2
KABANATA 2
Hot Coffee
Habang natitiyak ni Sofia na walang appointment sa labas si Sebastian ay nag-reconnaissance si Sofia sa buong building. Bumili muna siya ng mainit na kape bago sinimulang maglakad-lakad. Sinigurado niyang tama ang mapang ibinigay sa kanya ng matandang Don William. Tiningnan niyang mabuti ang lahat na mga secret passages na maaring daanan ng mga kidnappers kung saka-sakali mang may mangyaring masama. Habang nandoon siya sa basement at tinitingnan ang sistema ng pagkuha ng basura ay isang security guard ang nakasagutan niya.
"Bawal ka dito, Miss." Anang security guard.
"May tinitingnan lang ako." Pinakita ni Sofia ang ID na bigay sa kanya. "Security inspection ito."
"Anong security? Security officer ka ba rito?" Tanong ng aroganteng guwardiya.
Nagulat pa si Sofia nang biglang humugot ng baril ang guwardiya at itinutok sa kanya. "Huwag kang kikilos ng masama!" Kinasa ng guwardiya ang baril. "Patay ka kapag kumilos ka." Ngumiti-ngiti pa ang guwardiya habang nakatutok parin ang baril kay Sofia.
Sa pamamagitan ng siko niya ay kinapa ni Sofia ang service revolver niya subali't hindi siya nagpahalata habang ang guwardiya naman ay abalang tumatawag sa radyo. "Alpha Delta One, come in. Alpha Delta One, come in."
"Oh bakit, Santos?" Sagot ng head security nila.
"Trespasser at basement. Repeat. Treapasser at basement." Naiiling si Sofia sa pag ka-OA ng kaharap niya.
"Roger. Trespasser at basement. All units alert." Sagot naman ng pinuno ng mga guwardiya. "All units alert!"
Sa kabila nang lahat ng kaguluhang iyon ay hindi man lang tumitinag si Sofia. Mabilis na napuno ang basement ng mga security guard. Bawat isang security na dumating ay tinutok ang baril sa dalaga.
Isang matapang na guwardiya ang lumapit at tinadyakan si Sofia sa tuhod. Napaupo siya sa matinding sakit at natapon ang kapeng hawak nito kanina pa. Hanggang maposasan si Sofia ay hindi man lang siya nagsalita ng kahit na ano.
Dadalhin na sana siya ng mga guwardiya palabas ng basement ng dumating ang humahangos na si Don William.
"Ano ang nangyari?" Tanong nito. "Bakit nakaposas si Sofia?"
"Trespasser ho, Don William." Anang head security.
"Tanggalin mo ang posas, Santos!" Utos ng Don.
Naguguluhan ang guwardiya. "Pero trespasser ho siya, Sir!"
"Tanggalin mo ang posas. Bilisan mo!" Pilit ng Don. "Inuutos ko sayo na tanggalin mo ang posas!" Sigaw nito na halos lumuwa na ang mata.
Walang nagawa si Santos kundi tanggaling ang posas ng dalaga. Nang makalas ay parang walang nangyaring lumapit si Sofia sa trak ng basura at nagtanong. "Anong araw kinukuha ang basura niyo dito?"
Wala ni isa man ang agad na nakasagot. Ang ibang security guards ay nakatutok pa rin ang mga baril sa kanya habang nakatayo siya roon na animo ay nakikipagkwentuhan lang.
Binasa ni Sofia ang nameplate ng isang guwardiya. "Ikaw, Mister Lopez, alam mo ba kung anong araw kinukuha ang basura rito?"
Bahagyang nag-atubili ang tinanong subali't nang tumango si Don William ay magalang itong sumagot habang nakatutok pa rin ang baril kay Sofia. "Yes, Ma'am... sabado ng hapon po."
Nasa ganoon silang ayos nang abutan sila ni Sebastian, "Anong nangyayari dito? Nasaan ang trespasser?"
Samantalang parang walang narinig si Sofia. "Mister Lopez, regular bang sabado ng hapon ang pagkuha ng basura dito?"
Nakatutok pa rin ang baril na sumagot, "Opo, Ma'am."
Nang makita na ang lahat ng baril ay nakatutok kay Sofia ay humalakhak ng tawa si Sebastian. Tiningnan siya ng mga naroon na parang isang baliw samantalang ang head of security naman ay kinakabahan na dahil na malamang ay mapapagalitan sila ni Don William.
Si Sebastian ang nagsalita. "Nakakatawa ang ayos ninyo. Tinatanong lang kayo kung anong araw kinukuha ang basura pero kung makaasta kayo ay parang nasa peligro ang buong kumpanya." Lumapit si Sebastian kay Sofia, "ipinakikilala ko sainyo ang bagong bodyguard ko. Si De Guzman."
Hindi makapaniwala ang mga tao doon sa sinabi ni Sebastian. Samantalang ang iba ay ngingiti ngiti na animo'y ulol na aso.
"Oh ano pang iniintay ninyo? Ibaba nyo nga yang mga batil ninyo't ako ang ninenerbyos sainyo." Tatawa tawang sabi ni Sebastian.
Marahan namang ibinaba ng mga security guard ang mga baril nila kahit labag sa kalooban ng mga ito. Hindi makapaniwala ang mga ito na isang magandang babae ang bodyguard ng Boss nila.
Tumuloy si Don William, Sofia, at Sebastian sa opisina. Si Sebastian ang unang nagsalita, "Ngayon, Papa, naniniwala ka na bang hindi ko kailangan ng personal bodyguard, security escort whatever?" Umupo siya sa likod ng mesa niya. "Tingnan mo naman ang mga gwardiya natin kanina. Handang handa silang lumaban sa mga trespasser. Maski na babae ay hindi sila malilinlang."
Lumapit si Don William. "Hindi parin ako kumbinsido, Sebastian. Ang ibig sabihin lang ng nangyari kanina ay ginawa nila ang kanilang mga trabaho na dapat lang, sa laki ba naman ng sweldong binibigay ko sa kanila."
Umiling-iling si Sebastian. Dahil nga sa hindi niya naging ugali ang sumagot o mangatuwiran man lang sa ama kaya isang bagay na lang ang nasabi niya. "Bahala ka, Papa. Dahil sa babae ang bodyguard ko ay nalalagay nga lamang ako sa nakakatawang sitwasyon. Kalalaki kong tao pero heto't babae pa ang nagbabantay sa akin." Masama ang loob na nasiwalat ni Sebastian sabay tango sa nakatayong si Sofia, "hindi lang basta babae, ha. Sobrang ganda pa. Dapat ay ako ang nagtatanggol sa kanya at hindi tulad nito."
Lumapit si Don William at tinapik sa balikat si Sebastian. "Hayaan mo, anak. Isang araw ay makikita mo rin ang gusto kong mangyari at sasabihin mong tama nga ako."
"Sana nga tama ka, Papa." Aniya habang nakatingin sa papalabas nang si Don William.
Hindi pa halos nakakalabas ng opisina ang Don ay hinarap na ni Sofia si Sebastian.
"Sir, unang-una sa lahat ay gusto kong sabihin sa inyo na hindi ninyo dapat sinabi sa mga security officers na ako ang security escort ninyo." Lumapit si Sofia sa harap ng mesa.
"Pangalawa ay hindi porke babae ako ay hindi ko na kayang ipagtanggol ang sarili ko at maging ikaw kung saka-sakali." Namewang si Sofia, "pangatlo..."
"Teka, teka, De Guzman. Pinapagalitan mo ba ako?" Sabad ni Sebastian.
"Hindi naman, pangatlo, ang ginawa mong pagsasabi sa lahat na ako ang iyong security escort ay naglagay sa akin at lalung lalo na sa buhay mo sa peligro." Dugtong ni Sofia na parang walang narinig sa sinabi ni Sebastian.
Umiling-iling ang gwapong binata na parang naging bata na pinapagalitan, "Unang-una, Miss De Guzman, huwag mong kakalimutan na ako ang amo mo at..."
"Wrong, Sir." Awat ni Sofia, "ang nag-hire sa akin para protektahan ka ay ang iyong ama."
Hindi ito pinansin ni Sebastian, "pangalawa, De Guzman, ano ang ginagawa mo roon sa basement parking? Di ba dapat ay binabantayan mo ako?" Binabantayan?
"Tama ka, Sir! Kaya nga ako naroon ay tinitingnan ko ang mga posibleng gamiting paraan ng mga kidnapers mo para makapasok rito, kaya please lang, Sir! Pakiusap lang na sa susunod ay huwag naman ninyong i-broadcast sa lahat ang trabaho ko dito. Magandang hapon, Sir!" Iyon lang at tumalikod na agad si Sofia na kanina pang naiinis dala ng kapeng natapon sa suot nito.
Nakalabas na si Sofia ngunit inis na inis parin si Sebastian sa nangyari. Para siyang isang bata na pinagalitan. Talagang naisahan na naman siya ng kanyang bodyguard. Pero nangako naman si Sebastian sa sarili na babawi siya kay Sofia. Hindi pa tayo tapos De Guzman! Himutok ng isip niya.
Nang makalabas si Sofia ay hindi maiwasang hindi mapatitig sa kanyang suot na damit ang secretary ni Sebastian na si Luz, "What happened to your blouse?" Takang tanong nito habang nag-aayos ng mga papers sa ibabaw ng mesa nito na malapit lamang sa kanyang mesa.
"Don't mind it. Mahabang istorya." Sagot nito ng makaupo sa sariling upuan.
"May extra ka bang damit?"
"Okay lang." Ngumiti siya kahit inis na inis na sa lagkit na hatid nito.
"Are you sure? May extra t-shirt ako sa locker. Baka kasya sayo. Kesa gusot yang mukha mo riyan." Tumawa ito ng pino.
Unang araw pa lamang niya sa trabaho pero lagay na agad ang loob niya kay Luz dahil mabait naman ito sa kanya at hindi nagpapakita ng 'Hate Feeling' kaya naman kinaibigan na niya ito.
Ngumiti siya, "Thank you." At sa huli ay lumabas siya sa restroom na suot ang isang simpleng t-shirt na puti na bumagay naman sa suot nitong pang-ibaba.
Ngayon ay nakakangiti na muli siya ng maganda. Sa totoo lang ay hindi siya pinalaki ng mga magulang niya na maarte o di kaya ay pihikan kahit pa may kaya sila sa buhay. Gusto lang talaga niyang kumportable ang bawat galaw niya upang hindi ito makasira kung may biglaan mang magaganap lalo pa't isa sa mayayamang pamilya ang kargo nito. Mahirap na, baka dahil sa kapalpakan niya ay mawalan ng tiwala ang mga taong nasa likod niya.
"Ang sexy mo!" Bungad ni Luz ng lumapit siya.
"Sshhhh." Aniya na nahihiya.
"Totoo naman eh! Mas bagay sayo 'yan kesa lagi kang naka business suit na parang nilalamig. Ang init kaya!" Tumawa ito at ganon din siya.
"Oo na! Oo na!" Anang si Sofia na pimulahan ng pisngi.
Mula sa bintanang bubog ay tawan ni Sebastian ang masayang mukha ni Sofia na nakangiti sa secretary niya. Napakunot noo siya ng mapansing iba na ang suot nitong pang-itaas. Naalala niya na natapunan ito ng kape kanina sa basement. Kaya siguro gusot ang mukha nito at pinipilit lang ngumiti.
"Ewan ko lang kung tumagal ka sakin, De Guzman..." Mahina niyang bulong pero naroon ang inis sa dalaga.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro