Chapter 13
Ala-una na nang madaling araw pero wala pa rin si maverick, pero sabi ni manang tumawag na raw sa kan'ya si maverick at pauwi pa lang daw, dapat nga sa living room ako mag-aantay kaso baka abutan ako ng antok doon kaya pumunta nalang ako sa kwarto namin at kung makatulog man ako sa kama ang bagsak ko.
Isa ito sa natutunan ko sa past relationship ko, kapag may problema dapat inaayos agad, hindi pinapatagal pa.
Tama si kia, mataas ang pride ko pero matanda na ako at may asawa na ako hindi naman ito ang tamang oras para taasan ko pa ang pride ko. Mahirap na.
Mabilis ako napalingon sa pinto ng kwarto namin nang bumukas iyon, agad naman pumasok si maverick na dala-dala ang bag niya.
Nang lumipat ang paningin niya sa bahagi ko ay nanlaki ang mata niya, halatang nagulat na makita pa akong gising.
Ini-lock niya ang pinto ng kwarto namin bago naglakad papunta sa walk-in closet namin. Hindi siya umimik at pinanood ko lang ang bawat galaw niya, kumuha siya ng susuotin bago pumunta sa bathroom.
Napabuntong hininga ako. Hindi man lang niya ako nagawang batiin, maski isang salita hindi niya ako inimikan, dati-dati kada uwi niya lalapit agad siya sa akin at hahalik sa pisngi ko, kapag tulog naman ako nararamdaman ko na may humahalik sa noo ko.
Tapos ngayon, tinignan niya lang ako at hindi man lang nginitian o hinalikan sa pisngi. Hindi ako sanay.
Hindi ko maiwasan malungkot dahil alam ko sa sarili kong hinahanap ko ang lambing niya.
Nakanguso ako hanggang sa marinig kong bumakas ang pinto ng bathroom namin, lumalabas si maverick na naksuot ng gray na pants and white fited shirt.
Akmang iimik na ako nang unahan niya na agad ako umimik. "Not right now, sheena." Imik niya, hindi ko alam pero parang mas nalungkot ako, I thought may sasabihin siyang iba and hindi niya ako tinawag na wifey, tinawag niya ako sa pangalan ko.
Tumungo ako at yumoko bago dahan-dahan humiga nang maayos sa kama. Kinuha ko ang kumot at nagtalukbom doon.
Gusto ko lang naman mag-usap kami para maayos na kami bakit parang ayaw niya kaming mag-usap at magkaayos? Tapos tinawag niya pa ako sa pangalan ko eh hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko, kung hindi wifey minsan love ang tawag niya sa akin.
Ang bigat tuloy sa pakiramdam na matulog na ganto, parang hindi ko kaya matulog na ganto. Kasalanan ko ba? Kung kasalanan ko sabihin niya sa akin hindi ko naman itatangi na kasalanan ko eh kung sasabihin niya nakasalanan ko.
Mariin kong pinikit ang mata ko dahil pakiramdam ko maluluha ako, ang bigat sa pakiramdam. Parang gusto ko ilabas iyong kirot na nararamdaman ng puso ko, parang gusto ko umiyak ng sobrang lakas dahil sa bigat na nararamdaman ko.
Naramdaman kong lumubog na ang kabilang parte ng kama, ibig sabihin may nahiga na. Kung dati pagkahiga niya niyayakap na niya agad ako pero ngayon walang yumayakap.
Tangian, the more nag-iisip ako the more na bumibigat pakiramdam ko the more na mas sumasakit iyong kirot.
Bakit kasi kailangan pa nang ganto? Gusto ko na magbati na kami, gusto ko na maramdaman ang yakapan niya, labi niya gusto ko na makita ang mukha niya laging ngiti ang sinasalubong sa akin iyomg boses niya na tumatawag sa akin lagi ng wifey.
Ilang minuto na ako nakapikit pero hindi pa rin ako natutulog, kung kanina bago siya dumating inaantok na ako pero ngayon hindi ko na siya maramdaman, ang hirap sa pakiramdam parang gusto ko na talaga umiyak kaso ayokong marinig niya ang iyak ko.
Naghintay muna ako nang ilang minuto bago nagpasya alisin ang talukbom ko. Sinilip ko siya kung tulog na siya, nang ma-sure ko an tulog na siya ay marahan akong umalis sa pagkakahiga ko sa kama ko at lumakad papunta sa balcony ng kwarto namin.
May malaking bilog na upuan doon kaya doon ako umupo.
Bumuntong hininga ako at hinayaan ko na ang sarili kong maluha. Hindi ko maalala kung kailan ba ako huling umiyak, kasi simula nang makasama ko na si maverick nakakalimutan ko na iyong lungkot na nararamdaman ko noon sa tuwing mag-isa lang ako, hindi ko na magawang umiyak kasi puro saya ang nakukuha ko.
Pero eto ako ngayon, umiiyak kasi nasasaktan, tangina. Alam ko naman ang dahilan ba't ako nasasaktan eh, kasi mahal ko na si maverick.
Mahal na mahal ko na iyong tao pero... Paano ko sasabihin sa kan'ya ang bagay na iyon kung gano'n nakikita ko mukhang napagod na siya sa akin, nagsawa na siya sa akin.
"Bigat..." Sabi ko, gagi ang sakit sa pakiramdam.
Iyak lang ako nang iyak.
"What are you doing here?" Mabilis ako napalingon sa pinto ng balcony namin at napatayo sa pagkakaupo, kunot noo akong tinititigan ni maverick.
Walang ilaw kaya hindi ko sigurado kong nakikita niya akong umiiyak.
"Are you crying?" Tanong niya, mabilis akong umiling at tumalikod sa kan'ya para punasan ang mukha ko, hindi pa ako tapos magpunas nang mukha ko nang nablutin niya ang braso ko at iharap sa kan'ya.
"What's wrong?" Tanong niya, sa oras na ito ramdam ko na ang pag-alala sa boses niya. Umiling ako at hindi pa rin nagsasalita.
"Tell me, why?"
"W-Wala nga." Iniiwas ko ang tingin ko sa kan'ya pero lagi niya hinuhuli iyon. "Ikaw kasi..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hindi ko na mapigilan eh, ang sakit kaya nakakabwisit.
"G-Gusto ko lang naman kausapin ka para magbati na tayo kasi miss ko na ang yakap at halik mo, ang lahat-lahat sa'yo... Isang araw pa lang ikaw naging malamig sa akin nasasaktan na agad ako tapos... Ngayon ayaw mo ako kausapin? Kasalanan ko ba maverick? Sorry... Sumobra na ba ako? Iiwan mo na ba ako? Pagod kana ba sa ugali?" Sunod-sunod kong tanong sa kan'ya kasabay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
Sawa na ba siya? Hindi na ba niya ako kaya tiisin?
Hinaplos niya ang dalawang pisngi ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"I'm sorry, love. I'm just tired, I'm so sorry..." Hingi niya ng tawad at hinapit ako palapit sa kan'ya at niyakap ako, patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Kailangan ko pa ba masaktan para kausapin niya ako?
"I love you, I will never getting tired of you, love... Trust me... I love you so much, I'm just tired because of works... I'm sorry..." Aniya habang hinahaplos ang likod at buhok ko, para naman tanga luha ko ayaw tumigil sa kakaiyak pakiramdam ko rin may sipon na mukha ko.
Paulit-ulit niyang hinahalikan ang buhok ko habang hinahaplos ang buhok at likod.
"Sorry..." Hingi niya pa rin nang tawad.
"Pasensya kana rin..." Hingi ko rin ng tawad.
"It's okay, don't worry..."
Huminga ako nang malalim, kapag sinabi ko ba sa kan'ya ngayon mahal ko na siya ano kaya mangyayari sa kan'ya? Nag-dra-drama ako kanina at umiiyak.
"May sasabihin ako sa'yo..." Bulong kong sabi at paulit-ulit na lumunod.
"What it is, love?"
"Ano... Maverick... Uhm... I love you... Sorry kung ngayon ko lang nasuklian ang pagmamahal mo..." Kabado kong sabi, hindi siya umimik at para siyang na estatwa dahil sa sinabi ko.
Gago?
"You love me?"
"Medyo." Biro ko. "Yeah, I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro