Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04 | Delivered

Elaire's POV

Kahahatid ko lang kay Misa sa Academia at nasa inn na ako ngayon sa Lumien kung saan ako mananatili hanggang sa matapos 'yong quest niya. I booked three days for a room here but I hoped Misa could finish her task earlier so I could get a refund and save a couple of coins.

Napagdesisyunan kong matulog hanggang tanghali. Para sa pananghalian, lumabas ako at pumunta sa Mama's Delight, kung saan natagpuan ko si Mama na nakatulala habang nasa likod ng counter.

Hindi niya napansin ang pagpasok ko.

"Mama?"

Kumurap-kurap siya sabay lingon sa'kin.

"Elle!" Nagmamadali siyang lumapit. "Kailangan ko 'yong tulong mo!"

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Hindi pa dumadating 'yong maghahatid sana ng mga tinapay sa palasyo," sabi niya. "Pag hindi ko ito maipadala sa tamang oras, hindi na nila tatanggapin 'to at masasayang lang 'yong dalawang araw na pinagpaguran ko, Elle..."

I wanted to tell her that she should start considering hiring an assistant. But I knew she didn't need an advice as of this moment. She needed someone to offer a hand.

"I'll deliver them," saad ko.

Sa gitna ng Lumien nakatayo ang napakalaking palasyo kung saan naninirahan ang pamilyang namamahala ng buong kaharian. Sa likod ng matatayog na pader nito nakatago ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan. Dito rin nagmumula ang mga batas pagka't ito ang upuan ng pinakanakakataas.

Wala na akong ibang masabi tungkol sa palasyo maliban nalang sa ito ang pinakamahalagang parte ng buong kontinente, base sa laki ng mga istraktura at ganda ng buong lugar. Unang tingin mo palang dito at malalaman mo kaagad ang halaga nito. May sarili itong langit, at mararamdaman mula sa malayo ang kakaibang hangin na dumadaloy sa pagitan ng mga gusali.

Pinakita ko sa guwardiya ang pass na binigay ni Mama.

Matagal niya itong tinitigan habang sinusuri ng isa pang guwardiya 'yong tulak-tulak kong kariton na may mga kahon at kaha.

Pinapasok nila ako.

Malaki nang tignan 'yong palasyo mula sa labas kaya laking gulat ko nang malamang mas malaki pa pala ito sa loob.

Teka— Luminga-linga ako. Gaano ba kataas 'yong mga pader at bakit parang pumasok ako sa ibang mundo?

Bago pa ako tuluyang madala ng aking pagkamangha, umiling-iling ako, at nagsimulang magtulak ulit no'ng kariton.

"What took you so long?!" galit na tanong ng kitchenmaid pagkarating ko sa labas ng kusina ng servant's quarters... na nasa Brown Hall... na nasa west wing ng palasyo...

I honestly don't know what to think of this place anymore.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na naligaw ako saglit at kinailangan ko pang magtanong sa isang sundalo at dalawang katulong para matunton 'tong tinutukoy ni Mama na 'kusina' lang?

At first I thought it was a good idea to follow a few men who were bringing in their own crates. Sumunod ako sa kanila patungo sa tower na tinawag nilang 'Keep'. I asked a soldier if I was on the right path and apparently, I was lost as an apple in a pineapple farm.

Ayon sa sundalo, nasa north wing na raw ako at kailangan kong bumalik at magtanong sa mga babaeng unang makasalubong ko.

Patuloy akong pinapagalitan ng maid habang nililipat ko 'yong crates mula sa kariton papasok sa kusina.

"Bilisan mo!" pagmamadali niya.

Sinunod ko ito at pagkatapos ibaba ang huling kaha, agad siyang nag-abot ng bayad at resibo. She also immediately dismissed me and asked that I take my job seriously.

Napabuntong-hininga nalang ako bago umalis tulak-tulak 'yong kariton.

Isang marangyang kalesa ang nakita kong kapapasok lang sa gates na pinasukan ko.

Dumaan ito sa harap ko at nahagilap ko ang babaeng nakasakay dito. It was only for a few seconds but I was able to recognize her.

The woman inside the carriage was the same woman that screamed at me at the market. Kasi hindi ako pumayag na ibenta sa kanya 'yong kapa.

Muli akong napabuntong-hininga.

Mabuti nalang talaga at ibinaba ko 'yong ulo ko sa kanya...

She was a noble who probably lived in the palace, meaning she was someone really important.

Pagkalabas ko ng palasyo, nagmamadali akong bumalik sa bakery upang makapananghalian.

"Ba't hindi mo sinabi sa'kin na hindi ka pa pala nakakain?" nag-aalalang tanong ni Mama habang pinapanood akong inuubos 'yong hinanda niyang ulam para sa'kin. It was blood donuts and black butter.

After a while, a man in a merchant's uniform entered the bakery.

Tumayo si Mama mula sa upuan. "Mabuti naman at nandito ka na. Napadala ko na 'yong supply sa palasyo pero may natira pang—"

"Pasensya na po pero mukhang hindi ako makakahatid ngayon." I heard the delivery man say.

"Ano?" Frustration filled Mama's voice. "Bakit?"

"Nagkasakit po kasi 'yong kabayo ko. Papunta ako rito nang bigla itong nawalan ng malay."

So the horse disease is still going around... and it is speading...

"Naku, pa'no na 'yong ibang orders?" ani Mama. "May ibang nabayaran na. Baka mawalan ako ng mga suki nito."

Sinulyapan ko ang nakasabit na orasan at nalamang maghahapon pa.

"Pasensya na po talaga," pagpapaumanhin no'ng lalaki.

Tinapos ko ang aking pagkain bago lingunin sina Mama at 'yong delivery man niya.

"Mama," sambit ko. "How far is the next delivery?"

•••

The first village that I delivered bread to was a thirty minute ride from Lumien. It was a village of hunters and meat merchants.

Inabot ko ang huling kaha sa lalaking nakasuot ng duguang apron. He was the owner of a small butchery business in the village.

Tinawag niya ang kanyang asawa at lumabas ang isang babae na siyang nag-abot ng bayad.

"Gandang kulay ng mga mata at buhok mo," puri niya na may kasamang manamis-namis na ngiti. "Kasingkulay ng dugo."

Hindi ko alam kung paano ako dapat magpasalamat kaya't tinignan ko lang siya at umalis nang walang paalam.

"Mag-ingat ka!" Narinig kong sigaw no'ng babae.

Leaving in silence has always been my go-to reaction whenever I don't know what to say or do.

And it hasn't failed me yet.

Bumalik ako sa karwahe na naghatid sa'kin. Tinanong ako ng lalaking nagmamaneho nito kung saan ang susunod na destinasyon ko.

Sumakay ako at tumabi sa dalawang natirang kaha ng mga tinapay na kailangan kong ihatid. Ipinaalam ko sa kanya ang lugar na pupuntahan namin at saka kami nagpatuloy sa paglakbay.

On the way to the next village, I couldn't help but look at the baskets of vegetables around me— ang dami kasi nito.

After I offered to deliver the bread myself, both Mama and her delivery man looked for a merchant that's willing to take me to the villages. They found the merchant that's driving the wagon now.

I'm assuming that he distributes vegetables for a living...

Tapos na siyang magtinda sa Lumien at lilipat na naman siya sa ibang lungsod hanggang sa maubos 'yong paninda niya.

Di nagtagal, napaisip ako, na siguro pag mas matanda na si Misa, pag may sariling hanapbuhay o di kaya'y pamilya na siya, malaki ang posibilidad na magiging merchant din ako.

Bibili ako ng sarili kong kabayo at karwahe, at maghahanap ako ng mga produktong magandang ibenta o ikalakal... Iikutin ko 'yong buong kaharian para magnegosyo...

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na kami sa huling baryo.

Bumaba ako upang iabot 'yong pamasahe. Pagkatapos, kinuha ko ang mga kaha mula sa karwahe at bitbit ang mga ito, tumungo ako sa kabahayan na nasa unahan.

Now I'm starting to wonder how I'll travel back to Lumien— kung mayroon pa rin bang mga mangangalakal o manlalakbay na dadaan sa lugar na'to. Malayo-layo na kasi ito sa kapitolyo, at mag-gagabi na.

I passed by a couple of houses. Siniguro kong wala akong mabubunggo sa daan dahil bahagyang natatabunan ng mga bitbit kong kaha ang aking mga mata. Nagsimula na ring mangalay ang aking mga braso.

Huminto ako sa tapat ng isang bahay at nahirapang kumatok.

Narinig kong bumukas 'yong pinto.

"Mama's Delight," tugon ko.

Matinis na boses ng isang batang babae ang sumigaw. "Andito na 'yong mga tinapay!"

Naramdaman ko ang isang pares ng mga braso na umabot sa mga kaha na nasa bisig ko. Ipinasa ko ito rito at agad napatigil pagkatapos makita kung sino ang tumanggap nito.

"Sylus?" I asked.

His bright eyes widened. "Elle?! Wait—" He took a step back. "Let me just put this inside."

I stared at the back of a man whose eyes and hair were the same colors as his mothers'— pale pink. Kasunod kong napansin ang suot niyang puting uniporme.

Tuwang-tuwa akong nilapitan ni Sylus. "Elaire!"

Napaatras ako nang makita ang mga braso niyang nakabukas, yayapos sa'kin. Sa huli, hindi ko pa rin nagawang iwasan 'yong yakap niya. Pinisil niya ang aking mga balikat bago ako bitawan.

"Anong ginagawa mo rito?" usisa niya, lumiliwanag ang mga mata.

"I came to deliver bread," sagot ko. "You?"

"That's awesome," aniya. "I'm here to investigate a curse."

A curse?

"Hmm?" Bigla siyang yumuko upang suri-suriin ang aking mukha. "You look whiter than usual. Are you drinking enough blood?"

Magtatanong na sana ako kung anong ibig niyang sabihin nang hawakan niya bigla ang aking balikat at natutuwa niya akong iginiya papaalis sa harapan ng bahay.

"Let's grab a drink," aya niya habang nakaakbay sa'kin. "Aren't you thirsty? Hungry? Tell me."

Wala akong sinabi.

Huminto siya. "Elle..." Binitawan niya ako. "Umalis ka ba sa'min? Did you get a new job? Is that why you're delivering bread now?"

"No."

He sighed, relieved.

"Not yet."

Muli siyang napatigil. "What do you mean not yet?"

"Misa and I will be leaving Evelyn's if she passes Academia," paliwanag ko. "She's going to move to the school while I'll be moving to Lumien."

"Wha—" Hindi siya makapaniwala. O ayaw niyang maniwala. "I thought she was going to apply next year!"

"No, it's this year."

Namimigat ang panga, tumingin si Sylus sa malayo. "Parang kailan lang binubuhat ko pa si Misa. Ngayon nag-aapply na siya sa Academia..."

Pinigilan kong mamuo ang isang ngisi.

Same, Sylus. Same.

"Oh, well." Nagpatuloy si Sylus sa paglakad. Sinundan ko siya. "How are my little brothers?" tanong niya. "Is Sion doing okay without me? How tall is Sangie now?"

"Sion's doing fine. Sangie's grown a bit taller," sagot ko. "He's also starting to help in the kitchen."

We entered a small wooden bar. Umupo kami at habang nakikipag-usap si Sylus sa server, napamasid lang ako sa hitsura niya at napaisip kung may ipinagbago ba ito sa halos isang taon na hindi ko siya nakita.

Like his mother Evelyn, Sylus was a beautiful vampire with delicate features— a pair of soft bright eyes, a slender nose, and lips that naturally formed a gentle smile.

He had the looks of an angel who got bored and lived life as a vampire instead. And he seems to be enjoying his life. Always living it to the fullest. He got his mother's playful attitude and soft temperance.

Actually...

Bumaba ang aking tingin sa katawan niya.

Sylus did change a bit.

Maybe it's because of his constant training but his clothes fit him firmer than before. Ibig sabihin, lumaki nang konti 'yong katawan niya. Panay din ang paggalaw ng kanyang mga kamay habang nagsasalita. His back was straighter. Head, a bit higher. And his voice sounded more... confident.

Napansin ako ni Sylus na nakatuon sa kanya dahilan na mapatingin din siya sa kanyang sarili.

"Oh. My uniform." Nginitian niya ako. "Just got the color updated."

I don't know how Academia's ranking system works but I heard about Militia.

Black is given to the new students. It is the entry-level color of their uniforms. If they improve and their names get included in the rankings, they're given the gray uniforms. And if they top the ranks, they wear white.

"You got a white uniform for your special course?" usisa ko. "But it hasn't even been a year since you started studying."

"Mmm." He looked at me innocently. "Is there something wrong with it?"

Humugot ako ng hangin sabay iling.

"No," sagot ko. "None at all."

Except... how? He must be an exceptionally fast learner to achieve such feat.

I cleared my throat. "Ano nga ulit 'yong special course mo?"

"Courses," he corrected. "I'm mastering weapon engineering and siege strategy."

And he thought delivering bread was awesome?

Dumating ang server bitbit ang dalawang baso ng dugo. Maingat niya itong inilapag sa mesa.

Naalala ko 'yong pakay ni Sylus rito. "You said you were investigating a curse." Madahan kong inilapit 'yong baso sa'kin. "What curse?"

"I think you've heard of it," aniya. "Maybe even seen it."

Wala akong ibang maisip maliban nalang sa— "The horses' curse?"

He took a sip of his drink. "The house that you delivered bread to? Alagang kabayo nila ang unang nagkasakit sa baryo na ito. And since you haven't noticed, this village doesn't have any horses left."

I started drinking as he began to tell me what he found so far.

"They said the curse started around the Borderlands. It quickly spread and it has already reached Lumien. That's why I was sent to investigate it."

"Just you?" tanong ko.

"What?" Kumisap-kisap siya. "You think I'm not enough?"

Hindi ako sumagot at uminom.

Maingay siyang bumuga ng hangin. "I hate you sometimes, you know," he said, drifting off topic. "You're rude, Elaire."

Binalewala ko ito.

"And cold," dugtong niya.

"You never heard me complain about you being dramatic, Sylus," I calmly retorted.

Sylus gasped, wide-eyed, and breathed out, "Wow, Elaire."

At saka siya tumawa. Samantalang, napangiti ako.

It's been a while since we last teased each other. Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Sylus lang ang nagpapasagot sa'kin sa tuwing tinutukso nila ako. Madalas ko kasing binabalewala 'yong mga biro nila at siya lang 'yong binibiro ko pabalik.

Sylus' laugh faded into a smile. "It's nice to see you again, Elaire."

And then I realized, that the way he looked at me also changed.

Dahil sa napansin kong ito hindi ako nakasagot sa huli niyang sinabi. Nangusisa ako kung paano ko nasabing nagbago ito, pero mabilis niyang iniwasan ang aking tingin.

For a moment, he lost his composure.

"So." He cleared his throat. "How are you gonna go back to the bakery?"

Sandali akong napaisip sa tanong niya. Lumingon ako sa labas at nakitang madilim na 'yong langit.

"I don't know..." mahina kong tugon.

•••

Bumaba ako mula sa puting kabayo na huminto sa tapat ng Mama's Delight.

Umikot ako at tumingala kay Sylus na naiwang nakasakay sa kanyang kabayo.

"Thanks," sabi ko.

"I hope to see you again, Elle," paalam niya suot ang isang malapad na ngiti, bago umalis.

Sinundan ko ng tingin si Sylus hanggang sa narinig kong bumukas 'yong pinto. Lumingon ako at nakita si Mama na lumabas.

"Sino 'yon?" usisa niya.

"Sylus," sagot ko. "Panganay ni Evelyn."

Pagkatapos, binigay ko kay Mama ang nakolekta kong bayad at mga resibo.

"Hulog ka talaga ng langit, Elle." Maluwag siyang guminhawa. "Salamat."

Nagpaalam na ako at naglakad pabalik sa inn.

That village where I met Sylus...

It was by the outskirts of the Borderlands. Malapit lang ito sa amin. If I walked North for a few minutes, I would have found a mountain and just beside that mountain was where my village used to be.

But it's gone now...

Ang makikita ko nalang doon ay isa sa napakaraming pangkat ng pamilihan na pag-aari ng duke.

Pumasok ako sa inn. Umakyat ako ng hagdan, at pagdating ko sa aking kwarto, natagpuan ko si Misa na nakaupo sa higaan, nakabagsak ang mga balikat.

"Misa?"

"Ate Elle..." Tinignan niya ako, namamasa ang mga mata. "Hindi ko kaya..."

"Yong alin?" Nag-aalala akong lumapit sa kanya. "And what are you doing here? Aren't you supposed to be staying in Academia until you finish your quest?"

"Umuwi na tayo..." malungkot niyang tugon. "Ba't ko ba naisipang mag-apply, eh, alam ko namang di ako makakapasa..."

"Misa," sambit ko. "What happened?"

"Hindi ako papasa." Ilang sandali siyang pumikit. "Hindi ko kaya 'yong quest na binigay nila sa'kin."

She looked distraught and my heart ached with hers'.

"Bakit?" nakakunot-noo kong tanong. "Ano ba ang pinapagawa nila sa'yo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro