6
KABANATA 6
Death threat
Sumisipol pa si Sebatian habang naglalakd papasok ng gusali, "Good Morning, Luzviminda!" Bati nito sa sekretaryang abala sa ginagawa.
"Good morning din po, Sir." Takang bati ni Luz lalo pa't tinawag siya nito sa buo niyang pangalan na kahit kailan ay hindi naman ni nabanggit dahil ang sabi nito ay napakahaba noon.
Pumasok sa loob at naupo siya. "What a peaceful view!" Aniya ng makitang kapapasok lamang ni Sofia sa cubicle nito. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sarili. Lalo na ang kanyang kalamnan tuwing napapatingin ito sa dalaga.
Si Elainne, ang kanyang nobya ay napakaganda rin at talagang binigyan ng kakaibang alindog pero bakit ganito? Si Sofia ang pinagnanasaan niya gayong nariyan ang nobya. Kasinungalingan kung hindi niya aaminin sa sarili na hindi niya gusto si Sofia sa kabila ng pagiging istrikto ng dalaga.
Napatingin si Sebastian sa kawalan. Hindi ito tama.
"Mukhang maganda yata ang gising ng alaga mo, Sofia?" Anang si Luz ng makalapit sa kinatatayuan ng dalaga.
"Huh?" Napatingin si Sofia sa kay Luz, "anong ibig mong sabihin?" Kunot-nuo pa ito.
Ngumuso si Lucy. Noon naman napatingin si Sofia sa kinatatayuan ni Sebastian, malapit sa bintana ng opisina nito. Hindi niya nakikita ang loob noon pero alam niyang nakikita siya ng nasa loob kaya't nagiwas siya ng tingin doon. Maya maya pa'y iba ang isipin ni Sebastian, mahirap na. Kailangan niyang iwasan ang ganitong sitwasyon.
Ilusyon Sofia! Ilusyon! Pilit isinisigaw ng kanyang isip.
Napatingin siya sa kanyang lamesa kung saan ay bukas ang kanyang laptop. Napaisip siya. Tama, ilusyon. Pag-sang ayon niya.
Nasa kalaghatian ng trabaho si Sebastian ng tunog ang kanyang telepono. Hindi niya iyon pinansin. Sa dami niyang iniisip, sino ba naman ang tatawagan sa kanya na hindi dumaan sa sekretarya? Kaya't pinawalang bahala niya ito.
Dalawang minutos ang nakaraan ng muling tumunog iyon na agad namang iniangat ni Sebastian upang sagutin. Naririndi na siya!
"Yes, hello?" Aniya ng mapansing unknown number ito.
"May time bomb sa basement, mag-ingat ka!" At tumawa ng malakas ang nasa kabilang linya. Mga tawang parang papatayin siya sa takot. Sasagot pa sana siya ng biglang ibaba ng kausap ang telepono.
"Hello?!" Aniya na naguguluhan.
"Hello?!" Sigaw niya, "Dammit!" Hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang fire alarm para maalarma ang lahat at ng tumunog ang napakalakas na alarm ay agad siyang dinaluhan ni Sofia.
"Sebastian?!" Sigaw nito.
"Sofia!" Halos hindi ito magkandaugaga.
"Anong nangyayari?" Sasagot na sana si Sebastian ng biglang pumasok ang ilang security ng gusali sa opisina niya.
"Sir! Nagkakagulo po sa basement!"
Hindi na nagdalawang isip si Sofia ng hilahin ang bisig ni Sebastian upang ilapit ito sa kanya, "Ano bang nangyayari?" Tanong muli ni Sofia na nakahawak ang kamay sa dalawang pisngi ng binata upang pakalmahin.
"May tumawag sakin..."
"What?" Naguguluhang tanong ng dalaga.
"Death Threat..."
Pagkasabi pa lamang niyon ni Sebastian ay agad itong hinila ni Sofia palabas ng opisina. "Kayo na ang bahala dito! Kailangan kong mailabas dito si Sir Alonzo!" Sigaw niya sa mga security. Kaya naalerto naman mga ito.
Hindi alam ni Sofia kung bakit ilang hakbang ay narating nila ang parking lot mula sa ika-pitong palapag ng gusali gamit ang hagdan para sa fire exit. Mas mabuting sa hagdan sila dumaan kesa doon sa secret panel na pinamamayabang ni Sebastian. Paano kung matrap siya sa loob noon at sumabog iyon? Baka ni abo ay hindi siya makikilala! Kaya mas pinili niya itong hagdan, kahit anong mangyari... sisiguraduhin niyang ligtas ang subject niya.
"Sir!" Anang mga security na biglang humarang sa kanila.
"Anong nangyayari dito?" Kalmadong tanong ni Sofia sa pinuno ng mga security habang hawak ang mga kamay ni Sebastian na wari mo'y pinoproktektahan.
"May bomba, Miss De Guzma..." Agad na sagot naman nito.
"Paanong nangyari yun?!" Tanong ni Sofia ngunit walang sumagot ni isa sa mga naroon.
"Nakatanggap ako ng tawag, ang sabi niya may bomba daw dito. Dito sa basement..." Ani Sebastian. Hindi niya alam ang gagawin dahil sa tanang buhay niya ay hindi pa siya naranasan ng ganitong kaguluhan. Ni sa panaginip ay hindi sumagi!
"Chief! Chief! Narito ang bomba!" Sigaw ng isang security, di kalayuan sa kanila. Agad namang itinulak ni Sofia si Sebastian upang makalayo sa kanya.
"Dito ka lang..." Ani Sofia sa binata. Halos hindi makapagsalita si Sebastian dahil sa kaguluhan.
"Sofia!"
"Miss De Guzma!"
Halos sabay sabay na sigaw ng mga tao doon. Dumarami na ang manonood sa paglapit niya sa isang lata ng pintura kung saan ay naroon ang bomba na sinasabi ng mga ito.
"Sofia, please!" Awat ni Sebastian sa braso niya kaya napatayo siya.
Muling lumayo si Sofia sa lata na may lamang bomba. Napailing siya. "Sebastian, alam ko ang ginagawa ko..." Mariing tugon ni Sofia.
Maging ang mga security ay hindi makagalaw ng muling lumapit si Sofia sa lata at buksan iyon. Bumulaga sa kanyang ang bomba na may tumatakbong oras na 00:15:00.
"Tumawag kayo ng bomb squad!" Sigaw ni Sebatian, "Sofia! Please come over here!"
Mula sa ilalim ng sapatos ni Sofia ay kinuha nito ang maliit ng kusilyo. Kung tititigan mo'y parang plastik ito ngunit napakatalas pala. Mabilis na diniskonekta iyon ni Sofia. Titig na titig siya sa bomba habang tumutulo ang pawis niya. "Come on... Come on..." Mahinang bulong ng dalaga.
Nang putulin niya ang mumunting nag-uugnay sa bomba at oras nito ay napapikit ng mariin si Sofia at ng magmulat siya ang nakatigil na ang minutong tumatakbo kanina. Napaupo siya sa sahig at marahang kinuha ang bomba.
"Daddy, paglaki ko gusto kong maging mahusay na pulis!" Pagmamayabang ni Sofia sa ama.
Nasa hapag-kainan sila at iniintay ang ina mula sa trabaho. Nakasanayan na kasi ng pamilya De Guzman ang sabay-sabay kumain sa gabi. Lalo kung linggo.
"Basta ako, gusto kung maging mahusay na negosyante tulad ni Mommy!" Sagot naman ng bibong ni Daniela, ang kakambal ni Sofia.
"Lahat yan ay matutupad kung mag-aaral kayo ng mabuti."
"Of course, Daddy!" Sabay na sagot ng pitong taong gulang na kambal.
Nasa gitna sila ng kasiyahang mag-aama ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang ilang armadong lalaki.
"De Guzman!" Itinutok nito ang baril.
"Wag!" Tumakbo si Daniela sa lalaking handang pumatay sa kanilang ama.
"Daniela!" Sigaw ng ama.
"Maawa po kayo!" Pag-mamakaawa ni Sofia na walang humpay sa pag-iyak.
"De Guzman! Kung hindi ka magbabayad ng utang mo? Hindi mo na makikita pa ang anak mo! Isang linggo, De Guzman! Isang linggo!" Anang lalaki na nakasuot ng itim na bonet.
"Daniela!"
"Daniela!" Sigaw ng ama ng lumabas ang mga lalaki dala dala ang kakambal ni Sofia.
Napawi ang pag-babalik tanaw niya ng marinig ni Sofia ang sirena ng bomb squad. Napatayo siya bitbit ang gakamao na bomba. Pinunasan niya bahagya ang pawis na namumuo sa tungki ng ilong. Maluluha na sana siya sa pagbabalik alaala pero mas pinili niyang magpakatagtag pa.
"Buti't dumating na kayo!" Anang head ng mga security.
"Fia?!" Sigaw na lalaking lulan sa trak ng bomb squad.
Nanlaki ang mga mata si Sofia ng makilala ang tumawag sa kanya, "Everwing?!" Lumapit siya agad sa lalaki
Nagbatian sila bago inihagis ni Sofia ang nasabing bomba na parang laruan lang sa kanya, "Oh, sayo na yan! Smoke bomb lang yan. May 10 minutes pa." Ani Sofia sa kaibigang bomb squad.
"Ah, Everwing! Boss ko. Si Sebastian Alonzo." Pagpapakilala ni Sofia ng makita ang pagtataka ni Sebastian.
"Nako, magandang hapon po." Kakamay na sana si Everwing ng mapaatras si Sebastian dahil sa hawak nitong bomba. "Nako! Wag kayong mag-alala, Sir! Pag itong si Fia ang gumawa eh safe na safe tayo. Hindi ba, Fia?"
Ngumiti lamang ang dalaga.
"Ah-eh, ganoon ba?" Sagot na lamang ni Sebastian.
"Oo naman, Sir! Talagang magaling itong si Fia! Kaya nga siya umuwi dito ay dahil..."
"Everwing, kumusta si Tikdas?" Putol ni Sofia. Alam ni Everwing na ayaw ni Sofia na pinaguusapan siya kaya naman nanahimik na lamang ang kaibigan.
"Oh, Chief! Pa'no? Mauuna na kami. Susuriin pa namin itong smoke bomb na ito." Ani Everwing na lihim na sinenyasan ni Sofia. Kilala nito ang kaibigan, baka mamaya ay madulas pa ang dila nito at kung saan mapunta ang usapan.
Tatango tango naman si Sebastian habang nakasunod sa dalaga, "Fia?"
"Hmmm?" Napalingon ang dalaga ng tawagin siya ni Sebastian sa kanyang palayaw.
"Fia pala ang tawag nila sayo..." Aniya at namulsa habang pinapanood ang dalaga na inaayos ang sentas ng sapatos.
"Yeah. So, ano? Tara na muna umuwi? Nag-aalala na Mama mo ng malaman niya ang nangyari." Pagiiba ng dalaga atsaka tumingin sa tahimik na si Sebastian.
Hinigit ni Sebastian ang kamay nito upang mapalapit sa kanyang matitipunong bisig. Napaawang ang bibig ni Sofia ng bigla siya nitong yakapin, "Thank you, Fia." Bulong nito sa puno ng kanyang tenga.
Napapikit siya ngunit agad ding binawi ang sarili, "Trabaho ko ang iligtas ka, Sebastian." Sagot nito at agad lumayo sa binata. Dahil kung ipagpapatuloy niya ang matangay sa mainit nitong katawan ay baka tuluyan na siyang mahulog sa binata.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro