17
KABANATA 17
Just So You Know
Nakakailang ulit na yatang pumikit at dumilat si Sebastian upang siguraduhing si Daniela nga ang nakikita niya mula sa loob ng restaurant na kinakainan ng pamilya niya ngayon. Masaya itong nakikipagkulitan sa kasama nitong bata habang tumawa naman ang bata na kasama nito. Kung hindi lang niya alam na may kakambal si Sofia ay baka masabi nitong si Sofia nga ito ngunit malaki ang pagkakaiba nila at unang una na roon ay ang kulay ng balat at pati na rin ang pananamit nito. Alam niyang hindi ito si Sofia idagdag pa ang maliit na peklat sa mukha nito.
Kanina pa siyang palingalinga upang habulin sana ng tingin ang mga ito ngunit nawala na rin ito sa kanyang paningin. Wala naman siyang nagawa kundi bumalik ang atensyon sa pagkain dahil kaarawan ng kanyang ina at ayaw niyang masira ang gabing ito dahil sa nakita niya ang kakambal ni Sofia. Paano kasi'y ang unang pumasok sa isip niya ay baka nandiyan lamang si Sofia at kasama ang kakambal. Baka nakakalimutan mo kinalimutan mo na siya! Bakit hinahanap mo pa?
"Oh, andyan na pala sila Tin!" Galak na galak niyang narinig mula sa kanyang ina.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sebastian ng makita niyang papalapit ang kanina pa niyang sinusundan ng tingin, si Daniela at ang batang karga karga na niya ngayon.
"Ma? Pa?" Bulong niya.
"Relax, hijo. Just ignore whatever you see right now... Relax." Bulong rin ng ama na nakuha pang ngumiti.
"You kidding me, right??" Naiiling niyang bulong pa.
Ngumiti lamang ang matandang ginang at sinalubong ang ina ni Sofia, "Akala ko'y hindi na kayo dadalo. Magtatampo na sana ako, Tin!" Masaya parin ang ginang.
"Actually Tita, ayaw na sana ni Mommy..." Narinig niyang sabi ni Daniela, boses pa lang halatang hindi na si Sofia ang kaharap nito.
"Hindi naman sa ganon. Hindi ko kasi maiwan sa bahay ang apo ko. Alam mo naman pag first grandchild medyo paborito ng Lola." Anang si Tin.
Natawa si Daniela, "Oh and yes, Sofia is on her way na daw po, Tita, Tito..." At noon nagbigay ng isang makahulugang titig si Daniela sa nakatingin ding si Sebastian, "She really don't wanna miss this night anyway..." Dagdag pa ni Daniela bago ito na upo habang kalung ang batang nahihimbing. Palagay niya'y napagod ito dahil sa mga nakita niya kanina na talaga naman napakakulit ng bata habang nakikipaglaro.
Bakit ba parang pinagtitripan siya. Parang kahapon lang ay masaya siya at sinasabing nakamoved on na siya sa lahat ng sakit na dinanas niya ng bigla nalang umalis si Sofia gayong alam naman nila sa mga sarili nila na mahal nila ang isa't isa kahit hindi pa iyon imungkahi. Ngunit bakit gusto nalang ulit niyang masaktan at bawiin ang mga sinabi niya kahapon ng marinig niya mula sa kakambal nito na papunta ito ngayon kung nasaan sila. Noon naalis ang pagiisip niya ng umiyak ang batang karga ni Daniela.
"Shh, Mommy is on her way..." Tama ba ang narinig niya?
Kumunot ang noo niya, "Wait. What's going on, Ma?" Tumingin siya sa ina, "Pa?"
"Oh, I almost forgot! By the way hijo, this is Daniela, Sofia's twin!" Anang kanyang ina upang matakpan ang una niyang tanong.
"And we finally met!" Naglahad ito ng kamay. "I heard a lot about you..." Tinanggap ito ni Sebastian at saka pilit ngumiti.
"You heard a lot about me like?" Naghahamong tumingin ito sa babae.
"Haish. Just so you know."
"Know what?"
"Oww, like you're going to marry your ex-girlfriend, Elainne..." Tumaas ang kilay niyo.
"What?" Naguguluhan niyang tanong at napatingin sa ina. Nagbigay naman ng makahulugang tingin ang ina na nagsasabihing hindi rin niya alam ito.
"Ugh, nevermind..." Ngumiti siya, "Sofia!" Anang si Daniela at kinawayan ang kakambal. Noon tumigil ang pagikot ng mundo para kay Sebastian. Parang may fiestahang nagaganap sa kanyang puso dahil sa bilis ng pagtambol nito. Hindi niya magawang ikurap ang mga mata.
Ang babaeng papalapit sa kanila ay si Sofia nga. Sa suot nito ay alam niya ito ang babaeng bumihag ng puso niya. Ang ekspresyon ng mukha at bawat pag indayog ng balakang habang naglalakad ay alam niyang ito ang babaeng minahal niya. Mas kumalabog pa ang puso niya ng makalapit na ito sa kanila.
"It's nice to see you all again, Sir, Ma'am." Pormal na bati ni Sofia ng makalapit siya. Marahan niyang binuhat ang batang nasa kandungan ni Daniela, "Let me do this, thanks..." Narinig niyang sabi nito sa kakambal. Kumunot lalo ang noo niya. Binigyan ni Sofia ng isang halik sa noo ang bata kaya't napadako roon ang mga mata niya.
Bagay na bagay sa kanya ang maging ina.
"It's nice to see you too, Sofia." Anang si Don William. Ngumiti ito.
"Maligayang kaarawan po, Ma'am." Yumuko pa siya upang magbigay galang.
"Napakapormal mo talaga hija, samantalang si Daniela eh tita ang tawag sa akin."
Ngumiti lamang siya at muling ibinalit ang atensyon sa anak.
"Let's eat first? Bago natin pag-usapan ang negosyo..." Anang Don.
"Negosyo?" Si Sebastian.
"Negosyo?" Si Sofia.
"Let's eat, guys! Mas maganda yung busog..." Singit agad ni Daniela at kumuha nga ito ng pagkain.
"Mommy..." Anang si Sofia. Ngumiti lang ang ina. Iba ang kutob ni Sofia. Ni hindi nga niya alam na narito pala si Sebastian.
"So how's New York, Tin? I heard na okay na ulit ang negosyo at ilang site mo sa Cebu..." Pagbubukas muli ni Don William ng usapan.
"Yes and that's why I came." Anang si Tin ang ina ng kambal.
"What are you talking about, Mrs. De Guzman?" Singit ni Sebastian.
"I think, it's time to let it go. I mean to say my properties. I just want to focus on them now. Parang gusto ko na dito na lamang manirahan tutal ay ayaw rin naman nilang umuwi ng Cebu..." Tumingin ang ginang sa kambal.
"That's not true Mommy. I mean, I just want to explore here before I go back..." Anang si Daniela at muling isinubo ang laman ng kutsara.
Tahimik namang nakikinig si Sebastian habang inaabangan ang sagot ni Sofia sa mga sinasabi ng ina nito.
"Me too..." Tipid namang sagot ni Sofia, "Stephen having some skin problem..." Dugtong pa niya na muling luminga sa kapatid.
Who's Stephen? Napaupo si Sebastian ng tuwid.
"Fia..."
"Mommy, not now please? Not here, okay?" Ngumiti si Sofia, "I think we have to go, Ma'am— I mean Tita, Tito. It's already nine..." Tumingin ito sa anak.
"Who's Stephen?" Noon nawalan ng kontrol ang bibig ni Sebastian.
Napatahimik ang lahat maging si Sofia. Ito na nga ba ang kinatatakot niya. Ang magtanong si Sebastin. Kanina habang papunta siya roon ay mataimtim siyang nagdasal na huwag sanang gumawa ng kahit anong iskandalo si Daniela dahil ito ang kasama ng anak niya. Kinailangan kasi niyang makipagkita kay Tikdas at Everwing. Nagulat na lamang siya ng makatanggap siya ng isang text message mula kay Daniela na kasama niya si Stephen at ang ina sa isang restaurant with the Alonzo's kaya wala siyang nagawa kundi sundan ang mga ito.
Hindi tuloy niya alam kung binablockmail ba siya mg kakambal upang mapalapit muli sa binata at malaman nito na si Stephen ay bunga ng lihim nilang pagmamahalan. Bakit ba pagdating sa anak niya ay nagiging marupok siya. Nangako siya na hindi na muling magpapakita sa mga Alonzo ngunit heto siya't nakikipag-espadahan ng tingin kay Sebastian na dapat na niyang kalimutan dahil ikakasal na ito.
Wala siyang nagawa kundi sagutin ang tanong ni Sebastian, "My son." Tipid niyang sagot atsaka tumayo.
"Your son?" Laglag panga at namilog ang mga mata ni Sebastian. May anak na siya?
"I really have to go." Aniya at tumingin sa mga tao roon bago kay Daniela na kanina pang masama ang tingin sa kanya, "Gonna use my own car." Aniya sa kakambal bago yumuko sa ina at nagbigay ng halik. Ngumiti sa magasawang Alonzo. "Thank you po. The food was definitely nice," Ngumiti muli at saka naglakad karga ang anak na nahihimbing parin sa pagtulog.
Nang wala na si Sofia ay sabay sabay pa silang napatingin sa plato nito na hindi naman nagalaw ang pagkain. Napangiti na lamang si Daniela. She knew it! Alam niya pag kinakabahan si Sofia at kung kailan ito matapang. Napapailing na lamang si Sebastian sa mga nangyayari. Hindi niya alam na sa ganitong pangyayari niya muling makikita si Sofia. Parang may kung anong bagay ang tumutusok sa puso niya ng malaman niyang may anak na ito at balak pang manirahan sa America. Noon niya muling naramdaman ang sakit na naramdaman niya noong iniwan siya ng dalaga ng walang paalam.
"I'll call you Tito and Tita about the properties na matagal n'yo ng gustong bilihin kay Mommy and for more infos? Just call me then..." Iniabot ni Daniela ang business card niya kay Sebastian. Nagulat naman ito sa ginawa niya, "For more information..." Binigyan niya ito ng makahulugang tingin na nagsasabing 'This is the time Sebastian. Please call me soon. Please!'
Malalim na ang gabi pero hindi parin dalawin ng antok si Sebastian. Hindi niya maitatangging mas lalong gumanda si Sofia. Mas lalong gumanda ang katawan. Walang pinagbago ang mukha, sweet, cute, angel... ganoon kung ilarawan niya ang dalaga kahit pa palagi itong seryoso noon. Umupo siya sa tabi ng swimming pool at inilubog ang paa doon habang umiinom ng beer. Bakit ang dali dali lang kay Sofia ang harapin siya. Parang hangin lang siya na hindi nakikita ni Sofia kanina.
"Fuck! Ikaw parin, Sofia! Fuck!"
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro