Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

W a k a s

WAKAS

Baby




She open her eyes and look around, alam niyang nasa bisig siya ni Sebastian. Isang linggo na ang nakaraan ng ipagtapat ni Sebastian ang pagmamahal niya kay Sofia. Simula noon ay hindi na muli sila naghiwalay, bumili ng bagong bahay si Sebastian para kay Sofia at sa anak nilang si Stephen. Napuno ng saya at halakhakan ang tahan nila. Walang araw na hindi niya pinagsilbihan ang kanyang mag-ina. Lahat ng pakukulang nito ay tinumbasan niya ng higit pa sa salitang 'Sobra'. Lumipas ang marami pang mga araw na puro ligaya lamang ang nararamdam nilang dalawa.




Walang araw na hindi ipinaramdam ni Sebastian ang lubos lubos na pagmamahal niya kay Sofia. Pagakatapos ang mala teleseryeng ganap sa loob ng simbahan na totoong ikinainis pa ni Sofia. Dahil nakaabala daw sila sa mga taong gusto lamang magsimba. Nagpasalamat siya kay Daniela at syempre kay Elainne na hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang magiging kaibigan ng kakambal niya.




Maraming nangyari sa loob ng ng ilang araw at isa na roon ang araw araw na bumabangon sa piling ni Sebastian. Habang nahihimbing si Sebastian ay hinaplos ni Sofia ang mukha nito. "I will never ever leave you again, My love..." Bulong nito, "You are my life, you and Stephen..." Aniya pa.




Babangon na sana siya ng biglang hawakan ni Sebastian ang kanyang kamay upang pigilan. Nagulat naman siya, "Gising ka?" Tanong nito at saka nakaramdam ng hiya.




Nagmulat ng mata ang binata, "Ofcourse..." he smiled widely. Matamis na ngiti iyon.




"Seb..." Bulong ni Sofia.




"Hmmm..." 




"I love you." Anang si Sofia at muling hinaplos ang pisngi ni Sebastian.




Ngumiti si Sebastian, "I love you too, Sofia." Hinalikan niya ito sa noo.





Babangon na sana ulit si Sofia ng hatakin ni Sebastian ang kanyang beywang, "Just stay more longer and make love with me..." Bulong nito.




"No... kailangan ko ng bumangon dahil ipagluluto kita ng breakfast." Pagpupumilit pa niya.




"Kaya na iyon ni Manang... isa pa parang nabitin ako kagabi at..."




Tinakpan ni Sofia ang bibig nito, "Baka naman may makarinig sayo. Nakakahiya!" nangingiting si Sofia. Sino bang makakarinig sa kanila gayong nasa loob naman sila ng kwarto.




"Mabuti pa'y ipagbukod na natin si Stephen na sarili niya kwarto para hindi ka maabala pag nagigising s'ya." Anang si Sebastian. Pero ang totoo nama'y nahihirapan silang umungol sa hating gabi kung mahimbing na ang tulog ni Stephen. Ang balak ni Sebastian na ilang round ay nauuwi sa isa lamang dahil ang kasunod na noon ay magigising si Stephen.




"Hmm! Talaga lang huh? Ako ba ang naaabala o ikaw?" Tuluyang napatawa ng malakas si Sofia. Ganoon parin ang ayos ng anak, nahihimbing parin ito.




Nakatingin lamang si Sebastian habang tumawa siya, ninanamnam nito ang kasiyahan sa mukha ni Sofia. Hindi biro ang pagsubok na kinaharap nila. Mahal na mahal niya ito at walang sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila.




"You are my life, Sofia..."




"Mahal kita. Mahal na mahal..." Bulong ni Sofia.




"Mahal kita. Mas mahal na mahal..." Ngumiti si Sebastian at saka idinantay ang palad sa makinis na hita ni Sofia.




Mabilis ang oras para sa kanilang dalawa ang umaga ay ginagawa nilang gabi ta ng gabi ay ginagawa nilang umaga. Walang pinipiling oras ang pag-iisa nila. Hangga't nariyan si Sofia na mainit ang dating sa katawan ni Sebastian, natatapos ang araw na laging nag-iisa ang kanilang mga katawan. Iyon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila, ang maging isa. Kaya't bago pa gumabi ay naghanda si Sebastian ng isang maliit na salo salo sa kanilang tahanan. Kompleto ang lahat mula sa mga kaibigan, kamag-anak at mga magulang. Tuloy ay hindi maiwasang mahiya ni Sofia sa ibang tao roon.




"Thank you for coming tonight!" Panimula ni Sebastian.




Ngumiti ang iba, ang iba naman ay may halong kilig at isa na doon ang magbestfriend, si Daniella at Elainne. Naging matalik na kaibigan ang dalawa, bakit? Dahil pareho silang maloko sa buhay. Pahero ng hilig... mahilig sa gulo!




"This celebration is for our new home, our new life..." Dagdag pa nito.




Biglang lumungkot ang mukha ni Sofia, new home, new life. Naisip niya ang kakambal at ang kanyang ina. Tiningnan niya ito mula sa dulo ng mahabang lamesa habang karga karga ang natutulog na si Stephen. Ngumiti ito sa kanya.




"Be ready for your new life, Sis!" Mungkahe ng kakambal mula sa malayo. Pabulong ito, hindi maintindihan ni Sofia kaya't kumunot pa an noo niya.




"And also thank you so much sa lahat ng naging parte ng aking magulong buhay, Pa, Ma, thank you!" Natatawa siya, "Trev and Wil..." Natawa ang iba. Napangiti si Sofia. Ilang araw na kasing dumadalaw ang dalawa niyang kaibigan para makipag-inuman kay Sebastian. Wala naman siyang magawa kundi ang makisali sa mga ito.




"...and to the mother of my Stephen kulit, Sofia my love, my life, my everything, thank you for giving me so much love." Ngumiti ito kay Sofia habang natatahimik lang siya sa mga speech nito.




"Everyone, please... support me!" Tumawa siya, habang ang iba naman ay ganoon din. Kumindat naman ang Don sa anak na si Sebastian.




"My love, Sofia will you be my forever wife?" Nagulat ang lahat, may nagsigawan, kilig, palakpakan. Habang si Sofia naman ay naluluha. Hindi na siya nagulat dahil araw araw yatang sinasabi iyon ni Sebastian sa kanya.




"Will you marry me, My love?"




"OFCOURSE YES!" May halong kaba at tawa ang pagsagot niya.




Nagpalakpakan ang lahat, "Everyone!" Paghahawi niya sa maingay na paligid, si Sofia naman ang humarap kat Sebastian...




"My Sebastian, the father of my little Stephen kulit, I love you so much, everyday, everynight, forever my love..." Aniya at inilabas ang isang maliit na parehabang kahon.




"Accept this as a thank you gift..." Natatawa niyang sabi.




Agad namang binuksan ni Sebastian ang kahon at tumabad sa kanya ang isang pregnancy test kit na may dalawang guhit na pula. Napahilamos si Sebastian. Mukhang siya pa yata ang mas nagulat kesa sa proposal niya kay Sofia.




"Are you..." Namimilog ang mga mata ni Sebastian.




"Yes..."




"BABY NUMBER TWO!" Sigaw ni Sebastian at hinalikan nito si Sofia, mariin, mapusok, nagaalab, nagmamahal.




:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro