Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05 | Heartbeat

Elaire's POV

"Ate Elle, sigurado ka na ba rito?"

"Mmm," sagot ko, habang nakatayo sa harap ng malaking lawa.

So I found out that Misa's quest was to bring back a water monster's heart. I knew for sure that they chose water because Misa's power is fire.

The lake I found was just outside Lumien, by a village called Denrin. Usap-usapan kasi na dahil sa sobrang lalim ng lawa, napagdesisyunan ng isang halimaw na manirahan dito. Karamihan pa nga ng mga bampira sa Denrin ay nasiyahan pagkatapos malamang pumunta kami rito para paslangin 'yong halimaw.

They claimed that the monster has cursed the lake and the nearby springs, making the water undrinkable.

Under the clear blue sky, the water sparkled with light and maybe... a bit of magic.

Yumuko ako at dinama ang tubig gamit ang aking mga daliri upang makumpirmang mayroon ngang kapangyarihan o mana sa ilalim ng tubig. Mana grazing my fingertips felt like feathers lightly touching my skin. The power within the water came from the deep. I knew this because while the surface looked beautiful and sparkling, the lake's depth looked haunting. It is blue, almost black, until no light from the sun could reach it.

With my palm lightly touching the water, I whispered...

'Beneath the water's veil, where mysteries lie untold. Bestow the breath I need, the air I behold.'

"Sub undarum veste, ubi arcana, celant. Confer mihi spriritum, aerem peto clarum..."

Nagsimulang lumiwanag ang tubig nang tawagin ko ang kapangyarihan nito. Nanatili akong nakatuon dito, hindi nagpapatinag sa patinding silaw.

"In profundo tenebroso..." 'In the depths of the dark.'

Power from the water met with the power in my hand.

"Magia fert suum..." 'Let magic takes its course.'

The light from the water traveled to the veins of my palm. It formed white webs underneath my skin, and through my veins, mana climbed up to my arm, my chest, and spread inside my lungs. Unti-unting naglaho ang liwanag ng lawa nang tawagin ito ng aking mga ugat at inilipat ito sa loob ng aking mga baga.

"Rogo fluentes ut mormorent secreta..." Lumuwag ang aking ginhawa sa kapangyarihang nilalawak ang abilidad kong huminga. "Sine vulnus amarum."

'I ask the currents to whisper its secrets...' I took in my last breath of air. 'Without remorse.'

Tumayo ako at saka lang pinakawalan ang hanging hinugot ko nang pumailalim na ako sa tubig pagkatapos akong malakas na lumundag sa gitna ng lawa.

It was a spell to make us breathe underwater.

Agad binalot ng tubig ang aking bawat pandama maliban sa aking pang-ginhawa.

My vision blurred a bit and all the sounds I heard were muffled. I could still move my arms and legs but it's not as easy as when I was on land. And while I was surrounded with water, I started to slowly, carefully, breathe it in.

The spell worked. I didn't get suffocated and water inside my lungs didn't hurt. Hindi nga ako sigurado kung tubig ba itong giniginhawa ko, pagka't para lang din akong humihinga ng hangin.

My hair that moved along the calm current covered a part of my face when I turned to Misa who just jumped in the lake.

Pagkatapos ikisap-kisap ang kanyang mga mata, kasunod siyang tumawa, manghang-manga.

My ears could only pick up on the soft muffles of her laugh. I thought it sounded funny.

Then I started to concentrate the power inside me, and gathered mana on the soles of my feet. I was weightless underwater, and so I had to use power to make my body slowly sink.

Gano'n din ang ginawa ni Misa, dahilan na mapangiti ako.

She learned how to concentrate her mana and focus it in one part of her body... all on her own.

It was a pleasant surprise for me.

We descended deep into the lake and we've reached the point of no sunlight. Darkness slowly came over us, but fortunately, we're vampires, who, according to historians, were creatures born from eternal night.

Wala lang sa'min ang palibutan kami ng kadiliman kaya mahinahon kaming nagpatuloy ni Misa sa paglubog. Our senses also automatically enhance when in the dark. I could feel the pupil in my eyes expanding, nang luminaw ang aking paningin sa dilim. Our eyes have the natural ability to see through the invisible spectrum of light, so complete darkness is not enough to keep us blinded.

And to test how my hearing has enhanced, itinapat ko ang aking kanang kamay sa aking tenga at pinitik ang aking mga daliri.

It sounded clear but a second slower because of the water.

As my feet hit rock bottom, my now enhanced sense of vision and sense of depth worked together to let me see through the dark. Lumakas din ang pandama ng aking balat kaya mabilis akong napalingon nang biglang gumalaw ang tubig sa gilid ng aking leeg.

Gumalaw si Misa at agad kong hinawakan ang braso niya.

Something fast is approaching us.

Sabay kaming tumingala. Itinaas ni Misa ang kanyang kamay at pagkalabas ng apoy mula rito, bumungad sa'min ang malaking bunganga na may libu-libong ngipin.

We both launched ourselves from the ground and floated in water. Narinig namin ang pagtama ng halimaw sa lupa.

Mana quickly gathered on two of my fingertips. I pointed it at the spot where the monster landed.

"Mittere," I said in my head.

'Release.'

Red laser-like beam shot straight in the middle of floating debris. But it hit nothing.

Light burst for a moment before quickly fading, revealing to me, again, absolutely nothing. No trace of how the creature disappeared or where it went.

It's faster than a basic magic attack, puna ko. Or did the water slow down my power?

To activate magic, you must speak its incantation. You must recite its spell. But the more powerful you are, the more that you don't have to. Which is why I was able to attack without uttering a single word. I only said the spell in my head and it was enough.

Dati, kinailangan ko pang gamitin 'yong boses ko para gamitin 'yong kapangyarihan ko. Pero ngayon, kaya ko nang kontrolin ito nang hindi nagsasalita.

I still have my own limits, however. Basic spells lang ang kaya kong itupad nang hindi nilalabas ang aking boses. I have to use my voice in chanting longer spells and more powerful incantations. If I try to overestimate myself and recite a powerful spell only in my mind, my head will explode. Literally.

Nakakita na ako ng mga ulong sumabog sa arenas dahil sa desperasyon ng ibang mages na manalo. Their enemies have stopped them from speaking, at imbes na lumaban nalang gamit ang mahihinang spells, pinili pa rin nilang gamitin 'yong mga mas makapangyarihan.

My head turned to a movement in the water.

Muling kumolekta ang kapangyarihan sa aking kamay— hindi na ito nagtipon sa mga daliri ko lang, kundi sa buo ko nang palad na itinapat ko sa dilim.

'Mittere.'

Mula sa aking palad, matuling tumakbo sa tubig ang pulang liwanag at sumagi sa nahagilap kong buntot.

As I was about to shoot where the creature seemed to be heading, a brighter beam flashed in the water.

It was Misa's.

Dahil sa atake niya, naaninag namin ang hitsura ng halimaw na lumiko paiwas dito.

The monster was long, large, and hideous. Its scales were different shades of blue, and its round eyes were bright white. Matinik ang katawan nitong may makapal at mahabang buntot. Mayroon din itong isang pares ng mga braso at kamay. At matutulis ang mga daliri nitong pinagtagpi-tagpi ng manipis na balat.

Sunod-sunod naming pinatamaan 'yong halimaw, hinahabol gamit ang aming kapangyarihan, hanggang sa huminto si Misa.

Umikot ako sa direksyon niya at mula sa dilim, lumabas ang isa pang halimaw.

Nagawa kong iwasan ang mga kuko nitong muntik nang umabot sa'kin. Umikot ito. Napakabilis nito kung ikukumpara sa limitadong mga galaw ko kaya nagawa nitong gasgasin ang aking binti nang lumangoy ako palayo.

A light suddenly bore a hole into the monster's chest. Its' shriek echoed in the water as black smoke came out of its wound. And its blood soon followed.

I didn't waste any second and shot the monster's head with my magic. Silence fell on the creature that started to sink.

Nang maglaho ito sa dilim, nakarinig ako ng matitinis na tunog. Mga iyak, na nagmula sa iba't ibang direksyon. Lumilinga-linga ako habang nasa tubig.

We need to get out of here. Hindi namin alam na isang buong pamilya pala 'yong nandito.

Another light burst in the water. Lumangoy ako sa pinanggalingan nito at natagpuan si Misa na dumudugo ang balikat habang pinapatamaan ang mga halimaw na umaaligid sa kanya.

I shot a beam at one of the creatures around her then turned around to hit another that was swimming fast towards me. I hit it right in the face. It screamed, blinded, then sank at the bottom, dead.

Tinulungan ko si Misa laban sa mga halimaw na ginugulo siya. I counted four, after I was able to kill one.

Lumapit ako sa kanya hanggang sa palibutan kaming dalawa. Sensing more creatures coming from the bottom, I grabbed her arm and pulled her upwards. She continued to shoot off the creatures while I dragged her, bubbles racing alongside me.

Bubbles.

Yumuko ako at nakita ang mga bulang lumabas mula sa ilong at bibig ni Misa.

There's not much mana left inside her to maintain the underwater breathing spell. Hihilahin ko na sana siya nang biglang may humablot sa kanyang paa dahilan na mabitawan ko 'yong braso niya.

Misa's muffled scream while she reached out to me, terrified, made my heart beat louder. Tumindi ang daloy ng dugo sa aking mga ugat at bumilis ang aking paglangoy pabalik sa ilalim ng tubig para sa kanya.

It wasn't the first time I fought in complete darkness.

'Mittere.'

Tinamaan ko ang halimaw na siyang may hawak ni Misa. Bumitaw ito pero agad ding may lumangoy upang sunggaban siya.

Hindi ko alam kung ilang halimaw ang nandito at kung nasaan ang bawat isa sa kanila.

Left with no other choice, I invoked a spell that only I can activate.

It is mine. It is my magic's.

'Vitalis.'

And the darkness yielded to my heart's command.

Mula sa aking dibdib, umalingawngaw ang tunog ng tumitibok kong puso. Lumakas ito, hanggang sa balutin nito ang aking pandinig at nagsimulang pumintig ang nakapalibot na tubig.

Dug dug. The first loud beat of my heart searched for power. The mana in the water.

Dug dug. The second, searched for life. It looked for hearts beating other than mine.

Dug dug. And the third, revealed everything to me.

'Mittere.'

Tinamaan ko ang halimaw na papasok sa kuweba na lungga nila. Nabitawan nito si Misa.

Dug dug. My heart beated and as soon as the sound reached her, right before the next beat, naglaho ako sa kinaroroonan ko at lumitaw sa tabi niya.

I gently pulled her close and she floated into my embrace. Lumunsad ako paangat sa tubig at napatigil nang hadlangan ako ng limang halimaw.

They began circling us— even more aggressive and fast.

But not fast enough, I thought, as I looked up and a burst of magic allowed me to break through the pressure barrier. While gaining speed, water tried to weigh me down, but it grew weak as I almost reached the surface.

Suminghap ako pagkaahon sa tubig— the spell vanished after my first breath of air. Habang humihingal, lumangoy ako patungo sa lupa kung saan hinila ko si Misa.

Namamasa ang katawan at nanghihina pagkatapos mabawasan ang kapangyarihan, umupo ako sa tabi ni Misa at marahang hinawakan ang kanyang mukha.

I whispered a basic healing spell and I let go of her once she started coughing and spitting out water.

Dahan-dahan siyang umupo. "A-Ate Elle," sambit niya sa kalagitnaan ng pag-ubo. "May n-nakuha ba tayong puso?"

Itinaas ko ang aking kamay upang senyasan siya na maghintay. Hindi pa kasi ako tapos sa pagpapasok ng hangin sa aking sistema.

Breathing in deep and breathing out slow, I answered, "Wait here."

Ipinagtaka niya ang pagtayo ko at pagtungo muli sa tubig.

"Ate Elle!" Narinig kong sigaw niya.

"Sub undarum veste, ubi arcana celant. Confer mihi spiritum, aerem peto clarum," I recited the water breathing spell again. "In profundo tenebroso, magia fert suum." I stopped when the water reached my knees. "Rogo fluentes ut mormorent secreta, sine vulnus amarum."

I jumped into the lake and for the second time, let my power pull me to the deep.

This time, I was ready.

Or so I thought.

Upon entering darkness, I noticed that the water was colder than before, and emptier.

And when I landed at the very bottom, they were gone— the monsters has vanished.

Akala ko bumalik sila sa kanilang lungga ngunit sa sandaling tutungo na sana ako sa kuweba, kusa akong napatigil at habang lumulutang sa tubig, dahan-dahan akong umikot, paharap sa malawak na dilim.

Napalunok ako.

'Vitalis.'

Dug dug. My heart beated.

Dug dug. Another heart beated back— louder, stronger, shaking the water, vibrating the ground.

Unti-unti akong tumingala nang mahinuhang isang malaking anino ang kaharap ko, at mula rito, dumagundong ang tunog ng isang nagmamatyag na higante.

Totoo ngang isang halimaw lang ang naninirahan sa kinailaliman ng lawa na'to.

At 'yong mga nilalang na nakalaban namin ay ang kanya lang palang pagkain.

•••

Hinila ko ang malaking puso palabas ng lawa. Kasinglaki ko ito. Pagkatapos, bumagsak ako nang nakatukod ang magkabilang palad sa lupa.

Narinig ko ang pagtakbo ni Misa sa'kin. Kasama niya ang dalawa pang mga bampira.

"Ate Elle!" sigaw niya at lumuhod sa tabi ko.

Sinubukan niyang hawakan ang aking likod pero pinigilan ko siya, at saka sumuka ng tubig na naglasang asido sa aking lalamunan.

The sound that came out of me while vomiting was disgusting, but even more dreadful was the pain of my lungs and intestines twisting— draining dry of water.

"Ate Elle—"

Hindi natapos ni Misa ang kanyang sasabihin dahil biglang tumindi ang pamilipit ng aking kaloob-looban at lumakas ang aking pagsuka.

Nang wala na akong mailabas na tubig, maingay akong bumuga ng hangin sabay higa sa lupa nang humihingal.

"Ate Elle naman, eh!" ani Misa. "Ba't ka ba bumalik sa tubig?! Nagtawag pa ako ng search and rescue para sa'yo!" At ilang sandali pa'y bigla siyang tumili. "Ano 'yan?!"

Mukhang nalaman na niya ang dahilan kung bakit bumalik ako.

Nakahilata pa rin ako sa lupa nang mapansin ko ang pagdating ng isang matandang lalaki. May dala siyang tungkod at maingat siyang tumungo sa tabi ng lawa. Samantalang, dahan-dahan akong napaupo upang sundan siya ng tingin.

Inangat niya ang ibabang dulo ng kanyang tungkod at habang iniikot-ikot ito sa ibabaw ng tubig, narinig ko ang mahina niyang pagbigkas ng pamilyar na spell. Nagsimula ring lumiwanag ang tubig dahilan na mapatayo ako at mapalapit sa kanya.

"A barrier?" I asked the elder.

"Mmm..." Napangiti siya sa lawa, tila may inaalala. "Ilang taon ko ring hinintay na may pumatay sa halimaw na naninirahan dito, nang malagyan ko na ng barrier."

"You modified the spell," I noticed.

The old man walked us back to the village while telling me about how some spells can be modified to control its ability. At sa maikling panahon na nagkausap kami, marami akong natutunan mula sa kanya.

Siya na rin ang nagtawag ng masasakyan namin pabalik sa Lumien.

Habang nagbabyahe, panay ang pagsulyap ko kay Misa na nakayakap sa higanteng puso.

"Wah..." Hinimas-himas niya ito. "Ang galing ng ate ko..."

She spent the whole ride with the monster's heart in her embrace and she continued to hug it, kahit nang di niya sinadyang makatulog.

"Misa," gising ko sa kanya nang huminto kami sa harapan ng Academia. "We're here."

It was still the afternoon. She woke up and came down from the wagon and when one of the guards of the school saw the very big heart that she tried to carry, he called out to the others and they carried it for her.

I gave a grateful look at the villager who gave us a ride. He nodded before leaving.

Bago pa man pumasok si Misa sa Academia, sinabihan niya akong maghintay— magpapasa lang naman daw siya at saglit lang ito.

While waiting in front of the gates, my stomach growled and it hurt a bit.

Paanong hindi sasakit ito kung tubig imbes na dugo 'yong pananghalian ko.

"Ate Elle!" Tumakbo si Misa palabas ng Academia, suot ang isang abot-langit na ngiti. "Tapos na'ko!" Binilisan niya ang pagtakbo patungo sa'kin at tumili, natutuwang hindi makapaniwala.

"Within this week daw malalaman 'yong result." Huminto siya sa harap ko. "Papadalhan nila ng sulat 'yong mga nakapasa."

Then my stomach growled again.

Mahinang tumawa si Misa. "Kain na tayo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro