Chapter 23
Kabado ako habang nasa living room ng apartment ni kia, mag-iisang linggo na pala akong buntis. Ito na iyong sign na hinihingi ko sa nakakataas.
Nung isang araw kasi kausap ko iyong sarili ko, sabi ko kung sa tingin ng ikinatataas handa na akong maging ina muli bigyan na ako ng sanggol at ito na nga iyon...
Makaka-baby na kami kaso kinakabahan ako, kakatawag lang ni maverick sa akin hindi raw siya makakauwi may problema raw sa company kailangan siya roon halata ko sa boses niya na pagod siya at maraming iniisip kaya hindi ko muna sinabi ang about sa baby.
Tanging kami lang ni kia ang may alam na buntis na ako, sinabi ko rin sa kan'ya na 'wag niyang ipagsabi. Madali naman siyang kausap.
Hindi ko alam kung kailan ko masasabi kay maverick ang about sa baby namin pero huwag muna siguro sa ngayon, marami siyang inaasikaso ayoko ng dumagdag pa sa isipin niya, hindi pa naman matagal si baby sa tiyan ko kaya hindi naman niya siguro mahahalata na buntis ako.
"Sheena, para kang natatae." Inis kong nilingon si kia, tumawa naman siya.
"Kalma kasi, huwag ka mag-isip masyado bawal ka raw ma-stress tapos dapat puro healthy food ang kinakain mo at hindi iyan." Sabi niya at binawi sa kamay ko ang isang garapon ng ice cream, mas sumama ang mukha ko.
"Kinakabahan lang kasi ako, kia, paano kung mapabaya—"
"Shh... Ikaw na rin ang nagsabi sa akin kanina, sa tingin mo handa kana maging mommy ulit," ngumiti siya sa akin. "Do your best para sa baby niyo, huwag mong isipin nang isipin ang bagay na iyon, iyong nangyari sa nakaraan walang may gusto noon, sheena. Ang isipin mo iyong gano'n, at alam ko iyong little angel mo happy iyon kasi may kapatid na siya."
Ngumiti ako sa kan'ya, kahit loka-loka kaming magkaibigan dumadating din naman sa punto na kailangan seryoso talaga kaming mag-usap.
"Kailan mo balak sabihin sa asawa mo?" Tanong niya, bumuntong hininga naman ako saka napahawak sa tiyan ko at hinaplos-haplos iyon.
"Hindi ko pa alam, halata a sa asawa kong stress na siya at maraming iniisip, marami siyang kailangan ayusin," sabi ko bago nilingon ang tiyan kong hinahaplos ko pa rin saka muling nag-angat nang tingin sa kan'ya.
"Siguro kapag okay na ang lahat, kapag wala na siyang masyadong problema." Dagdag ko, tumungo naman siya.
"Nagpaalam ka ba na rito ka matutulog?" Tanong niya, tumungo naman ako.
"Oo naman, no choice rin naman iyon kundi payagan ako wala naman kasi akong kasama sa mansion kundi mga katulong at guard kaya papayagan talaga ako."
"Buti nalang talaga hindi mahigpit iyang asawa mo, swerte mo na d'yan." Sabi niya, natawa naman ako.
Sobrang swerte ko talaga.
***
Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa talaga ako tulog, nang maramdaman kong umalis sa kama si kia ay mas lalo lang akong nagising, lumabas kasi siya. Hindi ko alam kung bakit na-cu-curious tuloy ako.
Bumuntong hininga ako tska inis na tumayo, no choice ako dahil dakilang chismosa ako ay sumunod ako palabas.
Tahimik lang ako naglalakad palabas ng kwarto, nang makalabas ako ay agad kong nakita si kia na dala ang bag niya at lumabas na sa pinto.
Dali-dali naman akong sumunod, sinilip ko muna kung nasaan siya, agad ko naman siyang nakitang naglalakad sa sidewalk.
Marahan akong lumabas at sinarado ang pinto ng bahay ni kia. Buti nalang talaga laging nasa bulsa ko ang cellphone ko, eh iyong cellphone ko laging may pera sa likod kung maligaw man ako ayos lang may pamasahe ako pauwi.
Dahan-dahan ang ginawa kong lakad habang sumusunod kay kia, baka mahuli kasi ako.
Kunot ang noo ko nang lumiko siya sa isang iskina kung hindi ako nagkakamali dead end iyon, ba't lumiko ang babaitang iyon doon?
Tska gabing-gabi na lumabas pa siya? Jusmiyo.
Hindi ako sumunod sa kan'ya paliko nang isinita, nagtago lang ako sa kanto mula roon ay kita ko kung nakatayo siya habang may lalaking nasa harapan niya.
Madilim kaya hindi ko maaninag masyado, pinagsingkitan ko ang mata ko para maaninag ang mukha ng lalaki.
Halos lumuwa ang mata ko nang makilala ko kung sino ang katakpo niya.
Si kenneth! Punyeta?! Bakit nagkikita ang dalawang 'to nang gantong oras?!
"Anong kailangan mo?" Si kia, malamig ang pakikitungo nito, kahit madilim ay medyo naaninag ko ang mukha nilang dalawa.
"Let's talk about us." Si kenneth na halatang seryoso.
Jusmiyo, ano raw? May agenda bang nagaganap sa dalawang ito na hindi ko man lang alam? Parang hindi ko mga kaibigan ah, lalo na si kia. Si kenneth medyo friend ko lang.
"Walang tayo, kenneth." Sagot ni kia, umawang ang bibig ko. Gago? Hala ampota anong nangyayari sa dalawang 'to?
Nakita kong inaabot ni kenneth ang kamay ni kia pero iniwas agad ni kia ang kamay niya.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong ni kia kay kenneth, alangan naman sa akin eh silang dalawa ang magkausap.
Oo nga, ba't ba siya pinapunta ni kenneth dito?
"Let's talk about us nga."
"Walang tayo, kenneth. Kahit kai—"
"Hindi naging tayo dahil pinaraya mo ako!" Sigaw ni kenneth na kinagulat ko, agad akong nagtaka dahil sa sinabi niya.
Pinaraya? Kanino?
Tinitigan ko ang mukha ni kia, kinagat nito ang pang-ibabang labi niya bago muling nagsalita.
"Minahal mo naman, anong magagawa ko roon." Si kia, mas lalo lang akong nagtaka dahil sa sinabi niya, ano bang sinasabi ng mga 'to. Napangisi ako, may something ba sa dalawang 'to?
"Hindi mahirapan mahalin si sheena, kia..." Si kenneth, agad nawala ang ngisi sa labi ko.
Hindi ako nakagalaw, hindi ko alam ang I-re-react ko.
"Ba't parang kasalanan kong minahal ko si sheena, kia? Ikaw itong nagparaya sa akin 'di ba?" Sumbat ni kenneth kay kia, mas lalo lang akong natameme at hindi nakagalaw.
Nagparaya? Nagparaya si kia para sa akin?
Bakit? Paano? Hindi ko maintindihan...
"Bakit parang kasalanan ko rin na minahal mo ang kaibigan ko, kenneth? Oo ako ang unang nagustohan mo—"
"Alam mong ikaw ang unang nagustohan ko, kia! I already like you since senior pa lang tayo! Pero anong ginawa mo nung nalaman mong may gusto sa akin si sheena?! Pinutol mo ang connection natin at mas pinush mo kaming dalawa ni sheena! And now you're blaming me because I loved, sheena before, what the fuck, kia?!" Sigaw ni kenneth.
So... All this time? Akala ko... Ako talaga ang nagustohan ni kenneth? Akala ko kaya siya pinupush sa akin ni kia kasi akala ko gusto rin ako ni kenneth nung college kami?
Like, putangina. Nakakatanga.
Suminghap ako at huminga nang malalim, hindi ko kinakaya ang naririnig ko. Naghahalo ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon araw, kanina masaya na kabado ako, ngayon hindi ko alam... Hindi ko alam ang mararamdaman ko...
"Tangina mo, kenneth! Pinapunta mo ako rito para d'yan?! Tangina mo! Hindi ko na kasalanan kung minahal mo ang kaibigan ko! Dapat nga magalit ako sa'yo kasi nagtiwala ako sa'yo tangina ka! Hinayaan kong masaktan ang sarili ko noon para sa ikakasaya ng kaibigan ko! Lalo na nang malaman kong minahal mo na rin siya! Hinayaan kong masaktan ang sarili ko para sa inyong dalawa! Hinayaan ko lahat kasi nakikita kong masaya si sheena sa'yo! Tapos sinaktan mo lang ang kaibigan ko! Tangina mo binigyan mo pa ng trauma si sheena!" Sunod-sunod na sigaw ni kia kay kenneth kasabay nang pagpatak ng luha niya.
Nakita ko naman hindi nakaimik si kenneth dahil sa ginawang pag-sigaw ni kia.
Jusmiyo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, basta ang bigat sa dibdib. Parang ang sarap sumigaw.
"Kaya nga gusto kong pag-usapan natin iyong atin, 'di ba? Please... Let's try this, kia..." Nagsusumao ang boses ni kenneth, nakita kong sinubukan na naman niyang abutin ang kamay ni kia pero mabilis umiwas iyon.
"Hindi. Ayoko. Hinding-hindi ko papatulan ang ex-boyfriend ng bestfriend ko,kahit gaano pa kita kamahal... Ayoko. Hinding-hindi pwede, mahal na mahal ko si sheena at ayong masira kami kasi papatulan kita pagkatapos mo siyang saktan, handa akong masaktan habang buhay para lang sa kaibigan ko." Si kia bago niya tinalikuran si kenneth, dali-dali akong umalis sa tinataguan ko at tumakbo sa kung saan.
Mabils ko idinial ang number ni yuki.
"Hello, ate sheena?" Sagot niya, hindi ko kaya umuwi kay kia ngayon. Bahala nalang bukas o sa isang araw basta huwag ngayon, nasasaktan ako sa mga nalaman ko pero mas nasasaktan ako sa kaibigan ko. Bakit niya ba kasi ginawa iyon?
Para sa akin? Nakakatanga naman eh...
"Yuki, pwede bang sunduin mo ako?" Tanong ko, alam ko kasi malapit lang dito ang condominium ni yuki.
"Sure ate, pauwi pa lang ako sa condo ko, asan ka?"
"Sa Dolores St. Malapit sa lumang simbahan." Sabi ko.
"Sige, wait mo lang ako d'yan ate." Sabi niya saka pinatay ang tawag.
Ibinalik ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko.
Pero mabilis iyong nag-ring, muli kong kinuha iyon saka tinignan ang tumawag. Nang makitang si kia ang tumatawag ay huminga ako nang malalim bago sinagot iyon.
"Hoy buntis! Asan ka?!" Sigaw niyang tanong pero halata sa boses na kakagaling lang niya sa iyak.
Napaka mo kia. Puro ako nalang. Wala naman issue sa akin kung maging kayo ni kenneth eh, tama na iyong pararaya na binigay mo sa akin noon, piliin mo naman ikakasaya ng puso mo, please lang...
"I'm so sorry..." Iyong lang ang sinabi ko saka pinatay ang tawag. Dahan-dahan akong umupo sa lupa, at yumuko roon para umiyak.
Nasasaktan ako sa nalaman ko, oo nga pinaraya ni kia sa akin si kenneth noon pero, nasasaktan ako sa part na kaya lang pala ako minahal ni kenneth noon dahil iyon ang gustong mangyari ni kia. Nakakatangina siya, sinaktan na niya ako pati ba naman ang bestfriend ko.
Bwisit, gusto ko umiyak kay maverick kaso alam kong busy ang asawa ko at marami siyang problema. Tama nga naman sila dadating ang oras na wala kang makakasama kundi ang sarili mo. Sarili mo lang ang mapapagsabihan mo.
At gano'n ang nangyari sa akin ngayon, may mabait at understanding akong asawa, may mabait akong kaibigan, may magulang akong inaalagaan ako nang maayos.
Pero ngayon... Sarili ko lang ang makakaintindi sa akin ngayon...
Marahan kong inilipat ang kamay ko sa tiyan ko.
"Samahan mo muna si mommy baby, hindi kasi available si daddy..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro