7
KABANATA 7
Death Threat II
Habang nasisiguro ni Sofia na nasa maayos na kalagayan ang kinaroroonan ni Sebastian at Elainne ay nagpasya siyang umagwat muna sa magkasintahan. Isa pa'y napagusapan nila ng binata na pag kasama nito ang nobya ay huwag magpapakita sa kanya dahil hindi sanay si Sebastian na may nagmamasid sa bawat kilos niya. Pumayag naman si Sofia sa lahat ng bilin ni Sebastian.
Nagpasya si Sofia na maupo malayo sa kinatatayuan ni Sebastian. Heto na naman sila, nasa mamahaling restaurant na naman siya. Mukhang masasanay ata si Sofia sa mga sosyal na pagkain.
Marahan niyang kinuha ang menu, "Hmmm..." Himig niya.
Inilapag muli niya ito, "ang mahal naman." Napangiti si Sofia ng mapansing nakatayo na pala ang waiter para sa order niya.
"Lemon tea." Pagkuwa'y sabi nito.
Ngumiti ang waiter at agad umalis para sa order niya. Habang naghihintay ay muling inusisa ni sofia ang note nito para sa sariling pagiimbestiga sa nangyaring pambobomba sa gusali ng mga Alonzo. Kahit pa smoke boob iyon ay 'Bomba' parin iyon.
Mataman niyang tinitigan ang mga larawang kuha mula sa latang pinaglagyan ng bomba at ang lugar kung saan ito nakalagay. Napailing ang dalaga, "it's impossible. How come? Tsk tsk tsk." Napailing iling siya.
Nang ilapag ang lemon tea ay tsaka niya itinago ang kanyang cellphone. Bago humigop ng mainit na tea ay tiningnan muna niya si Sebastian sa di kalayuan. Masaya itong nakikipag-tawanan sa magandang nobya.
That should be me. Sigaw ng kanyang isip. Ilusyon Sofia!
Humigop siya ng tea, "Enjoy life." Sagot sa sarili at nagkibit balikat.
Mula sa malayo sa natatanaw ni Sebastian si Sofia. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa dalaga habang nakikipagtawanan at kwentuhan sa kaharap na si Elainne. Siya ang humingi ng pabor na huwag lalapit sa kanila ni Elainne pag nasa ganitong okasyon ngunit bakit siya pa ata ang kusang humahagilap upang hanapin ng mata nito si Sofia.
"So, you're going to Davao this month?" Anang si Ellaine.
"As my father said."
"It's okay. Busy na rin kasi ako for up coming magazines shoot."
"Are you sure?" Pagtataka ni Sebastian dahil hindi siya pinigilan ng nobya.
"Yes. There's anything wrong?" Kumuha ito ng chips at nginuya.
"Wala naman." Ngumiti si Sebastian.
Mahihinang tunog ng kanyang cellphone ang gumambala sa kanilang magkasintahan. Dinukot ito ni Sebastian mula sa kanyang bulsa. Unknown number ito kaya't kinansela niya. Ngumiti siya kay Elainne at inilapag ang cellphone. Halos kabababa pa lamang niya ng muling tumunog ito.
"Pick up the phone... it's annoying." Anang si Elainne.
Tumingi siya sa nobya bago sinagot ang di kilalang numero. "Hello?"
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pag kabilang ko ng sampo nakatago na kayo!" At muling nadinig ni Sebastian ang malulutong na tawa nito.
"Who the hell are you?" Mahinang niyang tanong ngunit naroon ang diin.
"Isa."
"Sino 'to! Sumagot ka!"
"Dalawa." Muli itong tumawa.
Pinagpatayan niya ito. Nang makabawi ay hinila ang kamay ng nobya. "We need to go, Ellaine," Aniya sa nobya.
"Why?" Naguguluhan nitong tanong. "We havent finish the food..."
"Come on!"
Napatayo si Sofia ng makitang nagmamadaling lumabas si Sebastian at ang nobya nito, "Anak ng teteng naman oh! Tatakasan na naman ata ako!" Napalakad din ito ng mabilis upang sundan ang amo.
Dali daling pinasakay ni Sebastian ang kanyang nobya sa sasakyan nito, "What are you doing?!" Naiinis na tanong ni Elainne.
"Pablo, ihatid mo na si Elainne. Magiingat kayo..." Aniya sa driver ng nobya.
"Elainne, be safe. Okay? I will call you later." Humalik ito sa nobya.
"Okay. Please, take care. Okay?" Nagawa pa nitong ngumiti kay Sebastian.
Tumango lang si Sebastian at lumayo sa sasakyan ng nobya. Malayo na ang sasakyan ni Elainne ng muli siya maglakad papasok ng restaurant upang hagilapin si Sofia.
"Sebastian!" Sigaw ni Sofia na himihingal pa, "Akala ko tinakasan mo na ako eh..."
"No. Come on! Kailangan na nating umalis dito!" Hinila ni Sebastian ang kamay ni Sofia.
"Why? Teka nga lang! Nasaan na si Ellaine?" Halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang hingal.
Hindi sumagot si Sebastian. Binuksan nito ang makina ng sasakyan at marahang lumabas ng parking lot. Sampong minuto na ang nakakaraan ng makaalis sila mula sa restaurant ng tunog muli ang cellphone ni Sebastian. Napatingin siya kay Sofia... kinakabahan.
Huminto si Sebastian.
"Bakit ka huminto?!"
"Sofia, answer the phone..."
"Why? Ba-bakit?"
"Now!!!" Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Sebastian. Natatakot na siya.
Agad itong sinagot ni Sofia. Malulutong na tawa ang narinig ni Sofia mula sa kabilang linya. Naalerto ang dalaga at kinuha sa bewang ang baril.
"Kahit saan ka tumakbo, makikita at makikita parin kita. Oh Sebastian, Sebastian!" Tumawa muli ang lalaki sa kabilang linya.
Pinatay ni Sofia ang linya ng tawag at agad bumaba sa sasakyan. Nilibot ang paligid kung saan ay nasa isa silang madilim na parte sila. Kinabahan siya bahagya pero this time ay sisiguraduhin niyang hindi makikilala niya ang mga tao sa likod ng death threat na natatanggap ni Sebastian. Hindi siya papayag na madapunan ng kahit ano pa man ang subject niya. Magkakamatayan muna sila bago nila mapatumba si Sebastian.
"Huwag kang lalaba. Dito ka lang." Anito sa binata.
Pinatay ni Sebastian ang makina at nakiramdam sa mga nangyayari. Umikot ikot pa ang dalaga sa paligid ng sasakyan ni Sebastian. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan ay walang ano ano ay hinila ang kamay ni Sebastian upang makalabas agad ng sasakyan nito at tumakbo palayo sa sasakyan.
Alam na alam niya ang mga galawan ng mga kalaban. Tumawag ito dahil alam nito kung saan dadaan ang sasakyan ni Sebastian. Sa tono palang ng lalaki kanina ay alam niyang papatayin nila si Sebastian at sigurado siyang nasa sasakyan ang papatay sa kanila.
Halos madulas sila ng makapasok sa isang eskinita. Nagkubli sila sa isang masikip na pader. Tanging isang daliri lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha ng marinig nila ang isang malakas na pag-sabog mula sa sasakyan ng binata. Napakahawak si Sebastian sa katawan ni Sofia dahil sa gulat. Tama ang hula niya, may bomba ang sinasakyang nilang kotse!
Lihim na napangiting aso si Sofia, Hindi ang tulad ko ang magiisahan niyo.
Napapikit ng mariin ang dalaga ng maglapat ang kanilang katawan. Pawang tibok ng puso lamang nila ang maririnig. Nakiramdam muli ang dalaga.
"Where's your phone?" Bulong ni Sofia.
"Here." Bulong din nito at iniabot ito sa kanya.
"Turn it off..."
"Why?"
"Please!" Mariin nitong sagot kay Sebastian.
Agad naman nitong pinatay ang cellphone niya. Limang minuto ang lumipas na makarinig si Sofia ng yabag ng mga paa.
"Halugbugin n'yo! Nandito lamang yun!" Sigaw ng isang lalaki.
Naalerto si Sofia. Hinawakan nito ang kamay ni Sebastian, "Ssshhh." Mustra nito sa kasama. Sumilip si Sofia sa labas. Mula doon ay nakikita niya ang anim na armadong lalaki. Napalunok siya sapagkat alam niyang wala siyang laban sa mga ito dahil bukod sa kulang siya sa bala ay heto't hindi siya makakilos dahil sa pagkakayakap ni Sebastian sa kanya upang hindi sila lumuwa mula sa maliit ng pader na kanilang kinatatayuan.
Inaamin ni Sofia, ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Nagiisa lamang siya at walang laban sa mga lalaking pilit silang hinahanap.
"Wala rito!" Sigaw ng isang lalaking may katangkaran.
"Boss! Nakalayo na ata! Wala rin dito!" Ika rin ng humihingal na lalaki.
Nagsilapit ang bawat isa sa tinawag nilang boss. Mula roon ay kitang kita ni Sofia na dinukot nito ang cellphone. Sa palagay nito ay tinatawagan ng lalaki ang cellphone ni Sebastian ngunit hindi nito makontak.
"Bwisit!" Sigaw nito.
Muling nagdial ang lalaki.
"Ma'am, nakatakas na naman po si Sebastian Alonzo!" Pagbibigay alam nito sa tinawag nitong Ma'am.
Ma'am? Napakunot nuo si Sofia.
"Tara!" Aya ng pinakapinunong lalaki. Tumigil ang isang van at sumakay ang mga ito. Nang makalayo ay tsaka huminga ng maluwag si Sofia. Napatingin siya kay Sebastian ng tumutulo ang pawis.
"Andyan pa ba?" Pagkuway tanong nito.
"Wa-wala na." Aniya na titig na titig sa binata.
Nang makarinig ng kaluskos ay muling hinapit ni Sebastian ang katawan ng dalaga kaya't naglapat ang kanilang mga labi. Ang bilog na mata si Sofia ay lalong namilog sa gulat. Maging si Sebastian ay nagulat rin sa kanyang ginawa. Napapikit si Sofia. Napakalambot ng labi ni Sebastian. Walang lakas si Sofia upang itulak ito bagkus ay tinugon nito ang halik ni Sebastian ng magsimulang gumalaw ang labi ng binata.
Kasabay ng mainit na halik ay bumuhos ang malakas na ulan. Napahinto si Sebastian at bahagyang napalayo si Sofia sa binata, "Sofia..."
Hindi ito sumagot, dinukot nito ang sariling cellphone. Dali dali niyang dinayal ang numero ni William Alonzo upang ipagbigay alam ang nangyari. Nang matapos tawagan ang matandang bilyonaryo ay tumingin ito kay Sebastian na tahimik lamang.
Napabuntong hininga siya. Agad namang lumapit si Sebastian sa dalaga at sinalubong ito ng yakap. Mahigpit, "Sa piling mo ako'y ligtas." Bulong nito at kinintilan ito ng halik sa noo. Napapikit muli ang dalaga.
Ilusyon Sofia! Ilusyon!
Hindi niya pinansin ang sigaw ng kanyang utak bagkus ay gumanti ito ng yapos sa binata. Lumakas ang ulan kaya't tumakbo sila sa isang abandonadong gusali upang magpatila ng ulan. Malayo sila sa mansyon ng mga Alonzo. Ngunit maya maya lamang ay nariyan na ang kanilang sundo.
Nang makapasok sa gusali ay naupo si Sofia malayo sa binata. Hinubad nito ang suot ng jacket upang mabawasan ang lamig dahil sa basa ito ng ulan. Tumingin ito sa dako ni Sebastian, nakatitig ito sa kanya kaya naman agad siyang yumuko dahil totoong hindi na niya kayang salubungin ang mga mata nito.
Oh Sofia, bulong ng kanyang isip. Tumayo si Sebastian at nagsimulang maglakad papalapit sa dalaga.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro