5
KABANATA 5
Sexy Lips
Hindi maganda ang gising ni Sofia kinaumagahan dahil sa puyat ito kagabi. Kung bakit ba naman kasi siya binigyan ng bulaklak ni Sebastian. Tuloy napuyat siya sa kaiisip. Lumabas si Sofia at tumuloy sa malawak na hardin. Dinama ang kakaibang haplos ng hangin. Masyado pang maaga kaya't nagpasya ang dalaga na bumalik muli sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Gusto niyang mapawisan at ang tanging sagot doon ay ang magjogging.
Nang makabalik sa hardin ay nag-umpisa na siyang maginat ng katawan. Talagang inaantok ang diwa niya. Humikab muna ito bago nagsimulang tumakbo. Nakagawian na ito ni Sofia tuwing tatamaan siya ng kakaibang antok dala ng puyat. Para sa kanya ay mas maigi na iyong mapawisan sa umaga para magising ang dugo niya na pilit siyang hinihila para matulog muli.
Dahil sa talagang nakapaganda ng hubog ng katawan nito kaya kahit anong kain niya ay hanggang doon na lamang ang laki at bilog ng katawan ng dalaga. Nagsimula na siyang tumakbo paikot-ikot sa malawak na hardin. Kasabay ng pagsikat ng araw ay tumutulo ang pawis niya. Ngayon, sigurado siyang buhay na buhay na ang dugo niya.
Smantalang mula sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Alonzo ay tanaw na tanaw ni Sebastian ang kagandahan ng kanilang tahanan. Humikab ito bago tuluyang dumungaw sa balkonahe. Magiinat na sana si Sebastian ng mapansin niya ang isang babaeng nakasuot ng jogging pants. Mula sa kinatatayuan ay yumuko pa ito bago mapagalaman kung sino ang walang humpay na tumatakbo sa loob ng kanilang bakuran.
"Sofia?" Nawala ang antok ng binata bagkus ay dali dali rin itong nagpalit ng damit upang magjogging din na kahit kailan ay hindi naman niya ginawa. May sariling gym ang kwarto ni Sebastian ngunit heto at halos magkandarapa na siya makarating lamang sa hardin kung saan ay naroon si Sofia na hindi maalis sa isip niya mula pa kagabi.
"Good Morning!" Bati agad nito ng maabutang tumatakbo si Sofia.
Binagalan ng dalaga ang takbo niya, "Morning, Sir!" Ngumiti ito kahit ang totoo ay gusto niyang lumayo sa binata. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat simula kagabi tapos heto at kaharap na naman niya ang dahil kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos.
"Makakalimutin ka na ata..." Tumakbo rin ito upang mapantayan ang hakbang ng dalaga.
Napahinto si Sofia, "huh? Mukhang malabo yun!"
"Hindi ba't Seb na lamang ang itatawag mo sakin?" Bahagyang napakamot sa batok itong si Sebastian dahil sa hiya.
"Ah-eh! Oo! Good Morning, Seb! Good Morning!" Tumakbo muli si Sofia.
Hindi mapigilan ni Sebastian ang matawa, "You look funny and cute at the same time, Sofia." Aniya at tumakbo rin kasabay ng dalaga.
Tinapunan lamang ni Sofia ito ng ngiti. Alam niyang namula bahagya ang kanyang pisngi. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa kanya at parang nagbago yata ang ihip ng hangin. Nung nakaraan ay halos sipain na siya nito mapaalis lang sa poder nila. Pero bakit parang hinampas ito ng hangin at idinikit sa kanya.
"Your smile is literally the cutest thing I have ever seen in my life." Kusang lumabas sa bibig iyon ni Sebatian na siyang ikinagulat ni Sofia.
...in my life? Napataas ang kilay ni Sofia. Mukhang iba na ang patutunguhan ng usapang ito.
"Saan ka ba nakatira?" Pagkuwa'y tanong ni Sebastian ng mapansin niyang natahimik lang ang dalaga.
"Sa ngayon ay dito. Dito sa bahay niyo." Ngumiti siya sa binata.
"Ang ibig kung sabihin ay..."
"May bahay kami sa Cebu." Putol nito sa ibig sabihin ni Sebastian.
"Hindi ka ba natatakot?"
"Saan? Kanino? Sayo?" Napalakas ang tawa niya na dapat ay hindi niya gagawin ngunit kanina pa niya pinipigil iyon.
"Sa trabaho mo." Nagpatuloy parin si Sebastian sa pagiging seryoso.
Ngumiti muli si Sofia.
Anong nakain ng isang 'to? Ika ni Sofia sa isip niya.
Huminto si Sofia sa pagtakbo, "mauna na ako sayo, Seb." Sa unang pagkakataon at kahit naiilang ay tinawag niya ito sa pangalang ibinigay mismo ni Sebastian. Hindi na siya nagbalak pang sagutin ang mga tanong ng binata.
"Huh? Kakasimula ko palang magjogging eh."
Para itong bata kung makaasta, "late na ako sa trabaho ko."
"What?" Pagtataka nito sa sinabi ni Sofia.
Hindi ito pinansin ni Sofia, bagkus ay naglakad ito palayo sa binata.
Napatingin si Sebastian sa relong suot. "Late na ako!" Napatakbo si Sebastian papasok sa mansion.
Humarap sa salamin si Sofia upang bigyan ng huling sulyap ang kanyang aura. Suot ang maong na pantalon na nakaparag-an sa dilaw na pang itaas. Sinuklay ang buhok at pagkatapos ay sinuot ang sapatos niya. Hindi naman siya mahilig maglagay ng make up kaya hindi nasisira ang oras sa bawat galaw niya. Lahat ng oras niya ay napupunta sa trabaho at mahahalagang bagay lamang.
"Join us!" Bungad sa kanya ng familia Alonso ng makababa siya. Nasa hapag kainan ang mga ito para sa umagahan.
Hindi si Sofia ang tipo ng babaeng mahiyain kung talagang gutom. Kaya't dere deretso siyang napaupo sa harapan ni Sebastian. Inaamin niya na hanggang ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang totoong nararamdaman mula pa kagabi. Magkahalong pagtataka, at kilig. Ngayon lang ata siya nakatanggap ng red roses mula sa 'Amo' niya. Yung ibang naging 'Amo' niya, wine ang kalimitang binibigay sa kanya.
Matamang tinitigan ni Sebastian ang dalaga, kumuha ito ng sinangag sa halip ay puting kanin. Dalawang sausage at nagtimpla ito ng gatas. Nagsimulang kumain si Sofia na parang siya lamang ang tao doon. Titig na titig naman si Sebastian sa kanya habang kumakain. Hindi maiwasan ni Sebastian ang titigan ang bibig nito habang ngumunguya. Masyadong makipot ang bibig nito at sa tuwing bubuka iyon at napapabuka rin ang labi niya. Hindi niya mawari kung bakit parang hinihigop siya ng atensyon nito.
"Sebastian! Kinakausap kita!" Pukaw ng kanyang ama.
"Pa?" Napakurap kurap ito.
Napatingin naman si Sofia sa kanya.
"Ano ba at parang wala ka sa sarili?" Paguusisa pa ng Don.
Napangiti ang binata sa ama dahil alam niya kung hindi siya magfofocus sa ama ay lalo lang siyang mapapahiya sa harap ng dalaga, "So, kailan mo balak pumunta sa Davao?"
"DAVAO?" Gulat na tanong ni Sebatian.
"Yes. Para bisitahin ang ibang site natin doon. Noong nakaraan ay hindi ka natuloy dahil sa ang dahilan mo'y kaarawan ng iyong nobya. Huwag mong sabihin na kaarawan na naman niya ngayon! Buwan buwan ay may dahilan ka..." Paninita pa nito sa anak.
Napakamot si Sebastian. Pakiramdam niya ay napahiya siyang lalo sa harapan ni Sofia. "Eh, Pa. Kasi..."
"Aalis na ako. Mamaya na lamang tayo mag-usap..." Pakuwa'y tumayo ang matandang Don.
Napatingin si Sebastian kay Sofia. Kumakain parin ito. Hindi manlang ito nagbigay tingin sa kanya. Napatunghay si Sebastian ng biglang tumayo si Sofia.
"Done?" Tanong nito sa dalaga.
"Yes. You?" Tanong nito at tumingin sa kanyang orasan.
"Ah, yeah. Let's go? Male-late na tayo." Tumayo na rin si Sebatian.
Tayo?
Humalik ang binata sa inang tahimik nagbabasa ng dyaryo at saka namaalam na aalis na. Hindi siya magkaintindihan kung susundan niya ba si Sofia ko kukunin muna iyong mga papels na dadalahin niya. Sa huli ay tinakbo niyang muli ang kwarto niya upang kunin iyong ilang mahahalagang papels na dapat niyang pagaralan.
Nasa garahe na si Sofia ng dumating si Sebastian.
"See you later." Ani Sofia.
"Sumabay ka na sa akin." Heto na naman si Sebastian na basta basta na lang may lumalabas sa bibig na hindi naman nakakonekta sa isip kundi sa puso niya.
"Huh?! Ah-eh, hindi na." Anong drama 'to? Sa isip isip niya.
"Pareho lang naman tayo ng pupuntahan, Sofia." Bahagyang ngumiti si Sebastian.
Napanganga ito sa sinabi ng binata. Mukhang maganda ang mood nito para sa kanya. Kaya't wala siyang nagawa kundi sumakay sa sasakyan ng binata.
"Gusto mo ako nalang ang mag-drive?" Alok ni Sofia sa kasama.
"No, ako na." Ngumiti si Sebastian sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mukhang napapadalas ang pagngiti ngiti nito sa kanya ng wala namang rason.
"Nabusog ka ba?" Binasag ni Sebastian ang katahimikan.
"Yes." Tipid nitong sagot sa binata.
"Ang sexy mong kumain." Napatawa si Sebatian bahagya ng maalala niya kung paano kumain ang isang Sofia De Guzma. Napakahighclass nito sa paningin niya.
"Meron ba n'on?" Sexy kumain? Ano bang trip ng isang 'to?
"Oo, ikaw." Tumingin ai Sebatian sa gawi niya.
Tahimik lamang si Sofia habang nagmamaneho si Sebastian. Ayaw niyang magsalita o kahit magtanong. Gustong gusto na niya itanong dito kung bakit binigyan siya nito ng bulaklak kagabi at kung bakit napakabait nito ngayon gayong halata namang ayaw nito sa kanya.
"Sofia..."
Napaiktad siya, "Hmm?"
"Hindi ka ba talaga natatakot kahit minsan?"
Heto na naman sila.
"Natatakot. Kaya nga ako nagiingat." Deretsong sagot niya.
"Good."
Tumahimik muli si Sofia. Hindi niya ugaling makipag-usap sa subject niya kundi nga lang pambabastos ay baka hindi na niya sinasagot ang bawat tanong nito sa kanya.
"May asawa ka na ba o kahit boyfriend manlang?" Tanong muli nito.
"Wala." Tipid niyang sagot.
"Seryoso ka ba d'yan?" Sumulyap siya sa dalaga at muling humarap sa daan.
"Oo naman." Tumawa ito ng pino at para kay Sebastian ay napakasexy ng dating noon sa tenga niya.
"Paano kung sabihin ng magiging asawa mo na mag-resign ka na sa trabaho mo?"
"Magreresign ako." Kalmadong sagot nito sa kausap pero sa loob loob niya ay sana naman ay tumigil na ito sa katatanong dahil totoong namamawis na ang palad niya.
"Napakaswerte naman ng magiging asawa mo." Bahagya ito lumingon kay Sofia.
"Aba! Oo naman!" Tumawa siya at ganoon din si Sebastian. Nagkatinginan sila habang tumatawa. Noon nagtagpo ang kanilang mga mata ng ganoon ang epekto sa kanya. Parang lulubog siya sa kinauupuan nito.
Sofia, bulong ng isip ni Sebastian ng muling tumingin sa daan.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro