Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Perente akong nakikitawa sa mga pinsan na babae ni maverick. Puro halos karamihan sa kanila ay parang utas na kakatawa dahil sa mga kwento ni alisha.

Wala ang mga magulang namin dahil may bibilhin lang daw at talagang sama-sama sila. Habang sila maverick naman ay nasa garden area dahil may pag-uusapan daw silang magpi-pinsan. Kaya ending dito ako nakisama sa mga pinsan niya.

"You know what, si yuki talaga ang pinaka pasaway sa aming magpi-pinsan." Sabi ni ate felicia, ngumuso naman si yuki na parang bata at pinagkrus pa ang dalawang braso sa dibdib.

"If I'm not mistaken. Nung grade seven ka napa-office ka agad kasi nakipag-suntukan ka roon sa kaklase
mong lalaki." Tumatawang kwento ni ate felicia, natawa naman kami lahat lalo na sa reaction ni yuki na parang hiyang-hiya sa ginawa noon.

"Sa amin apat si danaya ang bunso pero si yuki talaga ang sutil, nung grade ten nga siya napa-office ulit, same case rin naman nanuntok siya and ang nakakatawa pa roon parehas din iyong sinutok niya." Dagdag pa na kwento ni ate na mas kinatawa namin.

Hindi ko naranasan iyon, manuntok pero nung grade one nakipag-ganutan ako.

Syempre bata, aba sinaksak ako ng lapis eh.

"Eh kasi siya... Ayaw ako tigil—"

"Until now, ayaw ka tigilan noong tao." Umiiling na putol sa kan'ya ni ate felicia, sunod-sunod naman siyang tumungo an parang bata.

Until now? Ilang taon na iyon? Since grade seven pa pala iyon, tapos na siya mag-college and nag-work na siya.

"Bakit mo ba sinuntok?" Tanong ko bago sumipsip sa iniinom na buko shake.

"Ano, ate sheena. Nung grade seven ako inaasar niya akong pandak kaya gumanti ako sabi ko supo—"

"Bibig mo." Putol sa kan'ya ni ate felicia, naitikom ko ang bibig ko dahil alam ko na ang ibig sabihin ni yuki. Tinitigan ko ang mukha ni ate felicia, marunong naman maki-bonding si ate kaso strict talaga ang mukha niya lalo na kapag nakikipag-usap, iisipin mo na galit siya pero hindi naman.

"Tapos kahit nung grade eight, nine, and ten. Inaasar niya ako kaso nung grade ten hinalikan niya ako ate— I mean aksidente lang naman kasi naglilinis kaming dalawa tapos nadulas siya, pero hinalikan pa rin niya ako kaya sinuntok ko siya!" Sigaw niyang kwento, natawa naman ako habang si ate felicia ay napailing nalang sa kan'ya.

"Okay, stop na muna tayo kay yuki, pag-usapan muna natin buhay natin since wala namang boys here." Si Eiliana, kakauwi lang nito kanina kasi galing pa siya sa last commerial photoshoot niya.

Pansin ko rin talaga puro sila sa showbiz kung hindi sa showbiz sa mga business na mga clothing line or some cosmetics.

"Let's talk about ate felicia, since si mira at sheena hindi talaga natin nakakasama wala silang alam sa'yo, maliban sa tatandang dalaga ka." Halatang inaasar niya si ate felicia, inirapan lang siya nito.

"Single ka rin naman ah." Balik na pang-aasar ni ate felicia kay Eiliana, inirapan naman siya ito kaya natawa kami lahat.

Ang cute nila tignan magpipinsan. Hindi ko naranasan maging ka-close ang pinsan ko both side maliban sa pinsang buo ko sa side ni papa kaso puro sila lalaki at dalawa lang ang babae pero sila lang ang medyo ka-close ko kaso pare-parehas busy sa buhay at ang ilan pa sa amin may pamilya na, hindi na makapag-bonding. May pinsan akong mga Lim sa father side ko, may Lim kasi siyang kamag-anak sa lola ko sa father side ko.

Hindi ko pa sila na meet pero willing ata gumawa ng family reunion ang side ko sa father ko. Sa pagkakaalam ko rin hindi mismo Lim ang kamag-anak namin kundi ang asawa.

Hindi ko lang sure kung alin sa apat na magkakapatid.

"Shut up, ate. I have a boy—"

"Wala kayong label, Eiliana." Si ate felicia na pinutol agad ang gustong sabihin ni Eiliana.

"Boyfriend—"

"Hindi mo siya boyfriend kasi walang label." Gusto kong matawa dahil sabay nagsalita si danaya at ate felicia. Halatang-halata na ang pagka-irita sa mukha ni Eiliana.

"Fine, wala kaming label atleast my baby ako, papakasalan ako." Pagtatanggol niya sa sarili at humalakhak natawa naman kami ni mira na nasa tabi ko.

"Baby mo mukha mo, hindi ka nga bigyan ng label, pakasalan ka pa kaya." Inis na nagpapadyak si Eiliana nakinagulat namin parehas ni mira habang iyong tatlo tinawanan lang siya.

Potah, foul na iyon.

"Napaka bad talaga ng bibig mo ate felicia! Kaya wala kang manli—"

"Wala nga ba?" Si danaya na malaking nakngisi habang nakatingin kay ate felicia, kumunot ang noo ko dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

Nakita ko kung paano umiwas nang tingin si ate felicia at agad nilagok ang shot glass.

Luh?

Kumunot ang noo ko dahik tawa nang tawa si yuki habang naguguluhan si Eiliana, nilingon ko si mira na tahimik na alam kong naguguluhan din.

"What did you mean, danaya?" Seryosong tanong ni Eiliana. Siguro dahil busy siya late siya sa update sa mga pinsan niya.

Jusmiyo. Ba't puro lovelife ang topic? Well... Ayos ang lovelife ko kaya siguro hindi ako maka-relate masyado.

"Well... Bago kami tumuloy rito ni ate felicia, sa condo niya may nagpuntang lalaki." Tumatawang kwento ni danaya, naitikom ko ang bibig ko dahil natatawa ako sa itsura ni ate felicia.

Halatang-halata pa rin ang pagiging mataray sa mukha pero hindi mo maalis doon ang pagka-inis kaya mas lalo siyang nagmukhang mataray na para bang galit sa lahat.

"You know the man na... Inakala mong type ka, ate Eiliana?" Tanong ni danaya.

"God, danaya. Ang dami nila, sino roon?"

Ay wow ha, sana all maraming may type na boylet. Atleast ako meron maverick na gusto ng karamihan na babae. Husband material.

"I don't remember his name but, the man na pinuntahan ka nung nasa bar tayo one time—"

"Si Erikson?! Seriously?!"

Shuta?! Kailangan sumigaw, kakagulat naman ito.

Muntik ko na maitapon ang iniinom ko, gano'n din si mira mukha halos lahat sa amin nagulat dahil sa pag-sigaw ni Eiliana.

"Oo iyon! Nagtaka nga ako ba't niya pinuntahan si ate felicia sa condo iyon pala susunduin niya sana para ihatid sa company si ate kaso may plan nga tayong vacation." Pagpapatuloy niyang kwento. Lahat kami napalipat ang tingin kay ate felicia na masama kaming tinignan.

"He's not my type, hindi ko siya gusto, okay? Unang araw pa lang binasted ko na siya, siya itong ayaw tumigil. And gosh! He's only twenty-eight years old! To young for me!" Sigaw niyang paliwanag.

Astig din magpipinsan na 'to, habulin ba sila ng mas bata sa kanila? Babaeng version ata ni caden si ate felicia but, iyong kay ate felicia three to four years lang ang gap and both of them nasa legal age na talaga. Alisha and Caden also are in legal age rin naman kaso, mukhang ayaw talaga ni caden kay alisha.

Lubog ang barko ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro