Chapter 08 | Breadwinner
Elaire's POV
Nagising ako sa tanghali nang sumasakit ang buong katawan at pinagpapawisan dahil mainit sa attic sa tuwing pinakamataas 'yong araw.
Nanghihina akong umupo sa higaan.
I took a cold bath last night but it did nothing for the pain in my body. Naglaho na 'yong mga sugat ko pagkatapos akong uminom ng healing elixirs pero nanatili pa rin ang sakit nito. Napahawak ako sa aking dibdib kung saan ako sinaksak. Hinahagod-hagod ko ito hanggang sa tumahan 'yong pangingirot.
Fortunately, it's my day off. I can rest as much as I need to.
Iniunat-unat ko ang aking leeg sa magkabilang gilid. Kasunod ang aking likod na naninigas.
Tumayo ako mula sa aking higaan at agad napansin ang sulat na nakabukas sa mesa.
It's the letter from Academia.
Kinuha ko ito upang basahin. Pagkatapos, natagpuan ko ang aking sarili na magaang ngumingiti nang umabot ako sa bandang huli ng sulat.
Gently rubbing my thumb against the expensive paper reminded me of Misa's future expenses.
'Your salary will be twice the amount you earn here in the arenas. Maybe even more.' Narinig ko ang boses ni Ice sa aking isipan. 'Sigurado ka bang hindi ka pa rin interesado?'
Ipinailalim ko 'yong sulat sa notebook ni Misa. Pumunta ako sa sulok ng attic kung saan naghihintay ang isang timba ng malinis na tubig. Sa tabi nito ay mayroong maliit na bangko na inupuan ko pagkatapos maghubad. Kinuha ko ang pamunas na nakasampay sa timba at nagsimulang maglinis ng aking buong katawan.
I've been thinking about it. I guess I can work as a personal bodyguard. Pero sa dinami-raming lugar sa Lumien na pwede kong pagtrabahuan, sa palasyo pa.
At saka... sino ba 'yong babantayan ko?
Tinapos ko ang pagpunas ng aking sarili at sa kalagitnaan ng pagbibihis, napatuon ako sa mahaba at maitim na kapang nakasabit sa likuran ng pinto.
Kailangan ko pa ng mas mahabang panahon para hanapin 'yong may-ari ng kapa...
Lumabas ako ng attic at bumaba sa tavern.
Nasa likod ng bar si Robin habang nagliligpit naman si Misa. Ilang segundo ko siyang minasdan bago napagdesisyunang tumulong. Kumuha ako ng basahan at dumako sa mesang nililinis niya.
"Ate Elle?" Ipinagtaka niya ang biglang pagtabi ko sa kanya. "Diba day off mo ngayon?"
"Mmm." Pinunasan ko ang mesa. "You're working extra hard today."
Matagal-tagal pa bago siya muling nagsalita.
"Kailangan, eh," natutuwa niyang sabi. "Paano ako makakasabay sa mga estudyante sa Academia kung wala akong pera? Kailangan ko pang dagdagan 'yong ipon ko, para kapag may nag-aya sa'king mag-inom, may maiaambag ako."
Pinigilan kong mamuo ang isang ngiti sa aking labi. "Misa..." Alam kong binibiro niya lang ako pero gusto kong ipaalala sa kanya na hanggang biro lang dapat siya.
"Syempre, biro lang," bawi niya, nang nasisiyahan pa rin. "Nga pala, ate. Kulang 'yong pera ko pang-order no'ng uniforms kaya si Sion 'yong nagbayad para sa'kin."
"How much?" tanong ko.
Pagkatapos tulungan si Misa, lumabas ako sa stables at dumiretso kay Sion na naglilinis ng mga kuko ng kabayo. Nakaupo siya nang lingunin ako.
I handed him a handful of golden coins from my pouch. Ilang segundo niya itong tinitigan bago kinuha ang kalahati ng buong halaga. Magtatanong na sana ako kung bakit siya nagtira nang senyasan niya akong kunin 'yong suklay ng kabayo.
"Mind brushing the horse for me?"
Ibinulsa ko ang ibinilin niyang pera na sahod pala para sa pagtulong ko sa kanya.
He continued to clip and clean the horse's nail while I started brushing its coat. Sa sumunod na mga minuto, tahimik lang kaming nagtrabaho.
"I heard school starts two weeks from now," he said, breaking the silence. "You ready to leave?"
"It's too early to ask me that," I replied. "Why?"
"Just wanna make sure you'll be ready," aniya. "Naalala ko rin kasi no'ng napadpad kayo rito ni Misa galing sa Lumien. You're one of the reasons why a part of me doesn't want to live in the capital, you know, after I saw what happened to you."
"Hmm." Madali ko siyang naintindihan. "Nag-aalala ka ba sa mangyayari sa'min pagbalik namin do'n?"
He moved to the horse's other foot. Pulling the small wooden stool, he answered, "I know how strong you are, Elle, but since Misa will be staying in Academia, I realized you'd be on your own."
"Sapat na sa'kin ang mapalapit lang kay Misa," saad ko. "Di bale nang wala kami sa iisang bubong."
Sion sighed. "If you say so..."
"I forgot to tell you." Bigla akong may naalala. "I met your brother when I traveled to the Borderlands. He asked me how you're doing. Tinanong niya rin ako kung gaano na katangkad si Sangie."
Gumaan ang boses ni Sion. "Is he still the same?"
"Yeah," sambit ko.
At pagkalipas ng ilang sandali...
"Did you know that my brother likes you?"
Napahinto ako. "Huh?"
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "So you didn't."
Napakurap-kurap ako. "What?"
Ibinaba ni Sion ang paa ng kabayo at saka tumayo. "Yeah." Nag-unat siya ng mga braso. "My brother has had a crush on you since you started studying together. Hindi mo talaga alam? I think everyone knows except you."
Shaking my head, I continued to brush the horse. "I don't know why you have to tell me that."
"Because he's also in the city," he added. "All I'm saying is, Elaire..." Bitbit ang maliit na bangko, inikutan ni Sion 'yong kabayo. "Even if you're already used to it, you don't have to be alone."
To my relief, we were interrupted by new customers who brought their horses inside the stables. Kasama ko si Sion sa pagsalubong sa kanila. They were all older men, looking like a group of travelers. Nangangamoy alat ng dagat din sila. Sion took care of their horses while I led them in the tavern and brought them to an empty table.
"Excuse me, Miss." The largest of the men asked, "Ito ba 'yong daan papuntang Lumien?"
"Yes," sagot ko.
"Mabuti naman." Dumadagundong 'yong boses niyang nagmula sa ilalim ng kanyang makapal at mahabang balbas. "Alam mo bang muntik na kaming maligaw?!" Natatawa niyang sabi at malakas niyang hinampas 'yong mesa. "Dahil sa kabobohan nitong aking mga kasama! Hahaha!"
At lahat sila'y nagtawanan.
"Uhh—" I just looked at them, confused. "What would you like to—"
Muling bumagsak ang mabigat niyang kamay sa mesa. "Kahit ano basta hindi isda!"
"Mmm!" maingay na sang-ayon ng kanyang mga kasama.
"O pugita!"
"Mmm!"
"Pakainin niyo kami ng karne na galing sa lupa!"
"So, no seafood?" I clarified.
"No seafood!" pag-uulit niya. "Only landfood! Hahaha!"
Nabalot sa malalaking halakhak 'yong mesa nila at nagtagal ang kanilang tawanan kahit habang kumakain na sila. We didn't do anything about their noise, though, pagka't naaayon naman ang kanilang ingay sa lugar na kinaroroonan nila.
Sila rin 'yong tipo ng customers na nagpapabuhay ng tavern.
•••
Nakibilang ako sa mga barya na nilalabas ng babaeng nasa likod ng mesa. Katatapos ko lang lumaban sa arena at nandito na ako sa silid kung saan nagre-release sila ng pera.
"This is it?" tanong ko nang itulak niya palapit sa'kin ang iilang aures. "How about the fight with Exequor? Didn't I earn—"
"You did earn a lot for that fight, but we're not allowed to release your entire earnings in just one night," tinatamad niyang paliwanag. "It's a new rule, nang hindi magpatayan 'yong ibang fighters sa labas ng mga arenas. I'm sure you've heard about fighters killing for each other's earnings."
"I can protect my earnings regardless of the amount so that rule doesn't make sense to me," I declared.
Kumibit-balikat na lamang siya kaya wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin 'yong pera.
Walking along the underground streets, I looked for Exequor's cavern.
I found Ice talking to one of his teammates and upon seeing me, a wide grin appeared on his face as he dismissed the other member.
"So, you accept?" he asked once the two of us were left.
"I'm only here to inquire."
Sinenyasan niya akong umupo sa likod ng nag-iisang mesa sa gitna ng silid. Lumapit siya upang umupo rin sa aking tapat.
"I guess you want to know everything about the job, so I should tell you the truth," he started. "I used to be my brother's personal bodyguard but since our youngest sister passed Academia, I was instructed to accompany her at school," kuwento niya at napabuntong-hininga pa. "It's exhausting, really. I also had to take the entrance exams, para makapasok ako at mabantayan ko 'yong kapatid ko."
Ilang sandali akong natulala, nag-iisip kung tama ba 'yong pagkakaintindi kong, siya ang bodyguard ng kapatid niyang lalaki at ngayon inutusan siyang bantayan 'yong kapatid nilang babae na nakapasa sa Academia.
"Wait." Nanliit ang aking mga mata sa panghihinala. "Who's your sister?"
Tinitigan lang ako ni Ice.
"What?" nagtataka kong sambit.
He let out a lighthearted laugh. "Princess Feyren."
Dahan-dahang nagkasalubong ang aking kilay.
Princess Feyren, ang bunsong anak ng hari ng Irvina... kapatid niya...
Hindi ako makapaniwalang kumisap-kisap. "Huh?" I didn't bother keeping my composure in front of him. I let myself a bit loose because I was extremely confused.
Kung saan-saan dumako ang aking mga mata.
Princess... his sister... king... his father...
Muli kong tinignan ang lalaki sa harap ko na halatang ikinatutuwa ang aking labis na pagtataka.
"You're..." My voice faded, as I slowly took in each of his features that I only heard about.
Silver hair. Crystal blue eyes. Irvinian Prince. Ice Magic.
"You're Prince Inouen," I calmly realized, while trying to hide my very deep breathing. Because the vampire in front of me wasn't just any other vampire or mage— he wasn't merely a noble either. He, was a royal— Prince Inouen of Irvina, the Prince of Frost, second son of King Asthor and the late Queen Seraphine.
"You're not going to punish me for almost killing you in the arena..." pagsisigurado ko. "Are you?"
"Nah." He waved a hand. "That's on me."
Palihim akong bumuga ng hangin sabay baba ng aking noo. "Your Highness."
"Right." He clasped his hands on the table. "So, will you? Will you take my place as my brother's guard?" masinsinan niyang tugon. "I swear, it's just like working as a fighter in the arenas but with better pay."
"But Your Highness, your brother is the heir," mahina kong sabi. "Why are you offering a stranger such a position? How do you know I can be trusted?"
"I don't know, either," masigla niyang sagot na may kasamang tawa. "Pero hindi mo kailangang mag-alala kung magkamali ako sa pagtiwala sa'yo, Elaire..."
Elaire. He called me by my complete name.
The prince's genuine smile faded into a threatening grin, and the blue of his eyes darkened. "I am very good at undoing my mistakes and cutting loose ends."
Imbes na matakot sa kanya, napabuntong-hininga nalang ako. "How much is the salary?" diretsahan kong tanong.
"Yes!" pabulong niyang sigaw. He looked too enthusiastic to be honest, na para bang matagal na niyang pinangarap na may pumalit sa kanya. "How much do you earn a month in the arenas?"
"Around fifteen to eighteen aures," sagot ko. "Twenty max."
"Then I'm offering you thirty-six aures a month," aniya. "You're going to live in the palace. So all your needs will already be taken care of. Food, shelter, clothes..."
"No, I'm going to need more," giit ko. "I don't know if you know, Your Highness, pero may kapatid din akong mag-aaral sa Academia at ako lang ang sumusuporta sa kanya."
He nodded. "Forty."
"Fifty," I suggested. "Nakataya 'yong buhay ko sa trabaho."
"Forty-five," he said. "As a starting. I'll increase your pay after your training."
Mahinahon kong inabot ang aking kamay sa kanya. "Deal."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro