Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

KABANATA 18

Time




Ang akala ni Daniela ay matatagalan pa bago niya muling makita at makausap si Sebastian ng ibigay nito ang business card niya sa lalaki. Ngunit ng gabing iyon ay nakatanggap agad siya ng isang text message na naglalaman na gusto siya nitong makausap.




"What the hell are you doing, Ma?" Kapapasok pa lamang ng kakambal niya at ng kanyang ina. Matamlay siyang napatitig sa mga ito, "Hindi ba talaga kayo titigil?" Naupo ang mag-ina sa harapan ni Sofia.




"Sofia, anak..."




"No, Mom... please answer me." Titig siya sa kanyang ina.




"Mas nahihirapan ako pag nakikita kitang ganyan, Anak."




"Nahihirapan? Hindi ko hininging tulungan n'yo ako sa kung anumang kailangan ko sa buhay ko. Naging matapang ako para sa atin. Sinalba ko ang buhay ng bawat taong dumaraan sa palad ko dahil yun ang trabaho ko, Ma." Noon tumulo ang luha niya, "umalis ako sa trabaho ko para sainyo, para kay Stephen pero bakit ganito pa ang iginaganti n'yo sa lahat ng sakripisyo ko?" Ayaw man niyang isumbat iyon pero totoong nasaktan siya sa nangyari pakikipagkita ng pamilya niya sa Familia Alonzo.




"Sofia—"




"Ma, kahit anong sabihin n'yo," tumingin ito sa kakambal, "kahit pa mahal na mahal ko s'ya at ang anak namin, hinding hindi na magbabago pa ang isip ko na bumalik sa america at mamuhay kasama ang anak ko..." Tumayo siya.




"Sofia..."




"Enough, Daniela! Masyado ng pagod ang puso at isip ko. Kung gusto mong malaman n'ya lahat ng totoo, then go... Ikaw na ang bahala. Kung gusto n'yong mag-iskandalo sa kasal n'ya, go! Gawin niyo. Hindi ako makikialam sa kung ano pa mang gustuhin mo. Yung sarili ko naman ang uunahin ko. Goodnight..." Tumalikod na si Sofia upang itago ang paghagulhol niya.




"Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito?" Panimula ni Daniela kaya't napahinto siya sa paglalakad, "Dahil ito lang ang kaya kong gawin kapalit ng lahat ng sakripisyo mo. Sa tuwing nakikita kong walang ama si Stephen, naaalala ko yung mga panahong wala akong ama. Napakasakit noon Sofia at habang lumalaki si Stephen ay mas lalong nadudurog ang puso ko sa sakit. Sebastian is a good man, Sofia. Sa bawat pagtitig niya sayo kanina, alam kung ganoon rin ang damdamin niya para sayo. Alam kong gusto ka na n'yang takbuhin kanina at yakapin. Yun ang ipinaglalaban ko, Sofia. Ipinaglalaban ko ang kaligayahan mo. Ang magiging kaligayahan ni Stephen balang araw. Kaya't humihingi na ako ng sorry sayo ngayon. Dahil hindi ko maipapangako na maging loyal sayo sa ngayon. Para kay Stephen at sayo ang lahat ng ito, Sofia." Humarap si Sofia sa kakambal ngunit tumalikod naman ito upang iwasan ang mga mata niya. Dali daling umalis si Daniela roon at naiwan na lamang si Sofia na umiiyak.




"Mommy..." tuluyan na siyang napaluhod sa pag-iyak na agad namang umagapay ang ina na umiiyak rin.




Maagang nagising si Sebastian kinaumagahan. Pero ang totoo naman ay hindi siya nakatulog ng maayos. Para bang nakapikit lang siya at gising ang diwa. Kinakabahan kasi siya sa pagkikita nila ni Daniela. Kinansela na rin niya ang ilang meeting nito upang sa ganon ay makausap niya ng maayos si Daniela tungkol sa mga properties na inialok ng mga ito sa kanila. Pero iba parin ang kutob niya. Malakas ang kutob ni Sebastian na hindi negosyo ang dahilan kung bakit sa kanya ibinigay ni Daniela ang business card nito gayong ang ama niya ang kausap nito kagabi. Talagang kinakabahan siya sa mga nangyayari lalo pa't si Sofia lang ang laman ng isip niya buong magdamag.




Hindi tuloy nalamayan ni Sebastian na nasa harap na siya ng isang cafe kung saan ay naroon si Daniela at nagiintay sa kanya. Napasabunot muna siya sa ulo at saka bumaba roon. Nang makapasok naman sa naturang cafe ay agad naman niyang nakita si Daniela. Mukhang maayos ang bihis nito kumpara kagabi na maiksing short at malaking t-shirt. Nakapusod rin ang buhok nito na sabog sabog naman kahapon. Kung susumahin mo ay talagang american style ang datingan nito kagabi ngunit ngayon, mala executive naman ang galawan ng babae. Napapailing nalang si Sebastian. Totoong malayong malayo ang style nito kay Sofia.




"Good morning, Miss De Guzman," umupo siya sa tapat nito. Ibinaba naman ni Daniela ang suot na sunglass at saka ipinatong sa lamesa. May kape narin ito sa harapan niya. Mukhang maaga yata itong dumating kaya nakapag-kape na rin ang dalaga.




"Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa, Sebastian." Yun agad ang sagot ni Daniela. Inilabas nito ang mga papeles.




"What is this?" Kunot noo niyang tanong.




"Our properties contract..." Ipinikit saglit ni Daniela ang mata at naginat inat ng leeg bago muling nagmulat.




"Huh? I-I don't understand—"




"I just need your signature in it..." Pinagtaasan niya ng kilay ang kaharap. Mahirap bang intindihin ang mga sinasabi niya?




"Oh! Wow! Nagpacancel pa ako ng napakaraming meeting tapos pipirma lang pala ako dito? Bakit hindi ka nalang pumunta sa office ko at doon mo ako pinapirma niyan. Ano 'to? Anong klaseng trip 'to?" Tumawa pa si Sebastian kaya naman natahimik si Daniela upang pigilin ang inis.




"Ya better read it first... atsaka mo ako kausapin," Humigod si Daniela ng kape. Sa katunayan ay patatlo na niyang tasa iyon dahil kinakabahan siya.




"Is my Dad and Mom know about this?" Tanong niya.




"Probably yes. We had breakfast few minutes ago before you—"




"Damn!" Nagulat si Sebastian sa narinig.




"Yes! Damn! Kaya alam na nila lahat ng papeles na yan. Ikaw nalang talaga ang hindi..." Ngumiti si Daniela upang itago ang tensyon. Talagang pinagpapawisan na ang kilikili niya sa suot nito. Kung bakit ba naman ganito pa ang naisipang ipasuot sa kanya ng ina.




Bago pa humaba ng humaba ang usapan ay minadali niyang binasa lahat ng papel na hawak niya. Napapatango naman siya dahil lahat ng property ng mga De Guzman na gusto niya noon sa Cebu ay siyang ibinibenta ng mga ito maliban sa mansyon ng De Guzman. Kaya't pumirma siya sa bawat tapat na may pirma ang mga magulang niya. Nakita rin niya ang pirma doon ni Sofia. Kaya't nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso. So totoong anak nga nito ang batang dala nito kagabi at totoong may asawa na ito kaya't gusto na nitong bumalik ng Amerika. Ang ipinagtataka lang niya ay bakit De Guzman parin ang last name ni Sofia sa bawat pahina na pinirmahan niya.




"Are you done?" Pukaw ni Daniela.




"Hmm one last paper..." At inilapag ang mga pinirmahan niyang papel.




Napakunot nuo si Sebastian sa pagtataka. Bigla'y bumilis ang pagtahip sa kanyang dibdib.




Ano ito?




"What is this... Birth certificate??" Gulat na gulat na tanong ni Sebastian.




"Yes! Correct, pero hindi namin yan pinagbibili, but that's the finale..." Ngumiti si Daniela na siyang ikinagulat naman ni Sebastian kaya't pinagtuunan niya ng pansin ang birth certificate na hawak niya. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw ang nakasulat roon.




Stephen King De Guzman Alonzo




Hindi niya magawang kumurap ng mabasa niya sa tapat ng father's name ay ang buo niyang pangalan. Halo halo emosyon ang nararamdaman niya. Hindi tanggapin ng kanyang mga mata ang nakikita at nababasa.




"I really don't know what to say, Miss De Guzm—"




"Daniela, just call me Daniela. Yes, ganyan din ang isinagot ng mga magulang mo kanina." Napakaganda ng ngiti niya dahil nabunot na lahat ng tinik na nakatusok sa dibdib niya. Ang akala niya kasi ay hindi ito maniniwala sa nabasa pero mukhang naniniwala naman ito. Baka hindi kayanin ni Daniela kung pati si Stephen ay walang kilalaning ama.




"Daniela..."




"Kung tatanungin mo ako kung totoo lahat ng iyan, oo, oo ang sagot ko. Hindi ko ugaling pumunta sa recto para magpapeke ng birth certificate lalo kung about sa pamangkin ko. No one can hurt him hangga't nabuhuhay ako, Sebastian." Ngumiti ito para itago ang nagbabadyang mga luha.




Noon naluha si Sebastian. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya akalaing may anak siya sa taong mahal niya. Hindi niya alam kung tatalom ba siya sa sobrang saya o iiyak dahil sa pagkukulang niya para sa mag-ina niya.




"Actually, si Sofia talaga ang nagplanong ibigay kay Stephen ang pangalan mo, kahit na ayaw ni Mommy at lalong ayaw ko. Pero nagbago ang isip namin ng makita ko ang pamangkin ko. Ang sakit lang isipin kasi hindi mo manlang siya nakitang gising kagabi. Eh di sana'y nakita mo rin kung paano at bakit ikaw ang kamukha ni Stephen..." Nangi-ngiti niyang pahayag.




Hawak hawak parin ni Sebastian ang orihinal na birth certificate ng anak, "Naniniwala ka ba sa once upon a time? Happily ever after? Mga disney movie..."




Napatunghay si Sebastian sa tanong ni Daniela, "Once upon a time? Happily ever after..." Nalukot ang noo.




"Yep, kung naniniwala ka ba sa mga ganoon..."




"Sometimes..." Pinahid ni Sebastian ang luhang tumulo sa ilong niya. Boses lalaki parin naman ito kahit pa naiyak ito sa hawak na papel, "Siguro noong nakilala ko ang kapatid mo, noong nakasama ko siya, mga panahong hindi ko na iniisip na iligtas niya ako. Kasi ang iniisip ko noon iyong palagi ko siyang katabi at kasama. Nawala sa isip ko iyong mga pagbabanta sa buhay ko kasi ang iniisip ko ay kung paano ko siya paaamining mahal niya ako..." Natawa ito bahagya.




Gusto maluha ni Daniela pero mas pinili niya makitawa nalang sa kausap, "I think sa mga oras na ito ay nasa bahay na sila Tito and Tita. Kasi nung nakita nila yan halos atakihin na si Tito sa puso dahil sa tuwa. Well, even Tita. Hindi ko lang alam kung nagustuhan ba ito ni Sofia gayong alam niyang ikakasal ka na kay Elainn—"




"Ofcouse not! What the hell are you talking about!" Kunot noo.




Tumawa muli si Daniela, "Elainne is a beautiful, firm, sexy and damn good friend anyway..."




"What? Wait— you know what? Until now hindi ko parin maintindihan ang lahat... Bakit kung makapagsalita ka parang kilala mo ang kriminal na iyon?" Aniya ngunit nakatutok parin ang mga mata sa papel na hawak.




"Elainne and I made a fake news paper..." Panimula ni Daniela.




Noon napatitig si Sebastian sa kanya na hindi maitago ang pagtataka.




"And I showed it to my twin sister last week. Syempre nagulat s'ya. I thought susugurin ka n'ya at sasabihing ikaw ang ama ni Stephen and so on, pero nagkamali kami ni Elainne. Kung tatanungin mo naman kung bakit ko kilala si Elainne, oo. Kilala ko talaga s'ya. That crazy woman. I met her in US last year..." She smiled, "nagsosorry s'ya sakin which is dapat kay Sofia. Hindi n'ya kasi alam na magkakabal kami... like you, hindi mo rin alam, right? So we made a plan A to plan B that time at yung time na iyon ay ngayon. Sinabi ko rin kay Elainne na kaibiganin ka parin n'ya at subaybayan. Alagaan at alamin ang lahat about sayo habang nasa US parin kami para panatag ang loob ko. Well, hindi siya kriminal at alam mo yan. Hindi napatunya sa korte na may kasalanan siya, hindi ba? Kaya nga nasa labas siya ng rehas... because she's innocent," Ngumiti si Daniela, " Well, gusto kong maging masaya ang kakambal ko at alam kong ikaw lang ang makakagawa noon..."




"I have no words, Daniela..."




"I know. I understand." Ngumiti siya.




"He is my son, oh god..." Napahilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. "Kailangan ko s'yang makausap... Please, I need your help." Pagmamakaawa ni Sebastian kay Daniela.




:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro