.

Napagdesisyunan kong magbihis dahil balak kong maglibot-libot at maghanap ng kahibangan sa training grounds.

Muli akong tumakam sa steak.

"Siya ba 'yong papalit kay Prince Inouen?" I heard a soldier ask. He was seated on a different table surrounded by men. "No'ng nakita ko siyang kasama 'yong prinsipe kanina akala ko isa siya sa mga babae niya."

At nagtawanan ang kanilang buong mesa.

Mabuti nalang at masarap itong pananghalian ko...

"Baka paluin lang tayo ng espada n'yan, ah," puna ng isa pang sundalo na ikinatuwa ulit nila.

"'Yong totoo, nakakita na ako ng mga kuting na mas katakot-takot tignan," another one added. "Nakakain pa."

Pinagpatuloy ko ang aking pag-kain habang nakikinig sa kanila. Malapit ko nang malinis ang aking plato nang biglang sumingit sa kanilang usapan ang pamilyar na tinig.

"Men." It was Prince Inouen. "After hearing you run your sweet little mouths, I can't help but sense that you are asking for a taste of my replacement."

Inangat ko ang baso ng dugo na katabi ng aking plato.

"Might I suggest a swordfight?"

My throat was still downing blood when the prince called me. Binaba ko ang aking baso sabay lingon sa kanila nang blangko ang mga mata, dahil nagawa ko nang isantabi para sa kanila ang aking buong konsensya.

Mayamaya'y natagpuan ko ang aking sarili sa training grounds, katapat ang limang sundalong kinuwestiyon ang aking bagong posisyon sa palasyo. Nasa kamay ko ang isang totoong espada habang tig-iisa sila ng patpat.

I don't know why I have a steel sword while they carried wooden sticks, either. It was their decision, para daw may 'advantage' ako laban sa kanilang lima.

Tinignan ko ang aking espada.

If I accidentally kill one of them, will they kick me out of my job? On my first day?

"Your Highness." Nilingon ko si Prince Inouen. "I am fine with a stick."

Or none at all.

He replied with a casual shrug and ordered another soldier to bring me a wooden stick. Tinapon ko ang espada malapit sa nakahilerang mga sandata at sinalubong ang inabot na patpat ng sundalo.

Bumalik ako sa dati kong kinatatayuan.

One of the knights was the first to attack. He ran, while I walked to meet him. The sound of wood strongly clashing with wood burst in the air. Bumitaw-sangga ang aming mga patpat hanggang sa napansin kong dalawang kamay na ang kanyang gamit sa paghawak nito. He swung his stick to his right. I turned around to my right and swiftly hit the open side of his head.

Naghanap ng mga bituin ang kanyang mga mata bago nahimatay.

Mula sa sundalong nakahilata sa lupa, inangat ko ang aking tingin sa apat niyang kasama na sabay-sabay na tumakbo patungo sa'kin. Before their weapons could touch me, nakalipat na ako sa likod ng dalawa sa kanila at pinagsapak ng patpat ang likuran ng kanilang mga ulo. They both fainted. Another one thought he caught me off guard. I crouched under the swing of his stick and pushed the end of mine against his chest. Sapat lang ang lakas nito para manakawan siya ng hangin pero hindi mawalan ng malay. Nakatagilid kong inangat ang aking patpat at mabilis itong hinilig sa kanyang leeg. He fell like the first three.

As for the last soldier— umikot ako at sinangga ang patpat nito. Sa kalagitnaan ng aming tugisan ng lakas, bigla siyang naglaho at lumitaw ulit sa aking kabilang gilid. Muli ko sanang sasalubungin ang kanyang sandata nang marinig ko ang taghoy ng hangin mula sa aking likod kaya napagdesisyunan kong yumuko. There were two of him now— he used an illusion spell. I heard one of him murmur another spell pero hindi ito natuloy nang itulak ko ang dulo ng aking patpat sa kanyang lalamunan. He choked on his words before backing away. Malaki akong humakbang pagilid upang iwasan ang isang matuwid na pagbagsak ng patpat. Sumabog ang hangin na tila hiniwa ng sundalo. Saglit akong namangha bago umikot at hinilig ang aking patpat sa kanya na nagawa itong salubungin. Nakatayo na rin ang isang kopya niya, at humilig-hilig ang aking braso upang tugunin ang bawat atake nilang dalawa. Napapaatras na rin ako pero sa kabila nito, isang kamay pa rin ang ginagamit ko laban sa kanila.

Wood hitting wood created small explosions in front of me. Air burst from different directions, nahahawi nito ang nakababang mga hibla ng aking buhok. One of them attacked with consistent strength, habang paiba-iba 'yong lakas ng atake ng isa. I glanced two seconds longer at the one with the stable attacks. Napadakip siya ng kaunting hininga, nang malaman niyang alam ko kung sino ang totoo sa kanilang dalawa.

Naglaho ako at lumipat sa likod niya, sapat lang ang distansya para maitutok ko ang patpat sa likuran ng kanyang ulo. He stopped moving and his clone vanished. Out of breath, he let go of his wooden stick and slowly raised both his arms in defeat.

My chest also heaved up and down, but my breath wasn't as labored as his'. Ibinaba ko ang aking braso ngunit imbes na lingunin sina Prince Inouen na nagpalakpakan, tumingala ako sa isa sa mga bintana ng King's Hall.

Madilim sa kabilang panig ng salamin pero nakalabas mula sa mga anino ang mapanuring ngiti ng isang lalaking nakadungaw mula rito.

"Elle," tawag ni Prince Inouen sa'kin dahilan na mabaling ang aking atensyon sa kanya. "That's enough for your first day. You can rest or tour the palace." Nananabik siyang ngumisi. "Tomorrow, we find you a weapon."

•••

Dumilat ang isa kong mata pagkatapos marinig ang mahihinang katok mula sa labas ng bintana. Dinaanan ko ng tingin ang orasan bago bumangon at bumaba ng higaan.

It's still midnight.

Napahikab ako nang hawiin ang kurtina ng bintana. Isang uwak na may nakataling mensahe sa paa ang pinagbuksan ko.

Maingat kong tinanggal ang tali at sinundan ng tingin ang gumulong na rolyo ng papel sa mesa. Pinulot ko ito at saka binuksan.

'Ate L, nakigamit lang me kay choo-choo na alaga ni Lana. Nasa Academia na us. School orientation lang us this week. Next week pa official classes. Kalahati nalang din allowance ko. Bumili me ng healing potions para sa mga estudyanteng binatuhan ko ng apoy. Sorry. Di na me uulit. —Misa'

Kung ano ang ikinagaan ng pakiramdam ko sa unang bahagi ng mensahe ay ang ikinabigat ko rin nito nang basahin 'yong huling dalawang linya.

Naghanap ako ng lapis at piraso ng papel bago umupo sa harap ng mesa.

'Misa, check emergency coins in one of your wooden chests. —L'

Napabuntong-hininga ako nang itali ito sa paa ng uwak.

"Thanks, choo-choo." I gestured the bird to fly away and gently closed the window after it did.

Bumalik na rin ako sa higaan para sana'y matulog ulit pero kahit anong usog at ikot-ikot ko, hindi na muli ako dinalaw ng antok.

Mahina akong napatampal ng noo, nag-iisip kung anong pwedeng gawin.

There were still a couple soldiers left in the training grounds. Maybe I can train on my own, too?

I stood on my feet, tied my hair, and changed into a fitted blouse and pants, as well as a pair of low-cut boots. Binaba ko ang maitim na kapang nakasabit sa likuran ng pinto at isinuot ito, bago lumabas ng kwarto.

Lumabas ako sa training grounds.

The night sky was clear. The air, crisp. It was the perfect atmosphere to roam around the palace instead of training, kaya napagdesisyunan kong maglibot nalang habang inaalala ang lalaking nahagilap ko sa isa sa mga bintana ng King's Hall.

The rest of his face was too shaded to see.

But that smile...

Bumagal ang aking paglakad, hanggang sa wala sa sarili akong napahinto.

That dark otherworldly smile... natutulala kong puna. For some reason, looked indulging.

Napalunok ako nang maramdaman ang paghigpit ng aking balat sa aking mga buto. At dahan-dahang umawang ang aking bibig, nang magpakawala ako ng isang mainit na hininga.

The warmth of my own breath threatened to make my knees weak and my whole body dared to feel it. I wanted to feel it— the heat, the shiver.

Lumakas ang aking mga pandama at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito— nagliliyab ang bawat bahagi ng katawan ko, na parang sinusunog ng isang hindi mapigilang apoy, at umigting ang aking hininga, nang sumapit sa aking lalamunan ang kakaibang pagkauhaw.

The strong emotions continued to stir inside me, growing in intensity, as I forced myself to walk. But my feet suddenly stumbled and my body hit hard against a wall.

Nakatukod ang isang palad sa pader, napayuko ako ng ulo at namomroblemang natawa.

All this... just because of those heaven-forbidden lips...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro