Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01 | Irvina

Elaire's POV

But he didn't.

Sumayad ang aking tingin sa kapang nakapalagay sa aking braso.

He never did, come back, for his cloak.

Napabuntong-hininga ako at paikot na ibinaba ang maitim na kapa sa aking magkabilang balikat. Ikinipit ko ang harapan ng kuwelyo nito bago ako naglakad palabas ng eskinita kung saan ko siya huling nakita. Isa ito sa daan-daang eskinita ng kaharian kaya noong una, kinutuban akong hindi niya ito matunton.

Pero limampung taon na ang nakalipas mula ng gabing 'yon at hindi pa rin siya nagpapakita. I think it is already safe to say that he forgot about his cape... or that he died. Hindi ko naman kasi siya nakasalubong ni isang beses at sigurado pa akong makikilala ko kaagad siya pag nagkataon, dahil walang gaanong ipinagbabago ang mga bampira sa loob lang ng limampung taon. Kahit na tubuan ng makapal na balbas 'yong lalaking 'yon, makikilala ko pa rin siya sa unang silay ko pa lang sa kanya.

He has either completely forgotten that night or he died. If he came from a faraway land or another kingdom, he could've still come back for his cloak before returning to wherever.

I spent every night after that night waiting for him in the same place where he left me, and after a full year had passed, I waited for him occasionally, sa mga gabi lang kung kailan nasa Lumien ako. I made sure to visit every anniversary of that night, of course, but still, I waited for nothing. Not even a trace of him.

Suot ang kapang iniwan niya, tahimik akong naglakad sa mga kalye ng Lumien, pununglungsod o kapitolyo ng Irvina, ang pinakamalaking kaharian sa buong mundo kung saan ako ipinanganak, lumaki, ilang beses nang namatay, at nabuhay muli.

Niwalang-kibo ko ang mga kaguluhan at kasiyahan na nakasalubong ko sa daan. Hindi maipagkakailang ang mga ito ang nagsisilbing dugo na bumubuhay ng syudad. Kung bakit sa dinami-rami ng pwede kong maihantulad, dugo 'yong napili ko, ay dahil dugo ang nagpapatakbo ng buong mundo.

Blood, as far as I know, means everything to everyone. It is what beats our heart and it is what we eat and drink to keep it beating. Blood is everything to the point that in order to hunt, our ancestors developed the superior ability to outsense and outrun most animals. They developed teeth strong enough to tear flesh from bones, and they grew canines so sharp and so long that they could easily pierce through skin and reach arteries.

We still use our canine teeth to suck blood but ever since vampires discovered cooking and we became more and more cilivized, we learned how to retract our canines until it became natural for them to look... less intimidating. Hindi na kami mukhang halimaw katulad ng mga sinaunang bampira kasi hindi na palaging nakalabas 'yong mga pangil namin. Humahaba't tumatalim lang ang mga ito sa tuwing gusto namin.

Huminto ako sa tapat ng bakery kung saan naka-display ang iilang cakes. Una kong napansin ang rainbow cake na nasa gitna. Wala sa sarili akong napatitig dito at habang tumatagal, lumilinaw ang aking repleksyon sa salamin.

Mas makulimlim ang pula ng aking mga mata at buhok kung ikukumpara sa strawberries na nakapatong sa cake. Hindi rin ako kasing-putla ng puting gitna ng mga ito.

Iniisip ko kung gaano katamis 'yong strawberries nang biglang may tumawag sa'kin.

"Elle?"

Nilingon ko ang isang matandang babae na kabubukas lang ng pinto mula sa loob— si Mama, ang may-ari ng bakery. Hindi ko siya totoong nanay pero Mama ang tawag ko sa kanya kasi Mama's Delight ang pangalan ng bakery niya. She also kept insisting that I call her that, kaya hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong totoong pangalan niya.

"Ba't nakatayo ka lang d'yan? Pasok ka," alok niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok ako.

"Mama, magkano 'yong cake na nasa gitna?" tanong ko.

"Halika muna sa kusina. May ipapatikim ako sa'yo." Halatang nananabik siya. "Bilis, bilis."

Sinundan ko siya sa kusina kung saan pinaupo niya ako. Ilang sandali pa'y naglapag siya ng isang tray ng bagong hain na mga pandesal. Umupo siya sa tapat ko sabay tanggal ng kanyang cotton gloves.

Sa likod ng usok, nasilayan ko ang namuong ngiti sa kanyang labi.

Kulay puti ang mga pandesal at maaamoy ng konti ang duguang karne na laman nito. Kumuha ako ng isa pero agad ko itong binitawan nang tampalin ni Mama 'yong kamay ko.

"Elle!" Nabalot sa pag-alala ang kanyang boses. "Baka mapaso ka!"

"What's in it?" usisa ko habang hinihintay na manipis ang ibinubugang init ng mga pandesal.

Nanumbalik ang pananabik ni Mama. "Usap-usapan sa'min itong bagong pandesal na tampok ngayon sa Eldorin. Kabibili ko lang ng recipe mula sa supplier ko, at 'eto..." She sighed, exhausted but relieved. "Balak ko sanang ibenta, depende kung masarap ba talaga."

Eldorin was a neighboring kingdom, and the second largest.

"Bleached flour 'yong gamit ko para sa tinapay kaya ganyan 'yong kulay, tapos 'yong palaman, tinimplahang dugo at karne ng baboy," pagbibigay-alam niya.

"It looks too white, Ma," puna ko. "It looks..." Maayos kong sinuri ang mga ito. "Dead."

And vampires aren't fond of eating the bloodless, such as the dead.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Mas mabuti siguro kung lagyan natin ng kulay," suhestyon ko. "Maybe let it bleed a little at the top? So customers can also smell it from afar."

Lumiwanag ang kanyang mukha. "Tama, tama!" Then she giggled excitedly. "Kaya sobrang saya ko no'ng nakita kita, Elle, eh. Malaki ang tiwala ko sa opinyon mo, kaya ikaw ang gusto kong unang makakita at makatikim nito."

She signaled me to finally grab one. Ikinagagalak ko naman ang pagkuha at upang manamnam nang mas maayos ang kabuuang lasa nito, humaba ang aking mga pangil bago ko ito kagatin.

Agad kong napagtanto na hindi ko na pala kailangang ilabas ang matatalim kong ngipin para dito. Bumaon kasi kaagad ang aking bibig sa lambot ng tinapay at mabilis na kumalat sa aking dila ang linamnam ng mainit-init at sariwang dugo. Everybody knows a vampire's instinct is to devour blood once we taste it, kaya di ako nag-aksaya ng segundo na tumakam ulit nito.

Patuloy akong minasdan ni Mama habang nilalasap ang kanyang bagong produkto. Nilunok ko ito at masusing dinamdam ang kapal ng dugong dumaloy sa lalamunan ko. There was an aftertaste, of both salty and sweet, and a bit of spice, enough to make a vampire crave for more bites.

Whatever the recipe was, she perfected it, I thought. And to think that this was her first try.

Inilipat ko ang aking atensyon kay Mama na kinisap-kisapan ako.

"It's perfect," mahinahon kong sabi, na kanyang ikinatuwa.

She leaned back against her chair, letting out another relieved sigh.

Napaghalataan ko ang labis na antisipasyon niya sa resulta kaya hindi ko naiwasang magtanong, "Were the recipe and ingredients expensive?"

She sighed again. This time, a bit louder. "Naku, Elle, sobrang hirap din ng pagluto."

"It's gonna sell, Ma," I assured her. "Siguraduhin mo lang na sapat 'yong puhunan nito para sa gastusin at paghihirap mo."

Nginitian niya ako at mayamaya'y tumayo. "Tapusin mo na 'yan, Elle," tugon niya. "Yong rainbow cake ba 'yong gusto mong bilhin para kay Misa? Ibabalot ko lang saglit."

Hinatid ko siya ng tingin palabas ng kusina.

Of course she'd know it was Misa's birthday. Dito kami sa bakery niya bumibili noong tinapay lang 'yong inuulam namin. She also let us sleep inside whenever the shelter was full. Isang maliit na panaderia pa lang ito noon. Now it's a sufficient-sized bakery with a fully functioning kitchen and additional ovens. She's starting to bake cakes, too. May plano kasi si Mama na magbukas ng pastry shop kapag sapat na 'yong ipon niya.

She was old enough to be Misa and I's grandmother, and considering her aged looks, Mama may be nearing her first millennium. Vampires don't age like most animals. We reach peak adulthood within the first eighteen to twenty-five years, and then we start aging exceptionally slow.

Saktong bumalik si Mama habang nginunguya ko ang huling kagat ng pandesal. Bitbit niya ang isang kahon na ibinaba niya sa mesa.

Tumayo ako. "Magkano po lahat?"

Naglabas siya ng isang paper bag kung saan ipinasok niya ang iilang pandesal.

"Libre na 'tong pandesal, Elle. Magdadagdag na rin ako para kila Evelyn," aniya. "'Yong cake naman, tatlong lares lang."

Binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Mama. The cake was cheaper than it should be.

Mahina siyang tumawa. "Hati tayo sa bayad ng cake, anak. Tutal, para naman ito kay Misa." Bitbit ang paper bag, sinenyasan niya akong sundan siya. "'Lika."

Kinuha ko ang kahon ng cake bago lumabas ng kusina kasama siya. Ipinatong ko sa bar counter 'yong box at saka kinuha ang aking supot na naglalaman ng mga barya. My hand was still rummaging through my coins when I heard her speak again.

"Balita ko mag-a-apply siya sa Academia."

Naglabas ako ng tatlong pilak na barya. "Mmm." Inabot ko ang mga ito sa kanya. "She's preparing for the exams."

"Ano ba 'yong kapangyarihan niya?" usisa ni Mama habang nagpipindot sa coin register.

Matagal-tagal pa bago ako nakasagot. "Fire."

Agad siyang napahinto.

"Don't worry, Ma. If she passes, I'll move into Lumien with her," sabi ko. "I'll be keeping an eye on her. Sisiguraduhin kong walang gagamit sa kanya at walang mang-aabuso sa kapangyarihan niya."

Because fire is a dangerous magic, most fire mages get recruited by the wealthy and powerful. They use their power to threaten or hurt their enemies, sometimes the innocents.

Nagpatuloy si Mama sa pagbilang ng kinita niya at pag-update din no'ng inventory.

"Elle..." mahina niyang sambit. "Kaya mo ba talagang pag-aralin si Misa doon?"

Ilang sandali akong napaisip sa tanong niya.

Academia is one of the two most prestigious schools in the entire kingdom. It is an all-mage school. Dito nag-aaral ang mga bampirang may talento sa mahika. While the other school is called Militia, kung saan nag-aaral ang mga bampirang gustong manilbihan bilang mga sundalo ng Irvina, regardless if they have magic or not.

Hindi lang school tuition ang aatupagin ko kung sakaling makapasa si Misa sa Academia. Kabilang ng babayaran ko 'yong dormitory niya, at saka 'yong allowance niya... at gagastos din kami para sa uniforms at mga gamit niya.

"Misa gave me a year to prepare. Sapat na 'yong naipon ko para sa unang semester niya. Nakapag-ipon din siya para dagdag allowance niya," sagot ko kay Mama. "I'm also starting to look for a job in the capital, nang may pagkakakitaan kaagad ako pag lipat namin."

Tumango-tango siya, at nakangiting ibinigay sa'kin 'yong resibo. "Pakibati ako kay Misa, Elle."

Lumabas ako ng bakery bitbit ang paper bag at cake box. I stood beside the main road for a while, and eventually stopped an older man's wagon. His wagon made out of wood looked very old, it was basically a cart on wheels. But the man's horse looked young and healthy, obviously well taken care of.

"Palabas ako ng Lumien, hija," sabi ng lalaking may hawak ng renda. Sinilip ko ang laman ng minamaneho niyang karwahe. Wala itong takip kaya mabilis kong nakita ang iilang mga sako ng bigas.

He must be a rice merchant.

"Silk Road," tugon ko.

Sinenyasan niya akong sumakay. Tumungo ako sa likod ng karwahe kung saan umakyat ako sa hakbang. Umalog ito ng konti, hanggang sa maupo ako sa tabi ng mga sako. Ibinaba ko ang paper bag at box, at muling umalog-alog ang lumang sasakyan nang hilahin ito ng kabayo.

Commoners like me don't get the privilege of owning a wagon, a carriage, or a horse. Nakasalalay ang transportasyon namin sa mga mangangalakal o negosyante na dadaan malapit sa destinasyon namin.

Niyapos ko ang aking mga tuhod at ipinatong ang ulo ko rito.

Evelyn and the others must be waiting for me. Lalong-lalo na si Sangie. He looks forward to everyone's birthdays because of the cakes.

Nakilala ko sina Evelyn pagkatapos ng gabing 'yon.

No'ng sinabi kasi ng lalaking 'yon na mayroon siyang change sa kanyang bulsa, hindi ko inasahang makapagpabago ng buhay 'yong halaga.

He left me ten aures, or ten gold coins in total.

For comparison, the lowest currency is cupres, the copper coins. Kasunod ito ng lares, o 'yong silver coins. At 'yong pinakamahalagang barya ay 'yong ginto na tinatawag naming aures.

The morning after I found out that I struck gold, literally, agad akong naghanap ng mauupahan namin ni Misa. After circling the capital, I figured that the cheapest inns were unsafe for women and children, kaya lumabas kami ng Lumien.

We followed the Silk Road for a few weeks. Ito ang daan na ginagamit ng karamihan ng mga manlalakbay na labas-pasok sa lungsod. Then we eventually found a tavern with an inn on the second floor and a family living on the third floor. It was Evelyn's. Her building's a bit dated but it was well maintained. Hindi ito kasingrangya ng mga gusali sa Lumien, kasi itinayo ito para sa lahat ng uri ng mga manlalakbay at mangangalakal. Like she mentioned before, her business was meant to be affordable to everyone, and not just the middle or upper classes.

Malaki ang puso ni Evelyn para sa mga bampirang araw-araw na naghihirap para mabuhay. Nalaman ko ito nang i-offer niya sa'min na manirahan kami sa attic nila. She said that we didn't have to pay rent as long as we work for her tavern and inn. Sinabi niya ring babahagian niya kami no'ng tips na minsa'y ibinibilin ng customers at guests. With four aures left in my pockets and a couple of lares, I knew I just had to accept it.

Sa sumunod na mga taon, nagtrabaho ako bilang server at barkeeper sa tavern. Nagtrabaho din ako bilang housekeeper ng inn na nasa itaas. I learned a lot from Evelyn who helped me raise Misa, and the moment I finally saw Misa come out of her own shell was the moment I realized that life was changing for the better. Isang araw, habang nagtatrabaho ako, nakita ko lang siyang tumatakbo habang tumatawa, hatak-hatak ang lumilipad na laruang kabibili ko lang para sa kanya.

It meant that I was able to return her childhood to her...

But I didn't expect her to grow up so fast. Dumating din kasi 'yong araw na tinutulungan na niya ako sa pagligpit at pagpupunas ng mga kubyertos.

Sa totoo lang, nami-miss ko 'yong mga taon na nahahawakan ko pa 'yong buhok niya nang hindi naaangat 'yong buong braso ko.

Napabuntong-hininga ako.

Magkasingtangkad na siguro kami ngayon ni Misa...

Dama ang maamong simoy ng hangin na sumasalubong sa'min, inalala ko ang huling beses na pinaglaruan ni Misa 'yong mga manika niya. Pati na rin 'yong huling beses na umiyak siya kasi wala ako sa tabi niya nang magising siya.

Just why do children have to grow up so fast?

Sa pagkakatanda ko, nasabi na ito ni Evelyn sa'kin. I made the mistake of not taking it as seriously as I should have. Kaya 'eto ako, nagluluksa sa batang parang kasing-edad ko na ngayon.

Halos isang oras din ang binyahe ko. Pumara ako sa mismong tapat ng tavern at inabutan ng dalawang lares ang lalaking naghatid sa'kin. Ilang segundo kong hinatid ng tingin 'yong karwahe, bago umikot paharap sa isa sa mga kilalang tambayan sa Silk Road.

Pagkapasok ko, sinalubong ako ng ingay ng napakaraming customers. Isang batang lalaki ang tumakbo sa'kin nang nakataas ang mga braso.

"Ate Elle!" tawag sa'kin ni Sangie, ang bunsong anak nina Evelyn at asawa nitong si Robin.

Yumuko ako at maingat na ipinasa kay Sangie ang kahon ng cake na agad din niyang itinakbo habang humahalakhak. Napansin siya ni Evelyn na lumiwanag ang mukha nang makita ako.

"Elaire!" sigaw niya. "You're back!"

Mabilis ko siyang nahanap dahil sa katingkaran niya. In a crowd of dirty merchants and travelers, she stood out with her pale skin, pale pink eyes and pale pink hair. She looked different because she looked like a mage, and she looked like a mage because she was one.

Evelyn Xyroa was born and raised in Eldorin. She came from an upper class family but decided to move to Irvina to live with Robin, her non-mage husband. They bought a property, made it their home, and started their business. Biniyayaan sila ng tatlong lalaki, sina Sylus, Sion, at Sangie. And to their father's dismay, they all inherited the looks and magic of their mother.

Sylus is training at Militia as of this moment. Ang nandito nalang ay sina Sion at Sangie. Sangie's too young to go to school, habang 'yong kuya niya...

"Here." Kinuha ni Sion ang paper bag mula sa'kin. "Let me bring this to the kitchen."

Sion is still deciding if he wants to go to school, or stay and help his parents run their business.

Lumabas si Evelyn mula sa kusina taas-taas ang dalawang kandila. "Sangie, dearest!" Walang kahirap-hirap siyang dumaan sa pagitan ng mga upuan. "Tawagin mo na nga si Ate Misa mo!"

Taking off the black cape, I made my way towards the bar counter and put it under the table. Binaba ko ang apron na nakasabit sa pader at habang sinusuot ito, naglapag si Robin ng isang tray ng mga inumin. Niligpit ko muna ang mga pinggang kahoy mula sa counter bago kunin ito.

I was occupied with serving jugs to the tables. Hindi ko napansin ang pagbaba ni Misa. Narinig ko lang 'yong pagtawag niya.

"Ate Elle!"

After putting down the last drink, I turned around to see Misa wearing a pastel pink dress. Her cinnamon brown hair was curled neatly. Kasingkulay nito ang mga mata niyang nanliit nang ngitian niya ako nang malapad.

Patakbo siyang lumapit.

"Hmm? Hmm?" Pagkarating sa aking harapan, umikot-ikot siya upang ipakita sa'kin 'yong buong hitsura niya. "Ano sa tingin mo? Regalo ni Evelyn sa'kin."

"Ate Misa! Ang ganda mo!" puna ni Sangie. "Pwede ba ako unang kumain no'ng cake?"

Binalewala ito ni Misa na kinisap-kisapan ako.

Isang malambot na ngiti ang namuo sa aking labi. "Bagay."

At sabay silang tumili ni Evelyn dahilan na mapangiwi ako. Inulanan din ng mga puri si Misa mula sa customers. Epektibo nga naman ito dahil mayamaya'y inanunsyo ni Evelyn na on the house lahat ng oorderin nilang inumin sa gabing ito. Ikinasigla ito ng buong tavern. May ibang customers pa nga na napatayo't nagpalakpakan.

"Happy! Birthday! Happy! Birthday!" They all chanted, nang ilahad ni Evelyn 'yong cake kay Misa.

Samantalang, ibinalik ko ang tray sa counter at minasdan sila.

Nagliyab ang hintuturo ni Misa at siya na mismo ang nagsindi ng dalawang kandila para sa sarili niya. Hinipan niya ang kanyang daliri bago pumikit sa tapat ng lumiliwanag na cake.

Just why...

I looked at the flickering candles.

Do they have to grow up so fast...

Misa's eyes flickered along with the reflection of the flames once she opened her eyes and blew out the candles. Sinundan ito ng mga hiyawan mula sa customers at habang pinapalibutan siya ng kasiyahan na para sa kanya, dumako ang kanyang mga mata sa'kin.

Nginitian ko si Misa, isang tahimik na pagbati.

Binalikan niya naman ako ng isang abot-langit na ngiti, bilang tahimik na pagpapasalamat.

•••

"Ate Elle, gusto mo bang malaman kung ano 'yong hiniling ko?"

Patuloy lang ako sa pagsuklay ng buhok ni Misa. Nasa kwarto na kami para mamahinga at sa kasalukuyan, nakaupo siya sa harap ng salamin habang inaayusan ko.

"Hiniling ko na sana makapasa ako sa Academia..." sabi niya, nasa kamay ang brochure ng eskwelahan. "Tapos kapag naka-graduate na ako, ate, maghahanap ako ng mayamang pamilya na pagtatrabahuan ko..."

"You don't have to work for others, Misa," I informed her.

"Ate Elle." She said, in a matter-of-fact voice. "Maghahanap ako ng mayamang pamilya kasi aakitin ko 'yong tagapagmana nila—"

Hindi ko sinadyang mahatak 'yong buhok niya. Nabigla kasi ako.

"Aray!" Napakamot siya rito. "Ate Elle naman, eh!"

Mahinahon akong nagpatuloy.

"Ate Elle!" Nagrereklamo 'yong tono niya. "Ayaw mo bang gumanti sa mga nobles sa pamamagitan ng pagpapakasal sa isa sa kanila? Aagawin lang nating 'yong titulo ng isa, tapos, iisa-isahin na natin sila, ate! Hahaha!"

Palihim akong bumuga ng hangin.

"You haven't even passed your entrance exams yet," paalala ko. "Kung gusto mo talagang maghiganti, mag-aral ka muna nang mabuti."

I set her hair neatly behind her back, and gently put the brush down on the table.

Tutungo na sana ako sa aking kama nang muling magsalita si Misa. Sa salamin, nakita ko ang repleksyon niyang ngumiti sa'kin. "Thank you sa cake, ate."

Ilang sandali ko siyang tinignan bago ibaling ang aking atensyon sa higaan. Narinig ko ang pagtayo rin niya at paglipat sa kanyang kama.

Lying on the bed automatically relaxed my breathing. Sa loob ng ilang minuto, nanatili akong nakahiga habang nakatulala sa kisame.

I forgot to say happy birthday, didn't I?

Tumagilid ako, paharap kay Misa na nakaharap din sa'kin pero natutulog na.

Matagal-tagal ko siyang pinagmasdan.

Will she forgive me for every time I forgot to greet her?

Kasunod kong naalala ang pinag-usapan namin. 'Yong tungkol sa paghihiganti.

Sighing, I lied down on my back again.

The two of us were the only survivors of the Borderland Fires, the great fire that destroyed small villages located northeast of Lumien, near Wispwoods and Marlynn, dalawang kilalang trading locations sa kaharian.

Ayon sa balita, aksidente ang sanhi no'ng sunog...

The victims know better, of course. Alam naming matagal nang pinag-ukulan ng Duke ng Borderlands 'yong maliliit na mga nayon sa pagitan ng mga lungsod ng Borderlands, Wispwoods, at Marlynn.

He made an offer to the villagers, saying he wanted to establish his trading stations on our land, but the village leaders did not accept it. For years, he kept being denied. At imbes na maghanap ng ibang lokasyon at hayaan kaming mamuhay nang mapayapa, he did what most nobles do best: destroy their way to their goal.

He bought a nearby land from another Lord, and after the king gave him permission to establish his trading stations, the duke ordered his men to set fire to the land and let it reach the villages. I think he only meant to scare us away but like what I always remind Misa, fire is hard to control. Hindi ata inasahan ng duke ang laki ng pinsalang sinimulan niya, kaya ginawa niya lahat upang hindi makonekta ang kanyang pangalan sa trahedya.

Naghintay pa nga siya ng sampung taon bago simulan ang construction ng trading stations niya.

And just like that...

Vampires lost their lives while the duke got what he wanted.

Because everything will always work out in the end, as long as you have the right amount of money, a title before your name, and powerful connections.

The Borderland Fires will always be about the great fire that destroyed villages, and not about the suspicious duke that tormented the villages before they were burned.

May malaking bakas ng sunog pa nga ang aking katawan dahil sa napakahabang gabing 'yon. Nasa likod ko ito, permanenteng nakaimprinta sa aking balat, hugis-mapa, at kasingkulay ng kumukupas na dugo.

As much as I want to spend the rest of my life looking for the duke to seek for revenge, minabuti kong ituon nalang ang aking buong atensyon sa pagpalaki kay Misa.

Alam kong labis ang pasasalamat niya sa'kin dahil niligtas ko siya mula sa apoy. Nasabi na niya ito sa'kin dati.

Pero hindi ko pa nasabi sa kanya kung paano niya ako niligtas sa mga sandaling gusto kong sindihan 'yong sarili ko o di kaya'y tumakbo sa apoy.

Marahan akong tumawa... at pagkatapos, malungkot na bumuntong-hininga.

"Happy Birthday, Misa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro