Chapter 15
Kabado ako habang nakaupo kami sa loob nang mansion nila kalen, nandito nga halos lahat. Habang ang kamag-anak ko na kasama ko ay si mom and dad lang pero iyong kay maverick halos buong angkan.
Grabe, magigisa ako for sure.
"How old are you, sheena?" Napalingon ako sa tita ni maverick, tita dalia, sa pagkakaalala ko tita niya ito sa father side niya, pinsan ng father niya na tita na niya.
Basta iyon na iyon.
"Turning twenty-eight pa lang po." Sagot ko at sumimsim sa iniinom na buko shake, ewan ko nag-chrave ako kanina buti nalang may maalam na gumawa ng boku shake sa kanila.
"Oh." Mukhang nagulat si tita dalia. "If I'm not mistaken, mag-three years na kayong kasal, kailan niyo balak mag-anak? Patanda na kayong dalawa ni maverik, dapat nag-aanak na kayo." Hindi ako nakaimik, nilingon ko si maverick na nakatingin na rin pala sa akin, ngumiti siya at kinuha ang isang kamay ko at pinisil-pisil iyon.
"Tita." Siya na ang nagsalita. "It's not enough reason para mag-anak agad, tita. It's my wife decision, if sheena don't have a plan have a child, I am okay with that, tita. Hindi po porket we are getting older na, kailangan namin mag-anak." Sagot niya sa tita niya, naitikom ko naman ang bibig ko at nilingon ang bahagi ni tita dalia na mukhang natahimik dahil sa haba nang sinabi ni maverik.
"Sheena, iha. You don't have a plan to have a kids with maverick?" Napalingon naman ako kay tito ryan, asawa ni tita dalia.
Sa totoo lang may plano ako mag-anak ulit, gusto ko mag-anak kasama si maverick, gusto ko magpalaki at ng anak na kami ni maverick ang may gawa pero... Pinapangunahan ako ng takot.
Sa unang pagbubuntis ko naging pabaya ako, namatay ang baby ko kay kenneth dahil naging pabaya ako naging walang kwenta akong ina, mas inuna ko magpakalasing dahil niloko at iniwan ako ng lalaking mahal ko noon, hindi ko nabantayan na baka buntis ako kaya nawala ang baby ko.
Ngayon na may asawa na ako hindi ko alam kung kailan ako magiging ready ulit para maging ina, natatakot ako na baka mapabayan ko ang anak ko... Ayoko mangyari iyon gusto ko magawa ko ang lahat para mapalaki ng maayos ang anak ko, mamahalin ko siya ng lubos...
Baka sakali matuwa ang baby ko sa itaas na may kapatid siya at inaalagaan ko ang kapatid niya...
"Uhm..." Hindi ko alam ang isasagot ko, baka kapag sinabi kong oo, may plano ako baka mag-expect agad silang magka-baby kami agad ni maverick, may plano ako pero hindi pa ulit ako handa maging ina, kinakain ako nang takot eh.
Inilibot ko ang buong paningin sa living room, lahat halos ng tita at tito ni maverick nakatingin sa akin, maski pinsan niya. Gano'n din sila mom and dad, mama and papa. Mukhang hinihintay talaga nila ang sagot ko.
Napabuntong hininga nalang ako.
Mabilis ako napalingon kay maverick nang maramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.
"It's okay, love." Ngumiti siya sa akin bago hinarap ang pamilya niya.
"Uhm... Tito, I think my wife isn't thinking having a child right now, I hope all of you understand that, ang asawa ko po ang magdadala ng bata, hindi ako o kayo po. So like I do, I respect my wife decision, all of you should respect her decision too." Mahaba niyang sabi, hindi ko mapigilan ngumiti at humanga, para bang hindi siya natatakot sa magiging reaction ng mga kamag-anak niya.
"Okay, maverick. Sorry, iha. I don't want to rush you, I'm just saying." Sabi sa akin ni tita dalia, ngumiti naman ako at tumungo nalang.
"Tama si kuya maverick! Sperm lang ambag niyo!" Halos manlaki ang mata ko nang marinig ko ang sumigaw, sabay-sabay kaming lumingon sa malaking entrance ng mansion nang may pumasok doon na isang babae.
Mahaba ang buhok nakalugay ang mga iyon, nakasuot ng yellow dress, and doll shoes.
She looks like, twenty I think? College student pa siguro.
"Alisha!" Alisha? Mas naguluhan pa ako nang lumapit si mama doon sa babae.
"Sino iyon?" Gulong-gulo kong tanong kay maverick, hindi familiar sa akin ang mukha nung babae, alisha raw pangalan, hindi rin familiar sa akin ang pangalan niya.
"Uhm... Kaibigan ni Dayana, na... Ka-close ng family namin. Na may gusto kay Caden." Sagot niya, tumungo-tungo naman ako at uminom ulit sa iniinom ko.
Akala ko pinsan na naman niya, jusko nahilo na nga ako sa family niya eh.
"Alisha, your mouth." Napalipat naman ang atensyon ko sa pinsan na lalaki ni maverick sa mother side niya, si caden. Gwapo itong Caden, matangkad, mukhang masungit. Halos lahat naman siguro sa mother side niya na pinsan niya masusungit, jusko sila.
Pinaglihi ata sa sama ng loob, itong si maverick masungit din sa iba maliban sa fans niya tska sa akin.
Si brixton ang pagkakaalam ko na pinaka matanda, thrity-four na ata, pangalawa si caden na thrity-three, habang si maverick ang pantalong kung hindi ako nagkakamali sa age ng asawa ko, mag-thrity-one pa lang siya.
Sumunod naman si kalen na twenty-nine, pero may asawa't anak na. Ang cute nga noong anak niya nakita ko kanina. Sabi sa akin ni maverick may pinsan pa siyang lalaki pero malayong pinsan na, alexis daw pangalan kaso madalas ay nasa canada dahil doon nandoon ang asawa pero uuwi na ata this year gawa gusto na magpakasal ni alexis pero hindi pa ata alam nung babae. Kasi sabi sa akin ni maverick surprised daw.
Ewan ko ba sa lalaking 'to lahat chinichismis sa akin.
May pinsan siyang babae sa mother side niya, apat. Iyong isa model din daw, si Eiliana Perez, twenty-five years old, nakita ko siya kanina maganda talaga ang sexy niya! Tapos morena! Kaso may photoshoot pa siya kaya hindi siya makakasama sa bonding pero babalik din naman agad siya pagkatapos
ng photoshoot.
Iyong pinsan niyang babae, businesswoman daw ang pinagkakaabalahan sa buhay, single at wala raw balak mag-asawa, mas mahal daw kasi ng pinsan niyang iyon ang negosyo, si ate felicia. Thrity-two na ata si ate felicia. Habang iyong isang pinsan niya sa babae is si Yuki, mabait iyon nakausap ko agad aang daldal din, mala kia ang bibig walang preno, sa pagkakaalam ko single rin siya kasi hindi raw siya bet ng taong gusto niya, twenty-seven pa lang naman siya makakahanap pa siya ng bago.
Iyong isa is si danaya, college pa rin, twenty-two years old pa lang.
Nalaman ko kasi lahat ng pinsan ni maverick sa mother side niya gawa rin niya, dinaldal niya sa akin lahat kanina.
"Miss me, caden?" Naitikom ko ang bibig ko, hindi ko alam pero gusto ko matawa sa reaction ni caden dahil sa sinabi nung alisha, mukha kasing hindi niya talaga gusto ang lumalabas sa bibig ni alisha.
"Stop, flirting with me, alisha. I don't date young girl, and also I have a girlfriend na." Mabilis kumunot ang noo ko, sabi niya kanina sa akin single siya, inilipat ko ang tingin kay alisha na nakatikom ang bibig at halata sa mata ang gulat pero kung hindi ako nagkakamali...
Bakit parang may nababasa akong sakit at lungkot sa mga mata niya? Dahil ba sa sinabi ni caden.
Ginagago ba ako ng pinsan ni caden?
"Caden, anak..." Si tita dalia, inilipat ko at tingin kay caden na seryoso ang mukha ngayon.
"Uhm... Tita dalia, next time nalang po tayo mag-usap, I have a photoshoot pa pala." Si alisha na ngumiti sa amin lahat, tumigil siya sa akin saka malaking ngumiti at tumungo, gano'n nalang din ang ginawa ko.
Umalis agad si alisha pagkatapos niya magpaalam sa lahat, sunod naman nagpaalam si caden na may gagawin lang habang si kalen naman ay pupuntahan ang asawa't anak na tulog sa kwarto nila, si brixton naman ay tatawagan lang ang girlfriend niya para masundo niya na ito.
Sila mama naman ay nagpaalam na mag-grocery sumama sa kanila, sila mom and dad. Gano'n na rin sila tita dalia at tito ryan.
Iyong ibang kamag-anaka naman nila maverick ay aayusin lang daw ang backyard pati na rin ang swimming pool at ang iba pa.
Niyaya naman ako ni maverick na magpunta na muna sa kwarto namin para magpahinga.
Nang makapasok kami sa kwarto ay agad akong umupo sa kama habang umiinom, si maverick naman ay inaayos ang lagay ng gamit namin sa cabinet. Maybe two weeks daw kami dito kasi nag-request ang mga tita niya.
"Love..." Tanong ko sa kan'ya, hindi naman siya lumingon at ungot lang ang sinagot sa akin.
"Gusto mo ba magka-anak?" Tanong ko, gusto ko rin naman malaman side niya.
Tumigil siya sa ginagawa at ibinaba ang mga damit na hawak niya saka lumakad pa lapit sa akin at naupo sa tabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Of course, I want a child with you, gusto ko gumawa ng family with you, but it's your decision, wifey. Ikaw ang magdadala sa anak natin, ikaw ang magbubuntis hindi ako, kahit gusto ko ng anak kung ayaw mo naman, wala akong dapat gawin kundi respetohin ang desisyon mo, hindi kita pwede pilitin." Mahaba niyang sagot, marahan akong tumungo.
"How about you?" Balik niyang tanong sa akin, uminom muna ako bago nagsalita.
"Gusto ko rin pero... Natatakot ako..." Bumuntong hininga ako, sa tuwing pumapasok sa isip ko magkaka-anak kami, masaya sa pakiramdam masarap sa pakiramdam pero hindi nawawala iyong takot na baka mangyari iyong dati.
"Alam mo naman na naging walang kwentang ina ako dati—"
"No, your not. Your fucking ex-boyfriend, siya ang walang kwenta. Not you." Putol niya sa sinabi ko.
Sama talaga ng loob niya kay kenneth parehas sila ni kia, kung siguro ako madali ako magpatawad, sila hindi. Hindi ko naman sila masisi.
"Gusto kong mag-anak maverick, kaso natatakot ako na baka mapabayaan ko siya... May plano ako pero hindi ko alam kung kailan ako magiging handa maging ina ulit..." Malungkot kong sabi.
Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga, tinitigan ko siya malaki siyang ngumiti sa akin.
"I will wait for the right time, Love. If you're ready na, just tell me okay? No pressure, you need to heal first, hihintayin kong maging handa kana ulit." Mahaba niyang sabi, bago ako niyakap at hinalikan sa noon. Napangiti ako.
"Thank you for understanding, maverick."
"No need to thank me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro